Episode 5: Sun Russes

1023 Words
Kasalukuyan kaming nasa byaheng lahat. Kasama ko sa sasakyan si Kuya Miko and Kuya Niko kasama din ang nurse ni Lolo. Si Kuya Miko ang nasa driver seat then ako ang nasa passenger seat at ang dalawa naman ang nasa backseat. Apat lang kami na magkakasya sa kotse ni Kuya dahil sa maliit lang ito. Gamit namin ngayon ang Matte Black Audi8 niya. Ito ang first gift ni Papa sa kanya kaya lagi niyang ginagamit. Kuya Niko and Kuya Miko are collecting cars. Hindi ko alam kung ano ang makukuha nila dito, gumagastos lang yata sila ng pera. Nag c-convoy kami ngayon sa dalawang van na magkakasunod. Ayaw ni Kuya Niko doon dahil siksikan daw. Gusto ko siyang sapakin sa kaartehan niya na mas maarte pa siya sa akin. "Kuya, ilang oras raw ang byahe?" Tanong ni Kuya Niko na naglalaro sa cellphone niya. "Dalawang oras, malapit na tayo. Gutom ka na ba, Ryne?" Tanong ni Kuya Miko. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Busog pa naman ako so I shrugged my head. "Busog pa ako, Kuya." Tumango lang siya sa akin at humarap sa harapan. Kinakabahan naman ako habang palapit kami ng palapit sa resort na pupuntahan namin. I don't think that this is the right time para magkita kami ulit ni Aero. Not now,  dahil hindi pa ako handa. Hindi nagtagal ay nakarating na kami. Naunang lumabas si Kuya Niko at pinagbuksan ako ng pintuan. "A princess is always a princess." Sabi niya sa akin habang nag stre-stretching siya. Kinurot ko lang siya sa tagiliran niya. Nasanay ako na ginaganito nila ako kaya magtiis siya. "Niko, kunin mo na itong mga gamit dito!" Tawag ni Kuya sa kanya. Pumunta na din siya sa compartment at kinuha ang mga trolley namin. Nauna ng dumating sila Papa, nasa loob na siguro sila. Kinuha ko na ang kamay ni Mae, ang nurse ni Lolo at hinila ko na siya papasok ng resort. "Paano po iyong mga gamit ko Ma'am, Ryne?" Tanong niya. Ngumiti muna ako bago ko siya sinagot. "Alam na ni Kuya Miko ang gagawin doon." Sabi ko at kinindatan ko na lang siya. Nang makita ko ang dagat ay nabitawan ko na si Mae at tumakbo na ako sa dagat. Sobrang ganda, mala-crystal water ang tubig. Plus ang mga coconut tree na nagpapadagdag ng kagandahan. It looks like a paradise. Kung alam ko lang na nag e-exsist itong ganito kagandang beach baka hindi boracay ang una kong pinuntahan ng dumating ako dito sa Pilipinas. "Alam na ng isang adventurer ang resort na ito. Panigurado babalik-balikan niya ang resort na 'to" Nakita ko si Kuya Niko sa tabi ko na nakatingin din sa dagat. "You already know this before bago pa ako makabalik?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana ito ang una kong pinuntahan." Reklamo ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Paano ko sasabihin sayo kung hanggang ngayon hindi ka pa din naman nakakapagmove-on?" Natigilan ako sa sinabi niya. What does he mean? Alam ba ni Kuya ang nangyari 4 years ago? Naramdaman niya yatang natigilan ako kaya tumingin siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya. "I know what happened 4 years ago, bago ka pa pumayag na magpatuloy ng degree mo sa Paris, Ryne. Hindi mo maitatago sa akin 'yon." Napanganga ako sa nalaman ko kay Kuya. Kaya ba hinayaan niya na lang akong umalis? I know Kuya Miko will agree to that thought because para sa akin 'yon. But Kuya Niko that time, alam kong magrereklamo siya pero hindi niya ginawa. "Why didn't you tell me?" Gulat kong tanong sa kanya pero ngumiti lang siya at niyakap ako. Bakit ang drama ng nangyayari sa akin ngayon? "Kasi alam ko na mahihiya ka." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya but I know hindi talaga 'yon ang sagot. This guy is trying to change the topic. "Tell me Kuya bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kumalas na ako sa yakap niya at tumingin sa kanya. "Fine! Kasi alam kong ayaw mo na malaman namin kaya mas naisipan mo na itago. So I thought baka mali kapag sinabi ko sayo. But right now, I think you can handle yourself. You are now much better than the Ryne that I used to know last 4 years ago." Ginulo niya lang ang buhok ko at tumalikod na sa akin. "Do you think Kuya kaya ko na kaya siyang harapin ngayon?" Tanong ko sa kanya. He just smiled at lumapit ulit sa akin at inakbayan ako. "Your heart knows about it, Ryne. Pasalamat ka nga at may Kuya kang gwapo na may words of wisdom pa." Kinurot ko na naman siya sa tagiliran niya. Mambobola pa ang mokong na 'to sa mismong sarili pa niya. Nagtawanan kaming bumalik sa mga magulang namin. Kahit kailan talaga si Kuya Niko ang maraming alam, kahit ganito lang ang ugali nito I know, na hindi niya ako pababayaan. Kaharap namin sila Mama at sila Tita. Sila raw ang magdedecide kung sino ang magkakatabi. "Okay! Attention!" Sigaw ni Tita Christina, mama nila Kuya August. "Sa first room si Papa." Sabi niya kaya inalalayan na nila si Lolo sa kwarto niya. Mas okay na siguro na nandito siya sa first floor para maging mas madali na lang para sa kanya at hindi na siya mahirapan kapag lalabas siya. "The second room ay sa kanila Johnny and Beatrice." Sila Mama at Papa. Ipinasok na ni Papa ang bagahe nila ni Mama. "The third room ay sa amin ng asawa ko." She announced. Ginawa na rin ni Tito Johnson ang ginawa ni Papa. "The third room is for John and Mariz." Ginawa na din ni Tito John ang ginawa ni Papa. "The fourth room is for Miko." Nasa ground floor lang si Kuya Miko. "Sa second floor ay si August, Lio, Mae and Angelo." "Sa third floor ay si Shellene, Max and Niko." Nagtaka naman ako dahil wala ako. "How about Ryne, Tita?" Tanong agad ni Kuya Miko. "Sira ang last room sa third floor kaya sa fourth room ka na, hija. Don't worry nasa itaas din ang room ni Aero." Sabi ni Tita sa amin. "Magpapalit na lang kami ni Ryne, Tita. Ako na sa fourth floor." Sabi ni Kuya Niko pero umiling lang si Tita. "That's Papa's decision and Aero's choice." Para naman ako kinilabutan sa narinig ko. Decisions and choices are now on the same sentences in the same moment. --- -JustForeenJeo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD