Xenon's POV
"Hoy, nabigay mo ba kahapon?"
Tanong ni Alex at umiling naman ako.
"Bakit naman?"
"Ewan ko. Basta hindi ko nabigay."
Buti sana kung basta ko lang iaabot o ibabato yun sa kaniya. Syempre dapat may sabihin din ako.
"Torpe."
Pang-aasar niya sa akin kaya mahinang hinampas ko siya ng empty plastic bottle na nasa table ko. Makulit na eh.
"Aray ha!"
"Bumalik ka na nga sa upuan mo. Nanggugulo ka nanaman dito."
Sa upuan sa harap ko kasi siya nakaupo ngayon eh dapat nasa likod ko siya. 'Yan ang hirap kay Alex eh kapag wala si Mitch ako ang pinepeste.
"Beg me."
Kita mo 'yan.
"Isa."
Pagbilang at pananakot ko sa kanya.
"Kj."
Sagot niya.
"Dalawa."
"Oo na!"
Susunod din naman pala kung ano-ano pa ang sinasabi.
"Clara."
Rinig kong pagtawag ni Alex kay Momo kaya agad akong napalingon sa kanila. Bigla akong kinabahan at baka kasi kung ano ang sabihin ni Alex.
"Hmm?"
"Pinapapunta ka ni Sir Suarez sa room 7. Kayo raw ni Xenon."
Alex said to her.
"Huh? Hindi ah."
Siraulo talaga. Dinamay pa si Sir Suarez sa kalokohan niya. Wala akong alam na pinapapunta kami doon.
"Oo nga, nag-chat si Sir sa gc tingnan mo."
Kinuha ko yung cellphone ko to check if it's true at totoo nga. Bakit naman kaming dalawa pa talaga ni Momo sa lahat ng students niya? Iba ang pakiramdam ko rito eh. Pustahan may kinalaman si Alex dito.
"Si... sige"
Sagot ko at tumayo para alalayan si Momo.
Nilingon ko si Alex at syempre nakangiting pang-asar nanaman siya.
"Okay lang ba?"
Tanong ko kay Momo at tumango lang siya kaya naman nagsimula na akong itulak ang wheelchair na kinauupuan niya. Palabas na kami ng room nang humabol si Alex sa amin.
"Naiwan mo."
Alex said at pasimpleng inabot sa akin ang pulang box na may lamang hair pin para kay Momo.
"Thanks."
Tama nga ata ang hinala ko.
Ngumiti na lang ako sa kanya at nag-thumbs up naman siya sa akin at muling pumasok sa room.
Alex is careless but his plans are mostly successful. In short, he is annoyingly smart.
Tahimik lang akong tulak-tulak ang wheelchair ni Momo hanggang sa makarating kami sa room 7.
Sabi sa gc kunin daw namin yung blue banner na gagamitin to cheer the basketball team on their next game. Kaya kasama si Momo kasi siya ang nakakaalam ng itsura ng banner kasi yun din daw ang ginamit na banner noong last game. Malay ko ba naman doon dahil transferee lang ako rito.
"Yun."
Momo said pointing at the blue banner na nakalagay sa isang sulok ng room.
"I got it."
Kinuha ko yung banner and checked if it's really it. Mukhang tama naman base sa description ni Sir kaya lumapit na ulit ako kay Momo para makabalik na kami sa room.
"Let's go."
Sabi ko at tumango naman siya.
Naglakad na ako papunta sa pintuan ng room at nang buksan ko yun ay nagtaka ako dahil parang may nakabara sa harap.
Bumwelo ako ng kaunti pagkatapos ay binangga yung pinto pero ayaw pa rin.
"May problema ba?"
Momo asked.
"Ayaw bumukas eh."
"What? Why?"
Lumapit siya sa pinto at sinubuksang itulak yun.
Kinuha ko ang cellphone ko to message and get help from Alex pero siya pa pala ang naunang nag-message sa akin.
"I will open the door after 20 minutes. Give it to her and good luck. No need to thank me :>"
"Anak ng tinapa!"
Sigaw ko nang mabasa ko ang message ni Alex.
"Anong nangyayari?"
Nag-aalalang tanong ni Momo.
"I'm sorry. Don't worry Momo... I mean Clara. Antay lang tayo ng kaunti para mabuksan nila Alex ang pinto."
Na-set up tayo.
Dapat ata sanayin ko na ang sarili kong tawagin siya sa totoo niyang pangalan. Ayaw kong malito siya dahil sa kakatawag ko sa kaniya ng Momo.
"Ganoon ba? Pero ang dilim dito."
Bago ko lang din napansin. Medyo madilim nga kahit may ilaw na. Mahina kasi yung bumbilya at mukhang malapit nang masira.
"Are you scared?"
I asked.
"A little bit."
She answered.
Kumuha ako ng isang upuan at hinila yun palapit sa wheelchair niya at umupo kaharap siya.
"Dito lang ako."
I said and she smiled.
"Um..."
Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Sa lagay na 'to ay hindi ko alam kung paano bubwelo sa pagbigay ng box na nasa bulsa ko sa kanya.
"Hmm?"
She asked.
"Nah, nothing."
Sagot ko at nagsimulang mabalot ng katahimikan ang buong paligid. Palingon-lingon lang din ako kung saan-saan dahil naiilang at nahihiya ako lalo na at baka sakaling diretsong magtagpo pa ang mga mata namin.
"I know this is weird but..."
"Hmm?"
Malambing kong tanong sa kaniya.
"Can I hold your hand?"
She asked.
"Why?"
Tanong ko rin.
"I don't know. I just really want to touch it for some unknown reason."
Agad akong peke at pilit na napaubo nang maramdaman kong pangiti na ako mula sa sagot niya. Para akong sinipa ng limang kabayo sa dibdib sa kilig.
Kagaya ng sabi niya ay hinawakan ko ang isa niyang kamay. Hindi na ako aarte at magpapakipot dahil mas pabor naman sa akin. I looked at her to see her reaction and she's just looking at our hands.
"Your hand is so warm."
She's really my Momo. She always say that every time she holds my hand.
"Your hand is so small."
Komento ko rin at ngumiti lang siya at tinanggal na ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Napakabilis naman nun at bitin na bitin pa ako.
"Tranferee ka 'di ba?"
Tanong niya at tumango ako.
"Saan kayo nagkakilala ng girlfriend mo? If okay lang tanungin."
"Sa mall kami nagkakilala."
Sa mall tayo unang nagkita. You're annoying me so bad that I gave you so much attitude. Nung araw na yun ko nalaman na may pagkapilosopo rin pala ang mga multo.
"Maganda siya 'no?"
"Sobra."
Kahit ngayong tingnan lang kita ay bumibilis na t***k ng puso ko. Mga titig mo pa lang tunaw na ako kung alam mo lang.
"She's your fan."
Dagdag ko.
"Talaga ba?"
"Yeah, may pinapabigay nga sana siya para sa'yo."
Naisip kong gawing palusot ang girlfriend na pinag-uusapan namin para ibigay sa kaniya yung hair pin.
Kahit papaano ay mautak din naman ako.
"Really? Ano yun?"
Nakangiti niyang tanong at halatang excited.
Nahihiya ako pero pinilit ko pa rin ang sarili kong ilabas ang maliit na pulang box mula sa bulsa ko. Iniabot ko yun sa kanya. Kaagad niya yung binuksan habang ako naman ay nakatingin lang at kinakabahang nag-aantay sa reaksyon niya.
"Wow it's so pretty! Thank you. How did she know I lover red?"
Nakahinga ako ng maluwagsa sagot niya. Thank God she likes it.
"Pakisabi thank you ah."
"Gusto mo bang isuot ko sa iyo?"
Tanong ko at tumango naman siya.
Kinuha ko ang hairpin sa kamay niya at lumapit ako sa kaniya nang kaunti. Marahan kong hinaplos ang buhok niya at maingat na ikinabit ang hairpin sa gilid ng buhok niya.
Sa paglapit kong yun ay naamoy ko rin ang bango niya. She doesn't smell like anything before kaya sinagad ko ang pagkakataon at pasimpleng sininghot ang bango niya habang nakapikit pa.
My arms want to hug her terribly.
