10

1076 Words
“Yes. Emma's my first love, my first friend, the very first woman that has ever entered my heart.” Nakayukong sabi niya, “Seriously, I thought she’d become my wife, I promised to marry her, to love her for all eternity.” By the way he said those words, very sincere. Kung banggitin niya ang pangalang Emma para bang ito na ang pinakamagandang pangalan na nilikha. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng bahagyang paninikip dito. “But fate played dirty, Emma’s sick, she died.” He laughed, a sad one. “Remember the time you asked me why I repeated my 11th grade? It was for her, I was with her on her last breathes, inalagaan ko siya.” He bit his lips as he tried to contain his tears. “At ng mamatay siya, para bang nawalan na rin ng saysay ang buhay ko, that’s why I stopped and lie low.” Natatandaan ko ang araw na ‘yon, nag-aasaran kasi kami at nabanggit ni Jin na repeater si V that’s why I asked. At ang sagot niya, ‘Every man has their own downfall, that was mine’. Hindi ko pa ma-gets noon ang ibig niyang sabihin dyan, but now I realized, Emma was his downfall, his deepest and greatest downfall. He must love her truly at ganiyan ang naging epekto sa kaniya ng pagkawala nito. “Look Elle, I’m telling you all of this so you could understand my pain. And I want to be honest with you, Emma took a great part of my heart but that was before, before you came and took it all.” Tumingin ako diretso sa nangungusap niyang mga mata. I want to believe him, but I’m scared, I’m just too scared of the possibilities. “Before I came? V, sa mga sinabi mo palang, gets na gets ko nang ‘yang pagmamahal mo sa kaniya… mas matibay pa sa S ni Superman.” Nag-umpisa ng tumulo ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ko. “Nalilito ka lang, naguguluhan ka pa siguro sa feelings mo.” Umiiling na sabi ko, “Minamahal mo lang ako dahil sa kaniya, dahil kamukha ko siya. You don’t love me V, you love her. And I’m not her, I’ll never be her.” Matapos kong sabihin ‘yan ay tumalikod na ako’t lumabas ng unit niya, naabutan ko naman sa gilid ng kalsada si Jimin na nakasandal sa kotse niya. “Elle!” Nagawa pa akong hilahin ni V nang mahabol niya ako. “Why don’t you believe me? Aaminin ko at first kaya ako lapit ng lapit sa’yo ay dahil siya ang nakikita ko sa buong pagkatao mo, but now? Ikaw na ‘to.” Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa kaliwang parte ng dibdib niya, doon ko naramdaman ang napakabilis na t***k nito. “Ikaw na talaga ang nandito. Please Elle, maniwala ka.” Tila nagmamakaawang sabi niya. Gusto kong paniwalaan lahat ng sinasabi niya, you don’t know how much I wanted to hug him and tell him it’s fine but no… I just can’t. Hindi kayang sumugal ni Mr. Heart, siguro nga duwag ako pero hangga’t maaga, iiwasan ko ng masaktan. Baka hindi ko kayanin. Unti unti akong umatras at binawi ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya, mababakas naman ang panlulumo sa expression niya dahil sa ginawa ko. Napapayukong tumalikod nalang ako at walang lingon lingon na sumakay sa kotse ni Jimin. Naging tahimik ang byahe pauwi, tanging ang tugtog sa radyo lang ang maririnig sa loob, pero bukod pa ro’n, nangingibabaw sa pandinig ko ang malakas at mabilis na t***k nitong puso ko. Kahit ang patak ng malakas na ulan sa labas ay natatabunan nito. Ang lakas ng ulan, nakapasok na kaya siya sa condo niya? Sana naman. * * * “A-ayoko na! Waaaaah! Ngayon gets ko na kung bakit ka ganiyan ka-sungit mula ng ma-broken hearted ka, ang sakit eh.” Imbis na dumiretso ng bahay ay dito ako pumunta sa bahay ni Ex, kailangan ko lang talaga ng makakausap. “Bakit mo ba kasi ginawa yon?” Tila hindi interesadong tanong ni Ex kaya nakanguso ko siyang tiningnan, “Hindi ka ba nakinig sa kwento ko? Para nga makaiwas sa sakit!” “Tss. Eh anong iniiyak mo jan ngayon?” Napapa irap na tanong niya, kaya’t napasigaw na ako ng… “Nasasaktan ako!” At sa sagot kong ‘yon ay natigilan ako. Nakapameywang siyang tumayo sa harap ko at tinaasan ako ng kilay, “Ayon naman pala, nasasaktan ka! Sang parte ng ginawa mo ang pag-iwas sa sakit?” Nag-umpisa nanamang tumulo ang mga luha kong ‘We don’t die, we multiply’ yata ang motto. “Eh anong gusto mong gawin ko? Hindi ko na alam, gulong gulo na ako Ex.” Nilapitan niya ako at niyakap. “Hindi na mahalaga kung anong gusto ko o ng ibang tao, ang mahalaga ay kung anong gusto niyang si Mr. Heart mo.” Bumitiw siya sa’kin at ngumiti, “Ang problema kasi sa’ting matatalino, masiyadong ginagamit ang utak, nakakalimot na sa puso.” Ang pinaka sinserong ngiti na sa kaniya ko lang nakikita. Ang mahalaga ay kung anong gusto niyang si Mr. Heart mo. Mr. Heart, ano nga bang gusto mo? Sino bang gusto mo? “Aaminin ko, umpisa palang duda na ako kay V. Alam kong may dahilan kung bakit lapit siya ng lapit sa’yo, kung bakit gano’n ang reaksyon ng mga tao sa school tuwing makikita ka. Pero pagtagal, ng makilala ko siya, nagbago ‘yon.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng seryoso. “Mahal ka niya, hindi dahil dyan sa kakambal mo o kanino pa man kun’di dahil sa’yo, sa’yo mismo. Elle, sobrang dali mong mahalin, ang dali dali mong mahalin pero ang hirap mong pabayaan, ang hirap mong kalimutan.” Mahal ka niya. “Wag mong gayahin ang pagkakamali ko. Wag mong sayangin ang oras at pagmamahal ni V sa’yo. Makipag-usap ka ng masinsinan dyan kay Mr. Heart, okay?” Haaaaays. Humanda ka Mr. Heart, magdedebate tayo mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD