Xenon's POV
Kakatapos ko lang maligo at kasalukyan akong nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili ko. I really fixed my hair today para baka sakaling mapansin ako ni Momo. Yung tipong when she gets inside our classroom the first one that she will notice is me.
"Kuya ano ba? Kanina ka pa d'yan. We will be late."
Sigaw ni Naomi sa labas ng kwarto ko.
"Almost done!"
I shouted back.
Kinuha ko yung red box na may lamang hairpin for Momo at inilagay yun sa loob ng bag ko lumabas na.
"Let's go."
Wala pa kami sa school ay kinakabahan na ako. Kagabi pa nga itong puso ko na parang lalabas na sa lakas ng t***k.
"Bye, mom."
"Bye, mommy."
Pagpapaalam namin kay mommy. Si daddy naman ay hindi nanaman namin naabutan dahil maagang umaalis para pumasok sa hospital.
"Take care guys. I love you!"
"I love you, mom."
Naomi and I said in chorus.
Lumabas na kami ng bahay at pumasok sa loob ng kotse.
"Excited?"
Naomi asked.
"More like nervous."
I answered.
"Play it cool. Baka maging weird pa yung first impression sa'yo ni Clara."
"I'll try."
I answered then I started driving to school.
Mula sa simula ng byahe hanggang sa makarating kami sa school ay may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Medyo nanlalamig din ang mga kamay ko sa kaba at kung ano-anong mga senaryo ang naiisip ko.
Pagkarating ko sa classroom ay sinalubong agad ako ni Alex.
"Today is the day bro."
Alex said.
"Yeah, fuck."
Umupo ako sa upuan ko at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
She's not here yet but for sure maya-maya ay nandito na siya dahil malapit na ring mag-time.
"How do I look? Ayusin mo ang sagot mo ah."
Masyado na akong kabado at wala na akong panahon para sa mga kalokohan ni Alex.
"You look good. Halatang nag-prepare."
"Good."
That's the goal, to look obviously good.
"Kanina ka pa nga nila tinitingnan."
Alex said sabay turo sa mga babaeng classmates namin na nakatingin nga sa akin.
"I don't care about them."
"Hashtag kay Momo lang kakalampag."
Biro ni Alex.
"Sira ulo."
"Good morning class."
Pagbungad ni Sir Suarez sa amin pagpasok niya ng classroom. As usual, nakangiti nanaman siya na parang anghel.
Agad kaming nagsiayos ng upo sa kanya-kanya naming mga upuan lalo na ako.
Nararamdaman kong parating na si Momo.
"Good morning sir."
We all greeted back.
"So as you all know, today is the day that Ms. Clara will finally join our class again."
Sir Suarez said at naghiyawan ang iba sa amin.
"You guys look so excited kaya hindi ko na papatagalin. Ms. Clara, you may now come in."
Lahat kami ay agad na lumingon sa pinto. Nag-aantay sa pagpasok ni Momo.
This is it.
Nakangiti akong nag-aabang sa paglabas ni Momo and when she came out...
My lips parted.
Sa tingin ko halos lahat kami ay ganoon ang reaksyon when we saw her in a wheelchair.
She's with Steven at iyon ang umaalalay sa kaniya. Naging tahimik ang buong klase dahil sa gulat.
Nagulat man ako ay mas nangibabaw ang pag-aalala ko. I didn't see that coming kasi wala namang nasabi si mom o kaya naman si dad.
"Um, okay class! Now that Ms. Clara is here, finally kompleto na tayo."
Halatang pagbasag ni Sir Suarez sa katahimikan. Muling naghiyawan at palakpakan ang karamihan sa amin habang ako ay nakatitig lang kay Momo.
She's not showing any kind of emotion on her face kaya hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
She looks so much alive now, yet still so cold.
Sa pagtitig ko sa kanya ay nabigla ako nang magtama ang mga mata namin. Nataranta ako but I still played it cool at agad na inilipat ang tingin sa labas ng bintana.
"We are so happy that you're back Clara."
Sir Suarez said to her and she just smiled.
A bitter smile.
"Pakialalayan na siya sa pwesto niya Steven."
Nagsimulang itulak ni Steven ang wheelchair hanggang sa tumapat yun sa gilid ko.
Inalis nila ang upuan na kaninang nandoon para maipwesto si Momo.
"Are you okay?"
Steven asked Momo and she nodded.
"Okay, I'll be back later."
He said and she just nodded again.
Nagpaalam na si Steven kay Sir Suarez at umalis na.
Should I say hi to her? Seatmate niya naman ako eh.
"Saan na nga tayo nag-stop noong last meeting?"
Sir Suarez asked.
"Chapter 4 po sir."
Sagot ng isa kong classmate.
Nagpatuloy ang klase namin hanggang sa second subject at wala akong ibang inatupag kung hindi ang sumulyap-sulyap kay Momo.
Damn, she looks good.
She looks like a model wearing our uniform. Napansin ko rin that she's also wearing a little bit of make-up kaya medyo iba yung mukha niya kaysa sa dati na maputla lang.
Natapos ang klase at sabay-sabay nanaman kaming nag-rerecess nila Micth, Naomi, Alex, and Kenjay. Sinama na kasi ni Naomi ang manliligaw niyang si Kenjay. Mukhang mabait naman kaya wala akong problema sa kanya.
"Sabi ni mom need niya lang daw mag-wheelchair for a week."
Naomi said.
Kakatapos niya lang kausapin si mommy sa phone.
"Thank God."
I sighed in relief.
"Hinay-hinay sa pagtitig sa kaniya bro. Halata ka kanina."
Alex said.
"What? Really?"
Gulat kong tanong at tumango naman siya.
"In love masyado."
Mitch said.
"I'm worried."
"Kasi nga in love. Pareho lang yun kuya."
That's true so I will not argue.
"Kaso may kasamang iba oh."
Pagturo ni Naomi kay Momo at Steven na nasa canteen din at medyo malayo sa amin.
"Next time si Xenon na 'yan."
Alex said at sinubuan pa ako ng french fries niya.
"I can't even talk to her."
"Magpakilala ka lang as her new classmate. Transferee ka naman eh."
Mitch said.
"It's not that easy."
I sighed.
"You need help?"
Naomi asked.
"I don't know. Maghahanap na lang muna ako ng timing."
"Sabi mo eh."
Pagkatapos ng usapan namin tungkol kay Momo ay si Kenjay nanaman ang inintriga nila Mitch and Alex. Hindi na ako nakisali pa dahil na kay Momo ang buong atensyon ko.
I smiled when I saw her looking at the canteen's TV screen.
She really loves watching TV.
"Mabibigyan mo ba kami ng 1 million dollars dollars para makuha 'tong si Naomi?"
Rinig kong tanong ni Alex sa manliligaw ni Naomi kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kanila.
"Um? Yeah?"
Kenjay answered.
Yeah, he's obviously rich.
"Bro, pasado na sa akin 'to."
Alex said.
Tinutukoy niya si Kenjay para kay Naomi.
"Ah talaga? Edi jowain mo."
Sagot ko sa kaniya at lumapit siya sa akin at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.
"Paano kung ikaw pala ang type ko pare?"
Tanong niya at bigla silang nagtawanan habang ako naman itong diring-diri sa mga pinagsasabi ni Alex.
"Kadiri ka! Dun ka nga."
"Lugi ka pa ba?"
"Luging-lugi!"
Abnormal ka kaya.
Ibinalik ko ang mga tingin ko kay Momo at nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin.
Nakatingin siya na parang nag-oobserve. Medyo maingay kasi ata kami kaya siguro sa amin natuon ang atensyon niya.
For some reason ay kusa akong napangiti sa kaniya. Halos malaglag ang puso ko nang makita kong ngumiti rin siya sa akin.
Napakamao ako bigla hindi sa galit kundi dahil sa tuwa. Sa kamao ko itinago lahat ng sayang naramdaman ko nang ngumiti siya sa akin.
Alex's POV
"Una ka na, ihahatid ko muna si Mitch sa classroom niya."
Sabi ko kay Xenon at tumango lang siya at umalis. Balita ko kasi ay may umaaligid sa babe ko kaya ihahatid ko siya para makita ko kung sino.
"Babe."
Pagtawag sa akin ni Mitch.
"Hmm?"
"Ihahatid mo rin ba ako mamaya pauwi?"
She asked.
"Yes."
"So, hindi na ako papasundo sa service ko?"
"Yes babe. Dala ko yung motor ko."
Hindi ako palaging nagdadala ng motor kasi ayaw ni mommy. Delikado raw kasi kaya madalas ay nakikisabay lang ako kila Xenon.
"Okay."
"Is that okay?"
Tanong ko dahil baka ayaw niya.
"Oh come on. I love riding your motorcycle."
She answered and I smiled.
"Also, you look so hot whenever you drive that."
She added.
"Boyfriend mo ako eh."
"Hays, ang swerte ko naman."
She said and I giggled.
Kinikilig ako palagi sa bababeng 'to. Ang lakas ata ng pinanggayuma sa akin eh.
Kinuha ko ang isa niyang kamay at magkahawak kamay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa pintuan ng classroom niya.
"Susunduin kita mamaya ah."
Pagpapaalala ko.
"Yes po."
She answered.
As usual, sa tuwing bumibisita ako sa classroom nila ay sumisilip ang mga kaklase niya sa akin sa labas.
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng classroom nila at agad na tumama ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo at nakatingin sa amin ni Mitch.
A jealous look, I can see it in his eyes. I'm a man too.
I'm sure it's him.
"Pasok na ako ah."
Pagpapaalam ni Mitch at nakangiti naman akong tumango sa kaniya.
Inantay ko munang makaupo si Mitch bago ako kumaway at umalis pabalik sa classroom namin.
Pagkarating ko sa classroom ay naabutan ko si Xenon na mukhang lumilipad nanaman ang isip habang nakatigtig sa kulay pula na box na hawak niya.
Bilang isang mabait na kaibigan ay kinurot ko ang kaliwang pisngi niya upang mabalik siya sa katotohanan.
"Aray! Tarantado talaga itong si Alex oh!"
Reklamo niya.
"You're welcome."
Nakangiting pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Ano nanaman ba kasing iniisip mo at mukhang lumilipad ka nanaman?"
Tanong ko sa kaniya.
"Nothing."
"Sus kakanood mo yan ng porn..."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang takpan ni Xenon ang bibig ko.
"Hmp!"
Sigaw ko sa ilalim ng kamay niyang mahigpit na nakatakip sa bibig ko. Ayaw na nga ata akong buhayin.
"Shh! Mamaya isipin nila totoo."
Exactly.
"Kapag hindi ka bumitaw kakagatin ko yang kamay mo."
Banta ko at agad niya namang pinakawalan ang bibig ko.
"Muntik na akong mamatay doon."
Reklamo ko habang naghahabol pa ng hininga ko.
"OA ka lang."
"OA? Eh sinama mo ilong ko sa ginawa mo."
"Magpakabait ka na kasi."
"Mabait ako."
"Weh?"
This s**t.
"Ano 'yan?"
Tanong ko sa kaniya at itinuro ang kulay pulang box na hawak niya.
"Para sa kaniya."
Ah kay Momo.
"Anong nasa loob?"
"Hair clip. Nakita ko sa mall kaya binili ko na."
He answered.
"Akala ko naman mag-popropose ka na."
"Baliw ka ba?"
"Hindi. Ibigay mo na."
"I can't. 'Wag ngayon."
"Need help?"
I asked.
"No."
"I got you, bro."
"No nga. Mga kalokohan mo Alex."
"I got you nga."
Kung may tao mang palaging nag-aalangan sa mga gagawin niya, si Xenon yun. Yun rin ang pinagkaiba naming dalawa.
Kapag gusto ko kasing gawin ang isang bagay ay ginagawa ko. I don't like regrets. I guess our differences are what gives balance to our friendship.
"Subukan mo talaga gumawa ng kalokohan yari..."
Hindi na natuloy ni Xenon yung pagbabanta niya sa akin nang dumating na ang next subject teacher namin.
"Hello everyone."
Our teacher greeted us.
Mahaba-habang klase nanaman 'to. Hindi pa nagsisimula ay gusto ko na unuwi.
Xenons POV
Nang matapos ang huli naming klase para sa ngayong araw ay nagsimula nanaman akong sumulyap-sulyap kay Momo.
Pareho kaming nagliligpit ng gamit namin at naghahanda pauwi.
Pwedeng-pwede na akong magsalita at kausapin siya pero napaataras ako sa kaba.
"Clara."
Napalingon kaming pareho sa nagsalita at nakita kong si Steven yun.
Her boyfriend.
I looked at Momo again and I saw her smile at him. Agad akong nakaramdam ng lungkot at selos.
Lumapit si Steven kay Momo at tinulungan siyang mag-ayos ng mga gamit niya.
Kagaya kaninang umaga ay inalalayan niya si Momo palabas ng room.
Sumunod ako palabas sa kanila at ganoon din si Alex na muhkang nakikinig lang din sa usapan nila Steven at Momo.
"How are you?"
Steven asked Momo.
"Okay lang, uwi na tayo."
Momo answered.
"Um, I'm sorry to say this, but can you wait for me for 10 minutes? I just need to go get something."
Steven asked.
"Ah, sige."
Momo answered.
"I'll be back."
Steven said at mabilis na hinalikan si Momo sa pisngi at tumakbo paalis.
Baliw ba siya?
Iiwan niya si Momo ng ganito dito? Mag-isa? Adik pala siya eh.
"Kuya! Uwi na ba tayo?"
Tanong ni Naomi na kararating lang kasama si Mitch at yung manliligaw niya.
"Mauna na kayo."
"Huh? Bakit?"
Tanong ni Naomi at pasimpleng tinuro ko naman si Momo.
"Ah, sige."
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at inihagis yun kay Naomi.
"Sure ka ha?"
Tanong niya pa ulit at tumango lang ako.
"Okay bye."
"Bye Xenon."
"Bye bro."
"Bye po."
Pagpapaalam nila at tumango lang ako.
Umalis na silang lahat kaya ngayon ay dalawa na lang kaming dalawa na lang ni Momo ang natira.
Walang nagsasalita sa aming dalawa at nakatingin lang ako sa isang puno sa harap namin habang nag-iisip ng kahit anong pwedeng sabihin o itanong just to start a conversation.
"Bakit hindi ka sumabay sa kanila?"
Momo asked.
Sa gulat ko ay tinuro ko pa ang sarili ko kung ako ba ang kausap niya at tumango naman siya.
"Ah may inaantay lang."
Sagot ko.
"Who?"
Ikaw.
"Your girlfriend?"
Tanong niya at tumango ako.
Hindi ko rin alam kung bakit ako tumango pero at least natawag ko siyang girlfriend ko.
"Lagi mo siyang inaantay?"
Tanong niya ulit at tumango lang ulit ako.
"What a lucky girl."
She said and sighed.
"What a lucky boy."
Sagot ko habang nakatingin kay Steven na naglalakad papalapit sa amin.
"Let's go?"
Steven asked.
"Bye Xenon."
Momo said and waved goodbye to me.
Oh, God! She knows my name. How? What the f**k?
"Um... yeah... bye."
Nang tumalikod na sila sa akin ay para akong ewan na napahawak sa dibdib ko na ang lakas nanaman pagtibok.
Gusto kong tumalon at sumigaw sa saya pero tanging isang malaking ngiti na lang ang nagawa ko dahil baka isipin pa nilang baliw ako.
It's our first conversation.
Not the best but I'm still happy that we talked. She also knows my name, so I am beyond happy.