“EEEEEEEEEEEEX! Wakey wakey! My beloved Exy! YIEEEEEEHHH~!” Sigaw ko sabay talon sa higaan niya. Gulat naman siyang napabangon na akala mong minumulto o inaatake ng zombies.
“Ano ba naman Elle?! Anong trip mo?!” May masamang tinging sigaw niya.
“Hello~! Sinusundo kita. Pasukan na! First day yieeeeeeehh~” Tatawa tawa pa ‘ko na nagtuloy sa pagtalon.
“Bumaba ka nga! Ang laki laki ng bilibil mo, makatalon ka wagas!” Nagtali siya ng buhok at kunot noong tiningnan ang orasan. “Jusmiyo Elle! Alasais pa lang, 8 am pa pasok natin.”
“I know! Na-excite kasi ako ng sobra kaya napaaga rin ang gising ko.” Tumigil na ako sa pagtalon dahil nagugusot na ang uniform ko at tumayo na lang sa harap niya.
“At dinamay mo pa talaga ako sa pag mamaaga mo?”
“Syempre! Kaya bumangon ka na at mag ayos, naghahanda na ng breakfast Papa mo.”
Kaagad na akong lumabas ng kwarto niya pero bago pa man ako makababa ng hagdan ay narinig ko pa ang sigaw niya. Ang bilis talaga magalit ni Ex, minsan tuloy nagdadalawang isip na ako kung 16 pa lang talaga siya, para kasing nag me-menopause na. Retarded ang bessy ko!
“Mukhang nagising mo na si Ex ah?” Bati ni Tito pagkarating ko sa kusina.
“Opo tito, ‘tuwang tuwa’ nga po eh.” Natatawang sabi ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Nako, manang mana kasi ‘yon sa mama niya.”
Nang mabanggit ni Tito si Tita ay pansing pansin ang pag-iiba ng mood niya, may malungkot na ngiti ang nasa mga labi niyang kanina ay natatawa.
“Palagi rin akong inaaway no’n, nako Elle, kung nabuhay ka lang sa panahon namin, para kaming aso’t pusa. Pero mahal namin ang isa’t isa. Kagaya niyo, ganoon lang ‘yon si Ex pero mahal na mahal ka n’on.”
“Syempre naman Tito, lovable ako eh.” Pagbibiro ko para naman ma-lift kahit papano ang mood niya.
“Ikaw talagang bata ka.” Kinurot niya pa ang pisngi ko at saka binalikan ang niluluto niya.
Single parent si Tito Xen, namatay kasi si Tita no’ng ipinanganak si Ex. Same sila ni Mama, namatay daw kasi sa aksidente ang Papa ko no’ng bata pa ako. Close kami ni Tito dahil best friends din sila ni Mama gaya namin ni Ex, elementary pa lang daw kasi magkaibigan na sila. Minsan nga nabibigyang malisya ko na ‘yong closeness nila, super kasi tapos pareho pang namatayan na ng asawa.
Dear Papa and Tita, ‘wag po kayong magalit, ‘wag niyo po akong dadalawin, kahit naman gustong gusto ko kayong makilala takot pa rin ako sa multo
* * *
7:30 palang pero nandito na kami sa school, hehe medyo napaaga nga kami. Pero okay parin, may time kaming libutin ang campus. Hihi. Iniwan muna namin sa locker ang gamit namin para hindi hassle bago maglibot.
“Yieeeeehh ang laki talaga nito.” Tuwang tuwang sabi ko.
“Malamang, university eh.”
Inakbayan ko si Ex at nginitian ng bongga. “Alam mo my beloved Exy? Hinay hinay sa pagsusungit ah? Maagang tutubuan ng wrinkles ang fez mo ikaw din!”
Sinamaan niya ako ng tingin at no’ng astang magbubunganga na siya ay dinukot ko ang phone ko sabay selfie.
“Yieeeeeeehh~” Pagtingin ko sa picture, ngiting ngiti ako sa camera habang nakaakbay sa kaniya samantalang siya eh salubong ang kilay na nakatingin sa’kin. Ang cute~ haha
“Hoy Ellemenowpi! Masyado akong maganda para magka-wrinkles ‘no!”
“I know Exwayzi! Rare na ‘yong ganitong beauty eh.”
Diyan naman kami nagkakasundo, sa kagandahan namin. Haha. Binuksan ko nalang ang data connection ng phone ko para i-post ‘yong picture namin. Hmmmm. Ano ba magandang caption? Masyado ng gamit ‘yong #FirstDay eh. Ah!
On our way around the University. *insert emoji* #KambalTheExplorers’NewSchool
Posted! Yieeeehh.
“Aw!” Oh akala niyo may tumahol ‘no? Nagkakamali po kayo! Ako ‘yon, may nakabanga lang sa’kin. Tutok na tutok kasi ako sa phone ko kaya hindi ko na nakita ang daan.
“Look where you're going!” Singhal ‘nong babaeng nakabangga ko
“Ikaw din.”
“What?!” Maarteng sabi niya. Yayks!
“If you're looking where you're going e’di hindi tayo magkakabangga. Kita mo nang ‘di ako nakatingin, ako pa ba mag-a-adjust?” Mahinahong sabi ko.
Yes, kalma lang Dyosang Elle, nakaka-wrinkles ang galit. At isa pa, nakakahakot na ng audience ang babaitang ‘to kaya hindi dapat sabayan ang sigaw niya.
“So it was my fault?” Sabay turo ng newly-manicured-finger niya sa sarili.
“Ikaw may sabi niyan.” Kibit balikat kong sagot
“How dare you!” At itinulak niya ako.
Ayy! Baklang ‘to, itinulak ang beauty ko. Buti nalang may nakasalo sa’kin sa likod, napa-gasp naman ang audience. So ‘yon na nga, may action movie nang nangyayari. Walang lingon likod na nilapitan ko si girl.
“Girl, ‘sing haba ng traffic sa EDSA ang pasensya ko, pero kung ‘sing kapal ng foundation mo ang kaharap ko, nagiging ‘sing ikli ng fake eye lashes mo ‘to.”
Nag fake gasp pa siya at nag smirk. “Are you frightening me?!”
“No, I'm warning you.” Seryosong sabi ko. Nagsamaan pa kami ng tingin hanggang sa may pumagitna sa’min.
“Enough!” Sabi no’ng lalaki. Hala siya, Kuyang Tulaley is back!
“V?” Si girl
“You stop or I'll kick you out?” Uber serious na sabi niya
“What? It's her fault!” - Girl
“I mean it.” - Boy
“Argh!” Sinamaan pa muna niya ako ng tingin bago nag walk out.
Nang mawala ‘yong babae eh hindi pa’rin umalis ‘yong audience. Anong hinihintay nila? Round two? Binalingan ko si Kuya T at hindi na ako nagulat nang makitang nakatitig NANAMAN siya sa’kin. Jusko naman kasi, tuwing magkikita kami, tulala siya.
“Ang angas no’n ah. Thank you! Hehe.” Nakangiting sabi ko.
Nagulat pa siya ng bahagya bago sumagot. “Y-yeah. Your ... W-welcome.”
“Geh, bye.” Sabi ko at mabilis na umeskapo.
Hinanap ng mata ko si Ex at nang makita ko siya ay pupuntahan ko na sana ng may humawak sa kamay ko. Yes! Sa KAMAY! Hinila ni kuyang tulaley.
“Elle.” Tawag niya na sinagot ko ng isang malupit na, “Ha?”
Tinitigan niya ako deretso sa mata. Hindi na kagaya no’ng mga nauna na para siyang sabog na tulala, sobrang seryoso na siya ngayon na para bang sasabak sa isang exam at nakasalalay ang buhay niya ro’n.
“Could you be mine?” Harujusmiyo! Hanodaw?!
“No. Let me rephrase it.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako. “I won’t take no for an answer, akin ka.”
Grabe. Grabe siya! Ano gandang ganda talaga? Pangalawang beses palang namin magkita ah. Na-lab at second sayt ba siya?! Maryosep. Ang ganda ko. Kaiyaq.