Chapter 4

2213 Words
Hindi ako sigurado kung tama ba ‘yong narinig ko kanina pero hindi ko na lang din masyadong pinansin pa ‘yon. Kaya lang ay ilang oras na ang lumipas matapos ‘yong meeting pero na-ba-bother pa rin ako dahil do’n sa narinig ko. Medyo mahina na kasi 'yong boses kaya naman hindi ko matukoy kung babae o lalaki ba ‘yong nagsalita kanina. Pero teka, bakit ba iniisip ko pa ‘yon? Ang dami kong kailangan gawin pero ‘yong ang pino-problema ko. Napailing na lang tuloy ako. Saglit naman akong natigilan sa iniisip ko nang biglang may kumatok. Medyo nagulat pa nga ako, mabuti na lang at walang nakakita sa akin dahil mag-isa lang naman ako rito sa office. “Come in,” wika ko habang inaayos ang sarili ko. Baka mamaya kasi ay ang g**o ng ayos ko. Kanina ko pa kasi ginugulo ang buhok ko dahil sa kaiisip no’ng narinig ko kanina. At talagang naisipan ko pang idagdag sa isipin ko ‘yon. “Miss Arya, I just wanted to remind you of our meeting today,” Yanna said. “Ah yeah. Thanks for reminding me, I actually forgot that we have a meeting,” natatawang sabi ko pa. Agad naman akong nag-ready ng mga kailangan ko. Aasikasuhin kasi namin ‘yong magiging schedule namin sa mga events. Kapag ganito kasi na may bagong client ay madalas talaga kaming mag-meeting ng buong team. Mas gusto ko kasi na aware rin sila sa kung anong mga ganap para lahat sila ay handa at alam ang gagawin. Hindi naman kasi lahat ng nasa team ko ay single, kaya mas gusto ko na organize kami para alam nila kung kailan lang kailangan mag-overtime. Pagtapos kong kunin ang mga kailangan ko ay lumabas na kami ni Yanna. Buti na lang at pinaalala niya dahil nawala talaga sa isip ko ‘yong meeting. Ni-re-review ko rin kasi ‘yong contract na binigay kanina pati na rin ‘yong schedule ng mga events nila. Buti pala naalala ko rin, kailangan ko rin pala silang i-inform kung kailan 'yong vacation leave ko. Habang wala kasi ako ay si Brielle ang mag-a-assist sa kanila sa mga kailangan nila. Though, kaya na rin naman na nilang gawin 'yong mga naka-assign na task sa kanila kahit wala ako. Tiwala naman ako sa team ko kaya naman panatag ang loob ko bago ako umalis. Pagpasok ko sa loob ay kumpleto na silang lahat. Kung gano’n ay ako na lang pala ang kulang, nawala kasi talaga sa isip ko. Mabuti na lang at hindi sila sobrang tagal na naghintay dahil nasundo agad ako ni Yanna nang mapansin niya na wala pa ako. “Good afternoon, guys. I’m sorry, I’m late,” I said. Hindi na rin naman na kami nagsayang pa ng oras at nagsimula na sa meeting. Habang pinapaliwanag ko sa kanila ‘yong nangyari sa meeting kanina ay napansin ko na hindi nagustuhan ‘yon ng iba. Naiintindihan ko naman dahil ang dami talaga no’ng event nila kaya paniguradong ma-trabaho ‘yon. Wala na rin naman na kasi kaming magagawa dahil si Miss Lopez na ‘yong tumanggap no’ng offer. Hindi na rin naman na ako makakapag-no dahil nakapag-meeting at nakausap ko na ‘yong client. Nakakahiya naman kung mag-ba-back out pa kami. “Hindi ko rin in-i-expect na sobrang dami pala nilang event. If I only know, hindi ko sana tatanggapin. Pero don’t worry dahil katulong naman natin ang team ni Brielle,” I assure them. Halos kaparehas ko kasi ‘yong members ko, pare-parehas kami na ayaw mag-handle ng event ng mga private company. Kapag ganitong event kasi ay masyado silang demanding, hindi naman lahat, pero mostly ng nakaka-trabaho namin ay ganito. Pabago-bago rin kasi sila minsan ng instructions tapos last minute pa sila magsasabi kaya naman madalas na na-ru-rush kami. Maalala ko pa lang ‘yong ibang company na naging client na namin before ay parang napapagod na agad ako. “Don’t worry everyone, mukhang maayos naman silang ka-trabaho. Sana,” dagdag ko pa. “Anyways, may question ba kayo?” “Kailan pala ang bakasyon mo, Miss Arya?” tanong ni Jedd. “Oo nga pala, nalimutan kong sabihin sa inyo. I’ll be gone for two weeks early next month. But don’t worry, tatapusin ko naman ‘yong events this month para hindi kayo masyadong matambakan ng gawain,” I said. “No worries, Miss Arya. Mas okay nga rin na makakapag-bakasyon ka na. Always present ka naman kasi rito sa office kaya dapat sulitin mo ‘tong leave mo,” pabirong sabi pa ni Tiffany. “Yeah, I’ll take note of that,” natatawang sagot ko naman sa kanya. “Ngayon ko lang din naman kasi naisipan na mag-bakasyon kaya susulitin ko talaga.” “Tama ‘yan, Miss Arya. Baka kasi mamaya ma-burn out ka sa sobrang pagta-trabaho mo, mahirap na. Kaya kahit maraming ginagawa dapat nakakapag-pahinga pa rin tayo,” wika naman ni Anna. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanila. Sobrang thankful rin kasi talaga ako sa team ko. Kung hindi dahil sa kanila ay baka matagal na akong sumuko sa trabaho ko. Akala nga ng iba ang dali lang ng trabaho namin pero hindi nila alam sobrang stressing ng ganitong trabaho. Matapos ‘yong meeting ay nag-kwentuhan pa kami sandali. Isa ito sa gusto ko sa team namin. Lahat kasi ay close talaga at komportable sa isa’t isa kaya naman walang ilangan. Sumasali rin ako sa kanila kapag nagbibiruan sila pero kapag oras naman ng trabaho ay professional ang lahat. Kaya gustong-gusto ko rin pumasok sa trabaho ay dahil sa kanila. Ewan ko ba, ang babaw kasi ng kaligayahan ko. Basta masaya lang ako na sila ang ka-trabaho ko, kapag ganito na nag-uusap-usap lang kami, okay na ako. Kaya minsan ay kumakain din kami sa labas kapag tapos na ang trabaho namin. Ngayon nga ay bihira na lang din kaming makalabas dahil sa ilang inaasikaso namin. Maaga rin naman kasing umuuwi ‘yong iba dahil kailangan nilang mag-asikaso sa bahay. Pasalamat pa nga ako na nakakapagpahinga pa ako pag-uwi ko. Mag-isa lang din naman ako sa unit ko dahil bumukod na rin ako ilang taon na rin ang nakalilipas. Kahit na nasa bahay kasi ako ay hindi na ako komportable, parang hindi na nga rin ako nakakapagpahinga ng maayos. Wala naman akong ginagawa talaga sa bahay pero ewan ko, parang nagsasawa na rin kasi ako. Siguro ay hindi lang talaga ako sanay na may kumo-kontrol sa akin. ‘Yong tipong may magsasabi sa akin ng kung anong kailangan kong gawin, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong maramdaman. Isa rin siguro ‘yon sa dahilan kaya naging workaholic ako. Pero ginusto ko rin naman ‘to kaya ayos lang. “Sige na, you may go back na. May mga ginagawa pa ata kayo,” sabi ko sa kanila. “You can relax for a little or sleep basta natatapos at nagagawa niyong mabuti ‘yong mga task niyo, okay?” Nagpasalamat naman sila sa akin at saka lumabas. Hindi naman kasi ako mahigpit sa trabaho. Pwede naman silang magpahinga kahit kailan nila gusto, basta ba ay nagagawa nila ‘yong mga task na naka-assign sa kanila, ayos na sa akin ‘yon. Pinauna ko na rin si Yanna dahil wala pa naman akong ipapagawa sa kanya. Ayaw ko rin naman na bumalik muna sa office dahil parang tinatamad akong mag-trabaho kapag nando’n ako kaya naman nagpa-iwan muna ako rito. Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko napansin na tapos na ang shift ko. Ayaw ko naman na mag-overtime ngayon kaya nag-asikaso na rin ako pauwi. Naayos ko naman na ‘yong mga kailangan kong gawin ngayong araw kaya hindi na kailangan mag-overtime. Nag-o-overtime lang talaga ako dati kapag ayaw ko pang umuwi o kaya naman kapag hindi pa ako inaantok. Bago umalis ay dumiretso muna ako sa opisina ni Brielle para magpaalam. Pagdating ko ro’n ay naabutan ko pa siya na may ginagawa, mukhang hindi pa nga siya tapos. “Brielle, uuwi na ako,” I said. Mukha namang hindi niya narinig ‘yong sinabi ko kaya nagpaalam ulit ako sa kanya. “Brielle, I gotta go.” “Oh, sure! Ingat ka pauwi,” she said and waived at me. “May tinatapos pa kasi ako kaya for the overtime ako ngayon,” natatawang pahabol niya pa. “Okay. ‘Wag ka lang masyadong papagabi ng uwi, ‘kay? Anyway, mauna ako na. Bye,” paalam ko ulit. Kumaway lang din siya pabalik kaya umalis na rin ako. Ayaw ko na rin naman na siyang istorbohin pa kaya nauna na rin ako. Pagdating ko sa parking ay parang nabigla pa ‘yong guard ng makita ako. Hindi dahil nagulat siya sa biglang pagdating ko pero dahil on-time akong uuwi ngayon. Dahil nga madalas akong umuwi ay kilala ko na ‘yong mga guard na nagka-duty dito sa parking area. Minsan nga ay nakakausap ko pa sila dahil may time na nagkakasabay ang out namin. Parang pati tuloy ako naninibago na maaga akong uuwi ngayon. Nagpaalam lang din ako sa kanya at saka ako dumiretso sa sasakyan. Gusto ko na rin kasing umuwi para magpahinga. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ngayon kasi ay parang ang bilis ko na mapagod. Dati kahit na sobrang tagal kong nagta-trabaho ay ayos pa naman ako. Parang mas napapagod nga ako kapag wala akong ginagawa. Pero ngayon ay papasok pa lang ako ng office parang gusto ko na agad umuwi. Siguro 'yon na 'yong sinasabi nila na dumating na ako sa limit ko. Na masyado ko nang napagod ang katawan ko kaya sumuko na siya. Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa trabaho dahil biglang tumawag sa akin si mommy na may emergency daw sa bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagmadali agad akong umuwi sa bahay. Nagpaalam nga rin muna ako kay Miss Lopez na hindi ako makakapasok dahil nga may emergency. Pumayag naman siya kaya nakapagsabi rin ako kay Brielle pati kay Yanna kaya sila na muna ang bahala sa mga maiiwan ko na gawain. Nagmamadali na nga akong mag-drive dahil medyo kinakabahan na rin ako. Kanina ko pa kasi tinatanong kay mommy kung anong emergency ba ‘yon pero hindi niya sinasabi. Nakailang text na nga ako kanina bago umalis pero hindi naman siya nag-re-reply. Sinubukan ko rin tawagan siya ulit pero walang sumasagot. Ang tagal ko na rin kasing hindi umuuwi sa bahay kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari ro’n. Wala rin naman akong balita na sa kanila dahil lagi akong busy sa trabaho. Buti na lang at hindi masyadong traffic kaya naman nakauwi rin ako agad. Hindi ko na nga na-park nang maayos ‘yong sasakyan ko dahil nagmamadali akong bumaba. Napansin ko na parang ang daming tao sa loob dahil medyo maingay kaya naman mas kinabahan ako. Dali-dali tuloy akong pumasok sa loob at gano’n na lang ang pagkadismaya ko dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung ito ba ‘yong emergency na sinasabi ni mommy. Pero pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko ang lahat na nasa dining na may kausap na mga bisita. Kumpleto nga sina mommy pati ang mga kapatid ko. Gusto kong magalit pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may ibang tao. In-expect ko rin na magpapaliwanag sa akin si mommy pero hindi niya ginawa. “You’re here, have a seat,” wika niya sabay turo sa bakanteng upuan sa gilid niya. Hindi naman ako makapag-react kaagad dahil sa bilis ng pangyayari. Hanggang ngayon kasi ay inaalala ko pa ‘yong mga ginawa ko. Parang kanina lang ay nagmamadali akong umalis dahil nga may emergency daw sa bahay kaya nagpaalam ako sa boss ko na hindi ako makakapasok. Tapos ganitong emergency lang pala ang madadatnan ko rito. Kung gano’n ay sinayang lang pala nila ang oras ko. Dahil wala naman akong gagawin dito ay tumalikod na ako para sana umalis, kaya lang ay may biglang humawak sa braso ko. “Ate, please,” pakiusap na sabi ng kapatid ko. Pagdating talaga sa kanya ay ang bilis kong sumunod. Kaya naman kahit ayaw ko ay naupo na lang din ako. Pag-upo ay tumingin ulit ako sa kanya, saka ko lang na-realize na ang laki na ng pinagbago niya. No’ng umalis kasi ako rito sa bahay ay ang bata niya pa, pero ngayon ay binata na siya tignan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti habang nakatingin sa kanya. Mukha namang napansin niya na kanina pa ako nakatingin sa kanya dahil kinalabit niya ako. Narinig ko naman na tumikhim si daddy kaya muli akong napaharap sa kanila. Ilang buwan ko rin silang hindi nakita at ang laki na ng pinagbago nila. Alam ko na madalas magpuyat si daddy pero hindi naman pansin ang eye bags niya, ngayon kasi ay kahit saglit ko lang siyang tignan ay pansin na pansin ko na ‘yon agad. Sunod naman na napatingin ako sa mga bisita, hindi ko tuloy alam kung ngingitian ko ba sila o ano. Hindi ko naman kasi sila kilala at halata naman na hindi naging okay ang impression ko sa kanila. Kung hindi nga lang ako pinigilan ni Carl ay hindi naman ako mag-i-stay dito. Baka siguro kanina pa ako umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD