Chapter 2

1757 Words
At dahil maaga pa naman ay may oras pa kami ni Brielle na kumain. Hindi naman kasi gano’n ka-hectic ang trabaho namin not unless may event kami na o-organize a week after. May iilan na kaming mga client pero hindi pa naman mabigat ang mga task dahil may ilang buwan pa kami bago ‘yong event na ‘yon. “Next month na ‘yong kasal ng isang client mo, right?” tanong ko kay Brielle nang makahanap kami ng pwesto. Nandito kami ngayon sa canteen dahil nagugutom na raw siya. Ang aga niya kasi pumasok, ayan tuloy at hindi siya nakapag-almusal. Siya kasi ‘yong tipo na hindi mabubuo ang araw niya kung hindi siya makakapag-almusal, which is obviously kabaliktaran ko. Kahit nga hapon siya magising ay nag-a-almusal pa rin siya bago siya kumain ng hapunan. Hindi raw kasi uso sa kanya ang brunch. “Yup. Naayos ko naman na ‘yong mga kailangan ayusin kaya naman medyo maluwag pa ang schedule ko ngayon. Nakapag-book na rin ako ng venue and catering kaya naman nabawasan na rin ang stress ko,” paliwanag niya habang isa-isang nilalagay sa mesa ang pagkain niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa katawan niya. Sa lahat ng kakilala ko, siya lang ‘yong ang lakas-lakas kumain pero hindi tumataba. Hindi naman ako mataba, halos magkasing-katawan lang din naman kami, kaya lang ay mas makorte ang katawan niya kaysa sa akin. Wala namang kaso sa akin ‘yon dahil wala naman akong problema sa katawan ko. Nakakainggit lang talaga na kahit ang lakas niya kumain ay hindi siya tumataba, pero sabagay, madalas din siya sa gym lalo na kung wala kaming trabaho. “Ang tipid mo naman kumain,” sabi niya nang mapansin ang pagkain na order ko. Napatingin din ako sa pagkain na nasa harapan ko at ang kaunti nga ng order ko, pero hindi naman kasi ako nagugutom kaya ayos na sa akin ang dalawang pastry at kape. “Hindi naman ako nagugutom,” sagot ko sa kanya at nagsimula na akong kumain. Nagsimula na rin siyang kumain kaya naman saglit kaming binalot ng katahimikan. Agad naman akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Nang mabasa ko ang message ay agad ko ‘yong pinakita kay Brielle, tumango lang naman siya ng matapos niyang mabasa ‘yon. Imbes na mag-reply ay ni-check ko na lang ang schedule ko ngayong buwan. Nagbabalak kasi akong magbakasyon kaya naman kailangan kong isakto ang vacation leave ko sa panahon na wala masyadong client o kaya naman kapag tapos na ang mga event na ako ang nag-ha-handle. Napangiti naman ako agad ng makita ko na wala akong client pagdating ng katapusan. Dalawang linggo mula ngayon kasi ay may event ako na inaasikaso, debut ‘yong handle ko na event ngayon at naayos ko na rin naman na ang mga kailangan ayusin, nakapag-book na rin naman na ako ng venue, catering, sound team, at kung ano-ano pang kailangan. Kailangan ko na lang palang mag-follow up sa kanila sa susunod na linggo para ipaalala ang event. Matapos kong i-take note ang mga dapat kong gawin ay ibinaba ko na ang cellphone ko at bumalik na sa pagkain. Nang mapatingin naman ako sa harapan ko ay nakalahati na niya ang pagkain niya. “Alam mo ba na bago na ang CEO ng MWO?” tanong niya kaya naman napailing ako. Wala akong alam sa kung anong kaganapan sa business world dahil hindi naman ako nakakapanood na ng balita at mas lalong hindi ako interesado. Basta ang alam ko lang ay may edad na ‘yong dating CEO kaya naman ipapamana na niya ang kompanya sa anak niya. Saglit kong tinigil ang pagkain bago sumagot sa kanya. “Ang bilis naman, parang narinig ko lang no’ng nakaraang linggo na nasa hospital ‘yong CEO nila,” I said at muling pinagpatuloy ang pagkain. “Hmm. Pero ayon nga, no’ng isang araw lang sila nagkaro’n ng bagong CEO and siya na ang nag-ha-handle agad ng company,” paliwanag niya pa. “Kung gano’n posible na siya ang kumuha sa atin para mag-organize ng mga event nila?” agad na tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Napatango na lang din ako at hindi na nagtanong pa. Ang alam ko kasi ay medyo mahigpit ang dating CEO ng MWO dahil gusto nito private ang lahat ng event na meron ang kompanya nila. Ang alam ko rin ay mayro’n silang sariling event organizer, kaya nga gano’n na lang ang pagtataka ko kanina ng mabasa ko ang offer nila. Matapos ‘yon ay muli kaming binalot ng katahimikan dahil parehas na kaming naging abala sa pagtapos sa pagkain. Isa pa ay may meeting din kami maya-maya kaya naman hindi pwede na magsayang kami ng oras dito. Dapat talaga ay mamayang hapon pa ang meeting namin kasama ang Management Team ng MWO, pero nag-text kani-kanina si Ms. Lopez na na-move nga ang meeting at ngayong umaga na gaganapin. Mabuti na lang din at wala akong dapat puntahan kaya naman makaka-attend ako ng meeting. “Kumusta pala pagpa-plano mo sa bakasyon mo? May itinerary ka na?” agad na tanong ni Brielle matapos niyang kumain. Tumango naman ako sa kanya at inabot ko ang cellphone ko. No’ng nakaraan ko pa kasi naayos ang itinerary ko, kaya naman magpa-file na lang ako ng vacation leave para makapag-book na ako ng flight at hotel na tutuluyan ko. Sakto at may meeting din kami ngayong araw kaya naman magpapaalam na rin ako agad. “Nice, Palawan! Ayaw mo subukan mga water sports?” muling tanong niya at saka binalik sa akin ang cellphone ko. “Ang ganda naman ng itinerary mo, relaxing, bagay na bagay sa’yo,” dagdag niya pa. “Hindi ko ma-e-enjoy mga water sports, lalo na mag-isa lang ako,” sagot ko naman sa kanya. “Edi isama mo ako,” masayang sabi niya pa kaya tinarayan ko na lang siya. Sa aming dalawa kasi ay siya ang mahilig sa mga gano’ng bagay. Mas gusto niya ‘yong nakaka-thrill na itinerary samantalang mas gusto ko ‘yong chill at nakaka-relax lang. “Mag-vacation leave ka na lang din pagkatapos ng mga event na hina-handle mo,” sabi ko sa kanya at saka muling tinignan ang nagawa kong itinerary. “Hay, bakit ba kasi ang dami kong naka-book ngayon. Ang aga mo naman kasi magbakasyon, nainggit tuloy ako,” imbes na sumagot ay napailing na lang ako sa kanya. “Pero sa bagay, ngayon ka lang naman magba-bakasyon.” Kagaya nga ng sabi niya ay ngayon lang ako magba-bakasyon talaga. Sa ilang taon ko na nagta-trabaho rito ay never akong nag-leave talaga, kahit na may sakit ako ay pumapasok pa rin ako. Kaya naman kilalang kilala ako rito bilang workaholic. Minsan ay nagyayaya si Brielle na magbakasyon pero tumatanggi ako dahil mas gusto kong mag-trabaho. “Bakit mo pala biglang naisipang magbakasyon?” nagtatakang tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. “Naalala ko kasi no’ng na-hospital ka dahil ang taas ng lagnat mo pero mas pinili mo pa rin pumasok kaysa magpahinga.” “Hindi ko rin alam, actually. Bigla ko na lang naisipan one time na parang gusto kong magbakasyon. Na gusto kong gawin ‘yong mga bagay na hindi ko nagagawa dati,” wala sa sariling sagot ko sa kanya. “You know, kung hindi lang tayo magkaibigan, iisipin ko na may malaki kang pamilya na binubuhay kaya napakaworkaholic mo,” pabirong sabi niya kaya naman natawa rin ako sa kanya. “Kaloka ka naman kasi mag-trabaho, para kang may walong anak na dapat pakainin,” dagdag niya pa kaya lalo akong natawa. “Kaya pala madalas na tanong sa akin ng mga trainee ay kung may anak na ako,” natatawang sagot ko sa kanya. Paano ba naman kasi, kapag may mga bago kaming trainee ay madalas na tinatanong nila sa akin kung may anak na ako o kaya naman kung ako ang breadwinner ng pamilya. At kapag sinasabi ko na hindi, nagugulat na lang sila, lalo na kapag nalalaman nila kung ano ang family background ko. Kahit naman kasi na walang magsabi sa akin ay napapansin ko minsan na pinag-uusapan nila ako, well hindi naman mawawala ang gano’n sa trabaho. Pero hindi naman nakaka-offend ‘yong ginagawa nila kaya naman walang problema sa akin. Mostly kasi ng naririnig ko tungkol sa akin ay kung bakit napakaworkaholic ko kung wala naman akong binubuhay na pamilya. “Alam mo ba, narinig ko no’ng nakaraan na bakit kailangan mo pa raw mag-trabaho kung mayaman naman ang parents mo. Sabi naman baka itinakwil ka raw kaya ka nagpapakahirap mag-trabaho,” natatawang sabi niya pa. Napailing na lang ako at mabilis na tinapos ang kape ko. “Tama na nga chika, tara na may meeting pa tayo,” sabi ko sa kanya at inayos na ang gamit ko. Matapos naming iligpit ang pinagkainan namin ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming opisina para maghanda sa meeting mamaya. Pagdating ko sa opisina ay bumungad agad sa akin ang secretary ko na may dala-dalang mga papel. Agad kong kinuha ang mga papel sa kanya ng makalapit ako at isa-isa kong tinignan ang nakalagay do’n. “That’s the list of possible wedding venue and caterers for the wedding of Mr. and Mrs. Castro,” paliwanag niya habang nakasunod sa akin. “Okay, thanks. Anyway, please follow up these venues for the debut of Ms. Reyes,” I said at inabot ko sa kanya ang ‘yong listahan ng mga dapat niyang i-follow up. “And no need to attend the meeting na later. Pa-follow up na lang ‘yang mga list and update mo kung anong progress.” “Yes, ma’am,” she said at nagpaalam na. Nang makaalis siya ay inayos ko na ang mga kailangan kong dalhin para sa meeting mamaya. At dahil may halos isang oras pa bago ang meeting ay isa-isa ko nang ni-check ang listahan na binigay ng secretary ko. Marami pa pala akong gagawin ngayong araw, pero mabuti na lang at hindi gano’n kabigat ‘yong mga dapat kong gawin kaya naman hindi masyadong nakaka-stress. Mabuti na lang din at masisipag ang na-assign sa team ko kaya naman madali naming naaayos ang mga dapat ayusin. Matapos i-check ang mga venue ay muli kong inayos ang mga listahan at nag-assign na ng kung sino ang dapat pumunta sa lugar na ‘yon. Kapag kasi pumipili ng venue at kung ano pang kailangan sa event ay mas gusto ko na nakikipag-meeting pa muna bago ako pumili ng ipapa-approve sa client.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD