Chapter 2

1447 Words
JINA's POV Alam niyo ba yung nakakainis? Yung ganito, kailangan maghiyawan? Ano to New Year? "KYAAHHH!!!" "I LOVE YOU JAMES!!!!" sabi ni classmate #1 "I LOVE YOU ALL" sabi ni classmate #2 Sakit naman sa tenga oh. Nakakita lang ng mga gwapo naghiyawan na! Ano sila? artista? "CLASS STOP SCREAMING AND BE QUIET" sabi ni Prof. At ayun tumigil naman sa kakasigaw yung mga classmates ko at nagsibalikan na sa kanilang mga upuan Salamat naman! "Mr. Park bakit ngayon lang ka'yo?" Inis na tanong ni prof. "Wala kang pake!" sagot naman ni masunget tapos tiningnan nya ng masama si Prof. Natahimik naman si Sir dahil doon. Ay grabe siya. "O-ok Mr.Park I'll forgive you a-and your friends" utal na sabi ni prof. "Tss." "You three can sit beside Ms. Oh" sabi ni prof. sa kanila "We know" sabi nya tapos dere-deretsyo syang umupo sa tabi ng upuan ko Ay walang galang "Ok u-umm M-miss Oh you can continue"sabi sa'kin ni prof. "Tsk walang kwenta" ani angel "HaHa, tama ka girl" pag-sangayon ni Eunice "Good Morning, I'm Regine Marie Oh, half korean and excuse me miss Angel the retokada and Eunice panis akala nyo ang gaganda nyo pero yang mga mukha nyo eh na-retoke lang eh ako natural tapos yang kutis nyo di pantay..tss, kung ako sa inyo bago kayo manlait tingnan nyo muna yang sarili nyo! Sorry Prof. for the long speech. That's all thanks" Tiningnan ko facial expression nilang dalawa ayun pulang pula sa inis haha Tawa naman ng tawa yung mga classmates ko haha pati nadin si prof. tsaka yung tatlong lalaki sa likod JAMES's POV Kainis naman yung mga babaeng to, palagi nalang nagsisigawan tuwing papasok kami. Kala mo naman bingi ka...kainis I'm James Park, the most popular and gorgeous man in campus. I'm a full korean last year lang ako nagtransfer dito. Kung nagtataka kayo kung bakit magaling akong magtagalog yun ay dahil sa kadahilanang mahal na mahal ni Papa ang kultura dito sa Pinas and he even hired a Filipina Maid for me when I was young. Habang naglalakad kami sa hallway, may nabunggo na naman si Jeremy. Tsk always clumsy. "Umm miss ok ka lang" tanong ni Jeremy Ay bobo, nagtanong pa, obvious naman na nasaktan yung babae "Ok lang ako Mr?" WHAT THE HECK?! Hindi niya kami kilala?? "Di mo kami kilala?"gulat na tanong ni Jeremy Syempre kaya nagtatanong di ba? Tss "Ba't di mo siya pabayaan" tsk sumasakit ulo ko kay Jeremy Hindi niya ako pinansin tapos nagpakilala sya kay nerd girl Tsk. Nakakastress Sa Room~ "Mr. Park bakit ngayon lang kayo?" dadagdag pa'tong prof. na'to sa sakit ng ulo ko "Wala kang pake!" sabi ko na lang sa kaniya tapos tiningna ko sya ng masama para tumahimik. Edi ayun tumahimik din "O-ok Mr.Park I'll forgive you a-and your friends" "Tss." "You three can sit beside Ms. Oh" "We know" sabi ko kay Prof. Habang papunta kami sa kanya kanyang upuan namin yung mga classmates ko ang sama makatingin kay nerd "O-ok Ms. Oh you can continue" sabi ni prof. At ayun nagpakilala na si Nerd. as if I care "Good Morning, I'm Regine Marie Oh, half Korean-...... " So Regine pala pangalan nya pero mas gusto ko yung Marie, and she's half korean "-and excuse me miss Angel the retokada and Eunice panis akala niyo ang gaganda niyo pero yang mga mukha niyo eh na-retoke lang. Ako natural tapos yang kutis niyo hindi pantay. Tss, kung ako sa inyo bago kayo manlait tingnan niyo muna yang sarili nyo! Sorry Prof. for the long speech. That's all thanks" Hahaha wow ganda ng speech. Hindi ko mapigilang matawa dahil ang ganda ng facial expression ng dalawang pinahiya niya I like this Nerd palaban Tapos ayun umupo na sya sa tabi ko "Hey" bati ko sa kaniya "Ako kinakausap mo?" bored niyang sagot habang tinuturo ang sarili niya "Ay hinde-hinde yung upuan yung kausap ko. Tss" nagtanong pa eh malamang siya binati ko "Sunget" she murmured "May sinasabe ka?" sabi ko sa kanya "Wala sabi ko Hi" bored niyang sagot "Ganda ng speech mo kanina ah" pagko-compliment ko sa kaniya "I know" cold niyang sabi Nakakainis nato ah. Kinakausap ng maayos, ganito kung sumagot. Ganito ba talaga mga nerd? "Bakit ang pula ng mukha