Kabanata 22 The seminar finished at exactly six in the evening. Pagkarating kanina ay nagkaruon lang ng kaunting program kung tungkol saan ang mga itopic sa seminar bago nagsalita ang mga guest. Apat ang nagsalita ngayon araw, dalawa noong umaga at dalawan nang hapon. Bukas ay may tatlo pa. Hinimas ko ang batok ko habang papalabas kami sa hall. Rinig ko sa likod namin ang reklamo ni Kevin na namamanhid na raw ang kaniyang puwet sa kakaupo buong araw. "Ahh, ano kayang ulam ngayon? Hindi ako nakakain kanina ng madami dahil paksiw ang ulam," ani Lisa na katabi ngayon ni Alice at Kevin. "Masarap kaya," segunda ni Kevin habang sumisipat-sipat sa mga lalaki sa ibang school. "Ay, hindi ako kumakain no'n e." Nakarating kami sa isang malaking kwarto, may isang mahabang pila na doon kukuha ng

