Momo's POV
Kakatapos lang ng klase sa dalawang subject namin sa umaga at nakasunod ako kila Xenon ngayon papunta sa canteen. Sa kanila na ako sasabay kumain simula ngayon.
Nag tatawanan kami habang nag lalakad nang may biglang humila sakin. Nang lingonin at tingnan ko kung sino ay si Steven yun. Napahinto ako sa paglalakad at pati sila Xenon ay napalingon din sakin nang mapansin nila.
"Let's talk"
Steven said.
"No"
Sagot ko at pinilit na tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakawak nya sakin.
"Please Clara"
Pag pupumilit nya.
"Ayoko nga Steven"
Nag pupumiglas ang kamay kong hawak nya pero ang lakas nya kumpara sakin kaya medyo nasasaktan na din ako.
"Bitaw"
Napahinto ako nang marinig ko si Xenon. Hinawakan nya ang kamay kong hawak ni Steven. He is glarring at Steven and the way he looks at him honestly looks so scarry.
"Ayos ka din ano. Tumetyempo porket magkaaway kami ni Clara"
Steven smirked at Xenon.
Pareho na silang nakakatakot tingnan at para bang may kuryenteng dumadaloy mula sa mga mata nila.
"Hindi kayo nag away, you cheated, asshole"
Sagot ni Xenon kay Steven at bigla naman syang kinwelyuhan ni Steven kaya agad ding lumapit si Alex sa kanilang dalawa at pumagitna para pigilan ang kumukulo nilang mga dugo.
"Hey kalma lang everyone. Pinag titinginan nanaman tayo ng mga students oh"
Napalingon ako sa paligid namin at tama nga si Alex. Pinagtitinginan nanaman nga kami.
"You don't know anything"
Steven said to Xenon.
Malalim na napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ni Steven.
"Fine, let's talk"
Sabi ko at hinila sya palayo kila Xenon. Ayoko nang magkagulo pa lalo kaya ibibigay ko nalang yung gusto nya kahit na hindi pa talaga ako handang kausapin sya.
Nang makarating kami sa isang parte ng school na medyo tago ay agad kong binitawan ang kamay nya at hinarap sya.
"What?"
Masungit kong tanong sa kanya. Kung alam nya lang kung gano ako kagalit sa kanya.
"I'm sorry"
Nakayuko nyang sabi at parang may kumirot nanaman sa puso ko.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"I'm really sorry"
"Do you love her?"
Diretsong tinging tanong ko sa kanya.
"I....."
"Why Steven? Na bored ka sakin kaya ka naghanap ng iba?"
Kaya ba mas lagi nyang kasama si Ella kesa sakin? At sa tuwing kasama nya ako ay kasama din namin si Ella. I'm so dumb, bakit ngayon ko lang napansin lahat ng yun.
"No!"
"Then why?! Tell me why!"
Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Mababaw lang ang luha ko lalo na pag dating kay Steven.
I love him so much.
"When....when you got hit by a car and you're in coma.... Ella was there"
"What?"
Naguguluhan ako. Pinagpalit nya ako while I'm in coma? What the heck! Bakit imbis na gumaan ang loob ko dahil nag eexplain sya ay mas lalo pang dumadagdag ang galit at inis ko sa kanya at kay Ella.
"I'm sorry, hindi ko naman gustong lokohin ka. I love you Clara, it's true"
Lumapit sya sakin para sana punasan ang mga luha ko pero humakbang ako paatras sa kanya.
"If you do why... why did cheat on me?"
Hindi na diretso ang pag sasalita ko dahil sa pag iyak ko. Lumalabo na din ang paningin ko dahil sa mga luha ko.
"I'm sorry, ayokong sabihin sayo dahil kakalabas mo lang"
That's a bullshit reason.
"Mas nasaktan ako sa ginawa mo Steven. Maybe you don't know but you are hurting me everyday. When I need you, you're always not there. Kasi ano? Kasama mo pala si Ella?"
Dire diretso kong sigaw sa kanya at sunod-sunod na humikbi pagkatapos dahil sa pag iyak ko.
"I'm so sorry Clara"
Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"I only have you Steven..... but still.... you betrayed me"
Kumalas ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at tumakbo paalis. Madami pa akong gustong itanong sa kanya pero hindi na kinaya ng puso ko. Masyadong masakit ang mga narinig ko. Hindi yun ang inaasahan kong sasabihin nya sakin kapag nakapag usap na kami.
Akala ko magiging okay na kami. Akala ko ipapaliwanag nya kung paanong hindi totoo yung mga pictures na yun.
I was hoping that everything about that picture is not true.
Sobrang sakit pala talaga ng katotohanan.
Tumakbo ako papasok sa library at dumiretso sa hagdan. Umupo ako dun at ipinatong ang ulo ko sa mga paa ko. Walang masyadong dumadaang estudyante dito dahil sa elevator sila madalas na dumadaan.
Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag iyak dahil ayokong pumasok ng classroom mamaya na maga yung mata.
Napa angat ang ulo ko nang maramdaman kong may umupo sa hagdan sa itaas ko.
Nagulat ako nang makita ko si Xenon. Halatang alam nyang nandito ako pero hindi nya ako pinansin. Nagbabasa lang sya ng aklat habang tinitingnan ko sya.
"Why are you not asking me anything?"
I asked.
Nang harapin nya ako at makita ko ang muka nya ay muli na akong napaiyak. Hindi ko napigilan.
Si Xenon, lagi syang nandyan kapag kailangan ko. Nahahanap nya ako kahit saan ako pumunta.
"Hmm... kumain kana ba?"
He asked at mas lalo pa akong naiyak na parang bata.
"Waaaaaaaaaaah"
Lumakas ang pag iyak ko kaya mukang medyo nataranta sya. Agad syang lumapit sakin at pinunasan ang mga luha ko at niyakap nya ako habang tinatapik tapik pa ang likod ko.
"Shhh Momo nasa library tayo shhhh tahan na"
Pagpapatahan nya sakin.
"Why are you here?"
Naka nguso at umiiyak ko pa ding tanong sa kanya.
"Hindi ko din alam eh"
"Xenon naman"
Hinarap ko sya at muli nya nanamang pinunasan ang mga luha ko.
"What?"
He asked.
"Thank you"
I said and he just smiled.
May kinuha syang burger mula sa bulsa nya at iniabot yun sakin.
"Eh ikaw?"
Tanong ko sa kanya.
"Kumain na ako"
Sagot nya pero sa tingin ko ay hindi sya nagsasabi ng totoo kaya kinuha ko yung burger na inabot nya sakin at hinati yun sa dalawa. Medyo naipit na sa bulsa nya yung burger pero okay pa naman.
"Hati tayo"
I said and he smiled.
Pareho naming kinain yung burger at tahimik lang kami hanggang sa maubos namin yun at tumigil na din ako sa kakaiyak at kakahikbi.
"Anong binabasa mo kanina?"
Tanong ko sa kanya.
"I don't know, kumuha lang talaga ako ng book sa library para puntahan ka"
He answered and I smiled.
"Pano mo nalaman na nandito ako?"
"Hindi ko alam"
Ibig sabihin hinanap nya pa talaga ako sa ibang lugar? Oh Lord, I don't deserve this guy.
He's too good for me.
It's not like I don't like Xenon, I'll be lying if I say I don't have any feelings for him. Hindi ako manhid para hindi mahulog sa kanya. Siguro tanga lang, tangang pinipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya para sa lalakeng lolokohin at sisirain lang pala ang tiwala ko.
"Xenon, do you still like me?"
"Oo"
Mabilis nyang sagot nang wala man lang pag aalinlangan.
"Not as a friend"
Pag lilinaw ko.
"I love you as a girl, as a woman Clara"
Agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabeng yun ni Xenon at parang may kung anong kumikiliti din sa tyan ko.
"Pano kung dumating yung araw na gusto kong suklian yun?"
Tanong ko at halatang nabigla sya. Kahit ako din ay nabigla kung bakit ko tinanong yun sa kanya.
Hindi pa ako sigurado at ayokong paasahin sya. Hindi lang kasi nararamdaman ko ang tinitingnan ko kundi pati nararamdaman ng taong maapektuhan sa desisyon ko.
"Mag aantay ako sayo"
Xenon answered.
"Kahit gaano katagal Momo, mag aantay ako"
He added.
Lumapit ako kay Xenon at mahigpit syang niyakap. Pakiramdam ko ay dun ko mas maipapadama kung gaano ko sya naappreciate.
"Ligawan mo ako"
Napabitaw si Xenon sa pagkakayakap nya sakin dahil sa sinabi ko.
"Seryoso ba yan?"
"Hmm"
"Talaga?"
"Oo"
"Hindi nga?"
"Oo nga"
"Promise?"
"Ang kulit"
"Totoo nga kasi?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto"
"Edi ligawan mo ako"
"Kahit araw-araw pa yan"
Muli akong niyakap ni Xenon. Halatang masaya sya dahil sa desisyong ginawa ko.
Wala na akong planong bumalik kay Steven at wala na din akong babalikan dahil may iba na syang mahal.
"Mahal kita Momo"
Seryosong sabi nya sakin.
"Ligaw muna"
Biro ko sa kanya at ngumiti naman sya ng pagka laki laki.
Nagsimula syang magsisistalon na parang bata at napa sigaw pa nga.
"Woah! Nililigawan ko na si Clara Flomentera! Woooooooaaaaaah!"
He shouted at agad naman akong lumapit sa kanya at iniharang ang hintuturo ko sa labi nya.
"Shh nasa library tayo"
Silly.
"Ay oo nga pala. Sorry, medyo naexcite lang"
He giggled.
"Tara na nga"
Sabi ko at tumango sya at umalis na kami sa library at nag lakad pabalik sa classroom. Sa buong paglalakad namin ay nakangiti lang si Xenon, ang cute nya nga eh.
My decision may look impulsive but I will not disappoint Xenon. I like him too, pinipigilan ko lang.
There is something special about Xenon but I can't say what it is.
Steven's POV
I did her wrong.
I hurt Clara in the worst way possible. Alam kong mahirap na mapatawad nya pero may isa pa akong kasalanan na hindi nya alam at hindi ko na alam kung pano pa sasabihin sa kanya yun.
I want to protect her in silence, in a way that she doesn't know, that way she will be safe.
It's true that I fell inlove with Ella. Nahulog ako sa kanya sa maling panahon at paraan. Lahat ng mga bagay na nangyare ay magka ugnay sa akin kaya hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko araw-araw.
Mababaliw na ako sa kaiisip kung anong dapat kong gawin. Hindi ko man ginustong mangyare ay nangyare na.
"Steven"
Pag tawag sakin ni Ella.
Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"I'm sorry"
She said.
"No, I'm sorry"
Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa mga labi nya.
"I promise to find that guy"
"Nag aalala akong baka saktan ka din nya"
"He won't"
I will do everything I can to fix this mess. For Ella....and for Clara.
"Steven, let's just ask help from the police or someone"
"Mapapahamak ka, ayoko"
Na trauma ako nung may nangyare kay Clara nung gabing naaksidente sya at ayoko nang maulit pa yun dahil baka mas malala pa ang mangyare kay Ella kapag ginawa namin ang sinasabi nya. That guy will hurt Ella if we dare to get help from the police.
"Pero....."
"Trust me Ella"
Hinawakan ko ang mga kamay nya at mariing hinalikan iyon. I looked at her eyes and smiled at her to assure her that everything will be alright.
"I love you"
"I love you so much"
Pagkatapos ng klase ay hinatid ko si Ella sa bahay nila to make sure that she's safe. I have a feeling that he's still following her at binabantayan mula sa malayo.
Medyo patago pa din kami kapag mag kasama sa school. Alam naming pareho na hindi magandang tingnan na magkasama kaming dalawa na parang walang nangyare pagkatapos ng ginawa namin kay Clara.
Pagkababa namin ng kotse ay mabilis ko syang hinalikan sa mga labi nya at niyakap sya.
"Babye!"
Pag kaway ni Ella sakin habang naglalakad palapit sa pinto ng bahay nila.
"Pasok kana"
Sagot ko habang nakangiting kumakaway din sa kanya.
"Take care"
Ngumiti nalang ako sa kanya at pinanuod syang pumasok sa loob ng bahay nila. Sandali pa akong tumayo sa labas to make sure na safe sya pagkatapos nun ay lumabas na din ako sa kanila at muling pumasok sa loob ng kotse.
Bago ako tuluyang umalis ay sumilip pa ako sa labas at tiningnan ang paligid at nang makompirma kong mukang wala namang masamang tao sa paligid ay nag drive na ako pauwi.
That's my routine sa tuwing hinahatid ko pauwi si Ella. I'm too scared na may mangyareng masama sa kanya at wala ako sa tabi nya.
Napapa buntong hininga nalang ako sa dami ng mga bagay na naiisip ko. Isang tao lang naman ang nag papahirap sa amin ng ganito. I will catch that bastard no matter what.
I believe that he is also the one who sent our pictures to Clara and Xenon. He wants to ruin us so bad.