mo? May sakit ka ba? O baka nagba-blush ka? Siguro type mo ko no?" Nabigla naman ako sa pangatlo at pang-apat na tanong niya Type ko daw siya YUCK Nananaginip ata ‘to ng gising. Assuming. Bilib din ako sa lakas ng loob nito. "Park-oppa ang pulang pula na mukha mo parang kamatis. Yiieehh kinikilig hahaha" pang-aasar niya Umiinit na talaga ulo ko dito sa babaeng ‘to baka mamaya masapak ko pa'to pigilan niyo ko pigilan niyo ko. Grabe ‘to. Feeling close! "Si James - oppa type ako" "Type niya ako haha" "Will you please stop" sabi ko sa kaniya Pero parang wala syang narinig patuloy parin sya sa pang-aasar kaya wala na akong choice kung hindi TSUP JINA's POV TSUP Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. First kiss… First kiss ko'to ah Sana hindi ko na lang siya ininis. Ayan tuloy nanakaw first ko. NapakaFC mo kase Jina! Sinamaan ko siya ng tingin pero ngingisi lang siya at tinitigan ako ng nanunuya. Sasapakin ko na sana siya pero bago ko pa magawa… "YOU TWO GET OUT OF THIS CLASS NOW!!!!" Hala nahuli kami ni Prof. Kasalanan ni James to eh "MR. JAMES PARK HINDI KO TO PALALAMPASIN SASABIHIN KO'TO SA MAGULANG MO" galit na sabi ni Prof. kay James "Go ahead and tell him" sabi niya Tapos bigla niya nalang akong hinila palabas sa room. Sakto namang nag ring yung bell nang makalabas kami. Magsasalita na sana siya kaso bigla akong tumakbo papunta sa cafeteria Sa Cafeteria Buti naman nakatakas din ako sa kaniya Nasa cafeteria na ako ngayon nang makita ko si Kyla "Kyla" tawag ko sa kaniya "Uy girl tara sabay na tayong um-order ng food" aya niya "Ikaw na lang busog pa ako eh" "Ok pero samahan mo ako" "Sure" "So girl kamusta? Okay lang ba yung trato ng mga classmates mo sa'yo? Kung hinde sasabunutin ko yung mga yun" sabi niya "It's ok ikaw kamusta naman?" tanong ko sa kaniya "Ok lang din girl. Alam mo daming cute na boys sa section namin pero mas gwapo at cute pa din si Jeff my loves ko noh" sabi niya at parang kiti kiting kilig na kilig. Napabuntong hininga lang ako "Oo na oo na" "Uy classmate mo daw siya?" tanong niya "Oo" napa’O’ naman ang bibig niya at lumapit sa akin. Tinapik pa niya ang braso ko. "Uy pakilala mo naman ako sa kaniya ha" "Ayoko" "Please" "No" "Please" tapos nagpuppy eyes pa siya "Psshh di mo bagay mukha kang baka" biro ko sa kaniya "Ang mean mo talaga so pumapayag ka na?" Ano pa bang magagawa ko? Ang kulit kulit e, hindi ako makakain ng maayos. Kailangan ko na lang pumayag para tumigil siya. "Oo na di kasi kita matiis eh" "Yehey" Pagkatapos niyang kumain nauna na siya sa kaniyang next class at eto ako ngayon sa cafeteria pa rin kumakain tapos may biglang lumapit sa akin. Ay si Angel the retokada and Eunice panis lang pala "What do you want?” walang gana kong tanong. Ano nanamang kailngan ng dalawang ‘to? Hindi pa ba sila masaya kaninang nilait lait nila ako? May mga tao nga talagang hindi nakukuntento sa kaunting panlalait sa kapwa. To be honest, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Ewan ko ba bakit gusting gusto nila akong ibully, in fact mas maayos naman silang manumit sa akin. Wala namang nakaka-insecure sa akin. "What-do-you-want your face, hoy nerd bakit mo hinalikan si King James?" tanong ni Angel the retokada Yun lang? Yun yung dahilan nila para sugurin ako dito? At ano raw? Hinalikan ko ang hari nila? Mas pinili ko na lang na hindi sumagot "Oh ano bakit di ka sumagot? May relasyon ba kayo ni King James? O baka isa ka lang sa mga flings niya? Sa bagay bakit ka naman niya magiging girlfriend kung yung looks mo wala ng panlaban sa looks ko" sabi naman ni Eunice - panis "Haha tama ka girl. Hoy nerd ito tandaan mo sa akin lang pwede magkagusto si King James tsaka wag ka ngang lumapit sa kanya maliwanag" sabi naman ni angel the retokada habang dinuduro ako. "Hindi kaya. Sa akin magkakagusto si King James" sabi ni Eunice-panis "Me" sabi ni angel Hanggang hindi na sila natapos. Then ako naman umalis ng hindi nila napapansin sa Cafeteria. Ang ingay nila eh kaya pumunta nalang ako sa garden.... TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD