Chapter Eighteen

1314 Words
WADE Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang sa wakas ay lumapag ang sinasakyan kong eroplano sa Tacloban, City. May pagmamadaling bumaba ako ng eroplano at hinintay ang bagahe ko sa baggage reclaim area. I can’t wait to be with Vince again. Sa halip kasi na isang buwan ay inabot ng mahigit dalawang buwan ang naging bakasyon ko. Dahil nang pabalik na ako ng Leyte, bigla namang nagyaya ang parents ko na pumunta ng New Zealand dahil sa anniversary ng mga ito. Isinabay na rin ang pagdalaw sa ilan naming mga kamag-anak na sa New Zealand na naninirahan. Ilang saglit pa ay lulan na ako ng van na inarkila ko. Hindi na ako nag commute dahil ayoko na ngang matagalan sa daan. Atat na akong umuwi dahil ilang linggo nang hindi nagpaparamdam si Vince. Ang huling text na natanggap ko mula kay Vince ay noong araw na paalis kami ng New Zealand. Hindi ko lang sure kung nagtext pa siya habang nasa ibang bansa kaming mag anak dahil hindi naka-roaming ang sim ko. Wala rin naman akong natanggap na reply mula sa kanya nang ichat ko siya. Inisip ko na lang na baka naging busy lang siya. O `di kaya ay walang load. Naging busy na rin ako sa pamamasyal nang nasa New Zealand dahil sa sobrang ganda ng mga tanawin. Bandang alas-singko na nang dumating ako sa proper ng Baybay. Tinulungan pa ako ng driver na ibaba ang mga gamit ko nang dumating kami sa bahay ng parents ko. “Salamat po,” sabi ko sa driver nang maipasok na lahat ng mga gamit ko sa salas. Hindi ko mapigilang mapangiti nang ilibot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay. It feels like he’s finally home. Parang eksena sa pelikula na nag flashback ang mga moments namin ni Vince noon. Dumiretso ako sa likod bahay para icheck ang mga tinanim naming ni Vince noon. At ganoon na lang ang tuwa ko nang makita kong namumulaklak na ang mga iyon. Bagamat may kataasan na rin ang mga damo, mas nangibabaw naman ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak na magkasama naming itinanim ni Vince noon. It was beautiful. Babalik na sana ako sa loob ng bahay nang mahagip ng mga mata ko ang upuang gawa sa kahoy malapit sa gazebo at nakaharap sa mismong lake. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa upuang kasya ang dalawang tao. Puti ang kulay niyon. Wala sa sariling umupo ako at naisip kong para akong nasa eksena ng isa sa mga libro ni Nicholas Sparks. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ako sa loob ng bahay at saka binuksan ang maleta kung saan naroon ang mga chokolateng dala ko. Kumuha ako ng plastic at nilagyan iyon ng iba’t ibang klase ng chocolates. Bago tuluyang lumabas ng bahay ay tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Well, I look happier. Nagpasya akong lakarin na lang ang papunta kanila Vince dahil hindi naman na mainit. Sariwa rin ang hangin kaya masarap maglakad-lakad. Pagdating ko sa bahay nina Vince ay ang tatay-tatayan niya ang naabutan kong nakikipag-inuman sa mga kumpare niya sa harap ng bahay nila. Tinawag ako ng tatay-tatayan ni Vince nang silipin ko ang jeep kung saan natutulog sina Vince at lola niya. Pero walang tao roon. “Hoy! Anong sinisilip-silip mo diyan?” sita sa akin ng amain ni Vince na halatang lasing na. “Magandang hapon po. Hinahanap ko po si Vince? Kaibigan niya po ako.” Pinasadahan siya nito nang tingin bago ngumisi nang nakakaloko. “Sigurado ka bang kaibigan mo lang ang ulol na `yon?” Kahit na inis ay sinikap ko pa ring magpakahinahon. I reminded myself na masamang sumagot sa mas nakatatanda. “Kaibigan lang po talaga kami.” Tumango-tango ang langong tatay-tataya ni Vince. “Matagal nang hindi umuuwi dito ang tarantadong `yon. Doon na yata nakatira sa jowa niyang bakla. Hayop na `yon.” Bago pa man tuluyang maubos ang pasensiya ko ay nagpaalam na ako sa matanda. “Sige po. Kung ganoon po ay tutuloy na ako.” Hindi na ako lumingon ulit kahit na tinawag pa ako ng tatay-tatayan ni Vince. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Magulo ang utak ko habang naglalakad ako pabalik ng bahay. Hindi ko rin maiwasang mainis kay Vince. Bakit hindi man lang niya sinabing hindi na pala siya umuuwi sa kanila? At nasaan ang lola niya? Sino ang jowang tinutukoy ng tatay-tatayan niya? I want answers. And I want those answers now. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang pabangga na pala ako sa isang katawan. “Hey! Okay ka lang? Tulala ka yata,” anang isang lalaki na siyang makakabangga ko. He looks familiar. Pero hindi ko mahalukay sa memory bank ko ang pangalan niya. “Hindi mo na ako matandaan? Marlon. `Yong friend ni Vince.” Ay, oo nga! `Yong manyak na kaibigan ni Vince na dinala niya sa bahay noon. “Uy! Ikaw pala. Kumusta?” “Ayos lang,” sagot nito. “Saan ka papunta?” “Actually, galing ako kanila Vince. Kaso hindi na pala siya umuuwi sa kanila.” “Ay, oo. Mga ilang linggo na rin siyang hindi umuuwi,” tumatango-tangong sagot ni Marlon. “Doon siya nakatira ngayon sa isang barkada namin. Papunta nga ako doon ngayon, eh. Gusto mong sumama?” “Sige ba.” Ilang saglit pa ay naglalakad na kami ni Marlon papunta sa bahay ng kaibigan diumano nila ni Vince kung saan naroon ang binata. Pagdating namin doon ay naabutan naming my nag-iinuman na ilang tila mga high school students na kaedad ni Vince. And speaking of Vince, mukhang lasing na ang binata dahil namumungay na ang mga mata nito at may kalakasan na rin ang boses habang nagku-kwento sa mga kaibigan. Pero nang mapansin nitong nakatitig ang mga kaibigan nito sa kanya. Bigla itong napatingin sa kanya. And for a moment, parang silang dalawa lang ang nag e-exist sa mundo. He was looking at him intently. And then he smiled. God, how I missed that smile. Agad itong tumayo at sinalubong siya ng yakap. “Kumusta? Kelan ka pa dumating?” namumungay ang mga matang tanong niya sa `kin. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya. “Kakarating ko lang ngayon,” sagot ko naman. “Tara! Jam ka muna sa amin,” yakag ni Vince na hinila ako papunta sa inuupuan niya kanina. “Ano `yang dala mo?” he eyed at the plastic I was holding. “Chocolates,” tipid na sagot ko bago iyon inabot sa kanya. “Wow. Thank you!” binuksan niya ang supot at kumuha ng isang Snickers. “Kuha kayo mga pre.” Ilang saglit pa ay balik na naman sa inuman ang mga kaibigan ni Vince habang nagku-kwentuhan. Tahimik na nakinig ako habang tinatanggap ang tagay na binibigay ng kaibigan niyang Arthur ang pangalan. Makalipas lang ang isang oras, naramdaman ko na lang na nakaluyloy na ang ulo ni Vince sa balikat ko. Tulugan daw ba ako. Maliit ang bahay ng kaibigan ni Vince kaya nagpasya akong sa bahay na lang siya ituloy. Nagtawag ng tricycle si Marlon at tinulungan pa akong buhatin ang kaibigan niya hanggang sa loob ng bahay. Nang maayos nang nakahiga si Vince ay sinamahan ko pa si Marlon palabas ng bahay. “Salamat, ha?” “Walang anuman. Ikaw na bahala dun sa kaibigan namin,” tugon naman ni Marlon. Palabas na sana ng gate ang lalaki nang maalala kong itanong ang isang bagay sa kanya. “Marlon, may itatanong pala ako.” Lumingon ang lalaki sa kanya. “Ano `yon?” “Nasaan ang lola ni Vince? Wala kasi siya sa kanila.” “Hindi mo ba alam?” Umiling ako. Medyo kinabahan. “Patay na ang lola ni Vince,” malungkot na saad ni Marlon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD