Naomi's POV
"Pst gising na, nandito na tayo."
Paggising ko kay Alex.
Halos 8 pm na kaming nakarating dahil sa bulok na sasakyan ni Alex. Just kidding, hindi lang ako sanay sa kotse niya at bago pa lang din ako as a driver.
"Oh wow, gabi na."
Sabi niya nang magising siya at makita niya mula sa bintana ng kotse na madilim na.
"Yes, sleepyhead. Let's go."
Nauna na akong bumaba sa kanya at kaagad na bumaba sa nakita kong maliit na daan na may hagdan pababa. Hindi ko pa sana makikita yun kung hindi ko sinuri ng tingin yung lugar.
"This place is... interesting."
Alex commented na nasa tabi ko na pala.
"Yeah, I agree."
Sunod-sunod na kumatok ako sa pinto at maya-maya pa ay pinagbuksan din kami ng pinto.
"Kuya!"
I shouted and immediately hugged him nang makita ko siya.
Tama nga ako, nandito nga talaga siya.
"What are you doing here? How did you guys know that I am here?"
Tanong niya sa amin ni Alex.
"You have no idea kung gaano kami katagal naghanap sa inyo."
Sagot ni Alex sa kanya.
"Why?"
"Kilala na namin 'yong babaeng tinatanong mo sa akin."
Tuwang-tuwang sagot ko at sandali naman siyang napatulala sa gulat.
"Si Momo..."
"No, Clara is her name."
Clara Marisa Flomentera.
"Ho... how did you know?"
He asked; obviously shocked.
"Do you have some water inside?"
Tanong ko rin sa kaniya.
"Huh?
"I'm thirsty duh."
"Oh, come in."
He said at pinapasok kami sa loob.
I gasped the moment we went inside. The place looks so beautiful.
Ibang-iba ang itsura nito sa labas. Napakaganda at kapag pumasok ka ay parang ayaw mo nang umalis.
Inabutan kaming pareho ni Ivan ni kuya ng bottled water na kaagad kong ininom ng diretso.
"Is she here?"
I asked.
"Yeah, sitting on the bed."
Napatingin ako sa kama at syempre wala akong nakita. Si kuya lang naman ata ang nakakakita sa kaniya which is insane.
"So what happened?"
"Alam na namin kung nasaan ang katawan niya."
Alex answered.
"And we are here to fetch you because you guys need to go to our hospital."
I added.
"Our hospital?"
He asked.
"Yes, do you remember dad's friend? 'Yong may anak na nasa hospital natin?"
"Yeah."
Kunot noo niyang sagot na parang may idea na siya sa susunod kong sasabihin.
"It's Clara. Anak nila si Momo."
"f**k, why did I not think about that?"
"Because you're stupid, sometimes."
Sagot ko at sinamaan niya ako ng tingin.
That's our difference. I make big mistake while he makes small stupid mistakes. That's why we are the perfect siblings.
"Momo we found you!"
Kuya said and hugged the air.
We can't see her but for sure it's Momo. It's weird to watch but also not really.
"Let's go."
Nagmamadali kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse papunta sa hospital.
"Sino pang ibang nakakaalam?"
Kuya asked.
"Just me and Alex. We don't want to spread the news and facts kasi baka mapagkamalan pa kaming mga baliw."
Sobrang unbelievable naman kasi ng mga pangyayari.
"What's her full name?"
"Clara Marisa Flomentera."
Alex answered.
"She's a cheerleader, car accident."
I added.
"The locker girl."
Kuya said.
"Yup, that's her."
"What else do you know?"
"Wala na. So far, iyan lang ang mga nakuha naming information about her. Nagmadali na rin kasi kaming pumunta dito."
Basta ang importante ay nahanap na namin siya.
Nang makarating kami sa hospital ay nagmamadali kaming naglakad papunta sa room 402 kung nasaan si Clara.
Pagdating namin doon ay may dalawang tao lang na nagbabantay sa loob ng room. It's her mom and a guy that I don't know.
"Who are you guys?"
Clara's mom asked.
"Um..."
I don't know what to say.
