Chapter 17

1969 Words
Momo's POV Kagaya nga ng sinabi ni Xenon ay talagang iniwasan niya ako buong umaga at hindi man lang ako tinitingnan. "Alex." Pagtawag ko kay Alex na kasalukuyang nag-aayos ng bag niya. Kakatapos lang kasi ng last subject namin for this morning kaya lunch break na. "Yes?" Nakangiting tanong niya. Buti pa si Alex mabait. Si Xenon naman napaka sungit minsan. "Saan kayo mag-lalunch?" Tanong ko at sandali niya namang hinarap si Xenon. "Saan tayo mag-lalunch bro?" Tanong ni Alex kay Xenon. "I don't know." Cold niyang sagot. "Baka mamaya pa kami mag-decide kapag kasama na namin sila Mitch." "Ah." "Ikaw ba?" "Hindi ko pa alam eh" "May kasama ka ba? Gusto mo sabay ka na sa amin?" Tanong ni Alex at agad naman akong umiling. Gustong gusto ko sumama pero siguradong hindi yun komportable para kay Xenon. "Sinong kasama mong kumain?" "Um... si..." The fact is Steven can't join me to eat lunch dahil busy siya sa training niya. "Come with us if you want." Parang yelo sa lamig na sabi ni Xenon pagkatapos ay lumabas ng classroom. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit niya sinabi yun. Kakasabi niya lang na hindi na siya lalapit sa akin. "Ano? Sama ka?" Tanong ni Alex. "I..." "Oh tara na." "Teka..." Hindi na ako nakaangal pa dahil hinila na ako ni Alex palabas ng classroom at sumunod kami kay Xenon. "Teka baka matumba ako." Nag-rerecover pa rin ang mga paa ko ano. "Ay sorry. Nakalimutan ko." "Pwede ba akong humawak sayo?" Tanong ko kay Alex just in case na matumba ako bigla. "Pwede sana pero baka magselos yung maganda kong girlfriend eh." Oo nga pala. I looked at Xenon na nakatingin lang sa aming dalawa ni Alex at inaantay na humabol kami sa kaniya. Medyo nasa unahan na kasi namin siya. Mukha siyang masungit. "Kapit ka sa akin tapos kapag nakarating tayo kay Xenon, sa kaniya ka na." Wala na akong nagawa pa kundi gawin ang sinabi ni Alex. Wala naman akong ibang choice at ayaw ko ring kumain mag-isa habang pinagbubulungan ng ibang tao. Naglakad kami papunta kay Xenon at nang makarating kami ay bumitaw agad ako kay Alex dahil saktong tanaw na rin namin sila Mitch. Nasa likod lang ako nila Alex at Xenon at tahimik na sumusunod sa bawat hakbang nila. "Babes!" Sigaw ni Alex at mabilis na tumakbo papunta kay Mitch at niyakap ito nang mahigpit. Parang ang tagal nilang hindi nagkita. Napapangiti ako habang tinitingnan ko silang dalawa. "I missed you so much po." Alex said to Mitch in a different tone of voice. "I missed you more." Sagot naman ni ate Mitch. Pagkatapos ng lambingan nila ay muli kaming naglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta sumusunod lang ako. Para kaming nakapila by pair sa pag lalakad. Nauuna sila Naomi at Kenjay, sumunod sila Mitch at Alex at nasa hulihan naman kami ni Xenon. Sobrang tahimik niya kaya medyo naiilang ako. Binabaling ko na lang ang tingin ko sa paligid. "Hold my uniform." Xenon whispered. Nilingon ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakakangalay siyang tingnan dahil sa tangkad niya. "Huh?" "Humawak ka sa akin." Mahinang pag-ulit niya. "Ah." Hindi ko alam kung san at paano hahawak sa kanya kaya hinawakan ko na lang ang laylayan ng uniform niya like I am pinching it. Sa paglalakad namin ay huminto kami sa isang restaurant. Nasa loob na kami pero nakakapit pa rin ako kay Xenon. Bumitaw lang ako nung nakaupo na ako ng maayos sa upuan. "Dito kami palaging kumakain Ara." Mitch said. "You should always join us." She added and I just smiled. Mukha ngang maganda yung lugar tapos napakakomportable rin sa loob. "Pili ka na ng order mo Ara." Alex said and gave me the menu. I looked at Xenon and he's also looking at the menu. I don't know what to get kasi first time ko rito. "Good afternoon po. Can I get your order na po?" A waiter came and asked. "We will get two spicy chicken with rice and iced tea." Kenjay said. "Samin, isang regular chicken, isang spaghetti with fries, two burgers, and water lang." Sabi naman ni Alex. "Sa inyo po?" Tanong nung waiter samin ni Xenon. Oh shoot! Hindi pa pala ako nakakapili ng akin. "Chicken and spag." Xenon answered. "Sa inyo po?" Tanong sa akin nung waiter. "Um... pareho rin ng sa kaniya" Sagot ko at iniabot na yung menu pabalik sa waiter. "Thank you po." The waiter said and left. I feel shy talking to them kaya kinuha ko na lang yung cellphone ko sa bag ko then I started checking emails and i********: messages. "Iba ka talaga Clara. You're so popular." Alex said dahil sunod-sunod na pag-vibrate kaagad ang nangyari sa cellphone ko nang buksan ko ang internet. "Sikat din naman kayo eh " Ang dami kayang gustong masama sa grupo nila. Lalo na yung mga gustong malapit kay Xenon. "Ibang level ka naman." Naomi said. "Is it okay to ask you about cheerleading?" Kenjay asked at tumango aki. "May game next week. Comeback mo na rin ba yun?" Oo nga pala basketball player siya. "Hindi ko pa alam eh." Sagot ko. "It's okay take your time. Wala namang papalit sayo doon." He said and I just smiled. "True, ang galing mo kaya. Ang ganda mo pa kahit pawis na." Naomi added. "Sus Naomi. Nagpapansin ka lang kay Clara kasi crush mo." Pang-aasar ni Alex kay Naomi. "Pake mo." Ayan nanaman silang dalawa. Maya-maya pa ay dumating na yung pagkain namin. Nakakatulo ng laway yung amoy sa sarap. No wonder why they always eat here. Iniabot ni Xenon yung sa akin na kaagad ko namang kinain. "Grabe ang sarap." Komento ko hababg sumasayaw-sayaw pa. "The best dito kaya sumabay ka na lang din samin palagi tuwing lunch." Alex said. Gusto ko rin sana pero mukhang malabo na palagi akong makasama sa kanila dahil ky Steven ako palaging sumasabay. "Ate Clara. Kunan kita ah." Naomi said at tumango ako. Sinimulan niya akong kunan at ngumiti lang ako sa camera. Pagkatapos ko ay sunod niyang kinunan kaming lahat nang naka-stolen lang. "Patingin." Alex said to Naomi. "Wag na. Pangit ka naman eh." Sagot ni Naomi sa kaniya. "Babe oh!" Pagsumbong ni Alex kay Mitch pero tinawanan lang siya ni Mitch. Muling nag-vibrate yung cellphone ko kaya chineck ko muna and it's from Steven. "Have you eaten?" -Steven "Hmm. I'm eating right now, you?" -Clara "About to eat. Kain ka muna, eat well my love." -Steven "You too. Eat well." -Clara "I love you." -Steven I'm about to type I love you too pero sandali muna akong napatingin kay Xenon. He's not looking at me and he's busy eating his food. Medyo itinago ko yung cellphone ko to type I love you too. Pakiramdam ko lang na mas okay na gawin ko yun. "I love you too." -Clara Ibinaba ko na kaagad yung cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay sandali pa kaming nagpahinga bago tuluyang umalis. Bawat hakbang na ginagawa ko ay tinitingnan at binibilang ko. I want to know how many steps I can take bago muling manghina yung paa ko. "Forty two, forty three, forty four, forty five, forty six, forty se..." Bigla akong natumba at kusang napahawak kay Xenon dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at mapatingin sa akin. Hindi katulad kanina ay hindi ako nakahawak sa kaniya habang naglalakad kaya natumba ako. Without a word. He took my hand at ipinatong yun sa kamay niya. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa hiya. "Sorry." I said but he just looked at me. Seconds passed, now, he's staring at me. Napag iiwanan na rin kami nila Alex sa paglalakad. "Ayaw mo?" Seryoso niyang tanong kaya mabilis naman akong humawak sa kamay nya. Hindi niya pala ako tinititigan. He's just waiting for my answer. "Thank you." I said and he didn't respond again. We started walking at pansin ko rin ang medyo pagbagal niya sa paglakakad para lang masabayan ako. Xenon is really a gentleman. Pagkarating namin sa classroom ay hindi ko iniaasahang makikita ko si Steven doon. Halatang nag-aantay siya sa akin. Nagpaiwan ako salabas at nauna nang pumasok sila Alex and Xenon sa loob. "You're with that guy?" Steven asked. "Um yeah. Niyaya nila ako eh." "Clara he likes you and you're hanging out with him. What do you think I would feel?" He's mad. "I'm sorry. Wala lang kasi akong ibang makasabay kanina kaya..." "Kaya sa lahat ng tao sa kanya ka sumabay?" Pagputol ni Steven sa sasabihin ko. "Sorry." I have a lot of things to say, but sorry is the only word that came out from my mouth. Parang I don't have the energy to fight with him so I just said sorry. "Here. I brought you a burger." Steven said then he gave me two burgers. "Thank you." "Go inside na. We will talk later." He said and I nodded. Bago siya umalis ay hinalikan niya pa ako sa pisngi ko pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob dala-dala yung dalawang burger na bigay niya. "Uy pagkain!" Alex said when he saw the burgers and I chuckled because of his cuteness. "Gusto mo?" Tanong ko at para naman siyang batang tumango. "Here." Inabot ko sa kanya yung isang burger at halatang tuwang tuwa siya. Sumasayaw sayaw pa sa upuan niya eh. Ang galing nga kasi kahit napakadami kumain ni Alex ay napakaganda pa rin ng katawan niya. "Thanks Clara." Ngumiti lang ako at umupo na sa upuan ko. "Um, gusto mo? Hati tayo." Tanong ko kay Xenon at ipinakita sa kaniya yung isang burger na hawak ko. "No." Cold niyang sagot. "Sige." Ang sungit talaga. Masungit na mabait na ewan basta ang gulo. Umiiwas na nga siya sakin tapos sinusungitan niya pa ako. Maya-maya pa ay dumating na yung teacher namin at nagsimula na yung klase. Halos antukin ako sa subject pero buti na lang ay dala ko yung kantingko na bigay ni mommy. Nilagyan ko ng kaunti yung mga mata ko to wake myself up. It is a trick for iwas antok. "Mr. Castillo?" Our teacher said. "Mr. Castillo? Hello?" Pag-ulit ng teacher namin pero hindi pa rin sumasagot si Xenon. Tiningnan ko siya at mukhang natutulog kaya pasimple kong sinipa yung mesang pinapatungan ng ulo niya para magising siya. Nilingon niya ako at halata sa muka niya na bagong gising siya. He's looks cute though. Sumenyas ako na tinatawag siya ni maam at agad naman siyang umayos ng upo niya. "Please answer this one." Lumapit si Xenon sa board at kumuha ng marker. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya at napansin kong parang ang tagal niya yatang sumagot. "He doesn't know the answer." Bulong sa akin ni Alex. "Ah." Mapapagalitan siya ni Maam. "Who can help Mr. Castillo?" Tanong ni Maam at tumaas agad ako ng kamay ko. "Okay, please come here Ms. Flomentera." Tumayo ako at pumunta sa harap. Katabi ko si Xenon dahil hindi pa siya pinapabalik ni maam. "Stay there and watch Mr. Castillo. Yan ang problema kapag hindi nakikinig eh. Pagtinawag walang maisagot." Pagsermon ni maam kay Xenon. Todo simangot si Xenon nang tingnan ko at hindi ko maiwasang lihim na mapangiti dahil sa itsura niya. I'm about to write the answer on the white board nang parang may bigla akong naalala. "Deja vu." I said. "What?" Xenon asked. "Ah wala." Sagot ko at isinulat na sa board yung sagot. "Okay that's correct. Both of you go back to your seat." Kagaya ng sabi ni maam ay pareho kaming bumalik sa kinauupuan namin. Pagkaupong pagkaupo ko ay pilit kong inalala kung nangyari na ba yung ganoong eksena dati. Parang imposible naman yun kasi ngayon ko lang naging kaklase si Xenon, but at the same time what just happened seems so familiar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD