Chapter 18

2550 Words
Xenon's POV Pagkatapos ng klase ay nauna na akong umalis kila Alex. Nagmamadali akong nag-drive paalis at huminto sa shop ni Ms. Sim. "Ms. Sim!" Hinihingal kong pagtawag dahil tumakbo kanina pa ako tumatakbo. "Oh, ano ang nangyari?" "Is it really not possible na maalala ako ni Momo, I mean Clara?" Diretso kong tanong sa kaniya na halatang pinagtaka niya dahil sa pagkunot ng noo niya. "Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?" "Kasi..." Hindi rin ako sigurado pero pakiramdam ko tama ako. She said deja vu earlier when we were answering a question on the board. When she was a ghost, I mean spirit, the same thing happened. I answered a question and she helped me. Kagaya na lang ng kanina. "Ano ba yun?" "Pakiramdam ko may naalala siya." "Sigurado ka ba?" Hindi, hindi ako sigurado. "Hindi ko pa po alam." "Kung ganoon..." "Kung ganoon... ano po?" May pag-asa ba? "Siguro masyadong malakas ang koneksyon niyo sa isat-isa kaya nangyayari ang sa tingin kong nangyayari." Para akong biglang nabuhayan ng loob sa sinabi niyang yun. "Ibig sabihin posible po?" Tumango naman siya bilang sagot. "Pero sabi niyo dati hindi posible yun?" "Ayaw kong umasa ka sa wala iho. Ang sitwasyon niyo ay nangyari na rin sa iba." That means it's not one in a million situation. "Ano pong nangyari sa kanila?" "Hindi maganda." "Bakit naman po?" "May iba nang minamahal ang lalake kaya walang nagawa ang babae kung hindi ang magparaya at alisin ang nararamdaman niya para sa lalake." Malungkot na sagot ni Miss Sim. "Paano pong walang nagawa?" Tanong ko. "Nakatakdang ikasal ang lalake sa ibang babae iho. Huli na ang lahat nang maalala siya nito." Pagkwento niya at pansin ko sa mga mata niya ang kakaibang lungkot. Hindi kaya... "Ms. Sim." "Ano yun iho?" "Kayo po ba yun?" I asked and she just smiled bitterly. Does that means yes? Kung ganoon ay halos kapareho sa amin ang sitwasyon nila. My girl is also in love with another guy. "Where is he now?" I asked. "May sarili na siyang pamilya at pitong taon na simula nung huli ko siyang makita." Fuck. "I'm sorry." I feel bad and I don't know what to say. Mukhang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin yung lalake. "Wag kang mag alala. Matagal na yun." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Hindi pa huli ang lahat para sa inyo. Pwede mo pang mabago ang mga bagay." "I don't know how." Hindi naman pwedeng agawin ko na lang bigla si Momo kay Steven. Magmumuka pa akong kabit sa relasyon nila. "Malalaman mo. Mag tiwala ka lang." She said and smiled. "Thank you Ms. Sim." I smiled. "Ito nga po pala. Dinalhan ko kayo nito." Iniabot ko sa kaniya yung binili ko kaninang prutas. May nadaanan akong matandang nagtitinda kanina kaya bumili na ako kahit nagmamadali pa ako. Pagpapasalamat ko na rin kay Ms. Sim. "Salamat iho." "Matamis daw po yung mangga. Alis na po ako. Salamat po ulit." "Mag-iingat ka." Ngumiti ako at umalis na. I really hope that there's still way for me and Momo. Nawala na sa akin si Samantha noon kaya hindi ko na hahayaang si Clara nanaman ang mawala. Wala akong pake sa tadhana. I'm willing to do anything for her. Momo's POV "Ms. Flomentera?" Pag tawag sa akin ni Sir Suarez. "Yes po?" "Magkakaroon tayo ng play next week. Is it okay kung ikaw na lang ang gaganap na Snow White?" Kasama ako sa film and photography club at every year ay gumagawa kami ng isang play. Ganoon din sa ibang club. May ginagawa rin sila every year na connected sa kung anong klaseng club sila. "Po? Ako po?" "Yes. Napag-usapan namin ng ibang members na ikaw ang pinakabagay na maging Snow White. You also have short hair." Madami namang iba dyan atsaka pwede naman sigurong magsuot ng wig. "Come on Clara. Tumanggi ka na last year kaya pumayag ka na ngayon." "Wala po bang iba?" Madami rin namang ibang magandang mga babae sa club namin. "You're the perfect one for this role." "Sige na Clara pumayag ka na." Dagdag pa ni Kirsten na member ng club at sunod-sunod nang sumang-ayon ang iba. "Oo na, sige na." Sagot ko sa kanila. May choice pa ba ako? "Sige po Sir." Sagot ko at napapalakpak si Sir Suarez sa tuwa. "Sino pong partner ko?" Tanong ko at bigla namang sumigaw si Alex. "Si Xenon Sir!" Halos lahat ay napatingin kay Alex dahil sa pagsigaw niya pero kay Xenon tumama ang tingin ko. He's also looking at me na parang bang malalim na nag-iisip. "Mr. Castillo? Saang club ka ba kasali?" Tanong ni Sir Suarez. Kapag hindi kami magkapareho ni Xenon ng club ay hindi pwedeng siya yung maging partner ko sa play. "Film and photography Sir." Xenon answered. "Great! Okay lang ba sa'yo kung ikaw na?" Tanong ni Sir Suarez at hindi kaagad nakasagot si Xenon. Parang pinag-iisipan niya pa kung papayag ba siya. "May plus points ito at mas maganda rin na kayong dalawa na lang. Magkaklase kayo kaya mas komportable rin yun para sa inyo." Komportable nga ba? "Okay sir." Xenon answered. "Very good. Both of you go to the stage later after your class, okay?" Mukhang magsisimula na kaagad yung practice. Hindi ko alam kung paano ang magiging takbo ng play na 'to para saming dalawa ni Xenon pero sa totoo lang ay masaya ako na kami magkasama. "Yes sir." "Pati yung ibang mga kasali rin sa play. Pumunta sa stage mamaya." Pagpapaalala ni Sir Suarez pagkatapos nun ay nagpaalam na siya at lumabas ng classroom. Saktong paglabas ni Sir Suarez ay tumunog na yung bell which means lunchbreak na. "Kainan na!" Sigaw ni Alex. "Sasama ka ba ulit samin Ara?" Alex asked. "Hindi eh. Sabay daw kami ni Steven today." Gusto ko man sumama pero hindi pwede. Hindi ko rin naman pwedeng isama si Steven sa kanila dahil paniguradong hindi niya magugustuhan yun. Baka maging uncomfortable pa yung lunch break para sa lahat pag ginawa ko yun. "Ah okay. Una na kami sa'yo ah. Bye Ara!" Pagpapaalam ni Alex at kinawayan ko lang sila ni Xenon. "Bye." Xenon said and I just smiled pagkatapos ay lumabas na sila ng classroom. Inayos ko na lang muna ang mga gamit ko at hindi na rin nagtagal dahil natanaw ko na si Steven sa labas ng classroom namin. "Sorry, kanina ka pa ba?" Tanong ko habang kinukuha niya yung bag ko sa akin. "Medyo lang. Let's go." Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa lugar na kakainan namin. Paniguradong kasama ulit namin sila James, Gino, Mina and Ella. "How's your feet na?" He asked. "Improving everyday." "That's good." He said and smiled. Pagkarating namin sa lugar ay pinagbuksan ako ng pinto ni Steven at kagaya nga ng inaasahan ko ay natanaw ko kaagad sila Gino. Hindi naman sa ayaw ko silang kasama. Medyo hindi lang ako komportable around them. "Nag-order na kayo?" Tanong ni Steven sa kanila. "Hindi pa inaantay namin kayo." Sagot ni Mina kaya naman tumawag na ng waiter si Steven. Yung lugar na kinakainan namin ngayon ay medyo mahal kumpara sa kinakainan nila Xenon. Parang hindi nga pang student yung place. Mas mura yung kinakainan nila Xenon pero mas masarap. "The usual please." Steven said to the waiter. "Yes sir." The waiter said and left. Ganoon kami kadalas kumain dito. Hindi na kailangan ng menu sa sobrang dalas. "Clara, ikaw daw pala yung gaganap na Snow White for the play this year?" Tanong ni Gino at tumango ako. Maybe Sir Suarez already posted it sa Pinost sa page ng school. "Really love?" Tanong ni Steven at tumango ako. "That's great love. Kailan ang simula ng practice niyo?" "Mamaya na siguro. Mukjang excited si Sir eh." "Who's your partner?" Oh no. Nawala sa isip ko na ayaw ni Steven kay Xenon. "Um..." "Xenon Castillo?" Pagbasa ni Ella mula sa cellphone niya and I sighed. She didn't even let me say it. "What? Xenon? Yung may gusto sayo?" Halatang galit na tanong ni Steven. "Siya kasi yung napili ni Sir Suarez eh." "Ah yun ba yung nagtapat kay Clara sa stage?" Tanong naman ni Mina kay Steven. "Yeah." Steven answered. "Mag-quit ka na lang." "Hindi pwede love. Matagal na akong pinipilit ni Sir Suarez." Nakakahiya naman kung tatanggi ako ulit atsaka na post niya na sa page at ayaw ko namang ma-disappoint si Sir Suarez sa akin. "Kahit na. You should have told me first." "I can't. They wanted my answer quick. "So, should I just agree about this?" Napabuntong hininga ako at sumimangot. Ang hirap naman kasi iwasan ni Xenon at kahit ako ay ayaw ko siyang iwasan. "Sige, okay. Basta wag kang lalapit masyado sa kaniya, okay? Kapag kailangan lang." Steven said at todo ngiti naman akong tumango sa kanya. "Thank you love." I said and he just smiled. Sandali silang nagkwentuhan habang ako ay ngumingiti-ngiti lang. Hindi rin nagtagal at dumating na yung pagkain at nagsimula na kaming kumain. "Try this." Steven gave me a piece of his stirred fried mushroom and broccoli. It's his favorite dish in this restaurant and I exactly know why. "Walang kupas." Komento ko habang ngumunguya pa. It's not my favorite though. "Eat a lot my love." "You too." I'm glad that Steven and I didn't fight today. Muntik na pero buti na lang at hindi natuloy. "By the way love..." "Hmm?" Malambing kong tanong sa kaniya. "Can I watch you later?" "Watch me?" I asked. "Sa practice mo." "Sure." Bakit naman hindi? I'm happy that he's making time for me. Kailangan lang pala ng kaunting selos. Xenon's POV Kagaya ng sabi ni Sir Suarez ay pumunta kami kaagad sa stage after class. Medyo madami kami at kasama rin namin yung mga students from art club kasi sila yung gagawa ng props and costumes for the play. "Okay, nandito na ba ang lahat?" Sir Suarez asked and we all said yes. "Good, sa mga taga creative art club sabi ni Ms. Kaye ay alam niyo na rin daw ang gagawin niyo kaya hahayaan ko na kayo d'yan. Sa mga students na hawak ko naman, umakyat na kayo ng stage para makapagsimula na tayo." Umakyat kami sa taas kagaya ng sabi ji Sir Suarez at itinabi ang mga bag namin sa isang gilid. "Yung Snow White and the wicked Queen muna." Sir Suarez said at lumapit naman si Clara at Faith kay sir. Umupo na lang muna ako sa gilid para panuorin sila. "Here's the script. Script reading muna tayo para maayos natin yung pag-deliver niyo ng mga lines niyo" "Alex! Pahiram ng camera mo." Pagkaabot niya sa akin ng camera ay isinuot ko yun sa leeg ko at pasimpleng kinunan si Momo. Ang ganda niya talaga. Ang hirap pigilan ang sarili kong ngumiti habang pinapanuod siya mula sa camera. Paminsan-minsan ay tinutoktok ko sa ibang direksyon yung camera para hindi ako mahalata na puro si Momo lang yung kinukunan ko. "Hoy baka mapuno ah!" Pagsermon sa akin ni Alex. "Wala yan." Sagot ko at napailing na lang siya. Ayos lang yan. Ngayon lang ako mangungulit keysa sa kanya na araw-araw. Pagkatapos ng limang segundong pagtutok ko ng camera kay Momo ay inilipat ko naman muna sa iba yung direksyon at nagtaka ako nang makita ko Steven mula sa camera. Ibinaba ko ang camera para tingnan kung namamalik mata lang ba ako pero talagang nandito nga siya. Nakangiti siya kay Momo habang kumakaway pa at nang tingnan ko si Momo ay nakangiti rin ito sa kanya. "Oh! Ayaw ko na." Pagsasauli ko kay Alex ng camera niya dahil nawalan na ako ng gana. Anong kukunan ko? Yung katamisan nilang dalawa ni Steven? Ngumuso na lang ako sa tabi at masamang tiningnan si Steven nang bigla namang magtama ang mga tingin namin. Instead of looking away ay mas matalim ko pa siyang tiningnan at ngumisi naman siya sa akin. Ang lakas ng loob magpakita rito eh hindi niya nga maalagaan ng maayos yung sarili niyang girlfriend. Nagpapakita lang yata yan kapag trip niya eh. "Prince! Come here." Pagtawag sa akin ni Sir Suarez kaya tumayo na ako at lumapit sa kanilang tatlo. "Read your script guys. Pupunta lang muna ako saglit kay Ms. Kaye." Sir Suarez said and we just nod. "Snow White! Snow White! Where are you?" Pagbasa ko with emotions. "If he asks my stepmother what will she say?" Pagbasa ni Momo. "Oh Queen, do you know where Snow White is?" I asked facing Faith, the wicked Queen. "Haven't been the foggiest." "Do you know when she will be home?" "Why should I care?" "She's not very helpful." I whispered in the air kagaya ng sabi sa script. Si Momo na dapat yung magsasalita but she's not reading her script. Faith and I looked at her at kung saan-saan siya tumitingin na parang may hinahanap. "Ara, ikaw na." Faith said to her. "Um, sorry hinahanap ko kasi si Steven." Tiningnan ko ang direksyon kung saan nakatayo si Steven kanina at wala na siya doon. "Nakita niyo ba si Steven?" Tanong ni Momo sa kaklse namin na napadaan. "Umalis kanina kasama si Ella. Sinundo yata siya eh." That bastard. Tumayo si Momo at maglalakad na sana paalis nang pigilan at hawakan ko ang kamay niya. "Sandali lang." She said. "No, nag-papractice tayo." Hindi ako papayag na makita ka nanamang naghahabol sa walang kwenta mong boyfriend. Pupunta dito tapos biglang aalis ng wala man lang paalam. He do things as he pleased. Parang hindi man lang iniisip si Momo sa bawat galaw niya. "Please?" She asked. "Read your script." Seryoso kong sagot sa kanya at wala na siyang nagawa pa kung hindi ang umupo at bumalik sa pagbabasa. Wala akong pake kung mainis siya sa akin dahil mas naiinis ako kay Steven. "I wonder if he'll call me with our special word "sunrise". That's our code word we say when one of us comes up with an idea for an adventure." Nakasimangot niyang pagbasa. "Read it again properly." I said to her at mas lalo pa siyang sumimangot sa akin. Binasa niya ulit yung line niya at kahit papano ay medyo maayos na. "Sunrise, Snow White!" I whispered because the script said so. "Wait, I just remembered. Snow White left and is never coming back." The wicked Queen/ Faith said. "What? That doesn't sound like her." Even in real life. Both Snow white and my Momo doesn't sound like that. I believe she will come back for me. "Forget about her. I already have." "If my stepmother tells him I left and I'm never coming back, I wonder if he'll just forget about me. I don't think he feels about me the way I feel about him." Pagbasa ni Momo. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagbabasa siya at hindi ko maiwasang mapatulala. "I will never forget about you my love." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Huh? Mali yung sinabi mo Xenon." Komento ni Faith at bigla naman akong natauhan. I looked at the script at mali nga. Hindi naman kasi talaga galing doon yung sinabi ko. "Snow White wouldn't leave like that without saying goodbye to me. Something's not right here, I can feel it! She's in trouble. I must find her, somehow!" Momo didn't say goodbye to me either, I must also have her find me, somehow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD