Chapter 2: Who are you?

2230 Words
I made a poem out of you Rhymes written all in blue Forgive me not, this is all true Hoping mindlessly not to be sue Take the love from me not a life It’s all yours Take the piece of me but not my whole insanity It’s all yours to be true… to be honest A life urges and consuming me in Jokes to me were never thought to lean As it is a piece to tell you in emotion I swim In emotion, I rather scream -ley --- Nasa loob na kami ng classroom at isa isa na kaming dumiretso sa mga pwesto namin. Since alphabetical ang arrangement, medyo malayo sila sakin aside kay Lexi. Altajeros, Sofia sa pinakaharap, at Winton, Lexi naman sa pinaka dulong upuan. Isang linya ng upuan ang pagitan namin ni Lexi habang nasa kabilang side ng room si Sven dahil magka hiwalay ang girls sa boys. Sa ganitong paraan daw kase mas madali mag attendance sabi ng mga Prof naming giliw. Luminga pa ako sandali sa labas para tanawin ang iilan pang dumadaang estudyante. Maya-maya, dumating ang Prof namin na si Sir Layug na may dala- dalang isang rim ng bond paper. Malamang sa malamang ay yun na yung ite- take naming midterm exam sa subject niya ngayon. Narinig ko namang bumulong si Lexi na kanina pa pinagkaka interesan yung Hard case na may picture ko nga. “b***h anong gagawin mo dun sa, album? Kung ayaw mo sakin na lang, ako na makikinig.” Nilingon ko siya at sinaway dahil baka makita kami ng prof na nagdadaldalan at pareho pa kaming mapalabas ng wala sa oras. Iniayos ko ang gamit ko sa ibabaw ng desk. Ilang sandali pa ay bumati si Sir Layug. Isa- isa niya ng ipinamahagi yung test papers. As soon as nagbigay siya ng signal ay nag simula na ang buong klase sa pagsagot. Agad kong isinulat ang lahat ng mga alam ko sa bawat items na binabasa ko. May iilan na medyo nahirapan ako pero na-manage ko naman na masagutan lahat. Lumipas ang isang oras at nag pasa na rin ang buong klase ng test papers. Normal scene na rin siguro talaga na magtanungan ng sagot after ng exams no? Mapapansin mo sa buong classroom yung tunog na kala mo bubuyog dahil kaniya-kaniyang businesses sa pagtatanong ang mga kaklase ko. Nakarinig naman ako ng malalim na boses, “Pwede namang magsagot ng mali no? Baka kase maperfect ko yung test eh.” Wika ni Sven at pangisi-ngisi pa sa tabi ko. Hindi ko napansin na nandoon na siya kasama si Sofia at Lexi. Napairap naman kaming tatlo at sabay sabay pang nagtawanan. Natapos ang magkasunod na midterm exam sa dalawang subject na hinahawakan ni Sir Layug samin. Oras na rin ng lunch time kaya napag pasyahan naming apat na lumabas ng campus para kumain. Nung una ay nagtuturuan pa kami kung sino ang magdedecide kung saang fast-food kakain, pero napag desisyunan din na sa Mcdo na lang dahil may wifi roon. Pagkarating namin doon, nagtungo kami agad sa bakanteng upuan sa may bandang dulo. “Order nako, alam ko naman kakainin nyo sure ako” wika ni Sven. Nagtanguan naman kami bago nagkaniya- kaniyang connect sa wifi. Binuksan ko naman agad ang f******k ko at ilang friend requests ang tumambad sa screen. Autumn Corpuz Confirm | Delete Amber Forbes Confirm | Delete Kristen Jaymes Pingul Confirm | Delete Arj Rivera Confirm | Delete Llyana Bartolo Confirm | Delete Isa-isa kong ini-stalk iyon at nakita ko naman na pare-pareho silang mutual ng isat- isa. Nakita ko rin na mutual friends nila si Sven at Lexi. Pinindot ko isa- isa ang confirm button. Matapos noon, nag tungo ako sa Twitter. May follow requests, since naka private ang account ko. Pagtingin ko ay pare-parehong mga pangalan ang nakasulat doon. Maya-maya pa ay nag- notif naman ang phone ko ng paulit-ulit sa sunod-sunod na follow requests sa **. Napakunot noo nalang ako. Luminga pa ako sandali sa palagid bago magdesisyong hayaan na ito. Ibinaba ko na ang phone matapos iyon. Sakto naman na naka order na si Sven at naghihintay na lang na dumating ito. “Sunod-sunod notif ah? “ mapaglarong sabi ni Sofia na sinundan ng tingin ng dalawa pa. “Bells ha baka gusto mo magshare, parang di ko kinakaya yung mga pasabog mula kanina ha! “ dagdag ni Lexi. Napailing na lang ako dahil halatang magsisimula lang sila ulit ng panibagong pang aasar. Hinayaan ko silang mangulit hanggang sa sinabi ko na rin. Napairap pa ako. Alam kong hindi sila titigil hanggat hindi nalalaman. “Followers, friends request. Basta sunod-sunod pare parehong pangalan lang naman.” Maikling sabi ko. Halatang naintriga lalo yung dalawa lalo na si Lexi na umusog pa nga palapit sakin. Umalingawngaw ang mapang intrigang tanong ni Lexi, “B*tch sino?? Baka kilala ko. “ lumingon ako sakanya at tumambad sa akin ang nakataas niyang kilay. “Autumn Corpuz? Amber chu chu, Arj, Kristina Pingul, at Bartolo daw eh? “ pa-tanong kong sabi dahil hindi rin naman ako sure kung tama nga ba ang pakaka memorya ko sa mga pangalan, maliban dun da naunang pangalan. Tumayo saglit si Sven at kinuha ang orders namin. Tutulong sana si Sofia pero nag-stay na siya dahil ayaw yatang maka- miss kung meron mang mapag-uusapan. “Kristina? Baka Kristen! Kilala ko yang mga yan!” confident na sabi ni Lexi. More of, pagalit at pasigaw palang sabi niya. Sa buka ng bibig niya eh tila kilalang kilala niya nga ang mga yun. Tinapunan ko naman siya ng nalilitong tingin. “Lalo na yung hayop na Amber! Ex ko yun. Cheater! Di malayo cheater lahat yan mag to-tropa yan eh!” padabog niyang sabi. Natawa naman kaming dalawa ni Sofia sa reaksyon niya. Akala mo ay luging- lugi. Maya-maya pa ay may papalapit na crew sa table namin na may dalang tray. Sa likod niya naman, si Sven na nag co-concentrate naman sa pagbabalanse ng tray na hawak niya. Naiintindihan namin na mabagal siyang maglakad dahil may pagka- clumsy siya sa ganong bagay. Nagsalitang muli si Lexi, “Pero hindi ko kilala yung Llyana… Yung Amber lang saka yung dalawang babae kasi nakasama ko na minsan mga yun. “ inambahan ko naman siya ng tanong, “Pero mutual friend mo sa f******k no?” siya namang pag irap nito sakin. Natawa na lang kami ni Sofia dahil halatang bitter na bitter pa ito. Pagkarating ni Sven sa mesa ay nagsimula na agad kaming kumain. Two piece Ala King at may extra rice pa ang inorder niy. Di rin nawawala yung favorite naming BFF Fries. Tuloy tuloy kaming nag kwentuhan habang kumakain. Maya maya pa eh nauubos na namin ang lahat ng pagkain sa mesa. Bigla namang nag- open ng topic si Sven, “Malapit na yung intrams. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong walang klase o malulungkot ako dahil part tayo ng broadcasting.” Hindi ko naman nakuha agad ang pinupunto niya. Lumingon naman si Sofia kay Sven bago tuluyang nagsalita, “Marami naman kayo sa Radio Org diba? Kung sasali ka man sa volleyball team ng COE eh sigurado namang may papalit sayo sa pag broadcast ng Mondays and Wednesdays.” aniya habang inuubos ang natitirang pagkain sa tray niya Kaya naman pala hindi ako makarelate dahil wala naman akong sport na alam laruin plus hindi naman ako naa-assign sa pag bbroaccast ng mga events tuwing intramurals, mabuti na lang. “Naalala ko tuloy na photojournalist nga pala ako. Ibig sabihin takbo- takbo nanaman ako kung saan-saan nito. “reklamo naman ni Lexi na sinuklian naman ng mahinhin na tawa ni Sofia. Naalala ko tuloy yung unang beses na nag-cover ng Athletics tong si Lexi. Hindi niya rin maipaliwanag kung papanong higa ang gagawin niya makakuha lang ng maganda litrato ng mga paa ng tumatakbo sa course. Well kung hindi naman dahil sa pag e-effort niya noon ng sobra ay hindi siya makikilala ng bongga sa Journalism team ng College Department. “Ginalingan mo kasi masyado! “ patawang sabi ni Sofia na siya namang Badminton ang nilaro nung nakaraang taon. Nagsalita naman agad si Lexi, “Parang di mo rin ginalingan non ah? Diba nakalaban niyo pa nga sa mix badminton yung ex mo kaya gigil na gigil ka ring manalo. “ sinuklian naman ni Sofia ng irap. Tawang-tawa naman ako dahil on point naman ang pagkakasabi nito. Kung anong hinhin niyang kumilos kapag kasama namin siya, ibang karakter ang ipinapakita niya sa tuwing nasa loob na ng court. “Nasaan ka naman nung nakaraang intrams Bells?” paglilipat ni Sven ng tanong sa akin bago isinubo ang huling serving ng kanin mula sa pagkain niya. Inalala ko naman kung ano nga ba ang ambag ko nung nakaraang taon. Napaisip pa ko ng malalim eh wala naman talaga akong ginawa noon dahil wala akong interes sa sports at pumasok lang naman ako para sa attendance, plus nagpasa ng na-late kong kulang na requirement sa isang subject. Napatingin ako saglit sa kanila bago pa magsalita, “Ako? Hindi ko na rin maalala. Wala naman kasi akong sport at hindi naman ako naaassign sa pag bo-broadcast ng events dahil baka magkamali mali ako. “ Nag-agree naman silang tatlo dahil alam nila kung gano ako naguguluhan sa pagkakaiba ng badminton, table tennis at iba pang sports. Kahit may script pa yan, mabuti na yung nag- iingat. Matapos namin maubos lahat ng pagkain, nagpahinga kami saglit. Unti-unti ng napupuno ng mga tao ang lugar dahil labasan na rin siguro ng iba pang department sa University. Nagpaalam ako na pupunta sa public restroom at hinayaan naman nila akong pumunta doon mag isa dahil hindi pa naman nila ganun ka-kailangan ang pag gamit nito. Agad kong tinungo ang palikuran sa kabilang dulo ng lugar, bitbit ang duffle bag ko. Nang marating ko iyon ay agad akong pumwesto sa lavatory. Walang ganong tao sa loob kaya matapos kong ipatong nag-duffle ay binuksan ko ito para kumuha ng towel at powder. Naramdaman ko na bagyang nanakit ang ulo ko kaya napatigil ako at saglit na pumikit. Masyado yatang napalaban yung sampung natitirang brain cells ko kanina. Pinasan lahat ng bigat ng naipong lessons mula June hanggang August eh. “U-uhm. E-excuse me.” Dinig ko ang garalgal na boses. Unti unti kong minulat ang mata ko. Napatingala pa ako sa nadatnan ng mga mata ko. Isang babaeng nasa 5’6 siguro ang height dahil obvious na mas malaki siya sa akin. “Oh sorry, gagamit ka?” wika ko habang tinuturo yung lavatory sa harap namin. Nakita ko na nag-iwas siya ng tingin at parang kabado pa. Hinintay ko naman siyang sumagot. “U-uhm… N-nahulog kasi yung towel m-mo. “ nilingon ko naman ang towel ko na nasa lapag nga. Akmang pupulutin ko na iyon ng mapansin kong ganun din ang gagawin niya. Hindi ko napansin na magkaka tamaan kami ng ulo. “I-Im S-Sorry.” Nerbyosong sabi nito. Napailing naman ako sa sakit dahil parang nagkaroon ng galaxy sa paningin ko. Huminga ako ng malalim at saka inialalay ang kamay ko sa lavatory. Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko kasama ang towel. Unti-unti namang bumalik sa dati ang paningin ko. Kung ide-describe ay akala mo humihiwalay ang ilusyon ng mga bagay sa orihinal na porma nito at bumabalik rin ng paunti-unti. Nang umayos ang paningin ko, dahan-dahan kong naaninag ang nasa harapan ko. Pagkakita ko sa kaniya ay sobrang namumula na siya na ikina taranta ko naman. “Huy ayos ka lang? Hala pasensya na.” wika ko sabay hawak sa magkabilang balikat niya. Nakasuot siya ng bomber jacket na may panloob na sando at tight jeans naman na perpektong yumayakap sa lower frame niya. Naka loafer shoes din ito nmat bahagyang nakikita ang foot socks nito pero hindi naman nakakasira sa maganda niyang ayos. Malaya nakababa yung buhok niya lumalampas hanggang sa siko. Maihahalintulad sa buhok ni Hailee Steinfeld, hindi ganon ka curly, sakto lang at shiny. Napahaba ang pag examine ko sa kaniya hanggang sa napansin ko naman na halos hindi na siya gumalaw at mas namumula pa ito ngayon. Nag-panic naman ako sa hitsura niya dahil baka napalakas ng sobra ang pagkakatama ko sa kaniya kanina Magsasalita na sana ako ng bigla siyang pumiglas sa pagkakahawak ko at dali daling lumabas ng restroom. Gulat kong sinundan ng tingin ang pagtakbo niya. Halos mabangga niya pa ang hamba mg pintuan ng cr dahil sa pagmamadali. Anong problema niya ? “Huy sandali!!” sigaw ko pero mukhang wala rin namang chance na marinig niya yun. Sana lang ay makita ko siya ulit para makapag sorry naman ako ng maayos. Nang maalala kong may naiwan nga pala akong kaibigan kanina, inayos ko na rin ang gamit ko pati na rin ang sarili ko. Napailing pa ako sabay tingin sa baba. Bigla namang may nakaagaw ng pansin ko. Lumuhod ako para abutin ang nakataob na ID malapit sa paanan ko. Unti-unti ko itong ibinukas at nagulat na lang ako sa nabasa ko… ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD