Kabanata 4: Dahan-dahan akong umupo, ramdam ko ang titig pa rin sa akin ng mga kaibigan ko. Ang ibang kaklase ko naman ay umayos ng upo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag sa kanila. Alam kong gusto nilang magtanong pero nagsisimula na ang klase. Dapat kasi hinayaan na lang ni Travis doon ang bag ko at balikan ko na lang mamaya! Bakit pa niya binitbit? Not to mention my shoulder bag is color peach with a ribbon. Siguradong pinagtitinginan siya sa labas kanina. "We will be having your first graded recitation," seryosong wika ni Travis sa harap. Kaniya-kaniyang angal naman ang mga kaklase ko. Malamang! Second day pa lang at magpapa-graded recitation na siya. Ano 'yon? Wala pa ngang naituturo e. Eksena talaga 'yong lalaki na 'to. Anong akala niya sa amin kasing talino niya?

