11

2029 Words
Monday morning. Maaga akong sinundo ni Ex para pumasok. “Tss. Mukha ba yan? Pang bulldog ah.” Asar na sabi niya. Hindi rin kasi ako makakatulog kagabi kakaisip, tapos naba-badtrip pa ako dahil parang hindi ko naman naisipan ng solusyon ang problema ko. Problema na sa pamilya, problema pa sa puso, ano pa bang problema ang kulang sa’kin? Pagkapasok sa klase, sinalubong agad kami ng tanong ni Ann. Oo nga pala, sa aming anim, siya at si Jin nalang ang walang alam. No’ng umalis kasi si Ex na sinundan ni RM at Jin, hindi na sila bumalik. Maaga naman akong umuwi kasama si Papa, Jimin at Tita Jayne para kausapin si Mama. So technically, naiwan sa party si Ann at V. Pero mukhang alam na naman ni V dahil nag-uusap sila ni Jimin kahapon bago ako dumating sa condo niya. V... Napansin ko na wala parin siya, kadalasan naman siya ‘tong nauuna sa’min sa klase at kaagad na babati pagdating namin. Hindi ko nalang pinansin at binalingan ng tingin sina Ann at Ex na nag-uusap, napansin ko rin naman si Jin sa sariling upuan sa harap na palihim pang sumusulyap kila Ex kaya nilapitan ko siya. Tinusok ko ang pisngi niya, “Oyy, ba’t ‘di mo lapitan sila Ex? Pasulyap sulyap ka pa.” “A-ayoko.” Nakayukong tanggi niya. “Ano bang nangyari?” Tinaasan niya ako ng isang kilay bago nakapangalumbaba na sinamaan ako ng tingin. “Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Anyare sa’yo? Drama dramahan si V kahapon ah.” Sabi niya na sinagot ko lang ng, “H-ha?" “Psh! Alam ko na ‘yong kwento” Napapa irap na sabi niya, “Tinawagan ako ni V kahapon, nag-inom kami nila Jimin. Ayon, nag-drama ang Lolo mo.” Kaya pala namumula ang mata nya’t kinakabog ng eye bags niya ang eye bags ko. “Nag-inom? Ng alak?” ‘Di makapaniwalang tanong ko na ikina ikot ng mga mata niya, “Oo! Alangang juice?" Nagulat nalang kami ng malakas na bumukas ang pinto at pumasok si Jimin na gulo gulo pa ang buhok, at parang bagong gising lang. “W-wala pang teacher?” “Wala, late din.” Sagot ni Jin habang naglalakad si Jimin papunta sa seat niya. “Walangya ka Jin! Paano ka nagising ng maaga? Alas onse na tayo natapos ah!” Reklamo ni Jimin na sinagot ni Jin ng, “Hindi naman kasi ako tulad niyong hayok sa alak! Lalo na ‘yong isa, may sakit na’t lahat, todo tungga pa.” May sakit? Sino? Si V? Tiningnan ako ni Jimin, “May sakit siya Elle, nagpaulan kasi kahapon.” Bakit naman kasi siya nag-paulan? May balak ba siyang mag-music video? Drama, gano’n? “May sakit si V?” Biglang lapit ni Ann sa’min ni Jin. “Oo, tawagan kaya natin Mommy niya? Baka kung mapano ‘yon.” Lumapit din sa’min si Jimin. “Oo nga, ayaw pa naman no’n sa ospital, ‘di rin naman umiinom ng gamot.” Iiling iling na sabi ni Jin. Ang arte naman niya, mas mapapabilis nga ang pag-galing niya sa ospital e. Kailangan pa talaga ng Mommy. “Have you forgotten? Nasa US si Tita for business.” Sabat ni Ann. “Eh si Jamniel?” Pagtukoy ni Jin sa younger sister ni V. “Busy sa school ‘yon.” Sagot ni Jimin. Hala, walang mag aalaga kay V. “Ay sige, sagot ko na ang kape sa burol ni V!” Biglang sigaw ni Jin na sinundan ni Ann, “Lugaw lang ang afford ko eh.” At ni Jimin, “May barong ang Lolo, may hiwa na sa likod.” G-grabe! Patay agad? ‘Di ba pwedeng comatose muna?! Waaaaaaahh. Paano nga kung hindi niya kayanin ang sakit niya? Apuyin siya ng lagnat? Bultoreoune? ‘Di makahinga? Ma-suffocate? Ahhhhhhh~! Mamamatay siya! “Aish! Bakit ba ang slow mo? ‘Di ba obvious na kinokonsensiya ka nila? Ano ba!” Nagulat nalang ako ng lumapit si Ex at nakapameywang na tumayo sa harapan ko, “Puntahan mo na nga si V! Halata namang nag-aalala ka. Tama na kaka-imagine, lakad na!” “P-pero may klase pa.” Pagdadahilan ko. Jimin tapped my shoulder, “Don’t worry, V’s family owns this school, lusot ka niyan.” “Go na Elle! Hihi” Pag support ni Ann kaya walang pagdadalawang isip na tumayo na ako’t tumakbo sa pinto. “Hoy babae! Isang sakay lang ang layo ng condo ni V dito, baka naman magka-ligaw ligaw ka pa?” Pahabol ni Ex. Isang sakay lang pala, kaya yan! * * * * * EX MENDOZA’S POV “Kita niyo ng slow ‘yong tao, ‘di niyo pa diniretso.” Busangot na sabi ko na nginitian lang ni Ann, “Effective naman! Hihi.” “Ano bang plano nyo’t pinapunta niyo si Elle do’n? Kita nyo ng nagkalabuan sila.” Tanong ko. “Oo nga, nakisakay lang ako sa inyong dalawa eh.” Tukoy ni Ann kila Jin. “Para magkabati, ano pa ba?” Simpleng sagot ni Jimin. Magkabati? Eh hindi naman nag-away, sadyang magulo lang kausap ‘yong puso ni Elle. Masiyadong unpredictable. “Gusto lang naman naming makatulong, Ex.” Pahayag ni Ann. “Lalo na at halatang mahal na mahal na ni V si Elle.” Nakayukong sabi ni Jimin, “Sorry din, I know kasalanan ko rin kaya nalaman ni Elle ang lahat ng ‘yon kahapon.” “Nag-alala ka lang naman sa kapatid mo, don’t blame yourself.” Ann held his hand and smiled reassuringly, blush naman agad ang kuya niyo. Nag iwas siya ng tingin to hide his flushed face. I sighed, “Sana lang maayos sila.” “Yeah. At sana maayos na rin yung gusot sa inyo ni Jin.” Sa sinabing ‘yon ni Jimin ay wala sa sariling napatingin ako kay Jin na nag-iwas lang ng tingin. Napansin pala nilang iniiwasan ako nitong isa. “Wag mong isipin ang problema ko, ang problemahin mo, ‘yang katorpehan mo.” Umalis nalang ako do’n ng walang sabi sabi at lumabas ng room. More than 15 minutes na rin naman kaya siguradong wala ng teacher. Naupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko at napaisip. Maaayos pa nga ba ‘yong kami ni Jin? Wait, may kami ba? * * * * * ELLE CRISTOBAL’S POV Hinintay ko pang may magbukas ng pinto pero narealize kong may sakit nga pala ‘yong nasa loob kaya baka hindi makatayo. Kaya pumasok nalang ako at walang ano anong dumiretso sa tapat ng kwarto niya. “Haaaah-hoooooh!” Inhale exhale Elle, keri mo ‘yan. Pinihit ko na ang door knob at pinasok ang kwarto, daig ko pa r****t sa sobrang tahimik. Naglakad ako palapit sa kama niya at nakita siyang nakahiga doon at tahimik na natutulog, pagsalat ko sa noo at leeg niya ay mainit nga ‘yon. Pero medyo lang naman. Hmph! Kung maka-react ‘yong tatlo akala mo naghihingalo na ‘yong tao, konting lagnat lang naman pala. Pumunta ako ng kusina para magpainit ng tubig at kumuha na rin ng gamot sa first aid kit niya doon, kinalikot ko na rin ang mga aparador para maghanap ng soup mix na mabilis lutuin. Bawal ang gamot sa gutom at siguradong hindi pa nag-aalmusal ‘yon. Pagkatapos gawin ang mga dapat ay bumalik na rin ako sa kwarto niya. Inilapag ko sa side table ang pagkain at umupo sa gilid ng kama para sana gisingin siya, pero, sa kasamaang palad ay napatitig pa muna ako sa mala anghel niyang mukha. Mula sa mahaba niyang pilik mata hanggang sa mapupula niyang labi. Naalala ko tuloy no’ng nakaraang linggo lang ng sabihin niya saking mahal niya raw ako. * * * FLASHBACK Nasa peryahan kami ngayon dahil fiesta sa baranggay namin, inaya namin ni Ex sila V para makisaya. Hila hila ko si V ngayon sa ‘Bahay ni Lola’, haunted house siya na hindi nakakatakot. Haha nakakatawa kasi ‘yong mga naka-costume sa loob. Todo sigawan ang mga tao. Luh, kaaarte ‘di naman ga’nong nakakatakot eh. Haha ang eepic lang ng mga mukha nila. “Pfthahahaha tingnan mo yon V, naiiyak na! Hahahaha.” Paglingon ko sa kaniya, nagulat nalang ako dahil… Isa pala siya do’n sa mga ang eepic ng mukha. Lol anyare sa kaniya? Namumutla siya! “A-ayos ka lang?” Nagpipigil ng tawang sabi ko. Baka sapakin ako nito kapag tinawanan ko eh. “Y-yeah. Let's go.” Hihilahin niya na dapat ako palabas ng may malaglag na baby doll na puro ketsup mula sa taas. Napayakap naman si V sa’kin sa gulat. Seriously? Sa laki niyang ‘yan? Niyakap ko siya ng mahigpit, “Wag kang mag-alala, akong bahala sa’yo.” All smiles na sabi ko. Kunot noong tinitigan niya ako sa mata, tsaka niya hinawakan ang kaliwang pisngi ko at sa kabila ng matinding hiyawan sa paligid ay nagawa ko paring marinig ang nga salitang hindi ko inaakalang masasabi niya sa’kin. “Elle, mahal na yata kita.” END OF FLASHBACK * * * Napailing iling nalang ako sa naalala ko. Enebe Elle, may sakit ‘yong tao, wag ka munang mag-imagine. “V? V, gising.” Tinapik ko ang pisngi niya. Unti unti namang nagmulat ang mga mata niya at ng makita niya ako ay nangunot agad ang noo niya. “s**t! f**k this dream, nakikita nanaman kita Elle.” Bulong niyang sapat lang para marinig ko. Kinurot ko naman ang ilong niya kaya kaagad na nanlaki ang mata niya. “Mamaya ka na mag-imagine, kainin mo ‘to.” Hinarap ko sa kaniya ang soup at kahit na gulat ay walang ano anong sinunod niya naman ang sinabi ko. Maya’t maya rin ang sulyap niya sa’kin na para bang sinisiguro niyang nandito talaga ako. Nang matapos siyang kumain ay inabot ko na sa kaniya ang gamot, “I'm fine, I don't need that.” “Para gumaling ka na, lunukin mo nalang agad.” Pilit ko paring inaabot sa kaniya pero nagmamatigas pa siya, “That thing tastes bitter.” But I still insist, “This thing will make you feel better.” “But it--” Natigil ang pagsasalita niya ng isubo ko sa sarili ko ang gamot at hinalikan siya, gamit ang dila ko ay itinulak ko papasok ng bibig niya ang gamot at saka humiwalay. “Oh? Mapait pa?” Wala sa sariling napalunok siya at iiling iling. Inabot ko ang tubig at pinainom siya. Matapos ay kinuha ko ang bimpong nakababad sa pinaghalong maligamgam na tubig at alcohol. “Hubad.” I told him seriously na sinagot niya ng, “A-ano?” na may nanlalaking mata. Pero hindi na ako sumagot at ako na mismo ang nagtanggal ng T-shirt niya. Gash! Abs. Four-hard-yummy-abs! Sheeeeet ako'y nagkakasala. Pilit kong nilabanan ang tukso at poker face na pinunasan nalang ang katawan niya, pati ang braso at likod. Tapos nagpunta ako sa closet niya para kumuha ng panibagong shirt na ibinihis sa kaniya. “Yan. Matulog ka na ulit.” Akmang tatalikod na ako ng mabilis niyang hulihin ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nando’n nanaman ‘yong mga mata niyang nakakalula kung tumitig. “Why are you here?” Napakunot ang noo ko sa tanong niya pero sinagot ko parin ng, “May sakit ka.” But he once again asked, “And?” na sinagot ko ng, “Gusto kitang alagaan.” “Because?” Tanong niya ulit. Lumapit ako sa kaniya at itinulak siya pahiga at kinumutan, “Mag-usap tayo pag-gising mo.” “Will you stay?” He asked again and I answered, “Yes.” without a second thought. “Okay, pag-gising ko. We'll talk.” Paniniguro niya bago pumikit. Yeah. Pag-gising mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD