Kabanata 8 Mabilis kong itinulak si Travis dahil sa sinabi niya. May kakaiba akong naramdam sa sobrang lapit namin. Ang paghinga ko ay naging malalim din. Bahagya pang tumagilid ang kaniyang ulo dahil sa ginawa ko. "A-Ano bang sinasabi mo?" tanong ko para itago ang kaba. Nagkibit-balikat siya bago tapikin ang balikat ko. "Calm down, I wont bite," wika niya saka siya naglakad palayo sa akin. Napahawak ako sa pader ng mawala siya sa paningin ko. Sa tagal ko siyang nakikita noon at nakakasama sa bahay ngayon lang ata ako masyadong kinabahan sa presensya niya. Do I like him that much? Maybe I like him for a long time, but I'm just holding back? Bakit hindi ko man lang nahalata? Pwede ba 'yon? Nabigla mo na lang mararamdaman na gusto mo ang isang tao? "Hey," halos mapatalon ako ng kalabit

