"CHAPTER ONE"
After how many hours had passed ay nakaabot na rin kami sa mansion. Actually, this is not my mansion. Sa step-dad ko itong bahay kaya I don't have any authority to mandate. Bumaba na ako sa van at nagpaalam na sa kanila.
"Hindi ako magtatagal sa loob kaya hintayin niyo lang ako." napatango naman sila at pumasok na ako sa loob.
The scent of axe perfume is lingering inside of this house. Napailing iling na lang ako pumunta na sa taas— sa library mismo kung saan andoon ang office ng step-dad ko. Kumatok muna ako at hinintay ang sagot nito.
"Come in." sagot nito at agad ko naman itong sinunod. Kabadong umupo ako na humarap sa kaniya.
It's been a while since I last saw him. Pagkatapos mag divorce ng parents ko last month ay nabalitaan ko na lang agad na kasal na pala sila ng ina ko.
"Kamusta ang shooting?" He fakely asked. I smiled. "The shooting went well." I answered. Nakakangalay ngumiti sa harap niya.
"Glad to hear it. Kailan ka aalis dito sa bahay?" Kapal ng mukha nito makatanong sa'kin ha.
Hindi ko mapagilan tumuwa ng mapait. Wow just wow. Ako ang first Daughter tapos ako ang papaalisin dito? Saan ang hustisya ko?
"Mawalang galang na pero baka nakakalimutan niyo, anak rin ako ng asawa mo." madiin kong sabi. "I'll be leaving tomorrow, so don't make me hurry cause you are not someone that can rule me." dagdag ko pa at tumayo na. Nag-bow muna ako at umalis na.
Bowing is my sign of respect. Hindi ako pinalaki na walang galang sa mga matatanda kahit ganyan ang pakikitungo nila sakin. Napabuga na lang ako sa hangin at bumaba. Hindi na siguro ako kakain.
"Diana, napabisita ka?" bungad ng ina ko pagkababa ko.
"Yes, inayos ko lang mga gamit ko para makaalis na ako bukas." Umiwas ako ng tingin. Masakit kasi habang sinasabi ko ito ay nakangiti lang siya. Is that how you treat your own child?
"Kung ganun, why don't you join us in dinner? Panigurado mamimiss ka namin ng kapatid mo." saad niya habang hawak ang mga kamay ko.
I bit my lips. "Hindi na mun—"
"Nandito si Jacob, ayaw mo ba siya makita?" putol niya sa sasabihin ko. Great.
Binawi ko ang mga kamay ko at ngumiti ng peke. "Sige, pero hindi ako magtatagal naghihintay kasi ang mga kasama ko sa labas."
Ngumiti ito at sinamahan ako sa dining table. Papasok pa lang kami rinig ko na ang tawanan ng dalawang tao na para bang sayang saya nila.
There, I saw him. Clearly laughing infront of her. Napatikhim naman ang ina ko at napadako naman ang tingin nila samin. Hindi na ako nagsalita at umupo na sa kabilang upuan kung saan kaharap ko si Jacob na katabi naman ni Asterin.
"Merong good news pala ang kapatid mo Asterin, right Diana?"
Ito ba 'yung ina na nag luwal sakin?
Why is she treating me like someone else?
Huminga ako ng malalim at napahawak sa kutsara na hawak ko. "Bukas na bukas aalis na ako dito sa bahay, I found some places to stay." I said at uminom ng tubig.
"Hindi ko maiwasan kundi ang malungkot, but I know na magiging safe ka kung saan ka man titira." My mother smiled at me.
I felt my heart tightened. Kung sa iba parang nakakatunaw sa puso ang ngiti ng mga nanay nila, pero sakin hindi. Am I really just nothing to her?
"Ma, hayaan na natin si Ate Diana, to me she is a successful woman right now. I know that she can take care of her self." ani ni Asterin at patuloy lang sa pagkain.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at kukunin ko na sana ang natitirang bacon nang kunin din ni Jacob. Nagkatinginan kaming dalawa, I let go. Kinuha ko na lang ang ham at ilalagay ko na sana sa plato ko nang ilagay ni Jacob ang bacon sa plato ko.
Lahat kami na nasa mesa natigilan sa ginawa niya. I felt my heart skipped a beat. Tinignan ko agad si Asterin na nakatingin kay Jacob na nagtataka at may selos sa mukha. I bit my lips to stop smiling.
"Thanks." I smiled at him at ganun din siya. Nginitian niya ako pabalik at kumain na.
"Ahem, balita ko si Jacob ang leading man mo sa shooting?" Tanong ni Ina. Patuloy lang ako sa pagkain at uminom ng tubig bago ito sinagot.
"Opo ma." Sagot ko at pinunasan na ang baba ko.
"Bakit siya? Madami naman iba diyan?" Iritang tanong ni Asterin. Napakurap kurap naman ako sa inasta niya.
"Asterin." Suway ni Jacob sa kaniya.
"Decline lahat ng request for my leading man at unknown reason." walang emosyong sagot ko.
"Oh edi sana naghanap ka, tyaka ba't habol ng habol ka pa rin kay Jacob kung wala na kayo?"
"Asterin!" Pagtigil sa kaniya ni Jacob. "Shoot lang 'yon at walang halong malisya." dugtong naman nito sa kay Asterin.
Asterin rolled her eyes at padabog na umalis sa dining table. Parang kinurot ang puso ko nang hinabol ni Jacob si Asterin.
"Try to understand your sister, mahal na mahal niya si Jacob— alam mo naman 'yon diba?" napatingin naman ako sa Ina ko na puno ng pakiusap ang mga mata.
I didn't respond. Parang sobrang liit ko sa mundo nila. Bakit ako ang mag-aadjust? Bakit ako pa ang iintindi sa kanila? Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo na.
"Aalis na ako bukas at ito pa ang papakiusap mo sa'kin? Anak mo ba talaga ako?" tanong ko saka iniwan ito. Ayoko na marinig ang sagot niya dahil panigurado mas matimbang sa puso niya si Asterin kesa sakin na anak niya.
Papalapit na ako sa van nang may pumigil sa mga braso ko. "What?" I asked looking at him without emosyon.
"Sorry sa inasta ni Asterin sayo kanina." sabi ni Jacob sa'kin at umiwas ng tingin.
I rolled my eyes at binawi ang mga braso ko na ikinagulat niya. "No need to say sorry, dahil wala naman kayong ginawang mali sa'kin. After all, siya ang first love mo." I said habang nakatingin sa mga mata niya ng seryoso.
Hindi ko na rin siya hinintay na sumagot at dali-daling pumasok sa van. Nagulat naman ang dalawa sa biglaang pagpasok ko.
"Oh my god! Diana, akala ko kidnapper na ang pumasok." sabi ni Miles habang hawak pa ang dibdib. Si Philip naman nakataas ang dalawang kamay na parang inaaresto siya.
"Magandang Kidnapper." sagot ko. "Mag drive kana philip, doon tayo sa condo ko. Masama ang pakiramdam ko." Sabi ko na naintindihan naman nila.
"Sabi ng Doctor sayo na iwasan mo muna kumain kasama ang pamilya mo." pag-aalalang sabi ni Miles. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Si Philip lang at Miles ang nakakaalam sa sitwasyon ko. Ofcourse, hindi ko ito sinabi sa pamilya ko at kay Jacob kasi hindi naman sila magbibigay paki sakin.
"Kaya ko pa naman, doon ko na lanh ilalabas sa condo ang mga dapat ilabas." sagot ko at hindi na umimik pa.
Napabuntong hininga na lang silang dalawa at hinayaan ako. Binilisan naman ni Philip ang pagda-drive at ilang oras lang nakaabot na kami sa building ng condo ko.
Bumaba agad ako at takbong pumasok sa elevator. Pinindot ko agad ang floor ng condo ko at hindi na makapaghintay na lumabas. Parang hinahalukay ang tyan ko. Pigil na pigil ako iluwa ang mga kinain ko sa elevator.
Bigla naman nagting ang elevator hudyat na bubukas na. Lumabas agad ako at pumunta na sa condo ko. Pagkabukas ng pintuan, sabay tapon ng bag at sapatos at diretso sa cr at sumuka sa lababo. Ilang segundo din ang nakalipas pagkatapos ko sumuka.
Hingal na hingal ako at hinugasan ang baba ko. Tumingin ako sa salamin at doon ko nakita ang sarili ko na pagod na. Sobrang pagod na.
"Diana! Nandito na kami, dala namin ang gamot mo." sigaw ni Philip.
Napapikit na lang ako at inalala ang sinabi ng Personal na Doctor ko.
"Ayon sa resulta ng check-up ko, sumusuka ka lang pag kumakain ka kasabay ng pamilya mo. Pag iba naman ang mga kasama mo hindi naman ito na t-triggered. So I advise you na 'wag ka muna kumain kasama ang pamilya mo. Hindi biro ang Anorexia, Ija."
Natingin naman ako sa baba at napaisip, sign na rin ba ito na hindi talaga ako pwede maging parte ng pamilya?
"Sige doc, salamat. Ito ba 'yong mga gamot na iinumin?"
"Yes, also you can recover from anorexia if you have a healthy weight and learning proper nutrition. Mag-iingat ka lagi okay? Lagi mo tatandaan na hindi ka nag-iisa. " sabi nito sakin at ngumiti.
Hinugasan ko na lang ang mukha ko at inayos na ang sarili. Mali ba na gustuhin mapabilang sa pamilya?
Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng cr. Bumungad sakin ang dalawa na nakatayo at may hawak na gamot.
"Ito inumin mo na 'to. Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni Philip at binigay sakin ang isang basong tubig at ang gamot.
"Magiging okay ang pakiramdam ko pag nainom ko na ang gamot." pabirong sagot ko saka tumawa ng mahina.
"Wag ka nga mag biro! Hindi nakakatuwa." sagot naman ni Miles na may pag-aalala sa boses.
Napangiti na lang ako ininom na ang gamot. Sila na lang ata dalawa ang nagmamahal sakin. 'Yong ama ko hindi ko na alam kung saang lupalop na ng mundo siya nakatira. Hindi na nagparamdam samin pagkatapos nila mag divorce ng Ina ko.
"Alam ko naman na kahit ano mangyari hindi niyo ako papabayaan." sabi ko at niyakap silang dalawa. "Kayo na lang ang meron ako." dugtong ko at ramdam kong niyakap din nila ako pabalik.
"Syempre, ayaw naman ikaw iwan. Parang pamilya na tayo e." sabi ni Miles at ngumiti.
Bumitaw na kami sa yakap at naghanda na ng sarili namin para matulog. Inayos na namin ni Miles ang higaan at nagpa-aalam na kay Philip na may pupuntahan pa raw siya.
Buti na lang may dalawang kwarto ang isang condo. Sa kabila si Miles pag wala si Philip at ako naman sa sarili kong master's bedroom.
Humiga na ako sa malambot kong kama at napatingin sa kisame. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Ano kaya magiging reaction nila pagnalaman nila na may anorexia ako?
Haist, Diana. Wala ka naman may mapapala kahit sabihin mo pa.
Niyakap ko na lang ang unan ko at iniisip na lang magandang nangyari sakin kanina. Naisip ko naman si Jacob at ang ginawa niya kanina. Ayoko mag assume pero gusto ko pa rin malaman kung mahal niya ako.
Childhood friend ko si Jacob, sabay kami lumaki at parehong school ang pinapasukan namin dati. No'ng highschool at college lang kami nagkahiwalay pero hindi doon tumigil si Jacob at laging hatid sundo ang ginawa niya sakin.
Minsan nga napagkamalan kaming magnobya at nobyo pero hindi ko rin akalain na magkakatotoo 'yon. Month of December, tinanong niya ako kung pwede daw ba akong ligawan at syempre pumayag ako. May lihim na pagtingin rin ako sa kaniya.
Araw-araw lagi niya pinaparamdam sakin na special ako at sobrang mahal na mahal niya. Hinaharana niya ako gabi-gabi at iniinform kung may pupuntahan siya. Siguro, ako na ang pinakaswerte na babae. Dumating ang Valentine's day at doon ko siya sinagot. Sobrang saya namin noong araw na 'yon dahil official na kami. Nalaman din ito ni mama at ng totoong ama ko. Si Papa lang masaya samin at si Mama naman hindi ako binigyan ng pansin, para bang iba ang iniisip niya keysa ako ang isipin niya.
Hindi nagkulang si Jacob sakin, lagi kami nag dadate at kahit mag-away kami, nagkakabati rin agad. Ayaw kasi namin na humaba pa ang tampuhan. I am happy to have a happy relationship with him. He let me know about him. Lahat ng mga gusto niya at sa mga hindi niya gusto.
Pinaalam niya din sakin ang mga History niya sa Chrome. Tawang tawa nga ako kasi talagang merong laman ang history niya. Napagalitan ko pa siya noon pero syempre, it's a boy thing ang mga ganiyan.
Akala ko... Alam ko na ang lahat ng tungkol sa kaniya. Naalala ko pa kung paano ko nalaman ang isang bagay na hindi niya sinasabi sakin.
Nakatanggap ako ng tawag sa nakahawak ng phone ni Jacob. Sabi daw nasa bar siya at ayaw pa umuwi, magsisira na sana kasi ang bar.
Dumating ako sa bar at hinanap agad ng mga mata ko sa Jacob. Natagpuan ko siya sa isang VIP table na maraming alak sa mesa. Hindi ko akalain na maglalasing siya.
Wala na siyang problema ah... Ba't naglalasung siya.
"Jacob, halika na. Umuwi na tayo." pilit ko sa kaniya at inalalayan siya tumayo.
"...I love you..." sabi naman nito sa gitna ng kalasingan niya. Natunaw naman ang puso ko sa narinig ko hindi ko maiwasan pamuluhan ng pisngi.
"Ano ba yan, Jacob. Mamaya ka na magsweet talk saki—" naputol ang sasabihin ko at parang nabingi ako sa huling sinabi nito.
"...Asterin...I..still love you.."
Doon nagsimula ang mga misunderstanding namin ni Jacob. Pinagtatalunan namin si Asterin dahil hindi ko pa alam na half sister ko siya. Siguro nalaman ko iyon no'ng pag graduate ko ng college.
"Jacob, punta ka maya sa bahay ha? Mag c-celebrate kasi si Papa dahil nakagraduate na tayo." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngunit wala akong sagot na natanggap. Tulala lang si Jacob sa kaniyang phone. "Jacob! Nakikinig ka ba?" tanong ko na binalingan niya naman.
"Ah... Susubukan ko makapunta sa inyo mamaya. May lakad kasi kami ngayon ni Dad." sagot niya naman at sabay halik sa noo ko. Everytime he kiss my forehead, I feel loved but now...I don't know.
"Sige... Baka importante 'yan." napabuntong hininga na lang ako.
"Hatid na kita." alok niya at hinatid niya ako sa bahay at nagmamadaling umalis. Hindi man lang kami nakapagpa-alam sa isa't isa.
"Asterin..." I mumbled. Sana hindi na niya kami guluhin ni Jacob. Haist.
Alas nuebe na ng gabi at kumakain na kami ng mga handa sa mesa nang may pinapasok si mama na mga tao. Hindi ko nakita kung sino ang mga bisita dahil nada kusina ako nanghahalungkat ng dessert.
Papunta pa lang ako sa dining table nang may marinig akong hindi inaasahan.
"This... Is this what you want?" tanong ni Papa na parang gusto na umiyak. Tumayo lang ako sa gilid ng pintuan at nakita ko na may tatlong tao nakatalikod habang kaharap si mama at papa.
"I-I'm sorry... Sana maintindihan mo ang desisyon ko. I fell out of love of our family. Bumalik ang pagmamahal ko sa first love ko at nagbunga ang anak namin na si Asterin." sabi ni mama na ikinabasag naman ng plato na bitbit ko.
"Diana!" sigaw ni papa. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko nang makita ang isang lalaki na hawak ang kamay ng isang babae.
"Jacob..." Napahikbi naman ako at nataranta naman si papa. Si mama nakatayo lang at walang pakialam sakin. Why? Bakit ang sakit?
Dumako ang tingin ko sa babae. Maganda siya, may straight na buhok, may kurba ang katawan, makinis na balat, maputi. Isa siyang doll. Siya si Asterin... My half sister... And Jacob's first love.
Umiwas ng tingin si Jacob at sinamahan si Asterin sa labas nang magkahawak ang kamay. Napahikbi naman ako dahil sa sobrabg sakit sa puso. He may not say it directly but it's over.
The moment she enterted to my family and to my special someone, it's over...
Naramdaman ko naman ang yakap ni Papa sakin. I hate them...
.
"Ahhhhhh!" sigaw ko sa gitna ng hikbi ko. I saw my mom staring at me while in the arms of another man. Anong klaseng ina siya?
Only my father comforted me that night. Makalipas ang isang buwan, father left and mother was happy dahil divorce na siya. I lost something that is pricelesss. My father, my man, and my family.
I became an actress dahil sa isang agency na malapit na mabankrupt. They saw potential at me in acting kaya kinuha nila ako kahit kulang sila sa budget. But that is my steppingstone, I earned and saved money. Lumago ang agency at nakilala ako. I became famous but...
I smiled bitterly while looking at the ceiling. I closed my eyes and let a teat fall.
... I feel empty.