"Hi, I'm doctor Castillo's son"
Kuya said then he shook hands with Clara's mom and also with the guy that I don't know who.
Kuya was quick and confident doing that.
"Oh hi, I'm Clara's mother."
"Nice to meet you ma'am. Clara and us go to the same school."
Dagdag na pagpapakilala niya.
"Oh really? So you guys are her friends?"
"Yes."
Kuya is so cool at lying, not in a bad way. I mean he doesn't look nervous at all.
"Pinapatawag po kayo ni dad because he needs to discuss something very important with you."
I said.
Kailangan naming mapaalis sila rito sa loob ng room so we can freely do what we need to do.
"Right now?"
Clara's mom asked.
"Yes po, but don't worry, kami na lang muna ang magbabantay sa kaniya."
I answered.
"Thank you."
She said and I just smiled pagkatapos ay lumabas na sila ng room. Buti nga at sumama na rin yung isang lalaki at hindi na nagpaiwan.
Pagkalabas nila ay may tinawagan si Kuya. I don't know who but whoever it is, it looks like that person can help us.
"We found her."
Kuya said.
"Naku salamat naman sa Diyos."
A woman voice answered.
"Who is she?"
Alex asked.
"She's the owner of the creepy shop near our house, Ms. Sim."
Oh that shop.
"What do we need to do now?"
Kuya asked to Ms. Sim.
"Kailangan niyang hawakan ang kamay ng katawan niya. Ipikit niya ang mga mata niya at damhin ang pag-iisa ng kaluluwa at katawan niya."
That sounds magical, just like in the movies.
"That's it?"
Kuya asked.
"Mabilis lang ang proseso ng pagbabalik katawan."
She answered.
"That's scary."
Nanginginig sa takot na komento ni Alex at kumapit pa ito sa braso ko. Hinayaan ko na lang dahil mukha siyang nakakaawa at baka bigla pang maihi rito sa takot.
"Okay, thank you so much. I'll update you later."
"Sandali..."
The woman said when kuya is about to end the call.
"What?"
Kuya asked.
"Xenon kailangan mong malaman na sa oras na magising siya ay may posibilidad na hindi ka na niya maalala."
Lahat kami ay nabigla sa sinabi ng babae.
"Why?"
Ako na mismo ang napatanong sa gulat.
"Iyon ang patakarang ibinigay sa atin."
"What do you mean? Why? I don't understand."
Kuya asked.
"Kung ano man ang nangyari noong kaluluwa pa siya ay dapat mabura sa memorya niya upang hindi maapektuhan ang buhay na babalikan niya."
She answered.
That reason makes sense but still...
"No..."
Kuya looks devastated. I can also see his tear forming in the side of his eyes.
"Pasensya na iho pero yun ang nararapat."
"But I..."
"Kuya I don't think we can do anything about it."
I said.
"I know... I... Alright."
Mahinang sagot ni Kuya.
"Can you guys go out please?"
Kuya said so we went outside.
Maybe he wants to talk to Momo first. Napakagat na lang ako sa labi ko habang nakatingin sa kanila mula sa labas.
It's heartbreaking. I know he is in love with Clara. Hindi niya naman dadalhin sa lugar na yun si Clara kung hindi.
Xenon's POV
"Xenon... ayaw ko."
Momo said.
She's crying right now because of the fact that she won't remember anything about me when she wakes up.
"Shh."
Pagpapatahan ko sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
"You have to do it my love. It's the only way for you to live."
I said and caress her face.
"But, I don't want to forget you."
Momo said.
Hinarap ko siya at hinalikan sa mga labi niya. It's just a one short kiss to assure her that it's all going to be alright.
"You won't, I promise."
"Ho... how?"
Tanong niya habang humihikbi pa.
I also want to cry but I won't dahil baka lalo lang siyang malungkot. This is like saying goodbye to her.
"You love me?"
I asked and she nods.
"Then you won't forget about me, trust me."
I said then she hugged me again very tight.
"I love you Xenon."
"I love you Clara."
Finally, I said her real name.
"Hold my hand with me please."
She said and I smiled.
Lumapit kami sa katawan niya at umupo sa tabi. We are both looking at her sleeping body.
"It's really me."
She said.
"You're beautiful."
I said and she smiled.
"Can you kiss me again..."
Momo said.
"...My body."
She added.
"Is it okay?"
Tanong ko at tumango naman siya.
Tumayo ako nang kaunti at lumapit sa katawan niya. Sandali akong napatitig bago hinawakan ang mga pisngi niya at nang malapit na ang mga labi ko sa mga labi niya ay bigla naman akong tinawag ni Momo.
"Xenon."
Pagtawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Kiss me when I wake up "
She said then she touched her body's hand.
In just a second, Momo disappeared.
Kasabay ng pagkawala niya sa paningin ko ay ang pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Nakayuko akong umiiyak habang nakahawak sa mga kamay niya.
I'm happy because I know that she's going to be okay now but at the same time, I feel sad.
I didn't see this coming. This is not how I expected it to be.
Biglang napaangat ang ulo ko at napatingin ako kay Momo nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niya.
"Mo..."
"CLARA?!"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may pumasok. It's her mom and the one guy na nandito rin kanina.
Sa pagpasok nila ay agad akong napabitaw sa mga kamay ni Momo at dire-diretsong lumabas ng room.
"Bro, anong nangyari?"
Rinig kong tanong ni Alex nang makalabas ako pero hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad palayo habang patuloy na umiiyak.
Hindi ko alam kung kaya kong makita si Momo.
I don't know if I can hear her asking me "who are you?".
Nang makalabas ako sa loob ng hospital ay agad akong nag-drive pauwi.
Hindi ko na rin alam ang mga ginagawa ko. Parang kusa na lang gumagalaw ang katawan ko nang hindi man lang nag-iisip.
Pagkapasok ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni mommy.
"Xenon, anak may nangyari ba?"
Nag-aalalang tanong niya nang mapansin niya ang mga mata ko.
"Nothing mom."
"Are you sure?"
She asked and I just nod.
"Well, if you say so."
Sagot ni mommy na halatang hindi naniniwala sa akin.
Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang magsalita ulit si mom.
"Good news nga pala, gising na ang anak ng kaibigan ng daddy mo. Kinwento ko siya sa inyo remember?"
It's my Momo.
"Yeah."
Tipid kong sagot.
"I'm sure her family is so happy right now especially her boyfriend. Siya ang nagbabantay doon halos buong araw."
Napahinto ako bigla sa sinabing yun ni mommy.
Naglakad ako pabalik kay mom dahil medyo naguluhan ako.
"Her boyfriend?"
May boyfriend si Momo?
"Yes, why? She's a pretty girl."
She is but... I didn't know she have a boyfriend.
Parang mas nawalan ako ng pag-asa.
"Oh I see. Do you know anything more about her mom?"
I asked.
"No, ask your dad. He's closer to her family"
Mom answered.
"I see. Thanks mom "
I said and kissed her on her cheeks pagkatapos ay naglakad na ako paakyat.
Pagkaakyat ko ng kwarto ay agad kong binuksan ang laptop ko.
I searched f*******: on google then I searched Momo's real name.
Clara Marisa Flomentera.
Madaming accounts ang lumabas but I still managed to find her real account.
Agad na bumungad sa akin ang in a relationship na status niya nang puntahan ko ang profile niya.
In a relationship with Steven Fuentez.
I clicked the name to open his account and he's also a famous student just like Momo.
Mukhang sila ang tinatawag na famous and dream couple of the university.
Napabuntong hininga na lang ako at sinara ang laptop ko. Para akong bangkay na inihagis ang sarili ko sa kama at umikot-ikot.
Masyadong maraming nangyari ngayon sa isang araw lamang and my brain can't still process it all. Is this all true?
Is she in love with taht guy Steven? Malamang oo, kaya niya nga naging boyfriend eh.
Bahala na.
Nakahiga at nakatulala ako sa kisame nang muli nanamang pumatak ang mga luha ko. I'm not moving, para akong estatwa na umiiyak.
I even failed to kiss her when she woke up just like what she told me to do.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa makatulog na lang ako sa kakaiyak.