09

1326 Words
“A-Anak.” Kaagad akong napabangon sa higaan dahil sa ala-alang ‘yon. Hinawakan ko rin ang kaliwang parte ng dibdib ko dahil sa kakaibang t***k nito at malakas na napabuntong hininga. Mr. Heart naman, wag ka munang susuko, wag ngayon. Bumangon nalang ako para makapag-almusal na, medyo nahilo pa ako kasi wala talaga akong tulog. As in, zero! Hindi ako pinatulog ng isipin ko kagabi. “Utang na loob, umalis ka na! Natutulog pa siya, please lang, wag ka ng manggulo.” Mahinahon ngunit may bakas ng galit na sabi ni Mama “I just want to see my daughter, please naman Lian. Let me!” Tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko at nagpakita sa kanila sabay sabing, “Papa.” “Elle? Anak, can we talk?” May bakas ng tuwang sabi niya. Tumingin muna ako kay Mama bago sumagot, bakas ang pagtutol sa mukha niya kaya naman malungkot akong ngumiti sa lalaki. “Sa susunod nalang po siguro, gusto ko rin po kasing magpahinga dahil wala halos akong tulog mula kagabi.” “G-gano’n ba? Sige, b-babalik nalang ako.” Tumingin siya kay Mama, tapos sa’kin at bagsak ang balikat na umalis. Tumalikod na rin ako, nagpunta sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Hinimas himas ko rin ang dibdib ko dahil sa bahagyang paninikip nito. “Elle?” Tawag ni Mama na sinagot ko ng, “P-po?” Malungkot siyang tumingin sa’kin at niyakap ako. “I’m sorry.” Pang ilang beses na ba? Quota na ako sa mga sorry simula pa kagabi, sorry na nanggaling sa dalawang tao lang naman. Kagabi, nalaman ko na hindi pa talaga patay ang ama ko. Buhay siya, malakas at humihinga. Pero itinago ‘yon sa’kin ni Mama dahil sa takot, takot hindi dahil baka mawala ako sa kaniya kun’di takot sa mga taong maaaring may masabi tungkol sa’min. Anak kasi ako sa pagkakamali, at ito pa ang mas malupet, may kakambal lang naman ako na Emma ang pangalan. Kapatid na hindi ko pa nakikita, at kailan man ay hindi ko na makikilala. ‘Yon ang isang bagay na ikinasasama ng loob ko, pinagkait nila sa’kin ang kapatid na matagal ko ng pangarap. Dalawang taon na siyang patay. Ang kwento nila sa’kin, nagka relasyon daw sila bago pa man magka asawa si Papa. Sikretong relasyon dahil mahigpit ang mga magulang ni Papa. Ang problema, nalaman nila at pinilit si Papa ng pamilya niya na ipakasal sa ibang babae. Wala siyang choice kun’di ang pumayag dahil business partner nila ang pamilya ng babaeng pakakasalan niya, not knowing na buntis pala si Mama. Inilayo ng pamilya niya si Papa at dinala sa ibang bansa kaya nawalan sila ng communication. But what disappoints me is the fact na hindi manlang nagawang ipaglaban ni Papa si Mama. Gano’n ba kalaki ang takot ni Papa sa family niya kaya wala siyang nagawa? 3 years after bumalik si Papa, pero may anak na sila ng pinakasalan niya, si Jimin. Yes, Jimin’s my half younger brother. Nalaman niya ang tungkol sa’min ni Emma at pilit na kinuha kami, that time pabalik balik sa ospital si Emma dahil sa sakit sa puso at ‘di kayang tustusan ni Mama ang pagpapagamot kaya wala siyang nagawa kun’di ang ibigay si Emma sa kanila, sa pag-aakalang mabubuhay ito sa kanila. Pero ang malungkot na balita, namatay din siya sa parehong sakit. Nagpunta rito si Papa kagabi para ipaliwanag ‘yan, kasama ang asawang si Tita Jayne at Jimin. Biruin mo ‘yon, kaya naman pala ang gaan ng loob ko kay Jimin, magkapatid pala kami sa ama. Mabait naman si Tita Jayne at tanggap niya ang sitwasyon. “Mama, nangyari na, okay na ‘yon.” Naupo nalang ako at nagumpisa ng kumain. Okay na ‘yon, pero okay nga ba? Bumalik ako sa kwarto ko pagkakain. Buti nalang talaga at Sunday ngayon, walang pasok kaya makakapagpahinga ako, kun’di baka sabog ako nito sa school. Nahagip ng mata ko ang phone ko na nakapatong sa study table, hindi ko pala ‘to natingnan simula kahapon. Binuksan ko ‘yon para lang tumambad sa’kin ang napakaraming texts at missed calls, karamihan galing kay V, may ilan namang mula kay Ann. Pero walang text galing kay Ex at Jin, oo nga pala, may hinarap din silang eksena kahapon. Tinext ko si Ann at sinabing okay lang ako, dinial ko naman ang number ni V. “H-hello?” May pagka groggy ang boses nya kaya natatawang sumagot ako ng, “V.” May narinig pa muna akong galabog at ilan pang ingay sa kabilang linya bago siya muling magsalita. “E-Elle? What happened to you? I’ve been calling you but you’re not answering. What happened to your talk? Did it go well? Are you alright? Answer me!” Tila nagpapanic na tanong niya kaya natawa nanaman ako. “Kalma, hindi naman ako sumabak sa Marawi, sila Jimin lang naman ‘yon.” He sighed, “You didn’t answer any of my questions.” “English ka raw po kasi ng English. Dinudugo si ako.” Pagbibiro ko na pinatulan naman niya sa sagot na, “Tsk! Ayos ka lang ba?” Napangiti ako ng bahagya, nag aalala talaga siya. “Let's just meet, punta ako jan sa condo mo.” I said, and hearing his, “Hihintayin kita.” made me a bit relieved. Kaagad na akong naligo at nag-ayos para puntahan siya, nakarating na naman ako ng ilang beses sa condo niya. No’ng gumawa kami ng project noon at no’ng nag movie marathon kami nila Ann. Pagkarating sa building ay ‘di na ako nag-abalang mag door bell dahil sinabi niya naman sa’kin ang passcode niya. Pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko na parang may nagtatalo sa loob. “Hindi ka makasagot! Dahil ano? Totoo ‘yong sinabi ko, di’ba? Youre just using her! Lapit ka ng lapit sa kaniya because she reminds you of her twin sister, Emma! Admit it! You are still not over her death! Mahal mo pa rin si Emma even after all those years!” Galit na sigaw ng boses ni Jimin. “Shut up!” Tugon ng malalim na boses ni V. “Maawa ka naman kay Elle, V. May problema na siya sa pamilya namin, wag mo ng dagdagan pa! If you’re still into Emma, wag mo ng paasahin pa si Elle. Stop before you hurt her, leave her alone!” Tila nagmamaka-awang pakiusap ni Jimin. Binuksan ko ng todo ang pintuan at gulat na napatingin sa’kin si Jimin, ang kaninang galit na expression ng mukha niya ay napalitan guilt at awa. Samantalang nakatalikod naman sa’kin si V kaya sinamantala ko na ang pagkakataong magsalita, “May past kayo ni Emma?” Unti unting humarap sa’kin si V at bakas ang gulat sa mukha niya, “E-Elle.” “Yes or no, V.” I said sternly. Binalingan niya si Jimin, “Iwan mo muna kami.” Tututol pa sana ito pero binigyan ko nalang siya ng isang naninigurong ngiti kaya wala na siyang nagawa kun’di ang umalis. Pero bago tuluyang makalabas ng pinto ang tinanong niya ako, “Will you be alright? Hihintayin kita sa lobby.” Tumango nalang ako bilang tugon. Nang magsara ang pinto ay ibinalik ko kay V ang paningin ko, sa mala-anghel niyang mukha, sa pares ng nakakahipnotismo niyang mga mata. Mga matang dahilan kung bakit ako nahulog at patuloy pang nahuhulog sa kaniya. “I need an honest answer.” I said and he answered, “Yes, Emma’s my first love.” And that’s where my heart began to bleed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD