Episode 6: My Bestfriend

1023 Words
Nandito na ako sa room ko pero parang gusto ko nang umalis ng malaman ko na nasa iisang floor lang kaming dalawa. Tumunog naman ang telephone na nasa coffee table ko kaya sinagot ko ito agad. "Hello." Bati ko pero walang may nagsasalita sa kabilang linya kaya pinatay ko na lang. Hindi nagtagal ay tumunog ulit ito at kinuha ko na naman. "Hello." Wala pa ring sumasagot. "Alam mo kung sino ka?! Go to hell!" Sigaw ko at papatayin ko na sana siya ng may biglang sumagot. "Ryko." Mahina lang ang pagkasabi niya pero nahulaan ko kaagad kung sino 'to. I don't want to assume and put my hopes high. Pinatay ko na siya kaagad at humiga sa kama ko. Tama ba ang narinig ko? Siya ba talaga 'yon? Alam kong may nag iba sa boses niya pero tanda ko pa din ito kahit matagal na ang huli naming pag-uusap. May kumatok naman sa pintuan ko kaya tumayo na ako at binuksan ito. Si Kuya Niko. Gabi na pala pero hindi ko man lang namalayan. "Kakain na tayo." Sabi niya. "Susunod na ako, Kuya. Magbibihis muna ako." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at isinirado ko ito ulit. Kinuha ko na ang towel ko at pumunta na sa banyo. I need to take a bath dahil sa nanlalagkit na ako. *** Pagkalabas ko ay hinihintay ako ni Angelo sa ibaba. "Tara na, Ate! Nasa resto na sila Lolo." Sabi niya sa akin at hinila na ako. Naka floral dress lang ako at naka tsinelas akala ko sa may harapan kami ng bonfire kakain or parang boodle fight pero sa resto? Nakarating kami sa isang resto kung saan makikita sa pampang. Ang ganda lang pagmasdan ng mga lantern na nasa may tubig. This place is so romantic na kikiligin ka kapag kasama mo ang jowa mo but I don't think bagay ako dito. Habang papalapit ako sa kanila Papa at Mama ay kinakabahan ako dahil sa mga mukha na ngayon ko lang ulit makikita. Bakit 'di nila sinabi sa akin na ngayon ito? Sana naman nakapaghanda ako. Nadaanan ko si Kuya August at nakangisi lang ito sa akin. "Hindi halata na hindi mo pinaghandaan, Ryne." Tawang-tawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at tumigil ako sa gitna nila Kuya Miko at Kuya Niko. Ang nasa harapan ko ay ang lalaking hindi ko alam kung kaya ko bang harapin. "Kanina ka pa namin hinihintay." Reklamo ni Kuya Niko at nakakunot ang noo niya. Ano na naman kaya ang problema ng mokong na 'to? "Sorry po, hindi kasi ako nasabihan na kailangan palang maaga. Nakapag-attendance na ba?" Sarcastic kong sagot sa kanya sabay irap pero umismid lang siya. Nagmamaldito na naman po ang mokong na Niko. "Let's eat now! Mamaya na natin pag-usapan ang mga dapat nating pag-usapan." Sabi ni Lolo kaya kumain na kami pero pakiramdam ko parang hindi ako makakakain ng maayos dahil sa may tumitingin sa akin. Pilit ko man 'to balewalain ay hindi ko magawa. Ayokong i-angat ang tingin ko dahil baka magkasalubong kami ng mata, ayokong makita niya na apektado pa din ako. Ayoko rin na makita niya ang mata ko kung saan lahat ng nararamdaman ko ay dito mo makikita. Hindi nagtagal ay tapos na silang lahat at ako na lang ang mag-isang kumakain. Hindi kasi ako mapakali, ayaw na ayaw kong may tumitingin sa akin kapag kumakain. "Anong plano niyo, Drew?" Tanong ni Lolo sa Daddy ni Aero. Hinayaan ko lang sila na mag-usap at kumain lang ako. Sana naman iyong tumititig sa akin ay makidlatan na dahil sa hindi na ako komportable. "Kanina pa siya nakatitig sayo." Bulong ni Kuya Niko sa gilid ko. Siniko ko lang siya dahil sa sinabi niya. Hininto ko na ang pagkain at nag excuse ako sa kanilang lahat. Alam kong nagulat sila sa biglaan kong pagtayo pero hindi na yata ako makahinga sa tension na nararamdaman ko sa mesa. Alam ko na si Aero ang tumitingin sa akin. Alam ko ang mga titig na 'yon. Same stares but it feels like a different now. Umalis ako sa resto at pumunta ako sa tabing dagat. Mas maayos pa kung dito muna ako. I need air to breath dahil sa na s-sufocate ako sa resto na 'yon. Bumuntong hinga ako at tumingin sa kalangitan. Bakit pa ba siya bumalik? Maayos na ang buhay ko at ngayon, sisirain niya na naman ulit. Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko para akong mamamatay sa frustration dahil sa nangyayari ngayon. Umupo ako sa may buhangin at tumingin sa dagat. Maraming mga barko ang nasa pampang ngayon. May mga nangingisda din. Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang maraming bituin. Kung wala ako sa sitwasyon na 'to ngayon baka nagdiwang pa ako sa sobrang ganda ng nakikita ko. I can't even smile just for once. It looks like I don't deserve to be happy. Parang pinanganak lang ako para saktan. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hinayaan ko na lang dahil baka isa lang 'to sa mga pinsan ko. "Bakit nandito ka?" Tanong ko pero wala naman sumagot kaya hinayaan ko na lang. Mas gugustuhin ko pa yata na bumalik na lang ng Paris at takasan na lang lahat ng nangyayari dito. Papayagan naman siguro ako nila Papa? Tapos tutulungan ako ni Kuya Miko pero paano si Lolo? I'm so doomed. I'm stuck between choosing what I want and what is right. "Kung hindi ka magsasalita, just better to leave. I need time for myself alone." Sabi ko pero nagulat na lang ako ng tumawa ito. Nang lingunin ko kung sino ito ay nagulat ako. Isang lalaki na ngayon ko na lang ulit nakita. "Marco?!" Gulat kong tanong. "Exactly!" Sagot niya na tawang-tawa pa din. Akala ko isa sa mga pinsan ko dahil sa pabango niya. Nakalimutan ko na pareho pala sila ng pabango ni Kuya Max. Niyakap niya naman ako kaya para akong natuod. Kailan ba ang huling kita namin ng kaibigan kong 'to? Almost 4 years na din yata? Last is iyong---- 'wag na nating balikan. "4 years lang ang itinagal ko sa States naging madrama ka na." Asar niya sa akin kaya kinurot ko siya. "Aww!" Daing niya. "Nagiging sadista ka na rin." Reklamo niya. Kumalas ako sa pagyayakapan naming dalawa at hinarap ko siya. Ngumiti siya, 'yong ngiting "Ngumiti ka din dapat" kaya napangiti din ako. The living diary of my life. Finally, I'm in the arms of my best friend. --- -JustForeenJeo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD