Episode 4: Yes

1030 Words
Nagising ako na mataas na ang sinag ng araw. Naramdaman kong may tumatapik-tapik sa pisngi ko kaya nagmulat na ako ng mata. "Hija, gumising ka na." Narinig ko ang boses ng Papa ko sa malambing na tono. Nang maimulat ko na ang mata ko. I saw my father sitting beside me. Niyakap ko agad siya dahil sa isang linggo na din ako na nandito sa mansion at hindi ko na sila nakikita ni Mama. "Alam kong miss na miss mo ko pero bata pa ang Papa mo para mamatay sa higpit ng yakap mo, hija." Humiwalay agad ako sa kanya at tumawa. Ngumiti lang din siya sa akin. "I missed you too." Sagot niya sa akin. "Alam kong nasabi na ni Papa ang tungkol sa pagpapakasal mo. Sinabi niya lang na gusto niya na magka-apo but the real reason behind that is para ipakasal ka niya kay Aero. Ayokong pumayag but Aero needs a wife right now at ang Daddy ni Aero ang humingi ng tulong sa Lolo mo. Pwede naman si Shellene pero masyado siyang matanda para kay Aero, kaya ikaw ang pinili niya. I trust Aero for you, hija. Sorry at wala ng magawa ang Papa mo." I smiled bitterly on what Papa said. Ayos naman sa akin magpakasal para kay Lolo but on the thought of marrying a Sarmiento. I don't think that is a good idea for me. I rather marry a Reyes, Santos or Padilla but not on a Sarmiento. "I understand, Pa. Kahit sila Kuya kahapon ay ayaw na ako ang ikasal. Mas gugustuhin pa raw nila na sila ang ikasal but it's too late. I already said yes, you can't break the rule of Perez." Nakangiti kong sabi sa kanya. He just hugged me again and faced me. "Come'on. Maghanda ka na. Pupunta tayo sa resort ng mga Sarmiento para magkakilala na kayo ni Aero." Kahit wag na, Pa. I already knew him since when we were kids. Ngumiti na lang ako kay Papa. "Yes, Pa. I'll just follow you outside. Maghahanda po muna ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya at umalis. Humilata ako ulit sa kama. Handa na ba akong harapin si Aero Sarmiento sa pangalawang pagkakataon? Huminga ako ng malalim at tumayo na, kakayanin ko 'to. If he can hurt me again then I'm willing to stand up again for the second time. *** Kinuha ko na ang trolley ko para lagyan ng mga damit. I think we will stay there for almost 2 weeks. Bibili na lang siguro ako mamaya ng bikini sa mall, papasama ako kay Ate Shellene. Hindi nagtagal ay lumabas na din ako at sumalubong sa akin si Angelo. "Good morning, Ate." Bati niya at niyakap ako. I just kissed his forehead. "Good morning too. Did you eat your breakfast na?" Tanong ko sa kanya. He just shrugged his head at tumingin sa akin. "Kakain na tayo, nasa dinning room na silang lahat." Nagpatianod na lang ako sa hila niya sa akin. Pagkarating namin doon ay naroon na silang lahat, hinihintay yata nila akong dumating. Nakita ko sila Mama at ang mga Tito at Tita ko. "Halika na dito, hija. Kakain na tayo." Sabi ni Papa kaya tumabi na ako kay Kuya Miko. Nagdasal na kami at nagsimula nang kumain. Habang  kumakain kami ay nagsalita si Tito John. Ang Daddy nila Kuya Lio at Kuya Max. "Are you really sure about the fixed marriage of Aero and Ryko, Papa?" Tanong niya kay Lolo, that Ryko again. Uminom muna ng tubig si Lolo bago siya nagsalita. "I'm sure about it." Sagot niya, it's about me again. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nag-uusap sila. Si Kuya Miko at Kuya Niko naman ay kumakain din katulad ko dahil nasa magkabilang gilid ko sila. "Sabihin mo nga sa akin, Ryne. Anong meron sa pagkain natin ngayon at focus na focus ka?" Tanong ni Kuya Niko, nang-aasar na naman 'tong mokong na 'to. Kinurot ko siya sa tagiliran na naging dahilan para ngumiwi siya at tumigil sa pagkain. "Anong meron sa ugali mo at ganyan ka? Just eat, Kuya. Kukutusan kita." Banta ko sa kanya pero tumawa lang siya. Kahit kailan talaga 'to si Kuya kung anu-ano naiisip. Bumalik ako sa pakikinig sa kanila ng may pumalakpak then nakita ko na si Lolo pala 'yon. "Be ready at aalis na tayo mamaya, ayoko ng may maiiwan." He said at tumayo na siya. Inalalayan naman siya ni Tita Mariz ang Mama ni Kuya Lio. "Ryne! Come'on! Bili tayo ng bikini." Aya ni Ate Shellene ng nagtaasan ang kamay ng mga Tita ko. "Sama kami!" Sabay-sabay nilang sabi kahit si Mama. Ngiting tagumpay naman ang iginawad ni Ate sa akin. She knows na kapag usapang bikini walang magpapaiwan na babae sa pamilya namin. Gusto kong matawa sa idea na 'yon. Hindi nagtagal ay nasa mall na kami. Pinasama nila pati sila Kuya dahil bibilhan daw nila ng mga trunks. Sila Papa at mga Tito lang ang naiwan sa bahay dahil hinahanda nila ang mga sasakyan na gagamitin namin. Pumipili na si Mama ng bikini na para sa akin pero parang hindi ko yata kayang suotin 'yong mga pinipili niya. "Get this, this, this, this and this." Sabi niya at binigay sa akin ang limang bikini. Isang blue, sky blue, dark blue, royal blue and blue green. Mom knows that I loved blue, kaya ito siya ngayon puro blue. "You look wonderful kapag sinuot mo 'yan. Trust me, anak." Alam na alam niya yata na magrereklamo ako. Dumating naman si Ate Shellene na may dalang limang pares ng bikini. Isang dark blue,  black, white, gray and red, bigla niya 'tong binigay sa akin. "Subukan mong humindi, kukurutin kita." Sabi niya sa akin kaya wala na akong nagawa at kinuha ko na lang ito. Binayaran na 'to ni Mama kasama ng mga pinamili niya. Sunod namin pinuntahan ay ang boutique para sa mga trunks, kanya-kanya na silang pili. May nakita naman ako na superman na trunks kaya kinuha ko 'to then spiderman din. Pumunta ako sa kanila Kuya at ibinigay 'yon sa kanilang dalawa. "f**k! What the hell is this?!" Sigaw ni Kuya Niko kaya nabatukan agad siya ni Kuya Miko. "Iyong bibig mo, Niko." Saway ni Kuya. Pinandilatan ko siya ng mata. Makuha ka sa titig, Kuya. Natawa naman ako ng kinamot niya ang batok niya. "Kapag walang mga chics na lumapit sa akin sa resort, malilintikan ka talaga." Bulong niya kaya tumawa na lang ako sa sinabi niya. --- -JustForeenJeo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD