bc

Any Kind of Happy

book_age16+
323
FOLLOW
1.1K
READ
versatile
drama
sweet
gxg
campus
first love
turning gay
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Happiness has a peace in it.

Si Yna Suarez ay isang kilalang radio broadcaster sa University organization nila habang parte naman ng isang banda si Blanche Bartolo bilang bokalista na matagal ng nagkakagusto kay Yna. Bukod sa pagiging radio broadcaster, isang straight, masiyahin, at consistent dean's lister Education student si Yna. Kasama niya sa organization ang bestfriend niyang si Sven at ilan pa sa kaibigan niya ay sina Lexi at Sofia.

Isang introvert, bisexual Architecture student naman si Blanche. Sa kabila ng halos perpektong buhay ng bokalista bilang isang Bartolo, Blanche is suffering from Anxiety and Depression. It is never eay for her to maintain a stable emotion. It's like as if she's trying to find her any kind of happy. Not until Yna came.

Sa kalagitnaan ng semestre at isang tipikal na araw ng air ni Yna noon nang ma-feature sa programa nila ang The Topic Band, ang bandang kinabibilangan ni Blanche. Matapos ang ere, sa tulong ng mga kabanda, nagkaroon ang bokalista ng pagkakataon para mabuksan ang pinto upang unti-unti siyang mapalapit kay Yna.

Makuha kaya ni Blanche ang loob ng dalaga?

Ano kaya ang mangyayari sa Straight na Radiobroadcaster na si Yna?

Certified Gender bender nga kaya ang bokalista ng banda na si Blanche?

Tuluyan kayang makamit ng bawat karakter ang Any Kind of Happy nila?

P.S. Uneditted Story. Sorry sa grammatical errors and typographical errors :<

chap-preview
Free preview
Chapter 1: DJs
I wanted to be part of it Just did not know how I’ll fit I badly want to be it’s half Want to be the reason behind each laughs But I couldn’t I just can’t I wish you to be mine Just didn’t know if it’s fine -ley --- Bella’s. “Heyy, ready? On cue ha? “wika ni Sven na halatang handang-handa na kasama ang apat na lalaki. Dali-dali kong nilapag ang mga gamit ko. Sabay- sabay kaming pumasok sa booth saka umupo sa kaniya-kaniyang pwesto. Isinuot ko agad ang headphones at marahan itong in-adjust palayo sa isang tenga ko ang isang side ng headphone. Isang bahagi lamang ang ginagamit ko. Maya-maya, sumenyas si Sven na ipe-play na ang opening music ng aming programa. Ilang saglit lang ay naka ere na kami at naghihintay na lang ng cue niya para sa kani-kaniyang linya. Nauna ng nagsalita si Sven, “Magandang-magandang umaga sa inyong lahat taga saan ka man, mapa anumang lahi, sekswalidad, relihiyon, o kurso.” Aniya habang hinihintay ang parte ko. “Single man, in a relationship or it’s complicated status. Ang oras natin ngayon ay ganap ng ika-7 ng umaga, araw ng Miyerkules. This is,” wika ko na agad naman niyang sinundan, “On Air with Sven Tobias… “ pagpuputol niya. “…and Isabella Suarez!” pagtatapos ko sa aming intro Bahagya kong inikot ang pihitan ng equipment. Unti-unti namang humina ang musika. Matapos noon, kinuha ko ang kape sa tabi ko. Nagkaroon naman ng buhay sa loob ng booth ng magsimulang mag salita si Sven sa mikropono Sa kabilang side kung saan nakaupo ang bandang mag pperform mamaya, napansin ko ang paulit-ulit na paglingon ng lalaki sa direksyon ko. May hawak siyang gitara, sa tabi niya ay parang kakambal niya dahil iyon at iyon din ang itsura. Nginitian ko siya na sinuklian niya rin naman ng malapad bago yumuko. Sus! “What’s up to all our listeners out there! Midterms na, buhay pa ba kayo? Hahahahahha!” nag tawanan naman ang kambal na nanonood sa bawat galaw namin. “Syempre, kakayanin ng fellow students natin iyan Sven. Bagsak man ang katawan, basta di babagsak sa exam!” energetic kong sagot. “Para sa pangarap ika nga. At yun na nga!” wika ng partner ko sabay pindot sa aparato na mag produce ng isang mahinang sigawan sa background, more of a cheer. Ganoon ang trabaho namin sa loob, habang nagsasalita ay kung ano-ano ang ginagalaw. Multi-tasking ika nga, ngunit para sa amin ay tila naglalaro lamang kami sa loob. Minsan napapaisip ako kung kapareho ba ng atmosphere dito sa booth ang atmosphere sa mga nakikinig sa labas. Nasabi noon ng Broadcasting Org na pansin naman nila na nag eenjoy ang kapwa namin estudyante na makinig sa programa namin. Kung hindi ba naman dahil sa payo tungkol sa school, entertainment at lalong-lalo na sa pag ibig ang pag uusapan sinong hindi magiging interesado, diba? “Well panibagong araw, panibagong advice para sa panibagong problema nanaman tayo. Ang sender natin ngayon ay galing sa, “ pagbibitin niya sabay pinindot ang equipment sa harapan ko kaya naman lumabas ang mahinang drum roll. “Galing sa Junior High School Department partner. Baby pa to, mukhang kailangan nating magpaka kuya at Ate dito ah, basahin mo na partner” dugtong niya. Marahan ko namang binuklat ang piraso ng papel. Hindi ganun kahaba ang nakasulat kaya inassume ko na mabilis lang kaming matatapos ngayon. “Dear Kuya Sven and Ate Yna, hindi naman na mahalaga kung anong pangalan ko kasi secret lang naman to. Naguguluhan kasi ako, as in sobrang confused. May nakilala ako na volleyball player at kailan lang nalaman ko na crush niya ako. Hanggang sa napapadalas na yung interactions namin. Okay lang naman sakin, pero kase babae kami pareho. Don’t get me wrong, hindi ako against sa lgbt pero, hindi lang po talaga sumagi sa isip ko na maging part nun. Ayun nga, nakilala ko itong babae na ito, unang kita ko palang sa kaniya ay iba na agad ang naramdaman ko. Basta ang alam ko noon, straight ako. Malinaw pa sa malinaw na straight ako, pero nung nakilala ko siya, naco- confuse na po ako. Hindi ko po alam kung attracted na ba ako sa kaniya or ano? Anong gagawin ko?” dahan-dahan kong binasa ang bawat letra sa papel. Nang matapos ko iyon eh napailing naman ako sabay ngiti sa mga detalyeng nalaman ko. Nagsalita si Sven habang mino-modulate ang mga aparato sa harapan, “Alam mo sender hindi ka magse-share sa, amin ng story if in the first place ay hindi ka attracted kay suitor. Gets mo ko partner? Like, kung wala kang feelings sa kaniya hindi ka naman maba-bother or mapapa-question sa sexuality mo right?” iling ni Sven. “Gender partner.” Pag tatama ko. “Alright, gender rather. Btw you’re asking anong gagawin mo? Hmm for me lang ha, wala naman atang natatapakan na tao.Try to hear yourself out.” Dagdag ni Sven. Mabuti na lang ay may pagka love expert tong partner ko. Most of the time ay tina-tackle niya ang emotional advice dahil may pagka-sympathetic nga ito. Ako naman, nag du-dwell madalas sa labas ng emotional advice, kung baga ay mas nananaig sakin yung pag a-advice sa pang intellectual side. Kaya naman natawag kaming perfect duo ni Sven sa pag a-advice. Sabi na rin ng Journ Org, bukod sa nakakatulong na kami sa pag a-advice ay nakakapangaral kami ng mga nakikinig sa amin. Bahagya akong lumapit sa mikropono upang dagdagan ang naunang advise ni Sven. “Bunso there’s nothing wrong about loving someone with the same s*x as yours. Your heart recognizes emotions. Kung sa tingin mo magiging masaya ka riyan why not right? And we’re in the 21st century where everyone is now openly accepting differences of cultures and beliefs. If you’re confused right now it is okay. Sooner or later, you will know kung ano or sino ka ba talaga. Take your time to grow.” Wika ko sabay layo sa itim na mikropono pagkatapos ng mahabang advice ko. Napansin ko naman na lahat ng mata ay nakatitig sa akin, particularly, yung apat na lalaki sa harapan namin. Napataas naman ako ng kilay. ‘What?’ bulong ko. Nakita ko namang nangilid yung ngiti ni Sven at saka na nagsabi-sabi ulit. May ilang minuto pa kami para sa airtime. Natapos na rin siya sa pag aadvice at muling binaling ang atensyon sa 4 na kalalakihang naghihintay ng pagkakataon nila para mag perform. Mabuti na lang ay hindi sila nainip sa pag hihintay na matapos tong unang parte ng programa. Napansin ko ang pag makina ni Sven sa mga aparato sa harap namin. “Bago matapos ang air time natin partner, guess who’s joining us this morning?” ani Sven sabay lagok sa bote ng tubig na hawak-hawak niya. Nag-adjust naman ng upo yung apat na lalaki. Lumapit akong muli sa mikropono bago tuluyang nagsalita. “Of Course! Ready na ba kayong ma-serenade ngayong umaga? Ihanda na natin ang mga tenga natin dahil, The Topic Band is in the house! Good Morning and welcome sa ating humble program.” Nagpalakpakan naman kami sa loob after ng pag iintroduce. “Good morning! Thank you sa pag invite sa amin to perform on air.” Wika nung lalaking akala mo pang koreano yung buhok. Halos lahat sila ay naka bomber jacket at parang uniform na rin ng banda nila, wash day naman ngayon kaya kahit kami ng partner ko ay hindi rin naka uniform. “Our pleasure, btw pakilala naman natin sila isa isa ayan, para sa mga di nakakakilala sa The Topic Band.” Tugon ko. “We have Llyan the drummer. Albert on Keyboards, we have our guitarist, si Blanche, but she didn’t make it today. Calumn our basist but he’ll be our substitute guitarist. And I’m Autumn, vocalist.”, aniya sabay adjust papalapit pa sa mikropono sa harapan niya. Ganun rin ang ginawa ng mga kasama niya, nag rready dahil sa ilang sandali lang ay pagkakataon naman nila para magperform. Muli akong nag anunsyo para sa pagpapatuloy ng programa, “Alright, in few minutes, Hear out this amazing band from the College of Engineering and Architecture! As they perform the melodic live cover of ‘Comethru by Jeremy Zucker. “ sabay pihit sa aparato. Nagsimula na ang kanta, nag fist bump naman kami ni Sven dahil isa nanamang session ang natapos. Agad kong ibinaba ang headphone ko saka tuluyang inubos nag kapeng dala dala ko kanina. Sa kabilang banda, kita naman si Sven na nag eenjoy sa tinutugtog ng banda. May pa-sway-sway pa ng ulo’ng nalalaman, napa ngiti naman ako. Ilang sandali pa ay natapos na sila sa pagkanta at kaniya- kaniyang sabi ng pasasalamat. “This is On Air with Sven, Yna and The Topic Band! Good Day Honorians! Peace Out!” masiglang outro ni Sven. Sa puntong iyon ay unti-unti ng humina ang background music, senyales na tapos na ang programa para sa oras na iyon. Isa-isa naman kaming nagkamayan ng mga tao sa loob ng booth, sabay bati na rin ng kabilaang good job sa bawat isa. Pag labas ng booth, nakuha ni Sven ang attention ko sa biglaang pag akbay nito. Napalingon naman ako sa kaniya at ngiting-ngiti siya. “Parang di ikaw yun nag advice kanina ah.Parang may hugot eh. Kwento ka naman.” Pang aasar nito. Siniko ko naman siya sa dibdib na naging dahilan ng pag aray nito. Hindi naman makakaila yung closeness namin dahil kapitbahay ko lang siya simula pa pagkabata, bestfriend na nga kung tutuosin. Inayos ko saglit ang suot ko bago isinabit ang duffle bag sa balikat. Nilingon ko ang orasan na sakto namang nakatapat sa ika-8 na numero. May oras pa ako para mag review dahil 9 palang ang pasok ko. Paglabas namin sa broadcasting room ay patuloy pa rin ang pangungulit nito. Ano bang iku-kwento ko eh wala naman? “Nga pala naaalala mo yung sinabi nung vocalist kanina? Yung Blanche? Kilala mo ba yun?” aniya na tuloy pa rin ang pag sunod sa akin. Kung hindi ko lang kilala tong si Sven ay bibigwasan ko na siya. “What about her?” sagot ko habang patuloy na tinatahak ang hallway. May mga iilang studyante na nginingitian kami, may iilan naman na bumabati talaga. Perks yata ng pagiging kilala dahil sa pag ho-host tuwing umaga sa radio ng school. Muntik ko ng makalimutan may kasama nga pala ako. “Balita ko, kasi alam mo naman lahat ng news sa school nasasagapko.” Paabitin nitong sabi. “Kaya hindi siya nakapunta kanina ay nahihiya sayo.” Pag papatuloy niya. Ano naman? Tinapunan ko siya ng inip na tingin at mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Mabuti na lang ay di kalayuan yung library mula sa broadcasting room. Paglabas namin ng building eh yung katapat na building lang ang papasukin namin which is malapit rin sa College building namin. “Kung nagkataon maiilang yun, lalo na yung topic kanina eh tungkol sa LGBT. Balita ko kase crush ka da—” pinutol ko na ang sinabi niya at nagmadaling lumakad papunta sa usual spot na inuupuan ko dito sa library. Wala akong panahon at interes na pag usapan ang crush-crush dahil may hinahabol akong pangarap. Ironic mang pakinggan na taga advise kami ng campus yet here I am with no experience from it. Malamang sa malamang ay yung mga naaadvise ko ay nakukuha ko lang din naman sa panonood ng mga K-drama. Agad kong inilabas ang notes ko para magbasa. Naramdaman ko naman na umupo sa harapan ko si Sven. Ang hirap magkaroon ng bestfriend na chismosa no? Magsasalita pa sana siya ng sinenyasan ko siya sa pamamagitan ng pag taas ng bahagya sa notes ko. Kailangan kong magreview dahil may binabawi akong score sa huling quiz ko. Tinignan ko saglit yung cellphone ko baka nagtext yung dalawa pa naming kaibigan na sina Sofia at Lexi. Sila lang namang tatlo yung nag iis-spice up ng boring kong buhay. Btw, pare- pareho kaming Education ang course, halata naman sa pagiging madaldal ko at ni Sven hindi ba? “Hoyyy what’s poppin’ b*tch???” matinis na bati ng kaninang binabanggit kong pangalan. Umusog naman ako agad para pa-upuin si Lexi, ang pinaka maingay at magaslaw sa grupo namin. Kasunod namang umupo si Sofia sa tabi ni Sven, unlike Lexi mahinhin ito at go with the flow lang. Hindi siya yung tipo ng mahinhin na as in dalagang filipina. More of, mas graceful lang ang mga galaw niya pero todo din yan mang asar. Ika nga ay modern dalagang filipina, basta ganun. Maya-maya naramdaman ko ang bigat ng braso ni Lexi na dumantay sa balikat ko. Aniya, “B*tch narinig ko yung The Topic sa radio kanina ha? So hindi talaga sumipot yung Blanche no???” Nag taas ng kilay si Sofia halatang makikiusyoso na. Nag turuan at kindatan naman si Lexi at Sven, kung hindi lang nag uumapaw sa appeal tong lalaking to mapagkakamalan mong silahis. Nang asar naman nag ang iisang lalaki sa grupo, “Paanong sisipot eh nahihiya nga daw sa crush niya!” “Hulaan ko Isabella ang pangalan ng crush niya?” eto na nga at dumamay na rin si Sofia. Nag apiran naman silang dalawa ni Lexi, alam nila kung pano ako asarin no. Muntik ko ng makalimutan na nagrereview nga pala ako. Hinayaan ko silang mag kwentuhan tungkol dun sa kung sino man yung sinasabi nila dahil kahit yung apat na lalaking kasama namin sa booth kanina ay hindi ko rin naman kilala. May dalawang subject pa akong rereviewhin, nawa umabot yung bilang ng kayang kargahin na lesson ng mga natitirang brain cells sa utak ko. Kung hindi man nila kayanin ay paalam na lang sa Dean’s lister’s spot no. Lumipas ang ilang minuto na nagrereview ako. Hindi ko na namalayan na medyo tahimik na yung tatlo. Pag angat ko ng ulo ko, hindi ko alam kung anong reaction ang ibibigay ko ng biglang, “Hi.” Bati ng lalaki kanina sa booth sabay abot ng naka ribbon na kulay black na parang manipis na kahon. Autumn yata yung pangalan kung tama ang pagkaka alala ko sa pang koreano niyang buhok. Nakita ko ang malapad na ngiti ni Lexi at Sofia sa gilid. Hindi maipinta ang itsura ni Sven, as if naman artista ako no? Char. Biglang nagsalita si Calum mula sa gilid, “Pinabibigay ni Blanche. “ nahihiya pa ito habang inaabot ang parang hard case ng CD. Siya yung lalaking palingon-lingon sa booth kanina na nginitian ko. Napatitig ako doon at nagdalawang isip pa kung tatanggapin dahil hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil hindi ko pa nga ito inaabot para kunin, kusa namang inilapag ng lalaki yung gift. Maya maya pa ay ngumiti sila at sabay sabay na umalis. Nagtulakan pa nga. ‘Any Kind of Happy’ mga letrang naka imprinta sa ibabaw ng isang Hard Case ng CD. Nakalagay din dito ang pangalan ng banda, sa ibaba pa nito ay may initials na ‘L.B.B.’ na tila pirma ang pagkakasulat. Sa isip ko naman ay baka nire-request nilang i-play namin iyon sa susunod na pag Air namin ni Sven. “B*tch patingin?!” agad namang hinablot iyon ni Lexi. Maya-maya pa ay nanlaki ang mata nito. “OMG picture mo sa booth tong cover pic ng album ah?” matinis na sabi ni Lexi. Nagsi dungaw naman yung dalawa sa direksyon ng hawak na CD ni Lexi. Noong una eh hindi ko napansin iyon, ng tignan ko ulit, nakumpirma kong ako nga iyon. “Papaanong??!” ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.8K
bc

Just A Taste (SPG)

read
893.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.9K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook