Kabanata 5: Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko alam kung iniiwasan ba ako ni Travis o talagang wala naman siyang pakielam sa akin. Ayos lang naman talaga sa akin, edi kung ayaw niya akong kausapin edi huwag! Ngayon ang punta namin sa pamilya niya sa San Fernando Pampanga, isang oras din ang biyahe mula sa amin. Hindi na ulit nasundan ang pagkain ko sa office ni Travis, hindi naman sa umaasa akong aayain niya ulit ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang kumalat na chismis sa year namin na nakita raw ng ilang istudyante si Travis at Ma'am Bea sa isang restaurant. So he accepted her request. "Sascha faster!" rinig kong sigaw niya sa labas ng kwarto. Padabog kong binaba ang suklay at binitbit ang bag ko palabas ng kwarto namin. "Oo nandyan na, punyeta," bulong ko sa inis. Hindi ko

