"Makakasama mo rin ulit si Sunnie. Huwag kana masyadong mag-alala. Magiging successful ang operasyon niya.”
Napatingin ako kay Zendra. "Hindi naman iyan iyong nasa isip ko. Oo, may konting pag-aalala.. pero masaya ako para sa kambal ko, 'no. Kasi alam ko magiging successful ang operation niya."
“So, kung ganun pala, bakit ganiyan ang mukha mo? Kanina kapa tulala, parang ang dami mong iniisip." Nilapag muna niya ang mga bulaklak na hawak niya pagkatapos umupo siya sa tabi ko.
Nasa flower shop kami ngayon. Since nasa abroad si Mommy para samahan si Sunnie, ako muna ngayon ang magmamanage rito. May alam naman ako sa pagpapatakbo nito dahil bata pa lang kasi kami ito na ang business ng nanay namin. Mahilig kasi siya sa mga bulaklak.
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko. "Parang nagsisisi kasi ako na pumayag ako sa pabor na hiningi ni Sunnie."
"Bakit naman?"
“Hindi ko alam..”
“Nagsisisi ka pero hindi mo alam? Sabog kaba, Summer?”
Nilingon ko siya. "Ikaw na lang kaya Zendra?"
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?”
“Ikaw na lang ang magpangggap sa harap ni Marco,” sagot ko.
“Sinong Marco?”
“Iyong lalaking gusto ni Sunnie.”
“Sige payag ako, Summer… Basta palit tayo ng mukha," sarcastic na sagot niya.
Tumawa pa si Ponnie na nasa gilid ko. "Sa sobrang dami mong iniisip Summer nakalimutan mo na 'ata na identical twin kayo ni Sunnie," sambit pa nito.
Napaisip naman ako. Muntikan ko pa matampal ang sarili ko sa katangahan.
Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Para akong paranoid. Magkamukha lang naman siguro si Marco tapos iyong lalaking iyon. Impossible naman na iisa lang sila ‘di ba?
Two months na ang nakakalipas, hindi na nga masyadong malinaw sa akin iyong itsura ng lalaking iyon. Kaya sure ako na tamang hinala lang talaga ako.
May eye glass si Marco sa picture at mukha siyang mabait talaga. Iyong lalaking iyon naman, para siyang babaero kaya sobrang malayo talaga na iisa sila.
Bumalik ako sa sarili nang alugin ako ni Zendra sa balikat. “Summer, ang lalim na naman ng iniisip mo.”
“H-hindi naman,” tanggi ko.
“Pero nauutal kapa.” Si Ponnie.
Inakbayan ako ni Zendra. “Share mo na iyan. Kanina kapa wala sa sarili mo. Sure akong may gusto kang sabihin sa amin.”
Mga kaibigan ko talaga sila. Kilalang kilala na nila ako. Kaya may choice pa ba ako? Magandang idea siguro kung sasabihin ko sa kanila baka matulungan nila ako.
Napalunok muna ako. “Naalala niyo ba iyong lalaking h-hinalikan ko sa birthday ni Leo last month?"
"Sa guwapo ng lalaking iyon, makakalimutan ko ba iyon? Ikaw nga hindi mo makalimutan.” Parang nang-aasar pa ang tono ng boses niya.
Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ganun iyon, ‘no!” singhal ko.
“Hindi pero tinatanong mo siya sa amin ngayon.”
Napahilamos ako ng mukha. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko ba talaga sa mga ito o hindi.
Bumuntong hininga muna ako. Pagkatapos tumingin sa kanila ng seryoso. Pareho silang nag-aabang ng sasabihin ko.
“May nangyari kasi nang gabing iyon….” pabulong kong sabi. Pero dahil nga mga chismosa ito, malinaw sa pandinig nila.
"Don't tell us, hindi lang kiss ang nangyari nang gabi na iyon?" seryosong tanong ni Zendra. Kahit si Ponnie seryoso na rin ang tingin. Pareho silang nag-aantay sa magiging sagot ko.
Marahan akong tumango. “O-oo.”
Inaasahan kong magugulat sila pero hindi iyon ang mga reaksyon nila ngayon. Itatanong ko pa sana kung bakit pero naunahan na ako si Zendra.
“Ponnie saw you that night.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Idagdag mo pa nag nakakaloko niyang ngiti na para senyales na alam na nila lahat.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"Nakita kita nang gabi na iyon. Nagmamadali kang lumabas sa isang kuwarto tapos mayamaya naman iyong lalaki naman ang lumabas. Kahit lasing na ako natatandaan ko pa rin iyong itsura niya. Siya iyong lalaking hinalikan mo.”
Napalingon ako kay Ponnie. “N-nakita mo kami?” paninigurado ko.
Kumunot ang noo niya. “Hindi ko kayo nakitang nagchukchakan, ‘no! Nakita ko lang kayong galing sa iisang kuwarto.”
“Chukchakan?” naguguluhan kong tanong.
“Sex.” Si Zendra iyong sumagot.
Sana lamunin ako ng lupa ngayon!
"Halata rin kaya sa'yo,” Natatawang sambit ni Zendra.
Napatingin ako sa kaniya. "H-halata? Paanong halata?"
"Pagkatapos nang araw na iyon parang bigla kang lumambot.”
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. “H-hindi kita maintindihan.”
“Para kang karne na pinakuluan sa pressure cooker.” Karne? Pinagsasabi nito? “Kasi ‘di ba, para ka rin itong si Ponnie. Kaya lang confirm ng shomboy ito kasi babae ang gusto. Pero ikaw kasi boyish ka lang. Lalaki kumilos pero babae ang puso,” pagpapatuloy niya.
“Hindi ko talaga maintindihan.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Pagkatapos kasi ng gabing iyon, nagbago ang kilos mo. Naging babae ka ng konti. Syempre ano pa ba ibig sabihin? Nawala ka nang gabing iyon, tapos idagdag mo pa ang sinabi ni Ponnie. Edi confirm! Nasuko mo na ang bulaklak mo sa lalaking iyon.”
Tuluyan na akong nilamon ng kahihiyan sa pinagsasabi ni Zendra.
“May side ka palang ganiyan, Summer.” Narinig ko pa na sabi ni Ponnie.
“Masarap kasi, try mo rin.” Si Zendra ang sumagot.
“Masaya na ako sa bulaklak.”
“Congratulations Summer. You’re not virgin anymore.” Lumapit pa si Zendra sa akin para makipag beso. “Huwag kana mahiya, ‘no! Para ka namang others. Hindi kana teen ager. Mabuti na rin iyan para hindi ka tuluyang mahawa kay Ponnie. Mas okay na iyong ikaw ang magbigay ng flower kesa ikaw ang kumain, ‘di ba?”
Napailing na lang ako sa pinagsasabi ni Zendra.
Hindi ko na nga nasabi sa kanila ang gusto ko talagang sabihin dahil sa sobrang kahihiyan. Kung wala pang dumating na costumer siguro hindi pa ako magsasalita.
Sa totoo lang hindi naman ako nahihiya na alam na nila. Nahihiya ako kasi ilang beses silang nagtanong pero puro ako tanggi. Pero ang totoo alam na pala nila, gusto lang nilang manggaling sa akin.
Mabuti na nga lang at naging busy na kami sa flower shop, nawala na iyong hiya ko. Hanggang gabi na iyon. Nagpaalam na rin kami sa isat-isa dahil pareho kaming mga pagod at gusto ng magpahinga.
“Goodmorning popsicle,” bati ko kay Popiscle nang makarating ako sa bahay.
Kasalukuyan siyang nasa living room at nagbabasa ng kung ano. Sigurado akong inaantay ako niyan na makauwi.
Tumango naman siya. “How’s the shop?”
“Okay naman po. Maraming kumuha ng reservation para sa mga event.”
“That’s great. It means you should focus sa business natin. Umiwas ka muna sa paggawa ng mga kalokohan,” seryosong sambit nito.
Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa braso niya. “Pops, never naman akong gumawa ng kalokohan, ‘no! Sila ang kusang lumalapit sa akin, kahit isang beses hindi ako ang nagsimula ng gulo. Tinapos ko lang para sa kanila.”
“Proud kapa talaga,” sarcastic nitong sabi. At saka marahan akong tinulak. “Kung magsalita ka para kang hindi babae. Umayos ka nga Summer.”
“Nagsasabi lang po ng totoo.” Ngumiti pa ako ng malapad.
“Hindi talaga nauubos mga sagot mo, ‘no?”
“Chill ka lang kasi Popsicle. Tayo na nga lang magkasama rito sa bahay, ang init pa ng ulo mo. Mag tiwala po kayo sa akin. Hindi ko papabayaan ang flower shop.”
“Dapat lang dahil alam mo kung gaano kahalaga sa mommy mo ang shop na iyon.”
“Yes popsicle.” Nag salute pa ako.
Tumayo na siya. Kumain kana ng dinner roon. Inaantay lang talaga kitang makauwi. May tatapusin pa ako sa office ko.”
Humiga naman ako sa couch. “Bukas na lang po ako kakain. Gusto ko ng magpahinga popsicle. I’m so tired,” sambit ko.
“Edi umakyat kana sa kuwarto mo para makapagpahinga kana.”
Sumunod naman ako. “Goodnight pops. Magpahinga na rin kayo later.”
Hindi ko na inantay ang sasabi ni popsicle. Nagmamadali akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Bigla kong naramdaman lahat ng pagod nang makapasok ako sa loob. Kahit gusto kong humilata kaagad pinigilan ko muna. Sobrang naging busy ng araw ko ngayon kaya kailangan kong mag shower.
Mabilisan lang ang ginawa ko dahil gusto ko na talagang humilata. Nang matapos ako sa pagbibihis dumiretso na ako kaagad sa kama. Grabe ang pagod ko!
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang magring iyong cellphone ko.
Kahit inaantok na kinuha ko ang cellphone ko sa side table ko. Parang nawala naman ang antok na nararamdaman ko nang makita iyong pangalan ni Sunnie sa screen.
“Summer, i miss you kaagad. Kayo ni popsicle,” bungad nito sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya.
Napangiti naman ako. “Ganun din kami. Miss na kaagad namin kayo ni mommy.”
Nagkamustahan lang kami tungkol sa naging biyahe niya. Tapos tinour niya rin ako sa bahay kung saan sila mag-iistay habang nasa Singapore sila.
“Summer…” tawag nito sa pangalan ko. Para bang may gusto siyang sabihin pero nahihiya o kinakabahan siya.
“Bakit Sunnie? Kilala na kita, alam ko na iyang ganiyang mukha mo.”
Ngumiti siya na parang nahihiya. “Hindi mo pa naman nakakalimutan iyong pabor na hiningi ko sa’yo ‘di ba?”
Bigla naman bumalik sa isip ko lahat. Nagsimula na naman akong mag-over think.
“O-oo naman, ‘no!” sagot ko.
Ngumiti siya ng malapad. Paano ko sasabihin sa kambal ko na aatras na ako sa pinag-usapan namin kung ganito siya kasaya?
“Nakausap ko na si Marco. Pumayag na akong makipagkita sa kaniya bukas.” Kulang na lang tumalon siya sa kilig.
Kahit sa screen ko lang siya nakikita alam kong sobrang saya niya ngayon.
Napangiti ako. “Ganun ba? Masaya ako para sa’yo—“ pero mabilis na naglaho iyon nang may marealize ako. “Teka, bukas na? as in tomorrow?” paninigurado ko.
Tumango siya. “Oo, Summer.” Biglang nag-alala ang mukha niya. “May problema ba? Hindi mo na ba gustong gawin ang hinihingi kong pabor sa’yo?” naging malungkot din ang boses niya.
Kaagad akong ngumiti ng malapad. “Hindi, ‘no! Gagawin ko iyon syempre.”
Mukhang hindi na ang ako makakaatras. Hindi ko kayang tiisin si Sunnie.
Napayuko siya. “Pasensya na Summer, ha? Parang mahirap nga ang hinihingi kong pabor. Hindi ko dapat hiniling sa’yo na gawin iyon—“
Hindi ko na siya pinatapos. “Mahirap? Hindi naman. Basic lang kaya ng hinihingi mong pabor. Nangako ako sa’yo ‘di ba? Kailan ko ba hindi ginawa ang mga promise ko sa’yo?”
“Kaya nga ano nahihiya sa’yo, Summer. Marami kanang nagawa para sa akin. Tapos ngayon magpapanggap kana naman—“
“Huwag mo na nga isipin iyan, Sunnie. Basta para sa’yo gagawin ko lahat,” seryosong sabi ko. Pero kaagad akong napangiti nang makita kong ngumiti rin siya.
“Sobrang swerte ko talaga na ikaw ang kapatid ko.”
“Hindi lang kapatid, kambal pa ‘di ba?”
Bumalik na ulit ang sigla niya. “The best ka.”
“Naisip ko rin naman na sa gagawin kong pagpapanggap, malalaman ko kung deserve ba ng lalaking iyong ang kapatid ko.”
“Maraming salamat Summer. Huwag kang mag-alala, mabuting tao iyon si Marco,” sagot nito. Halatang inlove na inlove na talaga siya sa lalaking iyon.
Sana nga talaga mabuting tao siya.