Momo's POV
Sobrang ganda ng boses ni Xenon. Yung boses niya yung mga tipong suki ng mga babae. It will make you fall in love with him in just a 10 seconds and that is no doubt.
I'm just happily filming him when I noticed that he's starring at me. He's looking straight into my eyes with an emotion that I can't define. I don't want to be awkward so I just waved and smiled at him.
Nginitian niya rin ako.
"Para sa isa't isa (sa isa't isa)
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo)
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?"
He closed his eyes again for a moment at muling kumanta. Alam kong matatapos na yung kanta kaya pinili ko ding ipikit ang mga mata ko upang damhin ang huling parte nito.
"Para sa isa't isa (sa isa't isa)
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo)
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?...
Mahal kita"
Kasing bilis ng kidlat ay napamulat ako sa mga huling salitang narinig ko pagkatapos ng kanta. Sa pagmulat ko ay nagulat ako nang makitang nakatingin halos lahat ng tao sa akin.
I looked at Xenon and he's also looking at me. Nagsimulang magbulungan ang mga nasa paligid. Tiningnan ko si Alex and Mitch at mukhang nagulat din sila.
When I looked back at Xenon ay wala na siya sa kinauupuan niya. Nakita kong bumalik siya sa backstage kaya agad akong tumayo at hinabol siya doon pero pagdating ko wala na siya.
Napakahaba naman kasi ng paa kaya ang hirap habulin. Maglalakad na sana ako ulit nang muli nanamang manghina ang mga paa ko dahilan para mawalan ako ng balance pero bigla namang may sumalo sakin.
I looked at the person who just saved me thinking it was Xenon but it's Steven. I know it's weird. Mas naisip ko pa yung ibang lalake na sasalo sa akin at hindi ang sarili kong boyfriend.
"What the heck was that Clara?"
Galit niyang tanong sa akin.
"I don't know..."
Hindi ko naman talaga alam.
"You don't know, but it looks like you are looking for him."
I am looking for him.
"Yes I am. I want to talk to him."
"Why did he said he loves you? Clara you have a boyfriend. Hindi niya ba alam yun?"
"He knows it."
I'm certain about it.
"Then why? Do you like him?"
"What are you talking about? You're my boyfriend."
Why is it always my fault? I'm also shocked about this.
"Exactly."
He said and walked away from me.
That's the Steven I know. I always see him walking away from me. It happens everytime. I should be used to it already, but I'm still not.
Akala ko pa naman magiging masaya para sa akin 'tong one day trip namin pero mukhang hindi.
"Hey Clara! Nahabol mo ba si Xenon?"
Hinihingal na tanong ni Alex pagkalapit niya sa akin.
"Hindi eh."
I answered and he sighed.
"May alam ka ba?"
Tanong ko sa kaniya.
He's Xenon's bestfriend kaya siguro naman meron. Parang may kakaiba kasi na ako lang ang hindi nakakaalam.
"Huh? Ako? Saan?"
Sunod-sunod niyang tanong.
"Sa kahit saan."
"Wala ah."
"I smell something fishy Alex."
Sabi ko at tiningnan siya nang may halong pagdududa.
"Ah yun ba? Sardinas kasi ulam namin kanina."
Pag papalusot niya at tumawa pa.
Tiningnan ko siya ng masama at napahinto siya sa pagtawa niya. Seryoso ako ano.
"Um... hehe... sige alis na ako. Inaantay na ako ni Mitch."
"Teka..."
May itatanong pa sana ako ulit pero dali-dali na siyang tumakbo palayo sa akin. Mag kaibigan nga talaga sila. Ang hilig tumakbo paalis.
Xenon's POV
Sinwerte akong walang pasok dahil sabado kinabukasan ng day trip namin kaya makakaiwas muna ako kay Momo. Sobrang nakakahiya yung nangyari.
It's not my fault. Her enchanting eyes hypnotized me kaya napaamin ako.
Nagkaroon nga ng sabado at linggo pero parang isang mabilis na ulan lang yun dahil lunes nanaman ngayong araw.
Hindi tulad ng dati ay sinadya kong magpa-late. Nauna na sa akin si Naomi sa school kanina habang ako naman ay kakarating lang ng school at papunta pa lang sa classroom. Pagna-late kasi ako ay hindi ako makakausap ni Momo dahil paniguradong nagkaklase na kaagad.
Ang talino ko 'di ba?
Nakasuot pa ako ng hoodie ngayon kahit na medyo mainit dahil sa hiya.
Pagpasok ko ay agad na nag tinginan lahat ng mga kaklase namin sa akin. Nakatitig lang silang lahat sakin pati na rin si Alex at Momo na agad kong iniwasan ng tingin.
"Bakit walang teacher?"
Tanong ko pero imbis na sagutin nila ako ay nagsimula silang mag hiyawan.
"Yieeee Xenon loves Clara."
"Kayo ha, omg."
"Kelan pa yan?"
"Xenon akala ko pa naman ako yung crush mo."
Napailing na lang ako at umupo sa upuan ko at kaagad na nilapitan si Alex.
"Swerte mo may meeting sila sir."
Malas nga eh. Nagpa-late pa ako tapos ganoon pa rin pala.
"Nakatingin sa'yo oh."
Sabi ni Alex sabay turo kay Momo.
Tiningnan ko kung totoo at nataranta ako nang makita kong nakatingin nga siya sakin. She even laughed when she caught me looking at her.
What's funny? Do I look stupid?
"Why is she looking at me?"
Tanong ko kay Alex habang todo talikod kay Momo.
"Ewan. Pakipot ka pa eh gusto mo naman."
Hindi ko naman itatanggi.
"Nakatingin pa ba?"
"Hindi na, wala na."
"Hindi nga?"
Minsan kasi mahirap pagkatiwalaan 'tong si Alex eh.
"Hindi na nga. Wala na."
Sagot niya kaya naman muli kong tiningnan si Momo. I looked at her at muli nanaman siyang tumawa nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin at pinaghahampas sa braso si Alex na sobrang lakas na tumatawa ngayon dahil sa ginawa niya.
"Sira ulo!"
Kahit kailan talaga.
"Goodluck sayo. Two subjects tayong walang klase."
Anak ng tokwa. Bakit naman ngayon pa?
Nag-isip ako kung anong pwedeng gawin at ang pinakamagandang naisip ko ay ang mag-earphone at makinig ng music para walang kumausap sa akin.
Kinuha ko yung cellphone ko at pagkabukas ko nun ay nag-pop up agad ang isang f*******: message. I opened it and it's from Momo.
"Usap tayo?"
Message niya at sunod-sunod akong napalunok bigla. Hindi ko pinansin yung message niya at isinuot lang sa tainga ko yung earphone at nakinig ng music.
Hindi ko na tuloy mapakinggan yung kantang pagsamo dahil naalala ko yung nangyari nung Friday.
Nakita kong tumayo si Momo kaya pasimple akong sumulyap. Dumaan siya sa harap ko at huminto sa tapat ni Alex na nasa tabi ko lang dahil inurong niya yung upuan niya kanina.
Alam ko na yung mangyayari kaya pasimple kong hinawakan ng mahigpit yung kamay ni Alex para hindi siya umalis sa kinauupuan niya.
"Subukan mong umalis. Yari ka sa akin mamaya."
Pagbabanta ko.
"Babye Xenon."
He chuckled at inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Tumayo si Alex sa kinauupuan niya at pumalit naman si Momo.
Para akong nanigas na yelo sa loob ng refrigerator nang maamoy ko kung gaano kabango si Momo na kasalukuyang nakaupo na sa tabi ko.
Patay ka talaga sa akin mamaya Alex.
"Lumalapit na!"
Sigaw ni Christian na parang kinikilig pa na kaagad namang sinundan ng tilian ng iba pa naming mga kaklase.
Parang lahat ata ay nanunuod sa aming dalawa.
"Pwede kang makausap?"
Momo asked.
Ayaw ko namang bastusin siya kaya agad ko ring tinanggal yung earphones sa mga tainga ko.
"Kanina pa ako tumetyempong lumapit pero parang ayaw mo naman."
Sabi niya at napayuko naman ako.
"Sorry."
"Usap tayo sa ibang lugar?"
Malambing niyang tanong sa akin at para naman akong maamong pusang tumango sa kaniya.
"Tara."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Bago kami tuluyang makalabas ay isa pang malakas na hiyawan mula sa mga kaklase namin ang nangyari. Pustahan mamaya sisitahin na sila ng kabilang section.
"Where are we going?"
I asked.
"Kung saan tahimik."
Sa paglalakad at paghahanap namin ng lugar ay nag-decide kaming mag usap na lang sa gilid ng field ng school. Nakaupo kami sa damuhan, sa ilalim ng dalawang magka dikit na puno. Parang nung one day trip lang namin.
I don't know what to say kaya tahimik lang ako.
"Um... yung sinabi mo..."
"It's true."
Pagputol ko sa sasabihin niya.
Hindi ko alam kung maiilang o matutuwa siya sa sagot ko pero medyo nakahinga ako ng maluwag sa pag-amin ko.
Hindi siya kaagad sumagot at naramdaman ko na lang na isinandal niya ang ulo niya mula sa balikat ko.
"Thank you."
She said.
"For what?"
"For liking me. I appreciate it."
This is not the reaction that I'm expecting, but I'm not that shocked. I'm confused. Hindi ko alam if I just got rejected or not pero mukhang sa una pa lang rejected na ako dahil may boyfriend siya.
"Alam mo bang habang tumatagal ay napapanaginipan kita. Parang totoo nga eh."
She said.
"Don't give me fake hopes Momo."
Ayaw kong umasa tapos wala rin naman pala.
"I'm not. I'm just saying the truth."
She answered and I sighed.
Umayos siya ng upo pagkatapos ay hinarap ako.
"Gusto mo bang iwasan kita kasi gusto mo ako?"
Seryosong tanong nya.
"I don't know."
"Ang selfish mo naman."
She said.
"No."
"Yes."
"Iiwas ako kasi gusto kita."
Sagot ko.
"It doesn't make sense."
Kunot noo niyang sabi. Halatang medyo naiinis na siya.
"It does."
"Paano yun lalayo ka kasi gusto mo ako?"
Mahal kita hindi lang gusto.
"Paano ako? Gusto kitang maging kaibigan. Paano yun?"
Napayuko ako at sandaling napatahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. May kaunting kirot din sa puso ko na sumasabay sa bawat segundong dumadaan.
"Pano naman kung gusto ko na more than friends tayo?"
I answered then bit my lower lip out of embarrassment.
"May boyfriend ako Xenon."
Momo answered.
"Exactly. Torture sa akin yung makikita kitang kasama si Steven Momo. That is selfish."
"Hindi ba't may girlfriend ka rin?"
She asked.
"Wala na."
Nasa kaniya kana eh.
"Naghiwalay na kayo?"
Tanong niya ulit.
"No."
"What?"
"I guess she doesn't exist anymore."
Kahit ako ay hindi na rin sigurado.
"I don't understand."
"You don't have to."
"So ano? Lalayuan mo na talaga ako?"
"Yes."
Cold kong sagot at hindi na siya nagsalita pa ulit.
"Clara."
Pagtawag ko sa kanya.
"What?"
"Talaga bang hindi mo ako naalala?"
I looked at her eyes hoping to find any answers but I got lost.
"What do you mean?"
She asked.
"Paghinahawakan ko yung kamay mo wala ka bang nararamdaman?"
Seryoso kong tanong pero hindi siya sumagot.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Pinagpagan ko yung pants ko na may kaunting d**o at nagsimulang humakbang palayo na kaagad ding napahinto nang bigla siyang magsalita.
"Meron."
Momo said.
"Huh?"
"It's weird pero... meron."
She answered and I smiled bitterly.
"Nevermind. Take care."
I said and left.
Sa paglayo ko kay Momo ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. I exactly know why and I can't help it.
This is so hard. Loving a person who can't even remember you and belongs to someone else.