Episode Twelve

1219 Words
WADE Pasado alas-dos na nang makabalik ng bahay si Vince. Saktong kakarating ko lang ng bahay dahil namili ako ng pintura at iba’t ibang sizes ng brush. Hihintayin ko nga sana si Vince para may kasama akong mamili pero dahil wala naman akong ginagawa kanina ay nag decide akong umalis na lang mag-isa. “Pasensiya na at medyo late ako. Hindi tuloy kita nasamahang mamili. May mga inayos pa kasi ako at mukhang uulan mayamaya,” sabi ni Vince nang pumasok siya sa sala. Napansin ko nga kanina na medyo maulap ang kalangitan. Tila nagbabadya ng isang malakas na ulan. “Ayos lang, ano ka ba? Hindi naman marami `tong mga pinamili ko,” sagot ko na habang hinuhubad ang t-shirt ko na medyo basa na ng pawis. “Nag snack ka na ba? Nag takeout ako ng pizza at medyo matagal na `kong nagke-crave nito. Umupo ka na at saluhan mo `ko.” “Ayos. Sakto at medyo gutom na nga rin ako,” ani Vince na umupo na ng sofa. Pumunta naman ako saglit sa kusina para kunin sa ref ang natira naming coke kagabi. Habang nilalantakan namin ang pizza ay pahapyaw na natanong ko si Vince kung may girlfriend na siya. “Wala nga, eh,” natatawang sagot niya. “Weh? Sa gwapo mong `yan, wala kang girlfriend?” hindi makapaniwalang tanong ko. Pero sa loob loob ko ay masaya ako sa kaalamang single siya. “So, sinasabi mong naga-gwapuhan ka sa `kin?” nakangising tugon ni Vince. “Hindi ka rin feelingero, noh?” sikmat ko sa kanya. Tawa naman siya nang tawa. “So hindi ka napopogian sa `kin?” aniyang mas inilapit pa ang mukha sa mukha ko habang may ngiting naglalaro sa mga labi niya. Kainis! Sarap nakawan ng halik. “Sige na. Gwapo ka na. Masaya ka na?” sabi ko sabay subo ulit ng pizza. “Pero hindi mo type?” Umiling ako bilang sagot sa kanya. “Sure ka?” tanong ulit ni Vince. Tumango-tango naman ako. Isa kang malaking sinungaling, Wade! tudyo ng isang bahagi ng utak ko. “Sige, sabi mo, eh,” aniya at tumayo na matapos lagukin ang laman ng baso niya. Hinubad niya ang suot na damit at sinampay sa isang balikat niya. At dahil nakatalikod siya sa `kin, hindi ko maiwasang pagmasdan ang katawan niya. Long and lean. Parang ang sarap hawakan at pisil-pisilin. Hindi ko alam kung saan ang mas masarap. Kung ang pizza ba o ang katawan na nasa harap ko. Biglang lumingon sa `kin si Vince kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. “Start na tayo?” aniyang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. Tinanguan ko siya sabay tayo na rin. Ininom ko lang ang coke ko at tinulungan ko na siyang maghalo ng pintura sa lalagyan na nabili ko. Sala at kusina muna ang uunahin naming pinturahan. Then baka bukas, isunod naman namin ang second floor pati na ang dalawang kwarto. Balak ko namang ipatrabaho sa iba ang pagpipintura sa labas ng bahay dahil masyado na iyong mahirap at delikado rin dahil kakailanganin pang umakyat ng hagdan. Kakausapin ko na lang si tita Welvie tungkol sa bagay na `yon sa mga susunod na araw. Tuluyan nang bumuhos ang ulan nang magsimula kaming magpintura ni Vince. Noong una ay mahinang ambon lang `yon na kalaunan ay medyo lumakas. Mabuti na lang at dalawang malalaking rollers ang binili ko kaya mabilis ang naging trabaho namin ni Vince. Palapit nang palapit kami sa isa’t isa dahil mula sa magkabilang dulo kami nag umpisa at ngayon ay magsasalubong na kami sa gitna. Nang ilang dangkal na lang ang agwat namin ay aksidenteng nalagyan ko ng pintura ang isang kamay ni Vince na nakatukod sa pader. “Oops! Sorry,” natatawang saad ko. Tila nakaisip naman ng kapilyuhan at ginantihan niya ako sa pamamagitan ng paglagay din ng pintura sa kamay ko. Sa huli ay para na kaming nag eespadahan ng roller brush. Halos mapuno na ng pintura ang mga katawan namin. At parang musika sa pandinig ko ang bawat halakhak ni Vince. Nang tumigil kami sa pag-aasaran ay sabay pa kaming humiga sa sahig. Nang lingunin ko si Vince ay may naglalaro pa ring ngiti sa sulok ng mga labi niya. Halatang masaya siya. Ako man, sobrang saya ko. Napatingin ako sa kili-kili niya na may pinong mga buhok. Hindi pa iyon gaanong malago. Kung may isang salita man akong pwedeng ipang-describe sa kili-kili ni Vince, `yon ay ang salitang sexy. Bumaba pa ang tingin ko mula sa kili-kili niya papunta sa dibdib niya pababa sa maimpis niyang tiyan hanggang sa dumako ang tingin ko sa umbok sa pagitan ng shorts niya. Wala sa sariling napalunok ako. “Uwi na muna `ko, Wade. Mukhang hindi basta-bastang titila ang ulan. Kailangan kong umuwi kasi walang kasama si lola,” mayamaya ay sabi ni Vince. Sa sinabi niya ay agad na napabalikwas ako ng upo. Oo nga pala at mag-isa lang ang lola niya at sa jeep pa sila nakatira. “Sige na tumayo ka na diyan. Pero paano `yan, wala akong payong dito.” “Magpapaulan na lang ako. Malapit lang naman, eh,” sagot ni Vince na itinaas ang isang kamay sa `kin. Hindi na lang tumayo mag-isa, sabi ko sa isip ko habang tumatayo at kinuha ang isang kamay ni Vince para tuluyan siyang tumayo. Pero dahil sa bigat ni Vince, sa halip na mahila ko siya patayo ay ako ang nahila niya at natumba ako papunta sa kanya. Kung hindi ko pa maagap na naitukod ang isang kamay ko, malamang ay lumapat na ang labi ko sa labi niya. Ga dali na lang ang agwat ng mga labi namin. Akmang tatayo na ako nang maramdaman kong pinipigilan ako ni Vince gamit ang isang kamay niya. Samantalang ang isang kamay naman niya ay unti-unting umakyat papunta sa mukha ko. Ipipikit ko na sana ang mukha ko at ipagpapasa-Diyos na lang ang susunod na mangyayari nang maramdaman ko namang may tila malagkit na pinahid si Vince sa mukha ko. Shit! Pintura! sigaw ko sa isip ko. “Pintura pa!” natatawang saad ni Vince na ngayon ay dalawang kamay na ang pinampapahid sa mukha ko. Siyempre ay gumanti naman ako gamit ang dalawang kamay ko kaya naman halos magdikit na ang pang-ibabang katawan namin. I can feel his manhood brushing against mine. At bago pa man ako makaganti ng todo ay nahuli na niya ang mga kamay ko. “You’re too weak,” he said teasingly. True enough. I’m weak `coz I can’t seem to fight this strong attraction I’m feeling for him. I’m so doomed. Tumayo na ako and this time ay kusa nang tumayo si Vince. Kumuha ako ng pera sa kwarto ko at binalot iyon sa plastic saka inabot kay Vince na nakatayo na sa tabi ng front door. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. “Mag text ka kung may kailangan kayo ni lola,” bilin ko sa kanya. “Okay. Salamat, Wade.” Iyon lang at tumakbo na siya palabas ng bahay. Unti-unti siyang nilamon ng ulan hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko at ang tanging maririnig ay ang buhos ng ulan at ang mabilis na t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD