THREE: SIMULA NG PAGPAPANGGAP

2477 Words
"Really? Pumayag na si Sunnie magpa-opera? That's good news!" Iyan ang reaksyon nila Zendra nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa pagpayag ni Sunnie na mag-opera sa ibang bansa. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Sunnie, hindi na ako nakatulog. Kaya I decided na pumunta na lang ako rito sa flowershop namin para magbantay. Busy na kasi si moma ngayon since nag-aasikaso na siya sa pag-alis nila ng kambal ko papuntang ibang bansa. Siya kasi ang sasama rito, habang kami ni popsicle naman ang maiiwan rito sa Pilipinas. Syempre para hindi naman ako nag-iisa rito sa flower shop at gusto ko rin ng makakausap, pinapunta ko na sila Zendra rito. Ilang minuto nga lang nandito na sila kaagad. "Kaya nga sobrang saya namin nang sabihin iyan ni Sunnie kanina.” Sobrang saya ko talaga para akong nakahinga ng maluwag. Ilang taon na rin kasi siyang kinukumbinsi nila moma tungkol sa bagay na iyan, pero ayaw ni Sunnie dahil natatakot siya. Mabuti na nga lang at hindi lumalala ang lagay niya. Maalaga rin naman kasi siya sa sarili niya, ganun din naman kami sa kaniya. Hindi namin siya binibigyan ng stress, kaya nga kapag may problema ako hindi ko talaga sinasabi sa kaniya. Maliban na lang kagabi, madaldal kasi si Ponnie. “Goodnews talaga iyan! P’wede ng sumama si Sunnie sa bar kapag gumaling na siya.” Speaking of madaldal. Tinaasan ko siya ng kilay. “Seryoso ka talaga sa sinabi mo, Ponnie? Idadamay mo pa talaga iyong kambal ko. Hindi iyon katulad natin, ‘no,” singhal ko. “Gusto siguro ni Ponnie na itakwil kana ng popsicle mo,” natatawang sambit ni Zendra sa tabi ko. “Siraulo iyan, eh.” Tinignan ko ulit si Ponnie na nakapeace sign ngayon sa harap namin. “Tigilan mo na si Sunnie. Hanggang friends lang kayo,” diretsong sabi ko rito. Umakting naman siya na parang nasaktan, nakahawak pa talaga siya sa dibdib niya. “Grabe ka Summer!” Ngumisi ako. “Just telling the truth.” "Summer iyong sinabi mong favor na hiningi ni Sunnie, pumayag ka ba?" pag-iiba ni Zendra sa usapan. Nabanggit ko rin sa kanila kanina nang tumawag ako ang tungkol sa bagay na iyan. Marahan akong tumango. "Hindi ko naman kayang tanggihan iyong kambal ko. Ngayon na nga lang siya ulit humingi ng favor sa akin, hindi ko pa ba pagbibigyan?" Kaya ko naman magpanggap kasi gawin ko na iyan bata pa lang kami. Pero iyong magpanggap ako sa harap ng lalaking mahal ni Sunnie? Parang ang hirap naman. "You're right, pero aminin mo Summer, hindi madali ang gagawin mo. Lalo na at sa harap pa ng lalaking mahal niya ikaw magpapanggap.” May point siya. "Huwag mo na pagdiinan Zendra. Sobrang sakit na." Napalingon kami kay Ponnie na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ngayon. Napangiwi ako. "Feeling broken ka, ‘no? Pero kapag nasa bar naman tayo, dami mong hinaharot na babae.” Realtalk ko sa kaniya. “Kahit marami akong iba, nag-iisa pa rin naman siya,” banat naman nito. Kumindat pa talaga. “Kinikilabutan kaba Summer?” Pinakita pa ni Zendra sa akin iyong braso niya. “Hindi lang kilabot. Parang gusto ko siyang palayasin ngayon dito.” Sinabi ko iyan habang nakatingin kay Ponnie. Mukhang nakaramdam naman siya. “Sabi ko nga tatahimik na ako.” Hindi ko na siya pinansin. "Back to our topic. The question is... Sino ang lalaking mahal ni Sunnie?" Curious na tanong ni Zendra. I shrugged my shoulders. "Hindi ko kilala. The only thing that I knew about him is his name... Marco." "Nice name. Have you seen his face? Guwapo ba? Kilala ko?” sunod-sunod na tanong ni Zendra. Hindi naman siya mukhang intresado, ‘no? “I don’t know, hindi ko pa nakikita even his picture. Ngayon na lang din ulit nakuwento sa akin ni Sunnie iyong tungkol sa lalaking iyon.” “Baka naman tarantado iyon Summer. O kaya gangster?” Nagsalita na naman si Ponnie. Sabi niya tatahimik na siya. “Seryoso ka Ponnie? Sa tingin mo magkakagusto si Sunnie sa ganung klaseng lalaki? Kung si Summer p’wede ba.” Si Zendra na ang sumagot. Pero parang hindi ko gusto ang sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Tulad mo naman ako sa’yo Zendra.” “Mukhang mahihirapan ka Summer. Magpapanggap ka sa harap ng lalaking you have no idea who that is. Name lang ang alam mo.” Naisip ko rin iyan, ‘no. “Madali lang kay Summer iyan. Baka nakakalimutan mo Zendra gawain niya na iyan nang high school tayo ‘di ba?” “I doubt it. You’re right but you are also wrong Ponnie. Identical twin nga sila pero baka nakakalimutan mo rin magkaiba ang mga ugali nila...” Napatango ako sa sinabi ni Zendra. “Maria Clara si Sunnie, samatalang si Summer...” Tinignan niya ako na para bang nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya o hindi. “Bakit tumigil ka? Ituloy mo,” utos ko. “Asong lobo?” Si Ponnie iyong sumagot. Kumunot ang noo ko. “Anong asong lobo?” “Kasi w-wild?” Pasmadong bibig. Bigla namang tumawa ng malakas si Zendra. “Siraulo ito si Ponnie. Ginawa ka pang wild animals, Summer.” Sarkastik akong tumawa. “Korni niyo.” Parang hindi mga kaibigan. “Si Zendra iyon, ‘no.” Tinuro niya pa iyong katabi ko na tumatawa ngayon. “Mas wild pa rin kayo sa akin.” Mas lalo lang silang tumawa. Mukhang trip ako ng dalawang ito. “Seryoso na nga. Paano mo gagawin ang pagpapanggap mo? Then kailan ka mag-uumpisa?” “I don’t know. Maybe kapag nagkita na kami ng Marco na iyon.” Iniisip ko pa lang na magkikita kami kinakabahan na ako. Paano kapag napansin niyang hindi ako si Sunnie? “Bakit parang naiinis ka? If you don’t want to do that p’wede ka naman tumanggi. Sabihin mo kay Sunnie.” “Hindi naman sa ayoko. Ewan ko. Parang may something sa Marco na iyon na naiinis ako,” paglilinaw ko sa sinabi ni Zendra. “Totoo iyan. Ganiyan din nararamdaman ko Summer. Hindi siya nararapat kay Sunnie, ako dapat.” “Pinagsasabi mo na naman Ponnie?” “Bitterness,” natatawang sambit ni Zendra sa gilid ko. “Hindi nga? Totoo ba? So hindi ka boto sa kaniya for your sister— I mean twin sister.” “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Zendra. Parang feeling ko lang hindi kami magkakasundo kapag nagkita kami. Pero hindi natin sure.” Nagkibit-balikat pa ako. “Baka hampasin mo rin iyon ng pouch mo, ha! O kaya ng heels mo. Siraulo kapa naman Summer.” Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Zendra. Judgemental lang? “Dapat lang naman,” komento naman ni Ponnie. Kanina pa ito sa side comment niya. Inismiran ko siya. “Bakit ko naman hahampasin iyon? Mukha ba akong basta na lang mananakit ng walang dahilan?” “Hindi naman,” mabilis na sagot nito. “Kung ano ang nagpapasaya sa kambal ko, support ako.” I emphasized. Totoo iyan, galing sa puso. “So paano ka magpapanggap?” seryosong tanong ni Zendra. “Magpapatulong ba ako sa inyo kung alam ko kung paano, ha?” tanong ko pabalik. “Basic na lang naman sa’yo iyan ‘di ba? Gawain mo naman dati iyan.” “Dati pa iyon, mga bata pa tayo. Iba na ngayon, Ponnie.” Mula sa pagkakaupo sa gilid ko, tumayo si Zendra sa harap ko. “Teka nga, paano ka ba magiging si Sunnie? Bukod sa magkamukha kayo, ano pa ang dapat gawin...” Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Ganun din si Ponnie na inaamoy pa ang bulaklak na hawak niya. “Maraming dapat gawin,” tumatangong sambit pa nito. “True iyan. Sa mukha lang magkapareho pero over all, sobrang layo sa isat-isa,” pagsang- ayon ni Zendra. Para akong pasyente sa harap nila at sila naman ang magoopera sa akin. Kung ano ang dapat baguhin sa itsura ko. “So anong ibig niyong sabihin?” Nakakunot ang noo kong tanong. “Kailangan mo ng make over.” “Makeover? Seryoso ka Zendra?” Baka pinagtritripan na naman ako. Nakapamewang siya sa harap ko. “Yes, I am pretty sure. Bukod pa diyan kailangan mo rin baguhin ang kilos mo. Mahinhin si Sunnie, ikaw naman parang laging may kaaway.” “Kaibigan ko talaga kayo, ‘no?” I asked in sarcastically. “Of course!” sabay nilang sagot. Tinaasan ko sila ng kilay. “Hati kayo ni Ponnie.” Itataas ko pa sana ang middle finger ko nang biglang may dumating na costumer. Hanggang sa sunod-sunod na ang dumating rito sa flower shop. May nag inquire pa para sa event. Kaya ang ending naging busy na kami buong maghapon. Nang madilim na nagpaaalam na rin sina Zendra at Ponnie. Tinulungan nila akong magsara at sabay na kaming umuwi tatlo. Nang makarating ako sa bahay, kaagad akong dumiretso sa kuwarto ni Sunnie. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin niya sa pag-alis nila bukas. “Tulungan na kita.” Hindi ko na siya inantay na sumagot. “Bukas na ba talaga ang flight niyo?” tanong ko. She nodded. “Oo, Summer. Next week pa ang operation ko but mas maganda kung maaga kami pupunta para makapaghanda ng maaga.” “Magiging maayos din ang lahat, Sunnie.” Hinawakan ko pa siya kamay. Ito lang kasi ang magagawa ko para palakasin ang loob niya. Sigurado naman akong magiging maayos ang operasyon niya, pero kinakabahan pa rin ako para sa kaniya. Normal lang naman siguro iyon ‘di ba? Ngumit siya. “Summer, maraming salamat, ha? Kasi pumayag ka sa favor ko.” “Huwag mo na isipin iyon. Syempre para sa’yo gagawin ko ang lahat,” sagot ko. “Isa ang pagpayag mo sa dahilan kung bakit desidido na talaga akong tuluyang gumaling, Summer. Hindi na ako nag-alala ngayon.” “Talaga? Bakit naman?” Huminga muna siya ng malalim. “Si Marco— siya ang dahilan kung bakit naging buo ang desisyon ko. Pero may pag-aalala pa rin ako, kasi gustong-gusto niya talaga makipagkita sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin kong dahilan. Hanggang sa isang idea ang naisip ko... Magpanggap ka bilang ako hanggang sa makabalik ako.” Ngayon naiintindihan ko na kung bakit humingi siya ng pabor sa akin. “H-hindi ba niya alam ang tungkol sa sakit mo, Sunnie? Hindi mo sinabi?” Marahan siyang tumango. “Nahihiya ako sa kaniya, Summer. Natatakot ako na baka magbago ang pagtingin niya sa akin kapag nalaman niya ang tungkol sa sakit ko. Hindi ko gustong mangyari iyon. Ilang taon akong nag-antay na mapansin niya. Isa siya sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko na talagang gumaling.” Talaga nga na inlove na ang kambal ko. Kung may magandang nadulot ang pag-ibig sa kaniya. Siguro iyon ang mas naging determinado siyang gumaling na talaga ng tuluyan. “Maiintindihan ka naman siguro niya, Sunnie. Hindi ka dapat matakot. Kung totoong gusto ka niya, tatanggapin niya lahat sa’yo.” Hindi ko pa naranasan mainlove, ha? Pero totoo naman ang sinasabi ko. Napayuko siya at saka umiling. “Maraming babaeng nagkakagusto kay Marco na mas higit pa sa akin. Kaya ayokong isipin niya na sa isang mahinang katulad ko lang siya napunta.” Hinawakan ko siya sa baba niya at pinatingin sa akin. “Sunnie naman! Huwag mo nga sabihin iyan. Hindi ka mahina, ‘no. Sobrang tapang mo kaya. Kung totoong maraming babae ang mas higit sa’yo, edi dapat hindi ikaw iyong nagustuhan ni Marco. Ibig sabihin ikaw the best sa lahat ng nakilala niya, at agree ako sa part na iyan!” singhal ko pa. Kapag sinasabi niya iyan sa sarili niya nasasaktan talaga ako. She chuckled. “Salamat Summer, ha? Pero ano pang magagawa ko? Nakapagsinungaling na ako sa kaniya. Ilang beses na niya sinabi sa akin na gusto niyang magkita na kami pero lagi na lang ako nagdadahilan.” “Bakit hindi mo pa ba siya gusto makita at makausap ng personal?” tanong ko. “Gusto. Gustong-gusto ko na, Summer. Kaya lang ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan.” “Naiintindihan ko, Sunnie.” “Sorry Summer, ha? Kung hindi mo naman kaya—-“ I cut her off. “Kayang kaya ko, ‘no! Basic lang iyon. Sabi ko nga sa’yo lahat gagawin ko para sa’yo. Kasi mahal na mahal kita.” Ngumiti ako ng malapad. Hindi ko na gustong mag-alala pa siya. Gusto kong maramdaman na kakampi niya ako. Bigla niya naman akong niyakap. “Thank you talaga, Summer! Hindi na ako makapag-antay na gumaling. Gusto ko na talaga makausap at makasama si Marco.” Hinaplos ko siya sa likod. “Mangyayari rin iyon. Kaya magpagaling ka, ha? Kayanin mo iyong operation mo. Para magawa niyo na ni Marco lahat ng gusto niyo ng magkasama,” sambit ko pa. “Tutulungan mo talaga ako?” Nakangiti akong tumango. “Oo naman, Sunnie. Kaya magsimula na tayo kasi aalis na kayo bukas.” At ganun nga ang nangyari ng gabing iyon. Kinuwento ni Sunnie sa akin lahat, simula kung paano sila nagkakilala at kung anong meron sila ngayon ng lalaking iyon. Hindi pa naman sila dahil ang gusto ni Marco personal niyang liligawan si Sunnie, which is dapat naman talaga ganun ang gawin niya, ‘no! Sa sobrang daldal nga ni Sunnie, kumuha na ako ng ballpen at notebook para isulat lahat ng ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa kanilang dalawa. Medyo naiilang nga ako dahil invasion of privacy ito pero anong magagawa ko? I need this para magawa ko ng maayos ang favor na hiningi niya. Parang tanga naman kasi kung magpapanggap ako sa harap ni Marco bilang Sunnie pero wala akong alam kahit isa tungkol sa kanila. “Basta kapag may tanong ka, message mo ako kaagad. Syempre lagi rin tayong mag call, kuwentuhan mo ako sa mga nangyari sa araw niyo. Para hindi siya magtaka kapag bumalik na ako.” “Noted iyan, Sunnie.” “Teka, I forgot! Hindi ko pa pala napapakita sa’yo kung ano itsura ni Marco, ‘no? Baka mamaya bigla na lang kayong magkasalubong tapos hindi mo siya kilala.” “Naisip ko rin iyan.” Kinuha niya iyong laptop niya at saka nagpipindot doon. Pagkatapos hinarap niya ito sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita iyong picture ni Marco. Teka, bakit parang pamilyar iyong mukha niya? Unti-unti naman lumaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. No way! This can’t be! “Kilala mo siya Summer?” Mabilis akong umiling. “H-hindi. Hindi ko siya kilala Sunnie.” “Pero ngayon kilala mo na siya.” Nakangiti niyang sabi. Sana nga nagkakamali lang ako. Sana hindi siya si Marco. Hindi p’wede!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD