Umawang ang labi ko para sana magsalita ngunit tila hangin lang ang lumalabas doon. Is this even for real? Iyong pagtibok ng puso ko ay naging triple at hindi na mapapatawaran. Fuck! Talaga bang pinangatawanan na namin ang salitang mabilis? Sandali kaming natahimik pareho, na pati ang paligid ay para bang nakikisama sa amin. Open space ang balcony doon, kitang-kita ang malawak na karagatan ngunit kalmado ang mga alon nito. Ang mga huni ng ibon, ang mga nagtatayugang puno na kanina lang ay naghahampasan dala ng malakas na hangin ay naging tahimik sa pandinig ko. As if they are giving us respect. Samantalang si Asher ay matiyagang naghihintay ng isasagot ko habang malalamlam ang mga matang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ko, animo'y kinakabisado ang bawat sulok. Hawak pa niya ang ma

