“ELLEEEEEEEEEEEEEE~!”
“Ahayy!”
Sa sobrang gulat ko sa kumalampag na ‘yon, naihagis ko ‘yung sabon na hawak ko, and wait there’s more! Paghakbang ko natapakan ko pa, ending? Humalik ang puwet ko sa tiles. Ajuju.
“Bakit ba? Makakalampag ka wagas! Who you?!” Asik ko habang tumatayo. Waaaaahhh! My precious puwet~
“Ako ang iyong konsensya! Bwisit ka! Katagal mong maligo. Kung ‘di pa ako nagmagandang loob na sunduin ka, hindi ka pa gigising! Jusko Elle. Baka wala na tayong abutang guro!” Ngawa niya sa labas.
Binilisan ko ang paliligo at nagbihis na rin, pagbukas ko ng pinto ay nakasandal pala siya do’n kaya nakipag smack din ang puwetan niya sa sahig.
“Aray naman! Bakit binuksan mo?” Hawak ang puwetan na sabi niya. Hah! Now you know my pain.
“Sorry ah? Nalimutan ko kumatok, lalabas ako eh.” Sabay irap ko pa, wala, pa-effects lang. Haha
“Hmph! Bilisan mo na nga, hihintayin kita sa baba.” Sabay rampa niya palabas ng kuwarto ko
Maka-angal ‘tong bruhang ‘to, para namang maglalaho ang mga teacher sa school kapag na-late kami. Haaays. Ang init init pa naman sa labas, bakit kasi ngayon pa ang enrollment?! Hindi ba nila dama ang init ng mundong ibabaw?
“Buti natapos ka pa? Tara na.” Pagsusungit ng Menopausal Queen.
“Nye nye” Nag make face pa ako na natigil lang ng hilahin niya ang tainga ko “Ah-haaaaraaaaaaayy!”
“Mauna na po kami, Tita.” Paalam niya kay Mama sabay hila sa’kin paalis.
Sapo sapo ang tenga ko ay tiningnan ko siya ng masama, ‘yong tinging pamatay. Pero hindi niya ‘yon pinansin at humawak pa sa handle ng jeep.
Aish! Wala talaga akong say sa babaitang ‘to. Ajujuness.
* * *
Matapos ang matinding pakikipag sagupaan sa lahat ng usok at kawindang windang na amoy sa kalsada ay narating din namin ang University na papasukan namin ngayong Senior High. Yes, lilipat kami. Wala kasi ‘yong strand na gusto namin sa Senior High ng school namin dati.
Then after dito lilipat na naman kami ng University para sa college haha. Private kasi ‘tong papasukan namin, pero dahil may voucher na bigay ang government half na lang ‘yong babayaran namin. Wala na kasing voucher sa college kaya mag pa-public na kami no’n. Public din naman ang school namin no’ng Elementary and Junior High kaya sanay na kami, gusto lang talaga naming maka experience ng air-con kaya nag private kami ngayon.
“Ayy grabe, ang haba ng pila!” Angal ko.
“Sino kaya’ng may kasalanan? Jusmiyo! Kung maaga tayo hindi ganito.”
“Sorry na Ex, nalimutan ko mag alarm eh.” Pero tanda ko talaga kagabi nag set ako ng alarm. Tsh! Baka hindi na naman ako nagising.
Pumila kami at matapos ang ilang oras, oo oras! Isa’t kalahating oras lang naman kami pumila! Last day na kasi ng enrollment kaya sobrang daming tao.
“Next?” Si Ex na ‘yong nagpapasa ng requirements kaya ako na ‘yong kasunod. Yes nemen!
“Next!” Waahhhh! Ako na! Papunta na sana ako doon ng biglang may lalaking sumingit sa pila, aba’t sa mismong unahan ko pa! Yah! How dare he?!
Bago pa man siya maka pasok sa office ay hinila ko na ang braso niya paharap sa’kin. “Hoy! Bawal sumingit!” Ang lagay ba eh papayag nalang akong masingitan matapos kong pumila ng pagkahaba?
Pero imbis na sumagot ay nanlalaki ang mga matang nakatitig lang siya sa’kin. “Hello~? Earth to human?” Kumaway kaway pa ako sa harap niya pero nanatiling nakatitig lang siya sa’kin na medyo nakaawang pa ang bibig, para siyang nakakita ng multo sa gulat. Ano kuya? Gandang ganda? Is he crushing me? Lol.
Nakakatanga ‘yong tinginan niya kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para unahan siyang makapasok sa office, siyempre para makapag enroll na ako. Sayang si Kuya, gwapo sana, may pagka abno lang.
“Thank you Sir.” Sabi ko pagkatapos mag enroll sabay layas.
Tuloy tuloy lang ako sa lakad habang lumilingap para hanapin si Ex. Waaah! Don’t tell me, iniwan niya ako?! Aigooooo~ Mahina ako sa direksyon, baka hindi ako makauwi! Ajujuness.
“Hey!” Shookt ang kagandahan ko ng may humawak sa braso ko’t hinila ako..
Tanging, “Ha?” lang ang naisagot ko ng lingunin ko ito.
“Who are you?” Adik ba ‘to? Siya ‘tong humila sa braso ng may braso ta’s ako pa tatanungin? Hu u? Ayy. Siya pala ‘yong lalaking singit na sabog. Haha.
“Elle.” Sagot ‘o. Bakit ba? Eng gwepe ehhh.
“L? As in, the letter?” Taas kilay na tanong niya.
“No. L, as in Lakangpake!” Asik ko sabay hila ng braso ko at walk out. Narealize ko kasi na baka nga sabog siya, mahirap na. Haha.
Emegesh! Nasa’n ka na ba Ex? Kung ano anong gulo na ang napasok ko magmula ng ako'y iwan mo!
“Elle!” Nasilayan ko siyang papalapit sa’kin.
“Waaaaahh Ex!” Tumakbo ako at ngiting ngiting sinalubong siya.
“Ba’t ang tagal mo?” Nakapameywang na tanong niya.
“Wala. May sabog kasi-- este tara na, may malapit na SM diyan hehe.”
At gumora na nga kami sa SM para bumili ng school supplies sa National Book Store, echos lang ‘yong NBS namin, ma-feel lang na mayaman, puro naman Best Buy ang bibilin ko.
Pagkatapos kong makuha lahat ng kailangan ko, pumunta ako sa part na puro books at naghanap ng w*****d. Pero hindi ako bibili, makikibasa lang. Bakit ba? Ang mahal kaya, pangbaon ko na rin ‘yon. Bakit kasi mahirap lang kami? Pero okay lang, bawi naman sa ganda.
Waaaaahh! He's Into Her! Ngiting ngiti ako ng maalala ko ang TagSen, si Max at Deib! Haaaaay. Kailan kaya ako makakakita ng kagaya ng isang Deib Lohr Enrille? ‘Yong maraming kagaguhan sa buhay pero ‘pag nagmahal, hinahabol ng mga puso? Tsk tsk tsk!
“Sensui~” Naibulong ko. Gustong gusto kitang bilhin, pero sorry dahil may priorities ako.
Bumaling ako para sana hanapin si Ex ng makapagbayad na kami pero halos maitaob ko ang shelf sa harapan ko ng makita ko ang isang matangkad na lalaki sa gilid.
“L-lah? Ginagawa mo d’yan?” Hindi NANAMAN siya sumagot, kagaya kanina sa school, TINITIGAN niya lang ako. Adik ba talaga siya? Scary ahh. “Hello~ Is it me you're looking for?” Biro ko, pero no reaction at tuloy titig pa’rin siya. ‘Yong tataa?! Pinaglihi ba sa Tarsier ‘to? Walang kakurap-kurap eh. “A-ahh he-he-he ba-bye!” At tumakbo na ako pa-counter dahil nakita ko na do’n si Ex. Grabe! Grabe siya! Sana hindi ko na ulit siya makita, ang weird niya~
Pero in fairview, ang wafu~ Hello naman sa kalandian cells sa katawan ko na nagwawala sa kaniya?