"Pour water and vinegar. Apply heat and let it boil," pahayag ko kaya dahan-dahan ay nilagyan ko ng tubig ang kaserola na nakasalang. Matapos iyon ay muli kong binalingan ang book recipe na binili ko last week. I'm actually cooking paksiw na bangus since wala si Asher dahil naroon pa ito sa dalampasigan. Nauna na ako sa bahay dahil balak ko sanang magluto para sa tanghalian namin, nagkusa na rin ako dahil palagi na lang ito ang nagluluto para sa aming dalawa. Isa pa ay pagod siya kaya ako na lang muna. "Cover and continue to cook in a low to medium heat for fifteen minutes," bulong ko saka hininaan ang kalan. Wala sa sariling napangiti ako, titig na titig ako sa niluluto dahil inaabangan ko talaga ang pagkulo nito. Mayamaya pa nang makarinig ako ng yabag sa likuran at bago ko pa man ma