"Maganda ba?"
Syempre maganda. Parang mas gumanda pa nga yata yung hairpin nung sinuot niya.
"Gusto mong makita?"
"Yeah sure."
Kinuha ko ang cellphone ko at pagkatapos ay itinapat yun sa kaniya.
"Smile."
I said and she smiled.
I clicked the camera not just once, but many times. Wala akong pake kung mapuno storage ng cellphone ko. Ganoon siya kaganda sa paningin ko.
"Patingin."
Iniabot ko sa kaniya yung cellphone ko at isa-isa niyang tiningnan ang mga pictures niya.
"Thanks Xenon."
"Welcome Clara."
It feels weird to say her name. Mas sanay akong tawagin siya sa pangalang ibinigay ko sa kaniya.
Damn I sound like I'm her father.
"Ara na lang."
Sagot niya.
"Sige... Ara."
Ara parang araw-araw. Ang aking araw-araw.
"Eh kayo ni Steven?"
"What about us?"
"Saan kayo nagkakilala? Paano? Gaano katagal na kayo?"
Sunod-sunod kong tanong sa kaniya dahil gusto ko malaman ang lahat.
"Ikaw ata ang fan ko eh. Tinatadtad mo ako ng tanong."
Biro niya at napakamot naman ako sa likod ng ulo ko sa hiya.
"Naging kami halos last year lang. Simula noong pasukan ng senior high school."
Hindi pa pala matagal.
"Sobrang simpleng love story lang yung amin."
Love story, love.
She must really love that Steven guy. I am hoping that she doesn't love him more than she loves me. Kung naalala niya lang sana ako.
"Can you tell me your love story?"
I asked with a fake smile.
"Matagal ko na talaga siyang kilala. Nakikita ko na siya noong junior high school pa lang kami pagkatapos one day pinagkakilala kami ng isang common friend namin then doon na nagsimula ang lahat. Dinadalhan niya na ako palagi ng mga pagkain tuwing nag-papractice kami hanggang sa nagsimula na siyang manligaw sa akin."
Simple nga lang but it doesn't mean it's bad. Most of the time simple stories turn out to be the best. Kinakabahan tuloy ako lalo. Dumadag pa ang nakikita kong ngiti sa mga labi niya habang kinukwento niya sa akin ang tungkol sa kanila ni Steven.
"Gaano na kayo katagal ngayon?"
"A year"
She answered, and I just nodded.
"Eh kayo?"
Tanong niya pero hindi na ako nakasagot nang bumukas ang pinto at pumasok si Alex kasama si Steven.
Bakit siya nandito?
"Ara!"
Pagtawag ni Steven kay Clara.
"Nag-alala ako sa'yo."
Nang makalapit si Steven kay Clara ay agad niya itong niyakap. Agad na nag-iba nag timpla ko at nanuna na akong lumabas at sumunod naman si Alex sa akin.
"Bro ano yun? Bakit ka umalis?"
Tanong ni Alex habang sumusunod pa rin sa akin sa paglalakad.
"Mas gusto ko pang magkasakit kesa tingnan silang nagyayakapan."
"Pero nabigay mo ba?"
"Yes and I even took a picture of her wearing it."
"Grabe ka na talaga Xenon."
"Pero mukhang mahal niya eh."
"Ano?"
"Si Clara. Mukhang mahal niya talaga si Steven."
Sagot ko at mukhang napatahimik si Alex. Maybe he doesn't know what to say to me.
"So, wala na?"
"Meron. May nakikita pa akong chance."
May mga bagay na sa tingin ako ay naglalapit kay Momo sa akin. I mean hindi katulad nung nangyari kanina dahil alam kong set-up yun ni Alex. What I mean is I think she somehow remembers me. She wanted to hold my hand earlier without exactly knowing why. Maybe that means that her memory will eventually come back. Pero kapag nagkataon naman handa akong isuko siya kay Steven dahil kahit saang anggulo mo naman kasi tingnan, if my Momo loves another guy talo na ako agad. It's her heart that I'm fighting for, so if Steven already has her heart, it will be only a losing game for me. However, it doesn't mean that I will stop loving her. I can still love her from afar, right.