Chapter 3

1807 Words
Matapos isa-isahin ang listahan ay inayos ko na rin ang iba pang kailangan para sa kasal, may natitira pa naman akong oras bago magsimula ang meeting kaya naman aasikasuhin ko na ang mga dapat asikasuhin. Sayang naman kasi ang oras kung hindi ko pa sisimulan ang ibang gawain. Ilang minuto lang din ay natapos na ako sa pag-aasikaso ng venue at iba pa naming kailangan para sa kasal ng client. Nang mapatingin ako sa orasan ay may sampung minuto na lang ako bago ang meeting kaya naman niligpit ko na ang mga nakakalat na gamit at saka naghanda para sa meeting. Matapos kong makuha ang mga kailangan ko ay agad din akong lumabas para dumiretso na sa opisina ni Ms. Lopez. Pero bago ako tuluyang umalis ay dinaanan ko muna ang pwesto ni Yanna, ang secretary ko. “Yanna, please inform others that we will be having a meeting later after lunch,” wika ko sa kanya at saka inabot ang kumpol ng papel na hawak ko. “And please photocopy that for the meeting later,” dagdag ko pa. “Sure, ma’am,” nakangiting sagot niya. “Ano ka ba, sabi ko sa’yo ‘wag mo na akong tawaging ma’am, kahit Miss Arya na lang.” “Sige, Miss Arya,” sagot naman niya. Halata namang naiilang siya sa pagtawag sa akin na Miss Arya, pero hindi ko na pinansin ‘yon dahil paniguradong masasanay din siya. Wala namang problema sa pagtawag na ma’am, kaya lang ay naiilang ako kaya naman mas okay sa akin na tawaging Miss Arya na lang. Kapag kasi na tinatawag ako na ma’am ay pakiramdam ko ang tanda ko na kahit na nasa mid-20s pa lang naman ako. Nang makarating ako sa opisina ni Miss Lopez ay kumatok muna ako bago pumasok. Akala ko ay mahuhuli ako pero wala pa naman si Brielle at ‘yong representative ng MWO kaya naman napanatag na ang loob ko. Pagpasok ko ay itinuro ni Miss Lopez ang mga bakanteng upuan kaya naman pumwesto na ako at inayos ang mga folder na dala ko. Matapos kong mag-ayos ay siya ring pagdating ni Brielle na may dala-dala ring mga folder. Pagpasok niya ay agad kaming nagkatinginan kaya naman dali-dali rin siyang naupo sa tabi ko. Pagkaupo na pagkaupo niya ay siniko niya ako ng mahina kaya naman napataas ang kilay ko sa kanya pero wala naman siyang sinabi kaya naman ibinalik ko na ang tingin ko sa mga papel na nasa harapan ko. “Arya,” narinig kong pagbanggit ni Miss Lopez sa pangalan ko kaya naman agad akong napatingin sa kanya. “Nakapili ka na ba ng araw kung kailan mo gustong mag-leave?” tanong niya at saka dumiretso sa gitnang upuan. Tumango naman ako sa kanya bago tuluyang sumagot. “Yes, ma’am,” maikling sagot ko sa kanya. Naayos ko na kasi kanina ang schedule ko at ‘yong ibang event na ha-handle ko ay matagal-tagal pa naman, kaya pagkatapos ng debut ng client ko ngayon ay pwede na akong magbakasyon. Well, depende na lang kung may biglaang event ang bago naming client, pero kung mayro’n man ay baka kay Brielle ko na ipa-handle dahil na-plano ko na ang alis ko. Mag-bo-book na rin kasi ako ng flight ko papuntang Palawan mamaya kaya naman sana lang ay walang biglaang event ang MWO. Matapos ang ilang minuto naming paghihintay ay dumating din ang client na hinihintay namin. Sabay naman kaming napatayo ni Brielle ng bumukas ang pinto. Pagpasok ng client ay saglit pa akong napatingin sa lalaking nasa likuran dahil parang pamilyar siya, kaya lang ay hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Imbes na alalahanin pa ‘yon ay isinantabi ko na lang ang iniisip ko at mas nag-focus sa magiging meeting. “Good afternoon, Miss Lopez, I’m Mateo Onson,” pagbati no’ng lalaki paglapit na paglapit niya sa pwesto namin. “Oh, Mr. Onson, nice meeting you. I didn’t know that you will personally attend this meeting,” masayang bati ni Miss Lopez, ngumiti lang din ang lalaki at dumiretso na sa bakanteng upuan sa harapan ko. “By the way, this is Arya Amabella and Brielle Benitez. They are the event organizers who will lead and handle all the upcoming events and parties of MWO.” “Nice meeting you Miss Amabella,” bati nito kaya naman tinanggap ko ang kamay niya. “And Miss Benitez.” “Nice meeting you, too, Mr. Onson,” bati naman namin pabalik. Matapos ‘yon ay naupo na rin kami upang simulan ang meeting. “May I know why did you choose us to be your organizer? As far as I remember you have a team assigned to organize all of the events of your company,” panimula ni Miss Lopez. “Yes, we have. However, I personally don’t like how they organize and prepare for the events. That’s why I want to hire new organizers for that,” sagot naman nito. “I see. Then can you let us know what kind of parties and events MWO will hold?” muling tanong ni Miss Lopez. At imbes na sumagot si Mr. Onson ay may inabot na papel ang kasama nito na sa palagay ko ay secretary niya. Nang makuha ko ang kopya namin ay agad kong ‘tong binasa. Lahat ng magiging event ng kompanya nila para sa taong ito ay nakalagay sa papel na hawak ko. Akala ko pa no’ng una ay kakaunti lang ang magiging event nila, pero ngayong binabasa ko ‘tong listahan ay parang nahihilo na agad ako. Napakaraming event naman nito para sa isang corporate company. Paano ba naman kasi, parang kada buwan ay may party sila, daig pa nila ang mga holiday sa US. Mukhang maling desisyon pala na pumayag ako na maging organizer nila. Kung alam ko lang na ganito karami ang party na meron sila sa isang taon ay una pa lang tumanggi na ako. Bakit ba naman kasi ngayon lang sila nagbigay ng listahan, ang hirap tuloy mag-back out. Nang basahin kong mabuti ang listahan ay saka ko lang napansin na bukod pala sa company party ay may mga personal parties din palang nakalagay na exclusive sa pamilya Onson. Kaya naman pala marami dahil isinama nila ang mga party na pang-pamilya lang nila. Napailing na lang tuloy ako sa isip-isip ko. Sana ay kumuha na lang sila ng ibang organizer para sa private parties nila, ‘yon pa naman ang pinaka-hassle i-organize. “May I ask, why didn’t you separate the company and private parties?” nagtatakang tanong ko. Kasi naman, isipin ko pa lang ‘yong mga private parties na o-organize ay na-i-stress na agad ako. Idagdag mo pa na mas marami ‘yong private parties kaysa sa company parties. “Mostly ng attendee ng private parties ay business partners at investors ng MWO kaya naman parang company party na rin siya,” sagot ng secretary kaya naman napatango na lang ako. Kaya naman pala, pero ang dami pa rin ng event nila, sana lang ay hindi masyadong demanding itong si Mr. Onson para hindi kami masyadong mahirapan. Bihira lang kasi akong tumanggap ng mga event na pang-company dahil masyado silang demanding kaya naman hangga’t maaari ay iniiwasan ko ang mga gano’n. Well, sana lang ay hindi sila gano’n lalo na at ang daming event nito. Buti na lang din at kasama ko si Brielle kaya naman hindi ako masyadong mahihirapan. “For those events, you may contact my secretary for the details. And also, I prepared a contract,” wika ni Mr. Onson at saka muling may inabot na papel ‘yong secretary niya. Agad ko namang binasa ‘yon at unang napansin ko ang magiging rate namin. Narinig ko naman ang mahinang pagsinghap ng katabi ko, malamang ay nakita niya rin ang nakita ko. The rate for the head organizer is much higher that the rate alloted for the whole team. Iba pa ro’n ‘yong bayad sa mismong venue, caterers, technical team, at iba pang kailangan for the event. And take note, per event ‘yong bayad kaya naman kung titignan ay posibleng abutin ng mahigit kalahating milyon ang magiging sweldo namin sa buong taon na mag-o-organize kami ng event nila. Gusto ko sanang tanungin kung bakit ang laki masyado ng budget nila for each event pero hinayaan ko na lang. Sikat at kilala naman ang kumpanya nila kaya naman paniguradong barya lang ang sweldo namin para sa kanila. “If you’re still undecided, you can review the contract first,” seryosong sabi ni Mr. Onson kaya naman saglit akong napatigil sa pagbabasa. “Hindi naman ako nagmamadali. And I don’t want to force you handling our events,” dagdag niya pa. “Okay, thanks for that Mr. Onson. Also, here’s our contract, you may also review it first and then we can set another meeting for that,” wika naman ni Miss Lopez. “Hmm, that will do.,” sagot niya. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya naman saglit akong natigilan. “By the way, may I see a copy of your portfolio, Miss Amabella?” he ask. Imbes na sumagot ay inabot ko na lang sa kanya ang portfolio na nasa harapan ko. Nang makuha ‘yon ay in-scan niya ang bawat pahina. Tahimik naman kaming naghihintay sa susunod niyang sasabihin, nag-aabang pa nga ako dahil baka ipa-present niya ‘yong portfolio ko pero wala naman siyang sinabi at tumango-tango lang. “These are great, can I keep this one?” tanong niya. Nagtataka man sa sinabi niya ay tumango na lang ako, mabuti na lang at napigilan ko ang pagkunot ng noo ko. Buti na lang din at may kopya pa ako no’n kaya naman walang problema kung kukunin niya ‘yong portfolio. “I think I need to go first, I still have other meetings to attend to,” wika niya at saka tumayo. Tumayo na rin kami at saka nagpasalamat sa kanya. Sumunod naman kami palabas dahil kailangan na rin naming bumalik dahil may trabaho pa kaming kailangang tapusin. Nang tuluyang makalabas ay saka kami muling nagpasalamat at nagpaalam sa client. Paalis na sana kami ng bigla akong tawagin ni Miss Lopez kaya naman muli akong humarap sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na mailang ng mapansin ko na nakatingin sa akin si Mr. Onson. “Come to my office later, we need to talk about your leave,” sabi niya kaya naman tumango na lang ako. Pagtalikod ko ay napansin ko na hinihintay ako ni Brielle kaya naman lumapit na agad ako sa pwesto niya. “Hindi mo naman na ako kailangan ihatid, tita,” narinig kong sabi ni Mr. Onson kaya naman muling napakunot ang noo ko. Gusto ko pa sanang lumingon pabalik para kumpirmahin kung siya ba ‘yong nagsalita pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD