Hmmmmmm. Blink blink. Gulat akong napabangon ng mapansing hindi na ako sa sofa kun’di sa kama na nakahiga. Tae naman, nakatulog na pala ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko at 10 am na, 2 hours akong nakatulog. Nasa’n na kaya ‘yung pasyente? Pfth.
Pagkababa ay natagpuan ko sa kusina si V, nagluluto lang naman kaya agad akong lumapit at hinipo ang leeg niya. “Y-you’re awake.” Napaigtad pa siya sa gulat bago ako balingan ng tingin.
“Hindi ba dapat ikaw ang nagpapahinga? Ako na jan.” Ibinigay niya naman sa’kin ang sandok, puro fried lang naman ang niluluto niya kaya mabilis ‘yong natapos. Siya na ang naghain ng mga gamit at ilang saglit lang ay kumakain na kami. Aaminin ko, medyo awkward, pero masarap naman ‘yung bacon kaya okay lang.
“Sabi mo mag-uusap tayo?” Napapangusong sabi niya.
“Ikaw, may sasabihin ka?” Bakit feeling ko napaka seryoso ko na this past few days? At napapa-english na rin ako! Ajuju malala na si ako!
“Oo, marami. Pero hindi ko masabi kasi, naba-blangko ako bigla.” Kinakabahang sabi niya, “I could think of a million words, but cannot comprehend any of those.”
Tiningnan ko nalang siya, malamlam ang mga mata niya pero mukhang okay na naman siya. Ako rin, may gusto akong sabihin, buong buo na nga ‘yung phrase sa isip ko pero hindi ko alam kung bakit ‘di ko masabi.
“I’m sorry.” Sa lahat ng mga salita ay ‘yan lang ang nasabi ko. Halata ang pagkalito sa paraan ng pagtingin niya sa’kin kaya naman napayuko nalang ako.
“Ang selfish ko, masyado kong inisip ‘yung nararamdaman ko, ni hindi kita inalala when in fact ikaw ‘tong palaging nag-aalala para sa’kin.” Nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya. “You always take care of me, pero ako ni hindi ko maibigay kalahati manlang ng care mo.” Nag-umpisa ng manikip ang dibdib ko at nagsituluan na rin ang mga luha ko. “I’m sorry.”
Tumayo siya at hinila ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. “You don’t know how happy I am right now. Hindi mo kailangang suklian ang mga ibinibigay ko sa’yo. Just the mere presence of you, sapat na.” Nanginginig ang boses niya at parang hirap siyang magsalita. “You scared me, Elle. You scared the hell out of me. I thought I’d lose you.” Sumunod na naramdaman ko nalang ay ang bahagyang pamamasa ng balikat ko. Is he crying?
“I love you, Elle. Mahal na mahal kita.”
* * *
“Uuwi na ako. Hapon na.” Paalam ko matapo naming panoorin ‘yong huling movie
“Ihahatid kita, just a minute.” Tumakbo na siya pabalik ng kwarto niya para siguro mag bihis. Hindi na rin ako nakapasok kahit half day, nag-movie marathon at kumain lang naman kami buong araw. Matapos niya magbihis ay umalis na kami.
Nakakapagod pero masaya ang araw na ‘to. Nakakapagod sa paraang napaka raming pumapasok sa isip ko simula pa no’ng sabado ng gabi, wala talaga akong naging maayos na tulog simula pa noon.
“Sabi nila Jimin, ayaw mo raw nagpapadala sa ospital, bakit?” Sa gitna ng byahe ay naitanong ko.
“It brings back memories, bad ones.” Bad memories?
“S-sa ospital ba namatay si E-Emma?” Namayani ang pansamantalang katahimikan bago siya bumuntong hininga at sumagot, “Yes. And my Dad, he also died in the hospital.”
“S-sorry tinanong ko pa.”
“No its fine, I'm willing to tell you everything.” Sumilip siya sandali sa akin pero ibinalik din agad sa kalsada ang paningin. “I want to be honest and tell you everything that’s happening to me, so you could trust me fully. Sana gano’n ka rin.” May ngiting sabi niya.
Napalunok ako sa salita niya. Hindi naman siguro kasinungalingang maituturing ang hindi pagsasabi ng lahat sa kaniya di’ba? Tapat naman ako, totoo ang mga sinasabi ko, pili nga lang.
Matapos ang mahaba-habang byahe ay nakarating na rin ako samin, inaya na nga ni Mama si V na sa amin na maghapunan. Mukha ngang close na rin sila, ‘di gaya no’ng una na parang natatakot pa yata si V kay Mama.
Sa gitna ng kainan ay may dumating na mga hindi inaasahang bisita. Ako ang nagbukas ng pinto pero ng masilip sila ni Mama ay lumapit din siya.
“Lian.” Bati ng isang matandang lalaki.
“M-mr. Park, bakit po kayo nandirito?” Magalang ngunit halatang kinakabahang sagot ni Mama.
“Aren’t you gonna let us in first?” Sa sinabi niyang ‘yon ay pinapasok sila ni Mama, may kasamang isang matandang babae ang lalaki, mukhang mag-asawa sila. At kasama rin nila si Papa.
“I’m sorry for this Lian, pangako wala akong kinalaman dito. Sila ang may gusto nito at alam mong hindi ko sila kayang pigilan.” Nakikiusap na bulong ni Papa.
“Oo hindi mo kaya, dahil duwag ka! Sunod sunuran ka sa kanila. Kapag kinuha nila sa’kin si Elle, ikaw ang sisisihin ko!” Bakas ang galit sa bawat salitang binibigkas ni Mama.
Kukunin ako? A-ano? Lahat kami ay nagtungo sa sala, gano’n na rin si V na walang ideya sa nangyayari.
“Uhh Elle, they’re my parents, your grandparents.” Pakilala ni Papa.
“H-hello po, good evening.” Alanganing sabi ko. Iba ang pakiramdam ko sa kanila, sobrang seryoso nila at nakaka-intimidate ang tingin nila. Para kasing sinusuri nila ako ng maigi, pati kaluluwa ko feeling ko nakikita nila. Scary~
“Let’s not take this too long, ayoko rin namang manatili sa ganitong klaseng lugar.” Sabi ng lolo ko raw. Ganitong klaseng lugar? Ano bang akala niya rito?
“We would like to take Elle and Jimin with us in New York, higit na maganda ang mga eskwelahan doon kay’sa rito. Mas matututo sila ng lahat ng dapat para sa business namin.” Kukunin daw ako?
Kaagad akong napatingin kay Mama at bakas ang sobrang pagkainis sa kaniya. “With all due respect Sir, hindi kailangang matutunan ni Elle ang business niyo. Hangga’t maaari ayaw kong maugnay ang pamilya niyo sa aming dalawa ng anak ko.”
“Inggrata! You can’t just run away from us, Patrick is Elle’s father.” Galit na sigaw ng Lola ko.
“W-wag po kayong magsigawan.” Ramdam na ramdam ko ang kapal ng tensyon sa pagitan nila, galit na galit sila lalo na si Mama. Napahawak ako sa dibdib ko sa hindi maipaliwanag na pagkirot nito. I know this feeling, hindi maganda ‘to.
“Hindi parin ako papayag! Kinuha niyo na saikin si Emma, at anong nangyari? Namatay siya! Hindi niyo na makukuha sa’kin ang anak ko!” Naluluhang sabi ni Mama.
“She died because she’s weak, hindi na namin kasalanan ‘yon! We gave everything for her medications, pero mahina siya.” Sagot ng Lola ko raw.
“A-ang kapal ng mukha niyong pagsalitaan ng ganiyan ang anak ko! Umalis na kayo!” Napatayo na si Mama at itinuro pa ang pintuan.
“M-mama, tama na po.” Patindi ng patindi ang sakit at nahihirapan na rin akong huminga, para bang tinatakasan ako ng hangin sa katawan.
“Makukuha namin sa’yo si Elle ano pa man ang gawin mo, kahit saang korte pa tayo umabot. Sinisiguro ko ‘yan sa’yo!” Nagbabantang sigaw ng Lola ko raw.
Sa huli ay hindi ko rin kinaya at napakapit ako ng mahigpit sa braso ni V. Kinakapos na ako ng hininga. “A-ahhh hah hah hah.”
“E-Elle? What’s happening to you?!” Hinawakan ni V ang mukha ko at sinuri ako ng tingin, “Namumutla ka!”
“Elle?” Naramdaman ko ang paglapit ni Mama, may mga sinabi pa siya gayondin ang iba pero hindi ko na ‘yon gaanong maintindihan sa tindi ng paninikip ng dibdib ko, hirap na hirap na rin ako sa paghinga.
“Elle!” Huli kong nakita ay ang natataranta at nag-aalalang mukha nila bago ako tuluyang mawalan ng malay.