Chapter 1
Halos lumubog ako sa pagkakaupo ko sa nakasaradong bowl ng banyo— kabado at takip ang sariling bibig habang hinihintay ang resulta mula sa hawak na pregnancy test.
Kalaunan din nang unti-unti ay magdalawang linya ang pulang guhit. Wala sa sariling tumulo ang luha ko na hindi ko na nagawang punasan dahil sa nagkukumahog kong damdamin.
Nabitawan ko iyon sa sahig at hinayaan ang sarili na mapahagulgol sa pinaghalong takot at pagkadismaya. Nanginig ang balikat ko habang halos manikip ang dibdib ko, rason para mapahawak ako roon.
"I'm pregnant," bulalas ko.
Ilang araw ko rin itong dinamdam, mula sa pagsusuka ko sa umaga at tipong nangangasim ako sa hindi ko malamang rason. Sa gabi naman ay hirap akong makatulog.
Doon ko lang natanto— at exact four weeks ago, I had a one night stand with a man I don't even know his f*****g name. For christ sake! Hindi ko alam kung tama bang excuse na lasing ako at hindi alam ang ginagawa.
But then as of this moment, I'm losing my hope. Panigurado na kapag lumabas ito sa media ay pagpipyestahan ako. And worst, babagsak ang career na siyang matagal kong iningatan.
I'm an entitled elite business woman with dignity, an actress with a lot of projects and a ramp model with millions of billboard and pictures posted either local or international magazine.
I cried out loud— bahala na. Gusto kong mabigyan ito kaagad ng solusyon ngunit masyadong sarado ang utak ko ngayon, hindi ako makapag-isip nang maayos.
Kaya naman ay laking gulat ko pa sa sarili nang magpunta ako sa condo unit ni Axel to seek help, ang long time boyfriend ko and my manager in showbiz industry na alam kong makakatulong sa akin.
Nahihiya at natatakot nga lang ako sa katotohanang aamin ako rito na nakipag-s*x ako sa iba, hindi ko alam kung ano ang kayang gawin niya pero kaya ko namang tanggapin kung anong magagawa nito.
After all, this is all my f*****g fault! How can I be so careless and selfish? God damn it!
Nang mapagbuksan ako nito ng pinto ay deretso akong pumasok sa loob ngunit natigil din sa gitna nang iharang niya ang katawan upang hindi ako tuluyang makapasok.
Axel has a well-built body, a broad shoulder and six pack of abs. Nakahubad ang pang-itaas niyang damit kaya nakikita ko ang pawis sa kaniyang leeg at dibdib.
Kunot ang noo kong binalingan ito, bumungad pa sa paningin ko ang madilim niyang mukha, mapupula ang parehong mata nito at amoy alak din ang bibig niya kaya natanto kong lasing ito.
"Why are you here?" baritonong sambit niya , na halos manuot sa pandinig ko ang lamig sa boses nito.
"Bi— binibisita ka," utal kong sagot.
Hindi pa mawari kung sasabihin na ba sa kaniya ang ipinunta ko rito, dahil para akong tuod na naestatwa sa kaniyang harapan.
"Why?" pagtatanong pa niya.
"I always do this. Why are you asking as if I'm not your girlfriend?" palatak ko, "You're acting weird, Axel."
Mayamaya pa nang pagak siyang matawa, nakakaloko itong tumingin sa akin pamula ulo hanggang paa at balik ulit sa mukha kong naghihintay ng maisasagot niya.
Niluwagan naman nito ang pinto, rason upang makita ko nang mas maayos ang loob ng unit nito. Dahilan din para kusang bumagsak ang panga ko nang masilayan si Hazill, ang isa sa mga ka-ramp model ko.
She's only wearing a white robe. Ang ikinagalit ko pa ay ang paglingkis ng kaniyang kamay sa braso ni Axel, as if she's saying Axel is her boyfriend.
"Baliw ka ba, Axel?"
"Why, Krisha Nicole Yu?" saad nito, talagang binanggit pa ang buong pangalan ko.
Halos pumutok ang mga ugat ko sa noo. Mayamaya pa nang walang pakundangan kong itinulak si Axel upang makapasok sa loob at walang habas na hinila ang buhok ni Hazill na siyang ngiting-ngiti pa sa akin.
"Damn you, woman! How dare you!" malakas kong singhal dito, "Ahas ka! Mang-aagaw!"
Of all people, bakit si Hazill pa? Ang babaeng itinuring ko ring kaibigan at parang kapatid. Nanginginig ang kalamnan na hinila ko ito palabas ng unit pero mas naging maagap si Axel.
Pilit ang pagkalas nito sa mga kamay ko na habang yakap-yakap si Hazill na ngayon ay umiiyak na at walang magawa. Kalaunan nang ubod lakas akong itulak ni Axel dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Hindi naman iyon ganoon kalakas, sakto lang para masaktan ang balakang ko. Mabuti na rin dahil kung nagkataon ay hindi ko ito mapapatawad sa oras na may mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.
"Who are you to hurt my girlfriend?" matigas niyang sambit na ikinapantig ng tainga ko.
Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko si Axel, inaalo nito si Hazill dahil wala pa rin itong tigil sa pag-iyak na para bang grabe siyang nasaktan. FYI, hindi pa iyon ang buong pwersa ko.
Ilang segundo akong natulala sa kanila, pinapanood kung gaano sila kakumportable sa isa't-isa kaya napapatanong ako sa sarili ko— ganoon na nila ako katagal niloloko? Kailan pa, huh?
Umasim ang mukha ko sa nakikita at pagak na natawa sa kawalan, makailang beses akong umiling para pigilan ang sarili na huwag umiyak, gayong namamaga pa ang parehong mata ko.
"Hibang ka ba, Axel? Ako ang girlfriend mo," pahayag ko, hindi na mapinta ang mukha.
Sa sinabi ko ay pagkakataon naman niya ang tumawa, animo'y nagulat saka pa nang-aasar na tinapunan ako ng tingin mula sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Girlfriend? Paano, Krisha?" pagtatanong nito, mayamaya pa nang may kinuha ito sandali saka padarag na ibinato sa akin, "Paano mo ipapaliwanag 'yan?"
Bumagsak sa harapan ko ang brown envelope at kahit may pumasok na sa utak ko kung ano ang mga iyon ay nagawa ko pang buksan ito, nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang ilang litrato.
Kuha iyon sa isang bar— ang Black Alley, kung titingnan mabuti ay parang stolen shots ito at ako mismo ang main target ng photographer. Marami sa litrato na ako lang mag-isa ngunit may ilan doon na may kasama akong lalaki.
Sa mga sumunod na pictures ay ang hindi kilalang hotel, kung saan naroon din ako. Kinukuhanan ang bawat pagpasok ko sa hotel, ang malala pa ay akay-akay ako ng isang lalaki— na siyang naka-one night stand ko.
Halos mapipi ako at natulos sa kinauupuan nang makita ko ang mga sumunod na litrato, kuha naman ito mula sa mismong CCTV ng nasabing hotel at sinadyang kunan ang mga pangyayari oras na iyon.
Wala sa sariling nabitawan ko ang mga ito at napatitig sa kawalan. I'm lost with my own words and reasons to tell, sumasakit lang ang ulo ko sa mga pangyayari.
Nang manatili akong tahimik ay tumawang muli si Axel, mabigat man ang ulo ay tiningala ko ito upang tingnan. Ngayon ay bakas sa mukha nito ang panghihinayang, ang pagkadismaya at sakit sa parehong mata niya.
"Ganiyan ang isusukli mo sa akin matapos kong iangat ang pangalan mo sa industriya, ganiyan ang matatanggap ko at ipapalit mo sa akin?" panunumbat nito, "Hindi ko malaman kung saan ako banda nagkulang dahil sa totoo lang ay minahal kita labis pa sa buhay ko. Kaya kung ano man itong nakita at naabutan mo— sukli at ganti ko rin sa 'yo."
"N— no, don't do this to me, Axel... help me, please," pagmamakaawa ko, sabay hablot sa binti niya upang yakapin at pigilan.
Ngunit umurong lang ito at lumayo sa akin, ilang beses siyang umiling na para bang pinapakitang wala na akong magagawa at pag-asa sa buhay.
"I am so disappointed, Krisha. I'm also done with you," pinal niyang sambit bago ako sinaraduhan ng pinto.
I was left dumbfounded. Tuluyan na ring umagos ang luha ko dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman. No! This can't be happening! A f*****g no, damn it!
"No! Axel!" sigaw ko nang makatayo, saka kinalampag ang bakal na pintuan sa kaniyang unit, "Open this door, please! Axel, please!"
Hindi pwedeng iwan niya lang ako sa ere, for f*****g christ sake, lulubog ako! Hindi ko kayang mag-isang harapin ito, I badly need him! Ayokong masira ang mayroon ako ngayon.
Ayokong makita ang sarili na bina-bash ng mga tao— maisip ko pa lang iyon ay natatakot na ako. I am a strong woman and yet dependent, hindi ko kayang mag-isa.
Hinarap ko ang passcode sa pinto upang ipasok ang alam kong password ni Axel ngunit hindi iyon umubra— isa lamang ang ibig sabihin nito, binago na niya ang password sa kaniyang unit.
Ilang minuto akong nanatili roon habang patuloy sa pagkalampag, natigil lang din nang mawalan na akong ng pag-asa na pagbubuksan pa ako ni Axel ng pinto.
Bagsak ang balikat na nagbaba ako ng tingin para tingnan ang mga nagkalat na pictures sa paanan ko at bago pa man iyon makita ng iba ay isa-isa ko itong sinikop at ibinalik sa envelope.
Ayaw man ay wala na akong nagawa kung 'di ang umalis dala-dala ang envelope. Ibinalik ko rin sa pagkakaayos ang saklob na ipinantatakip ko sa kabuuan ng mukha ko at deretsong bumaba ng building.
Maingat ako sa bawat kilos, natatakot na baka may makakilala sa akin at makakitang ibang tao. Nang makalabas sa elevator ay lakad-takbo ang ginawa ko, ngunit hindi pa man ako nakakaabot sa hamba ng exit ay nilipad ang pagkakasaklob ko.
Sandali akong tumigil, gusto sana iyong balikan na naiwan doon sa nilakaran ko pero hindi na nagawa nang matantong sabay-sabay na nagsilingunan sa akin ang mga taong naroon.
Ang iba sa kanila ay nagulat at tila slow motion sa paningin ko na inilabas ang kanilang mga phone para itutok sa akin, iyong pag-aakala kong pagkakaguluhan nila ako sa reyalisasyong artista ako ay nagkamali ako.
"Hindi ba't si Krisha iyan? Iyong may video scandal?"