FIVE: SUMMER MAKE OVER

1662 Words
“Zendra, hindi pa tayo nagsisimula sa shopping pero iyong itsura ng kasama natin mukhang pagod na.” “Baka hindi pa rin siya makamove on sa revelation niya kahapon.” “Para naman siyang others. Ikaw nga proud pa ‘di ba?” “Yes, of course! Bakit naman ako mahihiya? Dapat proud din siya, guwapo kaya ng nakachukchakan niya—“ Hindi ko na siya pinatapos. “Excuse me lang, ha? I’m here. Kasama niyo kaya iyong pinag-uusapan niyo.” Huminto si Zendra sa paglalakad at kunwaring gulat na humarap sa akin. “Tama ba narinig ko? You’re with us? I thought kasi may sarili kang mundo. Kanina kapa kasi tulala at wala sa sarili.” Tanging pag-irap na lang ang naging sagot ko sa kaniya. Totoo rin naman kasi. Nakuwento ko sa kanila iyong tungkol sa pag-uusap namin ng kambal ko kagabi. Pati na rin sa pagkikita namin ni Marco, bilang si Sunnie mamayang gabi. Kaya nandito rin kami ngayon sa mall dahil pagkatapos kong sabihin sa kanila iyon, kaagad kaming hinatak ni Zendra papunta rito para mag shopping. Kahit kasi magkamukha kami ni Sunnie sobrang laki pa rin talaga ng difference namin, hindi lang sa kilos at ugali pati na rin kung paano kami manamit. Kaya siguro need pa namin mag shopping para lang maachive ang look niya. Maaga ko nga sinara ang flower shop para lang dito. “Kaya mo iyan Summer. Magaling ka naman sa kalokohan. Basic na lang sa’yo ang pagpapanggap.” Hindi ko alam kung mamomotivate ako sa sinabi ni Ponnie o maiinis. Parang insulto kasi ang dating. “Makinig ka kay Ponnie, Summer,” pagsang-ayon naman ni Zendra. Mga kaibigan ko ba talaga ito? Inakbayan ako ni Ponnie. “May naisip ako para mabawasan iyang stress mo.” Napalingon naman ako sa kaniya. “Tigilan mo nga ako Ponnie.” “Seryoso ako, ‘no. Gusto mo o gusto mo?” “Ng alin ba?” iritado kong tanong. “May bagong release ng design ang clothing shop na binibilhan ko rito sa mall. Mahilig ka sa oversized t-shirt ‘di ba?” “Oo, ano naman?” “Tara! Libre kita para naman gumaan pakiramdam mo.” “Saan mo na naman niyayaya si Summer?” singit ni Zendra. “May bibilhin lang Kami Zendra. Gusto mo libre rin kita?” “Ng oversized t-shirt? No, thanks. Ano namang gagawin ko sa ganun?” “Iregalo mo sa lalaki mo.” “Mukha bang gangster si Luis? Cheap, ha.” Natawa naman ako sa reaksyon ni Zendra, kaya nilingon niya ako. "Paalala ko lang sa'yo Summer, nandito tayo sa mall ngayon para sa preparation ng date niyo Marco.” “Date namin? Baka para sa pagpapanggap ko bilang si Sunnie,” pagtatama ko. “Yeah, you’re right. Nakalimutan ko.” "Kill joy mo naman Zendra. Mabilis lang kami, ‘no. Sa tingin mo ba makakapag shopping tayo ng maayos kung parang pinagsakluban ng langit at lupa itong kasama natin?” May point naman si Ponnie, pero grabe naman sa pinagsakluban. "So, pag-aantayin niyo ako rito sa labas?" Nakapamewang na tanong ni Zendra. "Sino ba kasi nagsabi na mag-antay ka? Sumama ka na lang sa loob.” “Why would I? Hindi naman ako makakarelate sa mga trip niyo.” “Mag-aantay ka lang diyan?” “Pupunta na lang muna ako sa coffee shop. Sigurado kasi akong kailangan ko ng energy para sa make up over nito ni Summer later.” “Ikaw bahala. Saglit lang naman kami.” “Okay, fine.” Pumunta na siyang coffee shop, malapit lang din dito sa store. Hinarap ko si Ponnie. "Libre mo, ha?" "Oo nga, tara n—“ Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis ko siyang hinatak papasok sa loob ng shop. Minsan lang kasi ito manlibre kaya dapat grab kaagad. Nang makapasok kami sa loob kaagad kong nilibot ang paningin ko. Grabe, ang gaganda ng mga bagong release na design ngayon! Hindi naman talaga ako mahilig sa mga over sized t-shirt. Naimpluwensyahan lang talaga ako ni Ponnie. She gave me one before tapos nagustuhan ko na, comfortable kasi suotin. “Ganda ng mga bagong design ‘no?” Tumango ako. “True. Buti na lang nag-aya ka papunta rito.” “Balak ko naman talaga. Eksakto nag-aya rin si Zendra rito sa mall.” “Mga limited lang ba ito?” “Yes, kaya kunin mo na kung anong gusto mo. Treat ko.” Pinaningkitan ko siya ng mata. “Talaga ba? Bait mo ‘ata ngayon.” Inakbayan niya ako. “Basta galingan mo sa pagpapanggap mo mamaya, para sa’yo mainlove iyong Marco at hindi sila magkatuluyan ni Sunnie.” Bago ko pa siya mahampas mabilis na siyang naglaho sa tabi ko. Siraulo iyon, may dahilan pala kung bakit mabait ngayon! Galingan? Kung may choice nga lang ako ayoko talaga tumuloy mamaya. Bago pa ako mawalan ng mood, nag focus na lang ako sa pagtingin ng mga damit. May isang design naman na umagaw ng pansin ko. Simple lang siya, color black ang kulay ng t-shirt then may konting design sa gitna. Kukunin ko na sana nang may kamay na kumuha rito. "That's mine!" singhal ko. "Bayad mo na ba?" tanong ng lalaking umagaw ng t-shirt ko. Nakasuot siya ng cap at sun glasses. Kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Seryoso? sa loob ng mall? Feeling artista? Tinaasan ko siya ng kilay. "No. Pero babayaran ko na iyan." Ngumisi siya. "Hindi mo pa bayad kaya it means hindi mo ito pagmamamay-ari." Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nang-aasar? Napasinghap ako. “Hindi mo pa rin naman bayad iyan ‘di ba? So its mean hindi mo rin pagmamay-ari iyan.” “But I got it first.” “I saw it first.” “You just saw it, but I got it so it’s mine.” Nagsimula na akong mainis. “Ibigay mo na lang sa akin iyan. Marami pa namang ibang design diyan. Pumili kana lang ng iba.” He smirked again. “Bakit Hindi mo na lang ibigay sa akin ang number mo then ibibigay ko sa’yo itong t-shirt na ‘to. Or p’wede ka pang pumili ng ibang gusto mo. I’ll pay—“ I cut him off. “Baliw ka ba?” “It’s your choice.” “Choice mo mukha mo!” sigaw ko. Napatingin naman sa akin iyong ibang tao na nandito sa shop. Bigla rin sumulpot si Ponnie sa gilid ko. Nagtataka siyang tumingin sa akin. “Bakit sumisigaw ka?” Tinuro ko iyong lalaking nasa harap ko. Kahit nakashade siya alam kong nakatitig siya sa akin ngayon. “Kapal ng mukha ng lalaking ito!” “Take it or leave it?” nang-aasar pa na tanong nito. Bago ko pa mahampas ng hanger sa mukha ang lalaking ito, hinatak na ako ni Ponnie palabas ng clothing shop. "Kalma, Summer. Sinasaniban kana naman.” Bigla naman dumating si Zendra na may dalang iced coffee. To calm myself, kinuha ko ito sa kaniya. “Hey, drink ko iyan!” Hindi ko siya pinansin. “Bakit ganiyan iyan?” tanong nito kay Ponnie. “Iyong bestfriend mo muntikan ng mapaaway sa loob. Hindi pala muntikan, napaaway na kasi talaga siya. Baka nga kung hindi ko pa naawat, nahampas niya na ng hanger iyon sa mukha.” Tinaasan ako ng kilay ni Zendra. “Don’t tell me pati sa clothing shop na iyan may manyakis?” “Sobrang nakakainis! Number ko kapalit ng oversized t-shirt? Mukha ba akong t-shirt?” naiinis kong tanong. Natawa naman sila Zendra sa akin. “Guwapo naman ba?” “Zendra!” singhal ko. “Just kidding.” Nagpeace sign pa siya. “Let’s go na nga. Mag shopping na tayo.” Mas mabuti pa nga! Good mood na sana ako, panira lang iyong lalaking iyon. Una kaming pumunta sa botique na pagmamay-ari nila Zendra. Kinausap niya kaagad iyong mga employee na ilabas iyong mga dress na pagpipilian para sa akin. Ilang oras din ang inabot namin sa pagshoshopping. Libre niya naman kaya hindi na ako nagreklamo. Sa totoo nga lang nag-eenjoy siya sa ginagawa namin ngayon, may aayusin na siya bukod sa sarili niya. Nang matapos kami sa pamimili, kumain na muna kami bago pumunta sa condo niya. Doon kasi magaganap ang make over ko. Nang makarating kami, nag-umpisa na si Zendra sa pag-aayos sa akin. Then after ng ilang oras na pagkalikot niya sa mukha ko. Finally, natapos rin! "Oh my god, ang galing ko,” tuwang tuwa na sabi niya. Para siyang batang proud na proud sa ginawa niya. “Sunnie is that you?" tanong pa nito habang sa akin habang tinitignan ako mula ako ulo hanggang paa. “Kailangan ba talaga ganito ang dress na suot ko? Kulay pink talaga?” Inayos niya ang buhok ko. “Of course. Nakikita mo naman siguro kung paano siya manamit kapag nasa inyo.” Totoo nga, babaeng babae kasi iyon. Mahilig din siya sa mga light color, lalo na ang pink. “Pero hindi naman ako si Sunnie.” “Nagpapanggap kang si Sunnie ‘di ba?” “Kaya nga pero hindi ako sanay.” “Then masanay kana. Umayos ka rin kapag kaharap mo na si Marco, huwag kang gangster na parang laging may kaaway.” “Gangster talaga? Kailangan pati kilos at pagsasalita ni Sunnie gayahin ko?” Hinampas niya ako ng make up brush sa noo. “Of course! Kung ayaw mong mabuking.” Napasinghap na lang ako. “Daming alam naman.” “Sumunod kana lang.” May choice pa ba ako? "Grabe. Kamukha niya si Sunnie," comment ni Ponnie na kagigising lang. Binato ko naman siya ng hair brush na nasalo niya naman. "Malamang kambal ko iyon. Tigilan mo nga ako sa titig mo, ang creepy mo, Ponnie." “Pero mas maganda pa rin iyong original na Sunnie. The best iyon walang makakatalo.” Hindi na ako kumontra. Totoo naman kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD