Mitch's POV
Andito ngayon si Alex sa bahay. He's taking care of me. Medyo magaling na din naman ako, buti na nga lang, nag aalala kasi akong mahawaan ko sya.
"Here, your favorite milk"
He gave me a bottle of soya milk. It's my favorite. Dumaan daw kasi muna sya sa convenience store bago pumunta dito to get me some foods and drinks. Medyo napadami nga yung binili nya eh.
Pinag luto nya ako ng noodles kanina and he's also cleaning my room right now. Hindi naman ganun ka gulo sa loob ng kwarto ko, sadyang wala lang syang magawa kaya nag liligpit sya ng kaunti.
"Babe"
Pag tawag ko sa kanya.
"Po?"
Malambing nyang tanong.
Oh this man.
"Tabihan mo ako"
Sagot ko habang tinatapik tapik pa yung pwesto sa tabi ko.
Nakangiting lumapit sya sakin at humiga sa tabi ko. Umunan ako sa kamay nya at hinalikan ko sya sa mga labi nya.
Not just a simple kiss.
What? We're a couple. This is not new to us.
I trust Alex with my body pero ayaw nya pa. He wants us to get married first. We only do make out but not always.
I'm the one who wants to do it with him. Medyo baliktad nga sa expectations ng karamihan. Alex is a gentleman and I love that about him.
After our long kissess ay hinalikan nya pa ako sa noo ko. He always do that after we kiss like that. Pareho kaming nag hahabol ng hininga ngayon mula sa paghahalikan namin.
Our face are still close and I can feel every breathe that he release.
"I love you"
Alex said.
"I love you more"
Sagot ko at hinalikan din sya sa noo nya.
"Ang ganda mo"
Napangiti ako ng malaki sa sinabi ni Alex. This man never fails to remind me that. Sobrang swerte ko sa boyfriend ko.
"Ikaw ang pinaka gwapong lalakeng nakilala ko"
Hindi ko sya binobola ah. Nagsasabi lang ako ng totoo.
To be honest, simula nung nakilala ko si Alex ay hindi na ako na gagwapohan o na aattract sa ibang mga lalake.
"Mag pahinga ka lang mahal"
Alex sait at pinahiga ako ng maayos.
"Mag pahinga ka na din muna dito"
"Hmm?"
Tanong nya.
"Sleep ka muna with me kahit sandali lang"
Sagot ko at nakangiting tumango naman sya.
Umayos na din sya ng pagkakahiga at pareho kaming natulog. Nag set lang sya ng alarm sa cellphone nya for 30 minutes dahil kailangan nya ding umuwi.
I just really want to spend time with him. I also miss his smell kaya gusto kong nakadikit sa kanya ngayon.
Dito sana sya matutulog pero sabi ni tito kailangan nya daw umuwi kasi may ipapagawa ata sa kanya kaya next time nalang daw.
"Wait babe"
I said and changed our position. Pinahiga ko sya sa kanang kamay ko. Nakatapat sya sa dibdib ko at nakayakap sakin habang isinusuklay ko naman ang mga daliri ko sa buhok nya to help him fall asleep.
I kissed his head.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang malamim nyang pag hinga kaya alam kong tulog na sya kaya naman ipinikit ko na din ang mga mata ko at natulog.
"I love you"
I whispered before finally closing my eyes.
Momo's POV
Mag isa ako sa classroom ngayon dahil binalikan ko yung cellphone ko. Nauna na sila Xenon sa canteen. Gusto nya pa nga sana akong samahan pero sabi ko dun nalang sya kasi mabilis lang naman ako.
Lumabas na ako ng classroom pagkatapos kong kunin yung cellphone ko nang makasalubong ko naman si sir Suarez at may kasama syang isang lalake.
"Clara, sakto pala ang dating namin, Mr. Jonathan is looking for you"
Tinutukoy nya yung kasama nyang lalake.
"Ako po?"
Bakit naman? Mukang hindi ko din kilala yung Jonathan na tinutukoy nya.
"Hi I'm Jonathan. Just call me Nate. I'm a professor at Fashsiodemy"
Fashiodemy? Yung pinaka specific na college university. About fashion, designs and beauty lang kasi yung school na yun.
"Ah hello po, I'm Clara"
"I know. I first saw you on a play. Kakausapin sana kita pag katapos nun pero mukang nag mamadali kang umalis"
Ah that day.
"Ah, I'm sorry po"
"It's fine. Here's my card. I want to get you as a model. You're height is just fine and you look beautiful. Pakiramdam ko perfect ka para dito"
Ano ba yan. Nakakalaki naman ng tenga yung mga sinasabi nya. Thanks to my parents, maganda ang lahi nilang pareho.
Tinanggap ko yung calling card na bigay nya at binasa yun. Mukang totoo naman talaga tsaka kakilala pa sya ni Sir Suarez, our kind adviser.
"Just call me kahit kelan kapag nakapag desisyon kana"
"Um sige po"
Nakaka excite naman, pero hindi pa ako sigurado. Hindi ko pa kasi talaga alam kung ano bang gusto kong gawin.
"Thank you"
Sir Nate said.
"Thank you Ms. Flomentera, think about it"
Dagdag pa ni Sir Suarez at ngumiti lang ako. Nauna na silang umalis kaya umalis na din ako para bumalik sa canteen.
Pag karating ko dun ay may pag kain na ako. Pinag buksan pa ako ng upuan ni Xenon at inalalalayang makaupo ng maayos.
I smiled at him.
"Bakit natagalan ka?"
Xenon asked.
"I'll tell you later"
I answered.
Gusto kong sa kanya nalang muna sabihin since hindi pa naman ako sigurado. Hihingi din ako ng advice nya para naman kahit papano may guide ako.
"Kain kana"
Tumango ako sa kanya at nag simula nang kumain.
Sobrang lapit namin sa upuan. Hindi siksikan, sadyang gusto ko lang na nakadikit ako sa kanya at nararamdaman ko ang init ng katawan nya. Kinililig ako sa tuwing magdidikit ang mga balat namin.
"Kayo na ba?"
Alex asked at pareho kaming nagulat ni Xenon sa tanong nya.
"Anong pinagsasabi mo?"
Tanong ni Xenon sa kanya at tinuro nya naman kaming dalawa.
"Huh? Anong meron?"
Tanong ulit ni Xenon.
"Pinanganak ba kayong magka dikit?"
Nagka tinginan kami ni Xenon sa tanong ni Alex. Pareho kaming napatawa.
"Ay mga baliw na"
Mitch said.
"Nililigawan ko na si Momo"
Napanganga silang lahat sa sinabi ni Xenon sa gulat na ilang sandali lang ay napalitan din ng mga ngiti.
"So kelan ang kasal?"
Pang aasar na tanong samin ni Naomi.
"Kahit kelan nya gusto"
Sagot ni Xenon habang nakatingin sakin at kinindatan pa ako. Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa kindat nyang yun. Para syang playboy na medyo goodboy.
Does it make sense? Ah basta ang pogi nya.
"Pahirapan mo"
Alex said and I just laughed.
"Ako ninong ng anak ah"
Kenjay said.
"Sobrang advance naman"
Naomi said.
"Eh ikaw? Kelan mo ba sasagutin yang si Kenjay?"
Tanong ni Micth kay Naomi. Oo nga pala, nasa ligawan stage pa din sila. Mahirap atang mapasagot si Naomi.
"Secreeeeet"
Pinag patuloy nila ang pang aasar kay Naomi and Kenjay habang ako ay nakangiting nakatingin sa kanilang lahat.
Ang saya nilang tingnan lahat. Ang saya nilang kasama. Hindi ko na maalala kung kelan ako naging ganito kasaya.
"Ang cute nyong lahat"
Sabi ko habang nakapangalumbaba at napatingin naman silang lahat sakin.
They all smiled at me.
"Welcome to the club Clara"
Mitch said.
"Welcome my love"
Dagdag pa ni Xenon at kaming dalawa nanaman ang inasar nilang lahat. Napapatawa nalang ako sa kanila.
Pagkatapos naming kumain ay nauna na silang mag sibalikan sa classroom. Niyaya ko muna kasi si Xenon sa garden ng school para sabihin yung tungkol sa modeling.
"What do you want to say?"
Tanong nya nang makarating kami sa garden.
"Kinakabahan ako, basted na ba ako?"
Dagdag nya at napatawa naman ako ng malakas habang sya naman ay nakasimangot.
"Baliw! Hindi no"
"Eh ano?"
"Someone offered me a job"
Sagot ko sa kanya.
"A job? Why? Do you need one?"
Sunod-sunod nyang tanong.
"No, it's a modeling job. You know, taking pictures of me"
"Hmm?"
"May nag offer kasi sakin. Sabi nya nakita nya daw ako sa play tapos ayun"
Pag kwento ko sa kanya.
"Gusto mo ba?"
Tanong nya at napa buntong hininga naman ako.
"To be honest hindi ko pa alam ang gusto kong gawin sa future"
Sagot ko habang nakantingin sa paa kong ginagalaw galaw ko.
"It's fine, we are still young"
That's true pero mas maganda kung alam ko na. Natatakot akong baka mahuli ako.
"Ikaw ba? Anong gusto mong gawin?"
Tanong ko sa kanya.
"Medicine. I've always adore my dad and his profession"
Family of doctors nga talaga sila.
"Buti ka pa"
Napa buntong hininga nanaman ako at napa ngalumbaba.
"Try it, I'll be your assistant"
Nakangiting sabi nya.
"Ang gwapo naman ng assistant ko"
"Aba syempre. Nag papa pogi to sayo araw-araw"
Sagot nya at napatawa naman ako.
"So gagawin mo nga?"
Tanong nya at tumango naman ako.
"I'll support you"
He said and I smiled.
"Thank you. Tara na, balik na tayo"
Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad kami pabalik ng classroom.
Pagkabalik namin sa classroom ay naabutan namin si Alex na nakikipag chismisan sa iba naming classmate.
"Hoy, ano nanamang chinichismis mo dyan?"
Tanong ni Xenon sa kanya.
"May pinapakita lang akong video dada"
Ang kulit talaga ni Alex. Para nga talaga syang anak ni Xenon minsan.
"Ano? Bold?"
Pang aasar ni Xenon sa kanya habang naka ngisi pa.
"Sira ulo! Anong tingin mo sakin ha?"
Mission accomplished. Nabadtrip nya si Alex.
"Bakit hindi ka nanunuod ng p**n? Ever?"
Xenon asked putting Alex on a tight spot.
"Eh ikaw? Hindi ka nanunuod"
"Nanunuod"
Mabilis na sagot ni Xenon kaya naman bigla akong napatingin sa kanya.
"Clara oh, si Xenon"
Pag sumbong ni Alex sakin at parang bigla namang nataranta si Xenon.
"Da..dati lang yun, promise. Nung medyo bata-bata pa ako"
Pag papaliwanag ni Xenon sakin at napatawa naman ako.
"You're good, don't worry"
I said and tap his shoulder at umupo sa upuan ko.
Nakapanuod na din naman ako dati kaya wala akong karapatang mang husga.
Even IU watched one before. I saw her interview on youtube. Naalala ko lang bigla.
"Papansin ka no?"
Pag sermon ni Xenon kay Alex pero dinilaan lang sya ni Alex para mas lalo pang itong maasar.
"Bagay kayo"
Pang aasar ko sa kanilang dalawa.
"Ew"
Sabay nilang sabi at tumawa ako.
"Magkapatid. Magkapatid kasi yun"
Hindi ako pinapatapos eh.
"Ayaw"
Sabay ulit nilang sagot.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Maya-maya pa ay dumating na yung teacher namin at nag simula na yung klase.
Habang nakikinig ako sa klase namin ay naramdaman kong kinakalabit ako ni Alex. Tiningnan ko sya at may inabot sya sakin na maliit na papel.
Binuksan ko yun at napangiti ako nang makita kong galing yun kay Xenon. I looked him at nakatingin lang sya sa harap na parang nakikinig talaga sa klase.
"I'm bored :
He's so cute.
"Shh, listen to our teacher. Baka tawagin ka nanaman"
Pagkatapos kong mag sulat ay nag drawing pa ako sa gilid ng flowers and hearts pagkatapos ay maingat ko yung iniabot kay Alex. Nakita kong bago nya yun ibigay kay Xenon ay nag sulat din sya.
Nang makarating ulit sakin yung papel ay binasa ko ulit yun.
"Kiss nalang kita"
-Alex
Talagang pinigilan ko ang pag tawa ko nang mabasa ko yung sinulat ni Alex kanina.
"f**k off Alex"
"Don't mind him my Momo. I'll listen na po :>"
Muli kong tiningnan si Xenon at nakita kong nakatingin din sya sakin. Kumaway sya sakin kaya naman kumaway din ako sa kanya. Sumenyas ako sa kanya that I will keep the note and he just nod.
Parang gusto ko tuloy na mag uwian kaagad.
Sa pag tingin ko kay Xenon ay hindi ko namalayang naging titig na pala ang mga tingin ko. Ang gwapo nya lalo tingnan kapag seryoso. His side profile also looks good.
Nakangiti ako habang tinititigan sya nang tawagin ako ng teacher namin.
"Ms. Flomentera, please look at the board not on Mr. Castillo"
Pag sermon sakin ni maam at nag tawanan silang lahat. Kahit si Xenon ay nakangiti habang nakatingin sa sakin.
Napatakip ako ng libro sa muka ko dahil hiya.
Blame Xenon not me, it' not my fault if he's too good looking.