Kabanata 11 Yakap ko ang aking sarili pagkatapos kong ilock ang gate ng bahay. Narinig kong bumusina si Travis sa aking likod kung saan nakaparada ang trailblazer niya. Bahagya ko siyang inirapan bago pumasok sa kotse niya. If he wants me to move fast edi sana ginising niya ako maaga, nang gisingin niya ako ay nakaligo na siya saka niya minadali. "Bag?" tanong niya ng paandarin ang kotse. "Check." Humikab ako. "Water? Our food?" tanong niya ulit tinanaw ko naman ang ilaw sa mga poste pagkaliko namin sa highway. "Nasa backpack na itim," halukipkip ko at niyakap ang suot kong jacket na itim. Nakasuot ako ng gray na leggings at sa ilalim ng jacket ko ay itim na sports bra. Baka kasi uminit mamaya edi tatanggalin ko na lang ang jacket ko. Humikab ulit ako, nakita kong tumango-tango nam

