Kabanata 12 Ilang beses akong kumurap dahil sa sinabi ni Travis. Bigla akong nanigas, ramdam ko ang pagtuwid ng aking tayo. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko. Siya naman ay kinalas ang pagkakapalupot ng braso sa aking beywang saka tumabi ng tayo sa akin gilid. I couldn't look at the people around us. He's completely conquered my senses. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa barandilya at tumanaw sa malawak na mga puno sa ibaba. His biceps are firm. Bahagyang gumalaw rin ang kaniyang adams apple. Hindi ako makapagsalita! I can't compose even a simple sentence. Basta nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kaniya, naghihintay kung duduktungan ba niya. Narinig ko ang sinabi niya. Rinig na rinig ko at talaga naman kakaiba ang epekto ng tatlong salita na iyon sa akin. I want to say

