Chapter 3

1738 Words
Jina's POV Ayun nakaalis ako sa cafeteria nang hindi nila napapansin Nagpunta ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin at makatakas sa mga mapanuring mata ng mga estudyante dito sa University. Buti naman peaceful dito at makakain na rin ako ng walang istorbo Kakain na sana ako nang biglang. BOOGGSSHH Aray! Sakit ng likod ko Oh no yung food ko huhuhu Teka sino ba'to? "Psst uy nerd buhay ka pa?" biglang nagsalita yung taong nahulog sa puno Medyo familiar yung boses ng taong to ah "Aray! Oo buhay pa'ko sino ka ba ha?" "Asan na ba yung salamin ko" natanggal ang salamin ko, hindi ko mahanap kaya kinakapa kappa ko. Lagpas kasi ng five hundred ang grado ng mata ko dagdag pang far sighted ako. "Tsk talaga bang malabo yung paningin mo?" Ay nagtanong pa halata naman na malabo paningin ko "Ay hinde-hinde sobrang linaw ng mata ko at dahil sa sobrang linaw ng mata ko eh halos di ko na makita salamin ko! Gets mo mister??" Kainis instead na nakatayo sya dyan bakit kaya di niya na lang ako tulungang hanapin yung salamin ko "Sorry naman" James's POV Aray shit Oops Hala nadaganan ko si nerd baka mamaya patay na 'to "Psst uy nerd buhay ka pa?" common sense naman James, of course she's alive. Hindi naman siya mamatay sa simpleng dagan lang. "Aray! Oo buhay pa'ko sino ka ba ha?" Wow ang ganda pala niya pag walang salamin. Teka teka ano bang sinasabi ko. Bigla akong nangilabot. The thought of her and me together, disgusting. Erase erase "Asan na ba yung salamin ko" bigla naman nagsalita si Nerd habang gumagapang sa lupa at kinakapa ito. Parang tanga. "Tsk talaga bang malabo yung paningin mo?" tanong ko sa kaniya. I mentally slap my face, of course! Malabo talaga, kaya nga nangangapa e. But on the second thought, baka pinepeke lang nito pagkakalano ng mata niya para mapansin ko siya. Knowing girls, pa-inosente. "Ay hinde-hinde sobrang linaw ng mata ko at dahil sa sobrang linaw ng mata ko eh halos di ko na makita salamin ko! Gets mo mister?" "Sorry naman" Wala na ako alam sabihin eh. Wala pa naman akong ginagawa, galit na agad sa akin. Feisty! "YES! Nahanap ko na rin" sabi ni nerd.Tinaas pa niya yung salamin niya na parang nanalo ng loto. "Tsss" "Hala yung pagkain ko! Hindi pa naman ako nakakapaglunch. Kasalanan mo to eh!" Dinuro duro pa niya ako tsaka tinignan ng masama. NapakaOA naman neto. "Sorry na nga eh" "Di pa kita pinapatawad. Bayaran mo pagkain ko!" "Tsk, come on, sama ka sa'kin" sabi ko sa kaniya tapos hinila ko na siya "Hoy! saan mo ako dadalhin?" Ay nagtanong pa! Walang common sense. Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga babaeng matanong at makulit! Yung pinapaliwanag mo na nga sa kanila pero ayaw pang maniwala. "Edi sa cafeteria, common sense naman tanga, alang-alang dalhin kita sa C.R." Jina's POV "Kung makatanga ka naman" "......." Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria. Nauuna siya sa akin habang nakasunod lang ako sa kaniya. Ayaw kong madikit sa kaniya, baka lalong gumulo ang buhay ko rito. Sa Cafeteria "Ano gusto mo bilhin?" tanong niya. Nag-isip muna ako but an idea popped in my head. Galing mo talaga Jina! "Gusto ko ito, ito, ito, ano pa ba? Tsaka eto then eto, eto, eto pa pala, yan pwede na yan" tinuro ko lahat ng paborito kong pagkain sa menu. Madalang lang may maglibri sa akin, might as well enjoy it. Makaganti man lang sa kaniya since siya ang dahilan kung bakit first time kong mapalabas kanina ng Professor at awayin ako nina Angel at Eunice. "Yan lahat?" nanlaki pa yung mata niya "Bakit may angal?" tanong ko sa kaniya "Wala wala sige maghintay ka na lang sa table" "Ok" tapos pumunta na ako sa table at hinintay siya James's POV Grabe tong nerd na'to, nang aabuso na ah ang daming in-order samantalang yung natapon kanina wala mang P500 yung ginastos. "Oh ayan nerd, ubusin mo yan kung hinde lagot ka sa'kin" "Oo Mr. Sunget" she murmured but loud enough para marinig ko siya "May sinasabe ka?" "Wala sabi ko thank you very very very much Mr. Gwapo"she said sarcastically with a fake smile Umupo ako sa harapan niya at pinanuod siyang kumain. Lakas pala netong kumain. Ang bilis bilis sumubo, parang nauubusan ng ulam. Tinignan ko naman ang katawan niya, payat naman siya. I wonder where she put all that carbs she is eating. "Matanong nga, bakit ka nahulog sa puno kanina?" tanong niya "Kasi ganito yan....." FLASHBACK Naglalakad ako sa hallway ng mag-isa. Nauna na kasi sina Jeff at Jeremy sa tambayan naming. Sabi ko sa kanila mauna na sila sa tambayan dahil may gagawin lang ako Tapos biglang..... JAMESSSSSS!!!!!!!!!! ARRRGGGHHHH Eto nanaman hahabulin na naman nila ako. Bakit ba kasi ako ipinanganak na gwapo? Minsan talaga nakakasawang maging gwapo. Araw araw na lang may palihim na kumukuha ng picture sa akin, kung hindi naman, may bigla na lang aakap. Nasa Pilipinas pa ba ako? And here I am running away from them again. Ayun right timing talaga tong garden buti may puno. After I get into the garden I immediately climbed up in the tree. Thank God hindi nila ako nakita Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sila nakaalis. Baba na sana ako kaso may nakita akong isang babae Teka si nerd ba'to? Bakit nandito yan? Hindi ko na lang sana siya papansinin at bababa na pero bigla akong may narinig na nagcrack at parang gumalaw itong sanga na tinatayuan ko hanggang sa mahulog na ako at madanganan si Nerd. END OF FLASHBACK "HAHAHAHA" tawa naman ng tawa si nerd tch "Huwag ka ngang tumawa" bulyaw ko sa kaniya. Lakas ng loob nitong tumawa, hindi naman niya bagay. Parang kinaganda niya ang pagtawa niya. "Haha talagang pinili hahaha mo pang hahaha akyatin yung haha puno? hahaha" "May choice ba ako?" "Hahahahahahahahahahhahahahahahaha" tawa parin siya ng tawa at may pahampas hampas pa siya sa table. "Tumigil ka nga dyan para kang baliw" bulyaw ko sa kaniya pero ayaw pa rin niyang tumigil sa kakatawa. Pero maya maya ay napapa-ubo siya, tatawa na sana ako pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. Maubusan ka sana ng hangin. "Tch una na ako bahala ka dyan" Tumayo na ako para umalis. I can't stand girls na bigla na lang tatawa kahit wala namang nakakatawa. Naiirita ako. "Sige babye Park-oppa thanks ulit sa food!" Hindi ko na lang sya pinansin JINA'S POV Nang makaalis na si Sunget, bigla namang umepal ang dalawang retokada. Eto na nga ba ang sinasabi ko e. kapag talaga nadikit ako sa masunget na yun biglang e-extra ang dalawang 'to. Nakakasawa na ang pagmumukha nitong dalawang to ah "Hoy nerd bakit mo kasamang nagla-lunch si King James?" tanong ni Angel the retokada. Ang sama ng tingin sa akin. "Duh, this is a democratic country bakit may King? Presidente lang namumuno dito o sadyang bobo lang kayo and FYI di ko kasamang naglunch yang King James niyo sinamahan niya lang ako" "What did you say?" galit na tanong ni Eunice panis "Maglinis nga kayo ng ilong" panggagatong ko pa. Hindi ako yung tipo ng tao na hahayaan na lang na laitin ako. As much as possible, I want a peace of mind "Hoy nerd nang-aasar ka ba?" tanong ni panis "May ginagawa ba ako para ma-asar kayo?" "You b***h sumosobra ka na ah!" gigil na sabi ni retokada "Makaalis na nga dito, daming insekto" Paalis na sana ako nang bigla na lang hinila ni panis yung buhok ko. Parang gustong matanggal ng buhok ko sa anit ko dahil sa higpit ng hila niya. "Ano ka ngayon ha? Nasasaktan ka ba?" nanunuyang saad ni Angel sabay halkhak "Lakas mang-asar wala naman palang ibubuga" sabi ni Panis "Ano bang ginawa ko sa inyo ha bakit ayaw niyo sa'kin?" tanong ko sa kanila at pilit na tinatanggal ang pagkakasabunot niya sa buhok ko pero lalo lang itong humuhigpit. I stared at the crowd around us, wala bang tutulong sa akin? "Wala kang ginawa noon pero ngayon oo inaagaw mo si king james sa'min" sabi pa ni Angel at mas lalo pa akong sinabunutan. "Aww what a cry baby haha" they both laughed Please someone help me "Hoy di naman ata pwede yang ginagawa nyo girls" sabi ni Jeremy. Naggasped naman sila at biglang tinanggal ang pagkakasabunot sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Sorry Prince Jeremy, siya yung unang nanakit sa'min eh kaya nagawa namin to" "Alam nyo girls, masama ang magsinungaling, tsaka kahit siya pa yung unang nanakit eh wag nyo ng patulan" Napanganga naman ako sa sinabi ni Jeremy Yeah go Jeremy, pagalitan mo mga retokadang yan "Pwede ko din kayong i-report sa dean o kaya isumbong kay james, malakas ako dun, baka bukas mapatalsik na kayo dito sa academy" pananakot niya at nilapitan ako. He tapped my shoulder and he smiled at me. Assuring that everything will be alright. I gave him a small smile. "WHAT?! Sorry na Prince Jeremy hindi na kami uulit" pagmamakaawa ng dalawa "Wag kayong mag-sorry sa'kin dapat kay Miss ganda" sabi niya sabay tingin sa'kin Teka bakit ang init ng mukha ko? Nagba-blush ba ako. I mentally scream. First time na may tumawag sa'kin na miss ganda "Prince Jeremy kailangan mo ng salamin or contact lense?" tanong ni panis "Hindi bakit? Hindi naman malabo mata ko ah" tanong ni Jeremy "Eh bakit mo siya tinawag na miss ganda?" Porket ganito ako manumit, wala ng may karapatan tumawag sa akin na maganda. Hanep ang dalwang 'to. "Maganda naman siya ah, teka magso-sorry ba kayo sa kaniya o hindi?" sabi ni Jeremy "NEVER" they said in unison "Ok teka tawagin ko lang si James para sabihin ko yung kasalanan niyo" Kukunin na sana ni Jeremy yung phone niya sa bulsa pero pinigilan siya ng dalawa Nakakatawa yung hitsura ng dalawa. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mukhang problemado. "Oo na magso-sorry na kami" "Eh parang pilit lang" "Look nerd we're sorry we didn't mean to hurt you" ang pangit nilang magsorry. halata namang napilitan lang sila "It's ok" bored na sagot ko "Sige Jeremy una na'ko sa room hehe gamsahabnida" "Welcome, sabay na tayo sa room, ok lang?" sabi niya at inakbayan ako. Nilingon ko muna ang dalawang nasa likod at ang sama ng tingin nila sa akin. Binigyan ko lang sila ng nakaka-asar na ngiti. "S-sure" TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD