Chapter 28

1896 Words
Momo's POV After a long week, Saturday came. It's currently 5 pm and I'm waiting for Xenon to pick me up. Pupunta kasi kami kay Sir Nate. Yung nag offer sakin ng modeling at talagang sineryoso ni Xenon yung sinabi nyang magiging assistant ko sya. He wants me to be safe daw kasi. Nakaupo ako sa sofa at nag aantay. Nakaayos na din ako kasi ayoko nang pag antayin pa si Xenon. Naglalaro ako sa phone ko nang biglang tumawag si Xenon. "Hello?" Pag sagot ko sa tawag nya. "I'm here na my lady" Tatayo na sana ako at lalabas ng bahay nang pigilan nya ako. "Don't go down yet, look at the window first" Xenon said. Kagaya ng sabi nya ay naglakad ako palapit sa bintana, nasa second floor ako ng bahay. Binuksan ko yung bintana at sumilip sa labas. My lips parted when I saw Xenon. Grabe, sobra, ang gwapo nya. He's wearing an eyeglasses today and it's my first time to see him with glasses. Muka syang matalinong school heartthrob. Sa sobrang gwapo nya bumibilis ang t***k ng puso ko. Totoo ba talagang gusto ako ng lalakeng ito? It's too good to be true. What did I do in my past life to be lucky like this? Naka white polo lang sya and black pants. Halatang pinili nya yung outfit to look like my assistant pero kahit na ganun ay hindi pa din sya mukang assistant. "You look so good" I said to him and he smiled. Sa cellphone pa din kami nag uusap habang nakatingin sa isat-isa. "I have something for you" He said. "Ano?" Tanong ko at unti-unti ay may inilabas si Xenon na pulang rosas mula sa likod nya. I giggled when he smiled at me like a kid. "You like it?" He asked. "Yes, I love it" Sagot ko. Sumenyas sya na bumaba na ako kaya pinatay ko na ang tawag at bumaba na. Pag kalabas ko mula sa loob ng bahay ay agad ko syang niyakap. Ang gwapo na ang bango pa. "Missed me?" Tanong nya at tumango naman ako. Ibinigay nya sakin yung rose na hawak nya kanina at inamoy ko ito. Kasing bango nya. "I missed you more. Let's go na" Inalalayan nya akong makapasok sa loob ng kotse nya pagkatapos ay sumunod na din sya. Nag seatbelt kaming pareho at nag simula na syang mag drive paalis. Alam na din ni Xenon kung saan kami pupunta kasi sinabi ko na sa kanya sa chat kanina yung address. "Nervous?" Tanong nya habang naka tingin pa din sa daan. "Hmm, medyo?" Hindi ko sigurado kung anong mangyayare mamaya at dun ako kinakabahan. "I'll stick by your side" "Hmm" Nang makarating na kami sa lugar ay bumaba na kami kaagad. Binuksan ni Xenon yung pinto at nauna na akong pumasok sa kanya sa loob. Pag ka pasok namin sa lugar ay napansin ko kaagad ang napaka daming magazines na nakaayos sa isang pahabang mesa. May mga posters ng mga models ang naka dikit sa ibang isang wall at meron ding malaking picture ni Sir Jonathan. Ang ganda tingnan ng kabuohang itsura ng lugar. It's aesthetically pleasing and elegant at the same time. "Hello good afternoon, I'm here to see Sir Jonathan" Sabi ko sa isang babae na mukang secretary ni sir Nate. "Ms. Clara?" She asked. "Yes, it's me" "Pasok ka nalang po sa loob" The girl said. Tiningnan ko muna si Xenon na kasalukuyang naka upo sa sofa at may hawak na isang magazine. Tumango lang sya sakin kaya naman pumasok na ako sa loob. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at naabutan ko si Sir Nate na parang nagchecheck ng mga sketch ng mga dress. "Sir Nate" Pag agaw ko sa atensyon nya. Nang makita nya ako ay agad syang ngumiti at tumayo mula sa kinauupuan nya. "Ara!" He looks so happy to see me here. Lumapit sya sakin at bumeso sa pisngi ko. "You're here, does it mean that you're going to be one of our models?" He asked. "Um..... yes po" Nakangiti kong sagot at mas lalo pang sumaya ang ekspresyon nya. "Sit there" Tinuro nya yung maliit na upuan at umupo ako dun kagaya ng sinabi nya. Sa loob ng office ni sir Nate ay may isa pang pinto. Pumasok sya dun at sa pag labas nya ay may dala na syang make up box. Kinuha nya yung isa pang upuan at lumapit sakin. Walang salita ay sinimulan nya akong ayusan. Mascara, natural colored lipstick, lip gloss at iba pa ang mga bagay na nilagay nya sa muka ko. Nang matapos sya ay binigyan nya ako ng salamin para makita ko ang sarili ko. "Wow, ang ganda po" Natural na natural lang ang ginawa nyang ayos sakin. "It's because you're beautiful dear. Let's just say.... I just enhanced your beauty" Sir Nate said and I smiled. "Thank you" Pag katapos ng make up ay buhok ko naman ang inayos nya. He just iron my hair then he made me stand infront of a plain white background. Kinuha nya yung camera nya at sinimulan akong kunan ng pictures. I know what he's doing. He needs it for my profile. Kinunan nya ako sa bawat anggulo. I hope I look okay. "Okay it's done, you look great. I'll just send it to Jelo. I will contact you if we have work" "Thank you so much po Sir Nate" "You're welcome dear. Thank you too, I'll just contact you" He's so kind, just like sir Suarez. "Sige po, thank you" "Ingat pauwi" "Opo" Lumabas na ako sa office at pinag patuloy na ni sir Nate yung ginagawa nya kanina. Binuksan ko yung pinto at sa pag labas ko ay nakita kong may iniinom na si Xenon. "Xenon" Pag tawag ko sa kanya. "Oh you're done?" Tumango ako at tumabi sa kanya. "What are you drinking?" "Tea, they offered me" Iniabot nya sakin yung tea na iniinom nya kaya naman humigop din ako ng kaunti. It's good. "Inayusan ka?" "Hmm, maganda ba?" Tanong ko. "Sobra" Sagot nya at ngumiti ako. Nang maubos nya na yung tea ay nag paalam na din kami sa babae kanina na parang na secretary ni Sir Nate. Sumakay na kami ulit sa kotse at nag drive na si Xenon pauwi. "May gusto ka pang puntahan?" He asked. "Wala na pero gusto pa kitang kasama" "Pinapakilig mo ako masyado" He said and I laughed. "Why so cute Xenon?" "In love eh" Sagot nya at napatawa nanaman ako ng malakas. Ang sarap nyang ibulsa sa sobrang cute. Naomi's POV Nasa mall kami ni Kenjay ngayon. Magkasama kami pero kanina nya pa ako hindi pinapansin. Hindi sya ganyan kanina, naging cold lang sya bigla nung may tumawag sa kanya. Baka may bad news or ewan kaya naiintindihan ko naman pero hindi ko pa ding maiwasang mainis ng kaunti. Nag lalakad kami nang hindi mag kahawak ang mga kamay at hindi nag papansinan. Para kaming mag kaaway. Sa paglalakad namin ay may nakita akong maliit na stall ng master siomai kaya huminto ako dun para bumili sana saglit. Ako lang ang huminto, si Kenjay ay naglalakad pa din. Para bang hindi nya napansin na huminto ako. Napabuntong hininga ako at nag order nalang ng siomai. "Chicken siomai po dalawa" Sabi ko sa nagtitinda at nag abot ng bayad. Umupo muna ako saglit at nag antay sa order ko. Hinayaan ko nalang muna si Kenjay. Bahala syang hanapin ako mamaya kapag na realize nyang sarili nya nalang yung ka date nya. "Ito po maam" Pag abot sakin ng babae ng order ko. "Thank you" Kinuha ko yun at nilagyan ng toyo. Pinisa ko yung kalamansi pakalat sa siomai at nag simulang kumain. Kinuha ko yung cellphone ko at nanuod habang kumakain. Lumingon lingon ako sa paligid nang maubos ko yung unang batch ng siomai at wala pa din si Kenjay. Hindi nya pa rin ba napapansin na wala na ako sa tabi nya? Napabuntong hininga nanaman ako. Habang kumakain ako ay nawala yung pinapanuod ko nang tumawag si Kenjay. Nag iisip ako kung sasagutin ko ba o hindi dahil nag tatampo ako sa kanya. Sa kakaisip ko ay nawala na yung tawag at hindi ko na nasagot. