ONE: SUMMER AND SUNNIE

3453 Words
ONE MONTH LATER "So, the question is, what happened last month sa birthday party ni Leo?" Ininom ko muna iyong alak na hawak ko. "Ilang beses ko na sinagot iyang tanong niyo." "Sinagot mo nga, ang tanong, totoo ba iyong sagot mo na iyon?" sabat naman ni Ponnie. Pinagtutulungan na naman ako ng dalawang babaeng ito. Tuwing nagkikita talaga kaming tatlo, they keep asking me the same question. I cleared my throat. "Of course! Nauna na akong umuwi kasi hinahanap na ako ni pops." Pinipigilan ko pa iyong sarili ko na huwag mautal. "Paano naman ako makakapagpaalam sa inyo kung hindi kayo nagpapaisturbo sa mga kaharutan niyo," dagdag ko pa. Nababasa ko na kasi sa kanila ang sunod nilang sasabihin kaya inunahan ko na. "How about that guy you kissed at Leo's party?" panibagong tanong ni Zendra. Bakit ba pinapaaala pa nila? I raised my eyebrow. "Tapos?" Kailangan ko ipakita na hindi ako intresado sa lalaking tinutukoy niya. Pinaningkitan ako ni Zendra ng mata. "He's so handsome kaya!" singhal niya. "I did not see his face," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman p'wede sabihin na sobrang guwapo ng lalaking iyon, lalo na kapag umuungo— Oh my god, stop! Bakit ba ganito iniisip ko? "Masarap ba iyong kiss niya?" dagdag naman ni Ponnie. Bumalik naman sa isip ko iyong halikan namin ng lalaking iyon, halikan na parang wala ng bukas. Oh god, I missed those—- alas those, alas tres. Okay, ano ba itong iniisip ko? Nakakainis! Kinuha ko muna iyong baso ko na may alak at tinungga ito. "Isang buwan na ang nakakalipas, Ponnie. Sa tingin mo naaalala ko pa rin iyong nangyari na iyon?" Napairap pa ako. "Sabay kayong nawala that night?" Mukhang walang balak tumigil si Zendra sa pagtatanong. "Don't tell me may nangyaring—" I cut her off. "Bibig mo, Zendra. Mga pinag-iisip niyo naman. Kung ano lang ang nakita niyo that night, iyon lang ang nangyari. Nothing more, okay? Sinabi ko na rin iyong dahilan kung bakit ako umalis nang gabi na iyon, so move on na!" I even emphasized the last word. Nagtawanan naman iyong dalawa. Mukhang trip nila akong asarin ngayon. Hinablot ko iyong baso na hawak ni Ponnie at tinungga ito. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko. "Did he use protection?" Tinaas-baba niya pa iyong kilay niya na parang nang-aasar. “Malaki ba? Ilang inches?” dagdag pa nito. Muntikan ko ng maibuga iyong iniinom ko sa sunod na tanong ni Zendra. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako sa mga tanong nito. Sanay naman na ako sa ganitong topic iyong pinag-uusapan namin, pero bakit parang iba na ang dating sa akin ngayon? Tinignan ko siya ng seryoso. "Seryoso ka, Zendra? Hindi ko na alam kung anong tinutukoy mo." She chuckled. "Come on, Summer! Hindi na uso ang virgin ngayon 'no." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa sinabi niya. "Feeling mo naman. f**k girl ka ba?" turan ko. She crossed her shoulders. "Girl without f**k, because I'm still looking for someone to f**k me." Proud na proud pa talaga? Iba talaga ang epekto ng alak 'no? "Grabe kana Zendra,"naiiling na sabi ko. Hindi niya naman ako pinansin. "I think nahanap ko na iyong lalaking aangkin sa akin ngayong gabi." Zendra said in seductive voice. Gusto ko na lang matawa sa kaniya. Hindi talaga iyan ganiyan, epekto lang ng alak kaya makapal ang mukha ngayon. Marahan ko siyang tinulak papunta sa direksyon na tinutukoy niya. "Mabuti iyan. Puntahan mo na iyong lalaki na iyon, siya ang guluhin mo at huwag ako." Huminto siya sa saglit at nagkalkal sa bag niya. “Teka, mag-aayos lang ako.” Nagretouch muna siya bago lumayas sa harap namin. “Punta muna ako sa gitna, gusto mo sumama Summer?” alok ni Ponnie. Umiling ako. “I’m fine, ikaw na lang.” “Sure ka? Baka bigla kana naman mawala, ha?” biro nito. Inirapan ko siya. “Hindi ako mawawala.” Natatawang tumango muna siya bago lumayas sa harapan ko. Parang nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis na iyong dalawa kong kaibigan. Nagfocus na lang ako sa iniinom ko. Sunod-sunod na baso ang tinungga ko. Baka sakaling makalimutan ko iyong nangyari a month ago. Tuwing naaalala ko kasi parang nag-iinit ako. Para bang hinahanap ng katawan ko iyong mga haplos niya—— "The hell, what am I thinking? Bakit ba nasa isip ko pa rin iyon?" bulong ko sa sarili. Umorder na lang ako ng mas hard na drinks sa bartender. Baka kulang lang sa tapang iyong iniinom ko ngayon. Nakakailang baso pa lang ako pero medyo tinatamaan na rin ako, at mukhang may matatamaan rin sa akin ngayon. Kanina ko pa kasi nararamdaman na may humihimas sa likod ko. Nang una, akala ko nasasagi lang ako ng mga dumadaan kasi nasa bar counter ako. Pero iba na this, parang sinasadya na. Pababa na iyong hagod! Paakyat na rin iyong dugo ko sa ulo ko. Mukhang may mahahampas na naman ako ng bag ko ngayon. Nang hindi ko na kaya pang pigilan ang panggigil ko, hinarap ko iyong lalaking nasa likod ko. "Kanina kapang bastos ka, ha!" Tinulak ko pa siya ng malakas sa braso niya. Mas lalo naman akong nakaramdaman ng inis nang ngumisi siya. "What are you talking about, miss?" Parang nang-aasar pa siya sa tanong niya. Kunwari walang alam, ganun? Napasinghap ako. "Talaga lang, ha? Bakit hindi mo itali iyang malikot mong kamay, para hindi humahawak sa kung saan!" Dumating naman sina Zendra at nilapitan ako. "Summer, anong meron?" Tinuro ko naman iyong lalaki sa harap ko. "Ito kasing manyakis na ito, kanina pa ako hinawakan sa likod!" bulalas ko. Sarap lukutin ng pagmumukha ng lalaking ito! "Kanina mo pa pala nararamdaman, pero bakit ngayon ka lang nagreklamo? Edi ibig sabihin gusto mo rin iyong ginagawa ko." Nakipag-apir pa talaga siya sa isang lalaki na kasama niya. Gusto ko iyong ginagawa niya? Sobrang kapal pala talaga ng pagmumukha ng lalaking ito. "Huwag mo na patulan iyang manyakis na iyan, Summer!" awat ni Zendra sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. Ngumisi ako ng nakakaloko. "Really? Ikaw na nga manyakis, tapos ikaw pa ang mayabang? Bakit guwapo ka ba? Pangit kana nga sobrang baho pa ng hininga mo!" Nilakasan ko talaga ng sobra iyong boses ko. Nanggigil talaga ako, promise! "Mabaho raw hiningi mo, pre?" sulsol ng kasama nito. Tropa niya tapos hindi niya alam? Tinapat naman ng lalaking manyakis iyong palad niya sa bibig at saka bumuga ng hangin. Nanlaki pa iyong mata niya, narealize niya siguro na tama iyong sinabi ko. Sa halip na maasar siya sa sinabi ko, tumawa pa talaga. "Sinasabi mo lang iyan para halikan kita. Kunwari ka pa na pakipot, bibigay ka rin naman!" at nagtawanan pa talaga sila ng kasama niyang mukhang hindi maintindihan iyong itsura. Napangiwi ako. "Grabe, bilib ako sa confident mo kuya!" Naiiling pa ako habang natatawa. "Sa totoo lang, iba ang gusto ko. Gusto mo malaman?" "Ganiyan dapat, huwag ng maraming sinasabi! Go naman—" Bago pa siya matapos sa sasabihin niya, hinampas ko ng buong puwersa sa mukha niya iyong pouch na hawak ko. "Summer!" Narinig ko pa ang tawag ni Ponnie sa pangalan ko. Nagsimula ng mapunta sa amin iyong atensyon ng mga tao. Lalo na iyong mga malapit lang sa puwesto namin. Paano ba naman, bumagsak iyong manyakis na ito sa sahig. Medyo napalakas 'ata iyong hampas ko. Nice one. "Here we go again, Summer!" Si Zendra na natataranta na sa gilid. Bumangon iyong lalaki habang nakahawak pa sa ilong niya. Nanlaki pa iyong mata niya nang tignan iyong kamay niya na nakahawak sa ilong niya kanina. Mukhang nagdugo pa nga. Well, job well done, self. Lumapit siya sa akin at bigla akong hinawakan sa braso. "Bakit mo ako hinampas?" madiin na tanong nito. Grabe, gusto kong mawalan ng malay sa naamoy ko! Feeling ko tumalsik pa iyong laway niya sa pagmumukha ko. Kadiri! Since mas matangkad siya sa akin, medyo napapatingala pa ako sa kaniya. Hindi naman ako natatakot sa lalaking ito. Mas natatakot pa nga ako sa hininga niya, lakas manapak! Besides marami na rin akong nakaharap na manyakis na katulad niya, suwerte pa nga siya dahil pouch lang ang ginamit ko panghampas sa mukha niya. Ngumiti ako na parang nang-aasar. "May oras kang pumunta rito pero magtooth brush, wala? I can't even distinguish what smell is that, grabe ang baho! Tinalo pa ng hininga mo iyon amoy ng imburnal!" Nakita ko iyong pagkunot ng mga noo niya. "Sinasagad mo talaga akong tarantado ka!" Bigla niya namang inangat iyong isang kamay niya, senyales na sasampalin niya ako. Narinig ko pa iyong pagsigaw nila Ponnie. Mas inuna pa talagang sumigaw kesa tulungan ako, no? Pinikit ko na lang iyong mga mata ko at handa ng tanggapin iyong sampal niya. Pero ilang segundo na wala pa rin? "Sir, ang babae minamahal hindi dapat sinasaktan." Binuksan ko iyong mga mata ko dahil sa boses na iyan. Isang lalaki ang nasa harap ko ngayon, hawak niya sa pulso iyong manyakis na lalaking mananampal na sana sa akin. Teka, anong sabi niya? Masyado ng gasgas iyong linya na iyon, ha. "Sino ka namang pakealamero ka, ha? Boyfriend kaba nito?" tanong ni manyakis sa lalaki na hindi ko alam kung saang dimension galing. Nakahinga pa ako ng maluwag nang tanggalin niya iyong kamay niya sa isang braso ko. Lumapit si Zendra sa akin. "Okay ka lang ba? Let me see." Titignan pa sana niya iyong braso ko pero ngumiti ako ng malapad. "I'm good. Hindi kapa ba sanay sa ganito?" natatawang tanong ko. "Nakakaloka ka! Muntikan kana kanina." Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ulit doon sa lalaking manyakis at sa lalaking bigla na lang sumulpot. "I don't know her, pero hindi kapa rin dapat nanakit ng babae," sagot naman ng lalaki. "Iyong babae na iyan ang unang nanakit sa akin! Sinabihan pa ako ng bad breath, ang kapal ng mukha!" singhal ng manyakis na lumalaki pa ang butas ng ilong sa galit. Pinapalabas ba niyang ako ang nauna? Tigas talaga ng mukha ng manyakis na ito. "Nasaktan kita dahil manyak ka! At saka totoo naman talaga na mabaho iyang hininga mo!" Dinuro-duro ko pa siya sa inis ko. Tumango naman iyong lalaki na hawak pa rin ang kamay ni manyakis. "Manyakis ka naman pala. Iyong bad breath? Parang totoo naman," pagsang-ayon naman nito sa sinabi ko. Hindi ko naman inaasahan ang sunod na mangyayari. Masyadong naging mabilis dahil nagsasapakan na sila ngayon, hindi na kinaya ni manyakis iyong katotohanan tungkol sa hininga niya. Truth hurts kasi! Tuluyan na rin naming naagaw iyong atensyon ng mga tao rito sa loob. Para silang nanunuod ng live action. Sapakan ng dalawa laban sa isa! "Iyong mga bouncer!" Napatingin naman ako sa tinuro ni Ponnie. Nagsimula na silang mataranta. Hindi pa ba sila nasasanay talaga? Nang nakaraan nga pulis pa ang sumundo sa amin. Bigla naman akong hinatak ni Zendra. "Tara na Summer!" Patakbo kaming lumabas sa bar na iyon. "Muntikan na tayo roon!" hinihingal pa na sabi ni Ponnie. Ganun din si Zendra na nakahawak pa sa dibdib niya. "Grabe ka Summer, gumawa ka naman ng eksena!" Inayos ko muna iyong skirt ko. "Hindi naman ako iyong nauna 'no!" mabilis na sagot ko. "Sa sobrang ganda mo, hindi lang lalaki ang lumalapit sa'yo, pati gulo. Iniwan mo pa iyong knight and shining armor mo sa loob na nakikipagsapakan." Inismiran ko siya. "Knight and shining armor? Kadiri ka naman, Ponnie. Excuse me, hindi ko siya inutusan na makipagsapakan sa loob. Siya iyong bigla na lang sumusulpot galing kung saan!" Tama naman ako 'di ba? Choice niya iyon kaya wala akong kasalanan. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na saluhin iyong sampal ng manyakis na iyon! I can handle myself. Ilang manyakis na lalaki na ang napatumba ng mga gamit ko. "Magpasalamat ka pa rin sa kaniya. Kung hindi siya dumating baka nasa presinto na naman tayo ngayon." "Hindi pa ba talaga kayo nasasanay?” "Sobrang sanay na, malapit na rin akong itakwil ni mommy, Summer." “Malapit na rin akong ipadala sa ibang bansa ni dad.” Si Ponnie. “Kaya magpasalamat ka talaga sa lalaking tumulong sa’yo. Kung hindi rin dahil sa kaniya, bukod sa namamaga na iyang maganda mong mukha, sure rin akong banned na naman tayo sa bar na ito.” Kumunot iyong noo ko sa sinabi ni Zendra. “Magpasalamat? Never.” "Si Summer pa ba? Matigas mukha niyan— puso pala. Kaya wala talagang pakealam iyan sa lalaking tumulong sa kaniya.” Nilingon ko si Ponnie. "Bakit naman ako magkakaroon ng pakealam sa taong hindi ko naman kilala? Uuwi na lang ako kesa magpaalam sa lalaking iyon," seryosong sagot ko. Dumiretso na ako sa sasakyan ko kung saan ito nakaparada. "Uuwi na kana?" tanong ni Zendra sa akin. "Obvious ba? Malamang naman Zendra. Bakit ano pa ba gagawin natin dito?" "Magpasalamat ka nga sa lalaking tumulong sa'yo," utos nito sa akin. "Mga galawan mo. Porket guwapo, gusto mo antayin?" Natahimik naman si Zendra sa sinabi ko. Isa pa itong si Ponnie. "Sabay ako sa'yo—" Hindi ko na siya pinatapos. "Huwag na. Tinatamad ako maghatid! Kay Zendra kana sumabay." Lasing na rin siya baka lalo lang ako mapagalitan ni popsicle. Hindi ko na siya inantay sumagot at pinaandar na iyong kotse ko. Nang makarating sa bahay, dahan-dahan lang ako sa bawat pagkilos ko. Kahit paghinga pinipigilan ko. Baka kasi gising pa mga gising pa— "Saan ka galing?" Muntikan pa akong mapatalon ng dahil sa gulat. Gising nga, gising na gising si popsicle. "P-pops?" kamot ulo kong tanong. Inayos ko pa iyong suot ko. Conservative kasi itong parents ko, lalo every time na lumalabas kami ng bahay. I mean ako lang pala, lagi lang naman nandito si Sunnie. Inayos ko rin iyong sarili ko para hindi halatang medyo lasing na ako. Sana lang din hindi niya maamoy iyong hininga ko. "Don't you have anything else to do kundi ang mag party na lang, Summer Reign Dixon, ha?" Full name ko iyon, so it means seryoso na siya at lagot na ako. Ngumiti ako ng pilit. "Pops, chill, kalma. Hindi po ako nagparty, kumain lang ako kasama sila Ponnie," pagdadahilan ko. "Magsisinungaling ka pa talaga sa akin, ha? Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang amoy ng alak." Napakagat na lang ako ng labi. "Pops, konti lang naman. Birthday kasi ni Ponnie kaya alam mo na... Celebration, ganun." Sana gumana iyong palusot ko, last na kasi iyan. Napasinghap naman siya. "Ganiyan din ang dahilan mo noon. Kailan pa nagkaroon ng maraming birthday sa isang taon iyang kaibigan mo, ha? O baka sabihin mo na naman ibang Ponnie ang tinutukoy mo?" Parang natahimik ako roon, ha. "Popsicle, safe naman akong nakauwi. At saka, konti lang naman iyong ininom ko. Promise po!" "Promise? Hindi mo na nga mas ito ng maayos iyong suot mo. Ganiyan ba ang hindi lasing?" Napatingin naman ako sa suot kong sandals. Napapikit naman ako sa kabobohan ko. Baliktad nga! Natanggal kasi ito ito kanina nang tumakbo kami palabas ng bar. "B-bagong style iyan pops, uso kasi iyan ngayon." "Tigilan mo nga ako, Summer! Sumasakit ulo ko sa'yong bata ka! Kanino ka ba nagmana, ha? Napakatigas ng ulo mo. Isang taon kana lang sana sa course mo, pero ano? Nakipagsapakan ka mga kaklase mong lalaki kaya ka natanggal. Then now, hindi kapa rin tumitigil sa mga kalokohan mo! Ilang beses kanang umuuwi ng ganiyan, ha? E' hindi ka nga maasahan sa mga business natin! Hindi mo gayahin iyong kambal mo, kahit ganun ang kalagayan niya, siya pa ang nakakatulong sa akin!" mahabang litanya niya. Lalong sumasakit iyong ulo ko sa sermon ni popsicle. Halos araw-araw kong naririnig sa kaniya iyan. P'wede ko ng i-recite dahil kabisado ko na talaga. "Summer?" Bigla namang dumating iyong kambal ko. Mabuti na lang, kasi she's my savior. "Nakauwi kana pala. What's going on here?" nagtatakang tanong pa nito. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya. "Ikaw na nga ang makipag-usap sa kambal mo na iyan, Sunnie. Maybe she will listen to you. Sumasakit lang ulo ko sa kaniya." Pagkatapos ay nilayasan na niya kami. Pinanuod ko lang si popsicle hanggang makaakyat siya sa second floor. "Okay ka lang ba, Summer?" tanong ni Sunnie. Nagthumbs up naman ako. "Of course! Laban lang. Susuka pero hindi susuko," biro ko pa. Nahihilo ako, hindi ko na alam mga sinasabi ko. Inalalayan ako ni Sunnie paakyat sa kuwarto ko. "Dapat kasi hindi ka nagpapahuli kay pops, para hindi ka napagalitan," sambit niya nang makarating na kami sa loob ng kuwarto ko. Dumiretso muna ako sa kama ko at humilata. "Hindi ko naman alam na nag-aantay pala siya sa akin sa baba," nakapikit na sagot ko. Nahihilo talaga ako! "He's been looking for you simula nang umuwi siya from company. My bad! Nakalimutan kitang sabihan." "Sanay naman na ako." Nakapikit pa rin ako. "What happened ba? Ponnie texted me, napaaway na naman kayo sa bar? Kumusta ka naman?" Napadilat ako ng mata. Sinabi ko ng huwag sabihin, sinabi talaga! Kahit kailan talaga si Ponnie, mga galawan para lang makausap iyong kambal ko. "Papansinin talaga sa'yo iyon..." Napailing pa ako. "Oo, may ano kasi, iyong manyakis na lalaking iyon. Hinihipuan ba naman ako? Edi hinampas ko siya ng pouch ko, buti na nga lang matibay ito. Sobra pa ang yabang. Bad breath naman!" kuwento ko. No choice na rin naman ako dahil magpupumilit itong kambal ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Kapal naman ng mukha niya para bastusin ka! Do you still remember his face? Oh god, kumukulo iyong dugo ko sa lalaking iyon." Iyan ang dahilan kung bakit ayokong malaman niya. "Chill, Sunnie. Kaya ayokong sabihin sa'yo dahil alam kong ganiyan ang magiging reaksyon mo." "Of course, Summer! Hindi mo lang ako basta kapatid 'no. Kambal mo ako kaya ayoko ng may gumaganun sa'yo. Hindi ako papayag!" Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Sobrang sweet talaga! Bigla namang tumunog iyong cellphone niya. Kaya nagmamadali niya itong tinignan. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa nanlaki iyong mata ko sa nakita ko. "Teka nga! Tama ba iyong nakita ko? O epekto lang ng nakalasingan!" Ngumiti siya ulit. "What do you mean?" "Ngayon na lang kita makitang ngumiti ng ganiyan, ha!" "Talaga? Ewan, masaya lang ako." "Pabebe ka ngayon kambal. Baka gustong mong i-share iyan." Isang buntong hininga muna iyong pinakawalan niya. "Naaalala mo ba iyong childhood crush ko? Si Marco?" Tumango ako. "Paano ko naman makakalimutan iyon, lagi mo kayang bukambibig sa akin iyong lalaki na iyon," turan ko. "Siya iyong crush mo nang college, na crush mo pa rin hanggang ngayon. Bakit anong meron sa kaniya? Hindi mo na ba siya crush?" Natatawa naman siyang umiling. Naninibago talaga ako sa kambal ko na ito. "Nakakausap ko na siya... Pagkatapos ng ilang taon, pinansin niya na rin ako!" I can feel the happiness in her voice. "Talaga? Congratulations!" Of course masaya rin ako for her, mas masaya pa nga 'ata siguro ako. "I'm so happy, Summer! Akala ko nang una malabo na mapansin niya ako, pero ngayon... Ilang buwan na kaming magka-usap." Mukhang nahihiya pa siyang sabihin. "Teka nga, ilang buwan? Ibig sabihin matagal na kayong nag-uusap? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kunwari nagtatampo ako. She smiled. "Because I thought na hindi siya seryoso sa akin. Feeling ko noon... Hindi magtatagal iyong pag-uusap namin. Gusto ko lang naman kasi mapansin niya ako, hindi ko naman inaasahan na aabot kami sa ganito." Nagpipigil pa talaga siya ng kilig habang sinasabi iyan. Nahahawa tuloy ako mga ngiti niya. "Edi mabuti iyan. Masaya ako at nakikita na kitang nakangiti ulit ng ganiyan. Huwag ka lang talaga niyang lokohin! Hahanapin ko talaga siya kahit saan pa siya nakatira." Seryoso ako sa banta ko na iyan. Huwag niya lang talagang saktan iyong kambal ko, makakatikim talaga siya! Hindi ko pa nakikita iyong itsura ng lalaking iyon. Lagi lang siyang nakukuwento ni Sunnie sa akin. Tumawa naman siya. "Mabait naman si Marco. Sigurado akong hindi niya ako lolokohin." "Edi mabuti," maiksing sagot ko. Hinawakan niya iyong kamay ko. "Summer, huwag ka maingay kila momma, ha? Secret muna natin iyong tungkol kay Marco," seryosong pakiusap niya. Mabilis naman akong tumango. "Oo naman, Sunnie. Magkakampi tayo sa lahat ng bagay 'di ba? Kaya magsabi ka lang, lahat gagawin ko para sa'yo." "Really, Summer?" "Yes naman, Sunnie." Natawa naman kaming pareho. "Can I sleep here?" pag-iiba niya. At dahil inaantok na rin ako, tumango na lang ako. "Sige lang." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. "Thank you, Summer." "You're welcome," sagot ko na lang kahit hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat. Hanggang sa nakatulog na ako. Epekto siguro ito ng bad breath ni kuyang manyakis kanina sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD