Kabanata 9 Deretsyo ang tingin ko sa harap habang tahimik na nagda-drive si Travis. Ang ilang minuto papasok sa iskwelahan ay parang naging kalahating oras sa bagal niyang pagpatakbo. Kung anong kinabagal namin ay iyon din kinabilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako sumagot sa kaniya kanina, I don't like flirting. I want to hear that he likes me too. Not for flirting. Nang isang liko na lang kami bago makarating sa iskwelahan ay tinuro ko ang isang store. "Dyan mo na lang ako ibaba," usal ko. Bahagya niya akong sinulyapan. Imbes na bagalan niya ang andar ng kaniyang kotse ay bahagya niya iyon binilisan. Nanlaki ang mata ko ng ideretsyo niya iyon sa parking lot ng school. Kinabahan ako dahil madami na rin istudyante na dumadating. Hinampas ko siya sa braso ng mai-park niya ang sasak