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko ng siomai at itinago yung cellphone ko sa bag ko. "Naomi!" Lumingon ako sa likod ko kung san nanggaling yung boses. Nakita ko si Kenjay na nakatayo habang hinihingal pa at nakatingin sakin. Sumimangot ako sa kanya at lumapit sya sakin. Rinig na rinig ang pag habol nya sa hininga nya nang makalapit sya sakin. "I'm so sorry" Hinawakan nya ang isa kong kamay at mas lalo pa akong sumimangot. "Sana hindi mo nalang ako inayang mag date" Nakasimangot kong sabi sa kanya. "I'm sorry" "Ano ba kasing problema?" Tanong ko. "Pinagalitan ako ni coach for not attending today's meeting" "Sabi mo you're free today?" Edi sana hindi nalang kami lumabas ngayon. "I thought I am. Hindi ko alam na may meeting kanina" "Ah" Tipid kong sagot sa kanya. "Sorry na, please?" "Ubusin mo to" Sabay turo ko nung dalawang natitirang siomai. Tumango sya at umupo sa tabi ko. Mabilis nya lang na kinain yung siomai. "Okay na, bati na tayo?" Tanong nya habang ngumuguya pa. "Matitiis ba kita?" Siguradong hindi nya din naman ginusto lahat nung nangyare. "Ehh, yes or no po" Pag papacute nya. "Yes" Sagot ko at todo ngiti naman sya. Napagka sunduan naming bumili ng coke float para sakin at umuwi na. Ako lang talaga ang uuwi dahil pagkatapos nya akong ihatid sa bahay ay babalik sya sa school. Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. I tried to stop walking again to tease him. Hindi tulad kanina ay huminto din sya kaagad nung huminto ako. "Oh come on" He laughed. "Stay there!" I said to him. Tumakbo ako palayo sa kanya ng kaunti. I waved at him and he waved back while laughing. "What are you doing silly?" He shouted. "Wait for me!" I shouted back and run fast towards him. I run really fast at nang makalapit ako sa kanya ay kaagad ko syang niyakap ng mahigpit. "I love you Naomi" He said and kissed me on my head. "Call me yours" Sagot ko at biglang hinalikan ang mga labi nya. It's just a simple and short kiss. Nang humiwalay ako sa kanya ay dun ko nakita ang pagka gulat nya mula sa ginawa ko. Napalaki ang mga mata nya at napahawak din sya sa mga labi nya. "Naomi...... you......" "September 27" I said to him. "Huh?" Naguguluhan nyang tanong. "Our anniversary date. Sinsagot na kita Kenjay" Habang nag lalakad kami kanina at nakatingin sa mga kamay nya, dun ko naisip na sagutin sya. Hindi ko sigurado kung bakit pero nararamdaman ko na gusto kong sagutin sya ngayong araw. Biglaan? I don't think so. Matagal ko na syang gustong sagutin. September 27. He worked hard enough. He deserve a yes from me dati pa. Natakot lang talaga ako nung una. Gusto kong kung magiging akin man sya ay sigurado na at pang habang buhay. "To...totoo ba yan?" Tanong nya at nakangiting tumango naman ako. "I love you so much!" "I love....." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang hawakan nya ang muka ko at hinalikan ako sa mga labi ko. Today is our first day as a couple. Today, we kissed for the first time. September 27.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD