Kabanata 23 Nang matapos ang laro ay kaniya-kaniya na ang mga kaklase ko sa pagpunta sa kwarto nila. Halos hindi ko na nasundan ang laro dahil lutang na ako. Masakit ang dibdib ko. Gusto ko makausap si Travis pero hindi ko na siya nakita. Malakas akong napabuntong-hininga ng tapikin ni Daryl ang braso ko. Seryoso niya akong tiningnan habang nakapamulsa. "Why did you do that?" mababang tanong niya. Naibaba ko ang aking ulo. Hindi ko alam. Natakot ako na kapag sumagot ako ng totoo ay hanapin nila kung sino, natakot ako sa paraan ng pagtanong ni Alice. Nabigla ako. Umiling si Daryl na para bang maling-mali ang nagawa ko. "Hindi mo naman kailangan itago, para saan? Sa sasabihin ng iba, that is selfish reason. Sa tingin mo naililigtas mo ang relasyon niyo dyan?" pakiramdam ko ay nanliit

