TWO: SUMMER WILL BE SUNNIE?

1855 Words
"Summer okay ka lang ba?" Natigil ako sa paghilot ng sintido ko nang marinig ko ang nag-alaalang boses ni moma. Pilit na ngumiti akong tumingin sa kaniya. "Masakit lang po ulo ko 'ma,” sagot ko at saka hinilot ulit ang sintido ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. "Kumain kana para makainom ka ng gamot para sa headache mo,” utos nito. Nag-uumpisa na kasi silang kumain habang ako wala pa rin laman ang plato. Hindi naman kasi talaga ako nagugutom. Tumango ako. "Opo moma,” sagot ko para hindi na siya mag-alala. “Baka kulang ka pa sa tulog, Summer? Magpahinga kana ulit mamaya pagkatapos mong kumain,” sambit ni Sunnie. Ngumiti naman ako. “Siguro nga.” Nagsimula na akong kumuha ng pagkain ko. Kahit ang sarap ng mga nasa lamesa ngayon, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Dahil isa lang ang gusto ko ngayon, ang magpahinga. Nasa dining area kami ngayong apat. Gusto ko pa sanang matulog pero baka lalo akong pagalitan ni popsicle kapag hindi ako sumabay kumain. Lalo na at may kasalanan pa ako sa kaniya kagabi. I thought kaya kong pigilan iyong sakit ng ulo pero hindi pala. Grabe ang hangover ko ngayon! Siguro dahil din ito sa bad breath ng manyakis na iyon kagabi. "Kailan ka ba titigil sa mga pinanggagawa mo Summer, ha?" Mukhang mag-aalmusal ako ng sermon ngayon. "Popsicle, okay lang po ako." Ngumiti pa ako ng malapad. Pero si pops? Seryoso ang mukha ngayon na nakatingin sa akin. "Okay? Look at yourself, you can't even touch your food." Tinuro niya pa ang plato ko. Hindi ko pa kasi nagagalaw iyong pagkain na sinandok ko. "Baka mas maganda siguro bumalik ka muna sa room mo para magpahinga, Summer." Napatingin ako sa kambal ko na katabi ko ngayon. "Okay lang ako Sunnie. Konti lang naman ang nainom ko kagabi, hindi ko alam kung bakit grabe ang sakit ng ulo ko ngayon." "Konti nga ang iniinom mo, pero almost every night ka naman umiinom. What’s the difference?” Si popsicle iyong sumagot. Napayuko na lang ako at nagsimula ng galawin ang pagkain ko. Pero literal na galaw lang talaga, kasi hindi ko kinakain. Parang pinaghihiwalay ko lang ang mga ingredients. “Honey, huwag mo na pagalitan ang anak mo. Nasa tamang edad na rin naman siya para uminom. Normal na lang iyan sa mga kabataan ngayon.” Syempre ang nakapagtanggol ko na si moma. Dalawa sila ni Sunnie. “Normal? Normal ba sa isang babaeng katulad niya ang lagi na lang napapaaway sa lahat ng bar na pinupuntahan nila ng mga kaibigan niya? At sa mga lalaki pa talaga.” Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko kaya nagsalita na ako. “Popsicle sila naman po ang nauna! Mga bastos at tarantado ang mga iyon kaya dapat lang sa kanila ang ginawa ko. Kulang pa nga iyon!” singhal ko. Napahawak pa ako ng madiin sa tinidor na hawak ko. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Tuwing naalala ko kung paaano niya ako hinawakan! Then iyong pouch ko na nasira ng dahil sa tigas ng pagmumukha niya. “That’s what I’m telling you. Do you think mangyayari sa’yo iyan kung hindi ka pumupunta sa mga bar na iyan, ha? Paano kung higit pa ang gawin nila sa’yo?” Halata sa boses ni pops ang pagpipigil na huwag sumigaw. Hindi niya ugali ang mag sermon habang kumakain, pero mukhang napupuno na siya sa akin. Nagtataka nga ako kung paano niya nalalaman mga pinanggagawa ko. “Syempre hindi naman ako papayag popsicle , ‘no! Kahit babae ako lalabanan ko talaga sila—“ Popsicle cut me off. “Tigilan mo na nga iyang mga kalokohan mo, Summer. Kung tumutulong kana lang sana sa pagpapatakbo ng mga negosyo natin, kesa puro sakit sa ulo ang binibigay mo sa amin.” Sabi ko na nga ba at dito mapupunta ang usapan namin. Shut up na ako. "Honey, huwag mo na pagalitan ang anak mo." “No, honey. Kailangan niyang marinig ang mga sasabihin ko. Para maisip niya na tuwing lumalabas siya sa bahay na ito, may mga magulang siya na sobrang nag-aalala sa kaniya dahil sa mga pinanggagawa niya.” Kahit na nakayuko ako ngayon alam kong nakatingin si popsicle sa akin ngayon. Pati tingin niya parang pinapagalitan din ako. “Hindi na po mauulit,” sagot ko na lang. Narealize ko ng mali ako. “Hindi na talaga dahil you are grounded.” Hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya iyan, kay nagulat ako. “Popsicle naman! I’m not a kid anymore para sa grounded na iyan.” “Then stop acting like one.” Madiin na sagot ni pops. “Hindi kana bata para pagsabihan ng paulit-ulit. Instead of trouble and problem, do something na makakatulong sa kompanya at sa pamilya natin.” Hindi na ako nagsalita. Tama naman si pops, puro lang problema ang binibigay ko sa pamilya na ito. Pero ano ba kasi magagawa ko? Gulo ang lumalapit sa akin, bakit ba kasi hindi na lang mawala ang mga bastos at manyakis na iyan sa mundo! Pati ako na gusto lang mag party, nasasangkot sa gulo. Ilang gamit na ba ang nasira ko para lang ihampas sa mga pagmumukha nila. “Sorry na popsicle. Hindi na talaga mauulit! Iiwas na ako sa gulo.” Nagtaas pa ako ng kamay na parang nanunumpa. “Siguraduhin mo lang talaga, Summer.” May pagbabanta sa boses nito. Tumango na lang ako ng ilang beses bilang sagot. “Okay na kayong mag-ama? P’wede na tayong kumain ulit?” Si moma. Natawa naman si Sunnie na nasa gilid ko. “Stress na si popsicle sa’yo,” bulong pa nito sa akin. Tumingin naman ako ulit kay popsicle, ilang buntong hininga ang pinakawalan nito na para bang pinapakalma ang sarili niya. Nauubos na siguro pasensya sa akin ng tatay ko. Siguro nga iniisip nito kung paano niya ako naging anak. Hindi na nagsalita ulit si popsicle kaya ibig sabihin tapos na ang sermon. Kumain na ulit sila moma, at ganun din ako. Pinilit ko talaga kumain. "May gusto po pala akong sabihin sa inyong lahat." Natigil kami sa pagkain at napunta ang atensyon kay Sunnie. I can see the excitement on her face kaya naging curious ako sa sasabihin niya. "Nakapagdecide na po...” panimula niya. “Payag na po ako na ituloy ang operation ko sa ibang bansa." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko. “Seryoso ka ba Sunnie?” paninigurado ko pa. “Yes Summer, gusto ko ng magpamot at gumaling.” “Oh god, thankyou!” Napatayo pa si moma at saka lumapit kay Sunnie para yakapin ito. “Finally, pumayag kana rin. Matagal na namin itong pinagdadasal ng popsicle niyo.” “Sorry po, ha? Sorry po kung natakot ako at naduwag.” “No, don’t say that, Sunnie. Naiintindihan ka namin. The important is pumayag kana, matutuloy na ang operasyon mo at gagaling kana, anak.” Kung kanina stress na si popsicle ng dahil sa akin, ngayon naman para na siyang nakahinga ng maluwag. Sobrang saya nila ni moma ngayon. Syempre ganun din ako. Parang nawala nga ang sakit ng ulo ko dahil sa nangyayari ngayon. Gusto kong umiyak sa tuwa. Ito ang matagal namin gustong mangyari, pero nirerespeto namin ang desisyon ni Sunnie kaya hinayaan muna namin siyang maging handa para sarili niya. Pagkatapos namin kumain, kaagad na inasikaso nila popsicle ang mga kailangan sa pag-alis nila Sunnie papuntang ibang bansa. Doon kasi siya magpapaopera. Bumalik na rin ako sa kuwarto ko dahil gusto ko pa matulog, nakakaramdam na naman kasi ako ng antok. Pipikit na sana ako nang may kumatok. Pumasok si Sunnie na may dalang isang baso ng tubig. “Hindi mo nainom ang gamot mo. Nakalimutan mo siguro.” Nilapag niya ang tray sa side table ko at saka siya umupo sa kama ko. “Nakalimutan ko nga. Medyo maayos na rin naman kasi pakiramdam ko, siguro dahil na rin sa good news mo.” “Uminom kapa rin para mawala na talaga ang sakit ng ulo mo.” “Yes po ma’am.” Ginawa ko na lang ang sinabi ni Sunnie. Hindi rin kasi ito titigil hanggang hindi ako umiinom. Sobrang suwerte ko talaga sa pamilya ko. Kahit na parang ang malas nila sa akin. "Naalala mo ba noong high school tayo Summer. Tuwing may extracurricular activities kami, nagpapanggap ka bilang ako. Kasi hindi ako p'wedeng mapagod..." Natawa naman ako nang maalala ko ang tinutukoy niya. "Tapos ikaw naman ang nagpapanggap bilang ako tuwing may quiz at exam kami," pagpapatuloy ko. Natawa rin siya. "Kailangan mo kasing makakuha ng mataas na score para mahatak ang mga bagsak mong grades.” Grabe naman, pero totoo iyan. "Narealize ko nga na ang galing pala natin, 'no? Kahit isa walang nakahalata sa ginagawa natin." Kahit kasi identical kami ni Sunnie, malayo naman ang ugali namin sa isat-isa. Kaya nga sina Zendra at Ponnie lang noon ang nakahalata sa mga pinanggagawa namin. Kasi nga mga kaibigan namin sila at kilala na nila ang pinagkaiba namin ng kambal ko. "That's what I thought before not until, kausapin ako ng teacher ko." Napalingon naman ako sa kaniya. "Really? Parang hindi mo naman nabanggit sa akin iyan noon." "Hindi naman kasi siya big deal. Kinamusta lang ako ni Mrs. Pema then she told me na matagal na pala niyang alam ang ginagawa natin, pero hinahayaan niya lang kasi alam niya ang tungkol sa sakit ko." Si Mrs. Pema— iyong mukhang masungit na teacher. May tinatago pala na bait iyon. Lagi kasi siyang nakabusangot. May naalala naman ako bigla. "There was one incident na tinawag niya ako sa pangalan ko sa halip na Sunnie, pero hindi ko lang pinansin.” Nasa gym kasi kami noon, at nagpapanggap akong si Sunnie during that time. Physical education ang subject nila at may activity sila which is volleyball. Sa sobrang hyper ko natamaan ko iyong kaklase ni Sunnie sa mukha at umiyak. Kaya napagsabihan ako ng very light. “Can I ask you a favor, Summer?” Naging seryoso ang tono ng boses ng kambal ko, pero nakikita ko sa mga mata niya ang pakikiusap. I gave her a smile. "Kahit ano pa iyan, basta kaya ko gagawin ko para sa'yo. Kaya sabihin mo Sunnie, ano ba iyon?" Umayos siya ng upo. “Nabanggit ko na sa’yo si Marco ‘di ba? Nakuwento ko na rin sa’yo kung anong meron kaming dalawa.” Parang kinikilig pa siya habang sinasabi iyan. Tumango ako. “Oo naman. Paano ko ba makakalimutan iyon? Eh, sobrang saya mo nga habang nagkukuwento ka sa akin kagabi.” Napangiti naman siya. Iyong ngiti na masasabi mong inlove siya pero nawala rin kaagad iyon, naging seryoso ulit ang mukha niya. “Gusto na niya makipagkita sa akin...” “Talaga? Kaya pala kinikilig ka. Pero teka, paano iyan? Pupunta ka sa ibang bansa ‘di ba?” Tumango siya. “Kaya nga p’wede ba Summer? P’wede ba na habang nagpapagaling ako sa ibang bansa, makipagkita ka at magpanggap bilang ako sa harap ni Marco." "Magpanggap lang naman pala. Syempre na—- Teka, ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD