Xenon's POV
Kabababa lang namin ng bus at halos lahat ng students ay nag-uusap na tungkol sa mga mangyayari mamaya sa trip. Syempre kasama doon si Alex. Kailan ba tumahimik yan?
"Excited na ako!"
Alex said habang tumatalon-talon pa.
"Hindi halata."
Pilosopo kong sagot sa kaniya.
"Umayos ka nga. Nasa trip tayo tapos basag trip ka. Namatay ba daga sa bahay niyo?"
"No, it's still alive. Jumping and shouting that he's excited."
I said and his jaw dropped in disbelief then I started laughing.
Parang siraulo naman kasi.
Napahinto lang ako sa pagtawa ko nang isang flash ng camera ang tumama sa mata ko. Nang tingnan ko kung sino ang kumuha ng picture sa akin ay nakita ko si Momo.
Magagalit na sana ako pero siya pala yun.
She's still in her wheelchair and she's only wearing a plain white shirt and pants, but damn she looks good. Napansin ko ring suot niya yung hair pin na bigay ko.
"Cute niyong tingnan."
She said.
"Saan boyfriend mo?"
Tanong ni Alex sa kaniya habang nililibot ang tingin at hinahanap si Steven.
"He's with his classmates. Siya raw ang in charge for today's trip."
Ah I see.
Bawat section kasi ay may naka-assign na team leader to make sure na maayos lahat. We only have 3 teachers with us at medyo marami rin kami, so it's good to have a team leader.
"Ako rin eh in charge today."
Alex said.
"Huh? Akala ko si president yung pinili."
Sagot ko.
"Hindi doon."
"Eh saan?"
Tanong naman ni Momo.
"Sa puso ni Mitch hehe."
Sagot ni Alex at parang baliw na tumakbo paalis habang tumatawa pa. Obviously, hahanapin niya si Mitch.
Sa pag-alis niya ay bigla nanamang tumahimik ang paligid namin ni Momo.
"Um, last day na right?"
I asked and pointed at her wheelchair.
"Can we practice walking again?"
Mukhang nahihiya niyang tanong at napangiti naman ako. Ang cute niyang tingnan.
Nakangiti kong inilahad ang kamay ko sa kaniya na kaagad niya namang tinanggap.
Inalalayan ko siyang tumayo at ikinapit ang kamay niya sa braso ko to give her support.
"Are you okay?"
Tanong ko para makasiguradong komportable siya at nakangiting tumango naman siya.
"Let's try to go there."
Tinuro ko yung isang puno na medyo may kalayuan sa amin. Dahan-dahan lang ang paglakad na ginagawa namin habang mahigpit siyang nakahawak sa akin.
"'You're doing great Momo."
"Momo?"
Tanong niya.
"Huh?"
Tanong ko rin sa kaniya.
"You just called me Momo."
Oh s**t. I said it out loud. Dapat sa utak ko lang yun.
"Oh yeah, I'm sorry."
"Who is it? Your girlfriend?"
I wish.
"No, it's my... um... favorite ghost character in a game."
Pagpapalusot ko sa kaniya.
"Super makamulto naman ng pangalan."
She giggled.
Dahil sa pagtawa niyang yun ay para nanaman akong ewan na napapatitig sa kaniya. Ang ganda niyang tingnan, kahit anong yata ang gawin niya ay napapangiti ako.
"Do you like that name?"
Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman. Ang cute kaya... Momo."
"Can I call you that?"
Tanong ko at sandali kaming tumigil sa paglalakad.
"Momo?"
She asked.
"Hmm."
Kahit papaano ay matawag ko man lang siya ulit ng ganoon kahit hindi niya naaalala. At least I'm still holding our memory together kahit ako na lang mag-isa.
"Bakit? Mukha ba akong multo?"
Tanong niya at umiling naman ako.
"Pwede naman. Kung saan ka komportable."
Sagot niya at napangiti nanaman ako sa saya.
Sa isang buong araw ay daan-daang ngiti ata ang magagawa ko kapag kasama ko ang napakagandang babae na 'to.
"Malapit na tayo Xenon."
Momo said at makalipas nga ang ilang hakbang ay nakarating na rin kami sa ilalim ng puno. Pumunit ako ng dalawang papel mula sa notebook ko at iyon ang inupuan namin.
Pareho kaming nakatingin sa paligid at mga nagkalat na students ang nakikita namin.
"Alam mo I think you should smile more. Bagay na bagay sa'yo."
Biglang sabi ni Momo.
"Ngumingiti naman ako ahm"
"More nga eh. Bagay sayo yung ngiti mo. Ang sungit mong tingnan minsan eh."
"Really?"
"Oo kaya. Nang una kitang makita nakakatakot kang tingnan."
Shit, I thought I look cool that time. Maybe because I don't have that friendly face that they're saying.
"Pero gwapo."
She added.
"Galing bumawi ah."
Biro ko sa kaniya.
"Totoo naman eh. Sige nga ngiti ka."
Utos nya at itinapat sa akin yung camera niyang nakasabit sa leeg niya.
"Inuuto mo lang ako eh."
Sabi ko pero pasimpleng nag-pose pa rin.
"Sige na isang ngiti lang."
Pangungulit niya kaya ngumiti naman ako. Pagkatapos niya akong kunan ay dumikit siya sa akin at ipinwesto yung camera na para siyang nag-seselfie.
"1...2...3..."
Pagbibilang niya at muli nanamang nag-flash ang camera.
"Ipapa-photo paper ko ito tapos bibigayan kita ng copy."
She said.
"May I see?"
Iniabot niya sa akin yung camera and I looked at our picture. It turned out good. We look like a couple dahil parehas kaming nakaputi na damit.
Nakita ko rin yung picture na kinuha niya kanina nung nag-uusap kami ni Alex kanina. Sa patuloy na pagpindot ko ng prev ay hindi ko inaasahang makita rin yung pictures nila ni Steven. Mukhang dati pa yung oicture dahil mahaba pa ang buhok ni Momo doon.
I smiled bitterly when I saw how happy she looked with Steven.
"Hey. Can I use your phone?"
Momo asked.
"Why?"
"Manonood lang ng cartoons sa youtube."
Ano pa nga ba? I should have known that.
"Sure, wait lang."
Kinuha ko ang phone ko at dali-daling pinalitan ang wallpaper. Siya pa rin kasi yung wallpaper ko. I locked all the apps maliban sa youtube para hindi ako mag-aalala sa pagkalikot niya sa phone ko.
"Here."
Iniabot ko ang cellphone ko sa kaniya at talagang dumiretso sita sa youtube at nanuod ng cartoons. Tutok na tutok at mukhang hindi maistorbo.
Habang nag-eenjoy siya sa cellphone ko ay nakatingin naman ako sa paligid. Ang sarap ng hangin tapos katabi ko pa yung babaeng gusto ko.
Okay lang na medyo magtagal kami dito. Hindi pa naman kami tinatawag ni Sir Suarez.
This is like a date with her, right?
Naomi's POV
Kanina pa ako naiinis dito kay Kenjay. Kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot.
Balita ko kasi bumalik nanaman yung babaeng nagdadala sa kaniya ng water and sandwich palagi. I know that girl. Nakita ko na siya before at hindi siya nag-aaral sa school namin. Sadyang pumupunta lang dito for Kenjay.
Naglakad ako papuntang canteen habang nag-tetext pa rin kay Kenjay. Wala kasi akong kasabay kumain kasi nasa trip sila kuya.
Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang makita kong nakapila yung babae sa bilihan ng drinks. Lumapit ako doon at sadyang sumingit sa linya.
Hindi ko kaagad nakuha ang atensyon niya dahil nakikipagkwentuhan siya sa kaibigan niya. Yun din ang dahilan kung paano ako nakasingit sa pila.
"Excuse me."
Pagtawag sa akin ng kaibigan niya.
They finally noticed me. Nilingon ko sila at tinuro ang sarili ko para kunwaring wala akong alam.
"Ako ba?"
Tanong ko.
"Oo, ikaw. Bakit ka sumisingit sa pila?"
Tanong ng babaeng tumawag sa akin.
"Ah, my teacher told me to eat and hurry back kasi may ipapagawa siya sa akin."
Sagot ko sa kaniya.
"Hindi ka pa rin dapat sumisingit sa pila. Unfair sa iba."
The sandwich girl said.
"Can you please go back and stand in line?"
Mahinahon at nakangiting tanong sa akin ng sandwich girl.
Tsk, I still don't like her.
"No, I can't."
Sagot ko naman.
"Ano?!"
Kung gaano ka kalmado yung sandiwich girl ay ganoon naman kabilis magalit ang kaibigan niya.
"I told you. I need to hurry and go back to our classroom."
"Hoy bata, do you really not understand that you should stand properly back there in line?"
The angry friend said.
"Tsk."
Tanging sagot ko sa kaniya.
Tiningnan ko yung sandwich girl at nakatingin lang din siya sa akin na parang inuusisa ang itsura ko mula ulo hanggang paa.
"What?"
Masungit kong tanong sa kaniya.
"Ikaw ba yung..."
Naputol ang sasabihin niya nang biglang dumating si Kenjay. Pagkalapit niya sa akin ay hindi ko siya pinansin para malaman niyang naiinis ako sa kaniya for letting other girls entertain him.
"Naomi I'm sorry may practice kami kanina."
Kenjay said pero hindi pa rin ako nagsasalita.
"Naomi naman."
Paglalambing ni Kenjay pero hindi pa rin ako nagpapatinag.
"Kenjay."
Pagtawag noong sandwich girl kay Kenjay kaya agad namang sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Ate."
Kenjay said.
"ATE?!"
I almost shouted in shock.
"Ate mo siya?"
Tanong ko habang nakaturo sa babaeng kanina lang ay pinaka-iniinisang tao ko sa buong mundo.
"She's my older sister. Hindi ko pa nga pala siya napapakilala sa iyo."
What the heck? Kung makataray ako kanina wagas. Mukha akong spoiled brat na senior high school student dahil sa selos tapos ate niya pala ang binibigyan ko ng attitide.
"Hi, I'm Kimmy. Kenjay's sister."
She said and smiled at me. Gosh this is so embarrassing.
"Um hi..."
Nahihiya kong sagot sa kaniya.
"What's her name again?"
Tanong niya kay Kenjay.
Should I call her ate? Ate Kimmy? Nakakahiya talaga my gosh.
"Naomi Castillo, ate."
Kenjay answered.
"She's cute and... jealous."
Her sister joked.
Joke ba yun? Totoo kasing nagseselos ako kanina.
"Really? Are you?"
Nakangiting tanong ni Kenjay sa akin at umiling naman ako bilang pagtatanggi.
"Bakit ka naman nagseselos? Kanino?"
"Hindi nga."
Sagot ko at tumawa lang siya.
"Sorry po!"
Malakas at nakayuko kong sabi sa ate ni Kenjay.
"It's okay. A lot of girls are also giving ne attitude for having a good-looking brother."
Kakainin na ata ako ng lupa sa hiya.
"Sige ate Kimmy una na kami. Bye ate Jana."
Pagpapaalam ni Kenjay sa kanila at nahihiyang kumaway naman ako.
"Ang cute mo namang magselos."
He said then kissed his two fingers and put it on my forehead.
Sweet, right?
"Oo na."
Sino ba namang hindi magseselos. Napakaganda kaya ng ate niya.
I looked at Kenjay at bago ko lang napansin na halatang nagmadali siya papunta rito. Basa ang buhok niya kaya halatang bagong ligo. After practice kasi naliligo siya kaagad doon sa shower room sa gym.
"You smell so nice."
Komento ko.
"That's for you."
He said and I smiled.
"I'm sorry. Nagmadali ka pa dahil sa akin tapos singungitan ko pa yung ate mo. That was so immature."
"You must really like me huh."
Pang-aasar niya.
"Next time I'll introduce you to my whole family."
He said.
"Hindi pa kita sinasagot."
"I know, but I still want to introduce you as my nililigawan. Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto."
Nakangiti kong sagot at umupo na kami doon sa table na kinuha niya. Nag-order din pala siya sa Jollibee ng food para sa amin. Siguro kasi alam niyang matagal kapag dito sa canteen dahil sa pila. Nasira kasi ang TV screen na ginagamit dito kung saan nakikita ang number that they're currently serving kaya pila muna sa ngayon.
"Next time ako nanaman ang manlilibre."
Palagi na lang kasi siya yung nanglilibre.
"Ako yung nanliligaw."
"Kahit na."
"I'll pay always until I get a yes."
Sagot niya at sinubuan ako ng french fries para hindi na makaangal pa.
Xenon's POV
Nakaupo kaming lahat dito ngayon sa field. Kakatapos lang ayusin ng mga teachers together with the team leaders yung stage kasi may kaunting entertainment daw na magaganap.
I'm sitting with Mitch, Alex, Momo and Steven. Pinapagitnaan ako ni Alex and Momo.
"Anong kakantahin mo mamaya?"
Tanong ni Alex sa akin.
"Kakanta ka?"
Tanong ni Momo at nahihiyang tumango ako.
"Gusto mo i-film kita?"
"Hindi na, nakakahiya."
Sagot ko.
"Ah basta i-fifilm pa rin kita. Memory din to ano."
Ang kulit.
Sapat na yung kulit ni Alex tapos dadagdag pa si Momo. Magkapatid yata silang dalawa.
"Ara."
Pagtawag ni Steven kay Momo.
"Hmm?"
"May kukunin lang ako saglit."
Steven said.
"Sige basta bilisan mo ah magsisimula na eh."
Sagot ni Momo sa kaniya at nakangiting tumango siya at umalis.
Yung mga kilos ni Steven parang hindi boyfriend ni Momo. He's just like a concern friend. Opinyon ko yun bilang lalake. Bigla lang kasing sumusulpot at umaalis si Steven. Magulo siya, in short.
"Good afternoon, sa mga kasali po. Please go na sa backstage."
A student said kaya naman tumayo na ako dahil isa ako sa mga kasali. Pinilit nga lang ako ni Sir Suarez eh.
"Go Xenon!"
Momo, Mitch and Alex said.
"Thanks guys."
I smiled at pumunta na sa backstage. I'm still not sure what I'm going to sing pero may time pa naman ako para mag-isip dahil hindi naman ako ang mauuna.
"Ready na kayo?"
Sir Suarez asked.
"Yes sir."
Sagot nilang lahat.
"Medyo."
Sagot ko naman kaya lumapit si Sir Suarez sa akin.
"Come on Xenon. Ikaw ang pambato ko. Kumindat ka lang sa mga girls panalo ka na."
Pambobola ni Sir Suarez sa akin.
"Wala namang price 'to sir."
I joked.
"Oh come on Xenon."
Sir Suarez said and I laughed. Actually may price naman and that is additional points for my grade. I don't really care about it, but okay.
"Don't worry sir, I got this."
Ako lang kasi yung napilit niya sa mga students niya kaya malamang ako lang ang pambato niya. Confident naman ako kaya lang medyo kabado pa rin. Nanonood si Momo eh.
Pumila na lahat ng kasali sa likod at pangalawa ako sa magpeperform. Lima lang naman kami tapos yung dalawa, dance group.
Narinig kong nagsimula nang magsalita yung MC kaya medyo kinabahan na ako. Maya-maya ay tinawag na yung number one at lumabas na siya mula sa backstage.
Nagulat ako when he started singing because the song is too high.
"Damn, he's a monster."
Kaya siguro siya yung nauna. Old song yung kinanta niya tapos pang singing contest talaga.
Nang malapit na siyang matapos kumanta ay kinuha ko na yung gitara sa gilid na gagamitin ko.
"Thank you very much Mr. Joseph Calda. Now, let us hear Mr. Castillo!"
The MC said kaya nang makabalik na sa backstage yung nauna sa akin ay lumabas na ako.
Pagkalabas ko ay naghiyawan kaagad ang mga students.
"Oh wow, halata talagang inantay ka ng mga students natin Mr. Castillo. The heartthrob student."
The MC said and I laughed awkwardly. I don't know what to say.
Pumwesto na ako sa upuan sa gitna. Itinapat sa bibig ko ang mic at isinuot ko yung gitara sa katawan ko.
"Hello everyone."
I said to test the mic at muli nanamang naghiyawan yung mga students.
"What are you going to sing for us today, Mr. Castillo?"
The MC asked.
"Pagsamo."
I answered and again, nagtilian nanaman sila. Napapatawa na lang ako at napapailing. I looked at Momo and she's already filming kaya mas lalo pa akong napangiti.
She is so cute.
I started playing the guitar and suddenly all of them became silent. I guess they want to feel the song.
" Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?"
Sandali kong ipinikit ang mga mata ko upang mas maramdaman ang bagal at lungkot ng kanta.
"Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong
Ipagtagpo ng hinaharap?"
I opened my eyes and looked at Momo. She's still filming me. Little did she know that I picked this song because of her.
"Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan"
"Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang"
I seriously can't take my eyes off of her now.
"Para sa isa't isa?
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?"
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay inasahan kong maiilang siya pero imbis na mailang ay isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin habang kumakaway pa.
"Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin
Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang"
"Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo, bakit 'di mo dama 'to?"
I also smiled at her, bitterly.
"Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang"
Kaya pa nga bang ipilit at ipaalala?
"Para sa isa't isa?
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?"
Kahit gaano pa kababa yung porsyento na maalala niya ako o magkaron man lang ng pag-asa ay ilalaban ko.
"Para sa isa't isa (sa isa't isa)
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo)
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?"
Mahal kita.