05

1235 Words
“Baba!” Pagka park ay ‘yan agad ang sigaw niya. “Bat ba nasigaw ka?” Singhal ko na sinagot nya lang ng maarteng, “Psh!” Nang makababa ako ay nagpatiuna na ang bakla papasok ng mall, wala naman akong nagawa kun’di ang sundan siya dahil hindi ko alam kung sa’n pupunta. Nakabuntot lang ako sa kaniya at nakatingin sa paraan ng paglakad niyang tunay na nakakairita. Mukha naman kasing lalaki ‘tong si Jin, hindi kasi siya cross dresser, matangkad rin at maganda ang katawan, lapad nga ng balikat eh, may abs din siguro ‘to, at pouty lips pa. Basta ‘wag lang talaga siyang magsasalita at gagalaw... Kung pwede pati paghinga wag niyang gawin para maging straight siya sa paningin ko. “Upo na, naka-order na kami.” Sumilay agad ang ngiti ni Ann pagdating namin ng restaurant na amoy palang eh mamahalin na. Juicecolored! Sana manlibre sila't hindi kasama sa budget ko ang ganito kamahal, iiyak si wallet. Nang madala ang order ay kumain agad kami. Palihim ko pang sinusulyapan sina Elle at V na magkatabi, todo alalay naman si V sa kaniya. Tsk! Humanda ka V Kim, malaman ko lang talaga na pa-fall ka at hindi tunay ‘yang mga ginagawa mo kay Elle, ililibing kita ng buhay 6ft bellow sea level. “Anong gagawin natin pagkatapos?” Tanong ni Elle. “Wanna watch a movie?” Suggest ni V. “Ayy sige! Panoorin natin ‘yong Boss Baby, gusto rin ni Ex ‘yon eh, diba?” Ngiting ngiti si Elle na nakatingin sa akin. “Ah o---” Hindi natapos ang pagsasalita ko ng subuan or should I say salaksakan ako ng pagkain sa bunganga ni Jin. s**t! “H-hindi kami sasama Bebe Elle, may pupuntahan kami ni Ex eh, diba Ex?” Pinanlalakihan niya ako ng mata na para bang nagsasabing ‘makisama-ka-utang-na-loob’. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay sabay lunok. Pakshet na bakla ‘to, subo ng subo. “Saan nga tayo pupunta, Jin?” sarcastic na tanong ko. “Basta may pupuntahan tayo! Psh.” May masamang tinging sagot niya. “Ay kami rin hindi sasama, may binilhin kami eh.” Sabat ni Jimin. Kaniya kaniya pa silang palusot, halata namang humihiwalay lang sila kila Elle. Tsk! Sabi ko pa naman babantayan ko siya. Matapos kumain, nagbayad lang SILA ng bill, (oo sila kasi libre daw ang girls at kapag sinabing girls, nakisali pa ang Bakla), naghiwa hiwalay na rin kami ng landas. Si Jin nalang ang kasama ko ngayon. “Uuwi na aketch.” Sabay talikod niya. “Huy.” Hila ko sa braso niya. “Ano?!” Galit na sigaw niya pagharap sa’kin. “Ginawa ko sa’yo? Highblood ka.” “Tinatanong mo pa talaga? Maldita ka!” Nakapamewang at taas kilay na sigaw niya. Sa hiya sa mga nakakapanood sa’min eh pwersahang hinila ko nalang siya hanggang sa makalabas kami ng mall, pumapalag siya pero todo hila parin ako hanggang makarating kami sa malapit na park. “Bruha ka! San mo ako dinala?!” Sigaw nanaman niya pagkahila niya sa sariling kamay na hawak ko kanina. “Makasigaw ka para namang re-r**e-in kita. Tsaka na, maraming tao.” Simpleng sagot ko. Nanlaki ang mata niya at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagkibit balikat lang ako at naupo sa kalapit na bench, samantalang siya eh nakatayo parin at mukhang ‘di pa maka get over sa sinabi ko. “Huy!” Hinila ko na siya paupo, sa lakas nga ng hila ko natumba pa siya ng konti sa’kin. Parang tanga naman siyang dali daling lumayo, tipong nakaupo ako sa gitna tapos siya nasa pinaka dulo ng bench. “Bakit ka nabakla?” Biglang imik ko, katahimik kasi. Aaminin ko, attracted ako sa kaniya ng una ko siyang makita no’ng enrollment, nando’n kasi s’ya at nag a-assist yata ng enrollees. ‘Yon nga lang, ang saklap no’ng bigla siyang kumembot habang naglalakad, with matching pilantik ng daliri pa ‘yan. “A-ano?” Nanlalaki ng bahagya ang singkit niyang mga mata ng tingnan ko siya. “Sayang ka, bakit ba lahat ng gwapo may boyfriend?” Natatawang sabi ko. “H-huh?” “Tsk!” Hindi naman ‘to makausap ng matino. “Bakit ka kako nabakla?” Nag iwas siya ng tingin, “E-ewan ko, it comes out.” Tila nahihiyang sabi niya. Napangisi ako, “So pwede pang ayusin?” Napatingin nanaman siya sa’kin, “H-huh?” Binalingan ko na siya ng tingin at nakatulala siya sakin. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, “Pwede ba kakong ayusin? Magaling ako kumumpuni ng may bali.” Napa awang ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero nagsara rin at mayamaya’y magbubukas ulit, maya’t maya rin siyang napapalunok. “Hahalikan kita.” Seryosong sabi ko. “H-huh?” “Hahalikan kako kita. Pag di mo ko tinulak, akin ka.” “H--” Bago pa man siya mag-huh sa hindi ko na mabilang na beses ay madali ko siyang hinalikan. Bakas na bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat pero ng mag-umpisa na akong gumalaw ay napapikit nalang siya, samantalang ako e tuwang tuwang pinapanood ang reaksyon niya. And guess what? Hindi niya ako itinulak. Ilang saglit lang ay humiwalay din ako sa kaniya, “Akin ka na, bakla.” Pagkasabi ko niyan ay mas lalong namula ang mukha niya. * * * BAHAY NI ELLE Nakauwi na kami from mall at kasalukuyang pinaplastikan ang mga libro namin dito sa kwarto ni Elle. “Kamusta naman date niyo?” Pagkaraa’y tanong ko. “Uy grabe ha, friendly date lang.” Tanggi niya, “Ayos naman! Pagkatapos namin sa sine nag arcade kami.” Pinagmasdan ko sya habang nagbabalot, she looks happy. Sana ganiyan nalang, lagi siyang masaya at walang problema. Sana wala lang talaga ‘yong narinig ko sa cr. Sana … “Okay.” Sagot ko nalang. “Bakit Ex? May problema ba?” Nag aalalang tanong niya. “Wala. Basta ... Ingatan mo yang puso mo.” Nakangiting sabi ko. “O-oo naman hehe. Puso ko lang naman ang mahina, pero malakas ‘to! Haha.” Nangiti nalang ako. Over protective na kung over protective, ang mahalaga maging okay siya. We’ve been friends since fetus at higit pa sa baby sister ang turing ko sa kaniya. I just can’t let her feel the pain caused by love, I’ve been there, baka hindi kayanin ng puso niya. “Eh ikaw! Yieeeeeeehh kamusta date niyo ni Jin?” Tila kinikilig na sabi niya. “Anong date?” Tanggi ko. “Ihhhhh kunwari ka pa, type mo si Jin di’ba?” Tinaasan ko naman siya ng kilay at nginitian niya lang ako habang nagtataas baba pa ang kilay. Hashtag #KilayGoals Pinalo niya ako sa braso, “Kuuuu Exy, don't me! Haha.” “Tss. On the process.” Napa smirk nalang ako ng maalala si Jin, baklang ‘yon. Hindi pa naman pala ganap ang pagka bakla, tinatablan pa ng babae eh. “Uyy Ex ah, mukhang mabait si Jin, wag mo namang paglaruan.” Nakangusong sabi niya. “Psh.” Alangang seryosohin ko? Edi nasaktan nanaman ako? Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD