Kabanata 21 "Anong bus number tayo?" tanong ko kay Kevin na nasa kabilang linya. Hawak ko ang aking backpack habang naglalakad papunta sa maraming nakaparadang bus. "Bus number eight sis, bilisan mo dali may upuan ka rito," narinig ko pa ang tawanan sa kabilang linya. Napailing na pinatay ko ang tawag at hinanap ang bus na tinutukoy niya. Ngayon ay may seminar kaming dadaluhan sa Iba Zambales. Dalawang linggo na simula ng ipahiya ko ang sarili ko sa meeting sa school, mabuti na lang at hindi naman naging big deal iyon. Alas-kwatro pa lang ngayon, kailangan kasi ay makaalis kami ng maaga. Ayoko sanang sumama kaso ay sayang din naman, bukod sa matutunan namin sa seminar ay habol ko rin ang certificate na ibibigay. Kasama ang ilang teacher panigurado lalo na iyong mga adviser. Kaya hind

