Episode 1- The Bride Who Was Left
Kung may perfect definition ng dream wedding, para kay Charmie ito na iyon ang kasal niya na halos 1 year nilang pinag handaan ni Richard. Maagang gumising si Charmie, hindi dahil sa alarm clock kundi dahil sa halo-halong kaba at excitement na parang may fireworks sa dibdib niya. Hindi siya makatulog sa sobang excitement para sa araw na ito. Sa loob ng bridal suite ng isang napakamahal at napakasosyal na Beach hotel, sinalubong siya ng liwanag ng umagang tila may sariling spotlight para sa kanya. Floor-to-ceiling windows. White roses everywhere. Tahimik na classical music sa background. At siyempre, isang buong team ng stylists na handang gawin siyang pinakamagandang bride na makikita ng lipunan.
“Charm, relax ka lang. Ang ganda-ganda mo,” sabi ng makeup artist habang dahan-dahang inaayos ang pilikmata niya. Ngumiti si Charmie sa salamin. Hindi pilit. Totoo. Ito na iyon. The day she had imagined since she was a little girl. The dress—custom-made, imported lace, bagay na bagay sa kanya. The venue—isang eleganteng beach wedding na punong-puno ng mga bulaklak. The guests—lahat ng kilala sa high society, mga kaibigan ng pamilya, business partners, influencers, reporters na discreet pero present.
At ang groom? Syempre ang long time boyfriend niya since college na si Richard.
Ang lalaking minahal niya. Ang lalaking pinili niya. Ang lalaking pakakasalan niya mamaya lang magiging siya na si Mrs. Richard Ledesma at excited na din siya sa honeymoon nila. Hindi naman sa pagmamayabang sa loob ng 8 years in relationship nila ni Richard never na may nangyari sa kanila muntik oo pero sa huli na pipigilan din nila dahil gusto nga ni Charmie ay makasal siyang virgin na iginalang naman ni Richard kaya mamayang gabi tuluyan na niyang isusuko ang kanyang p*********e sa lalaking pinakamamahal niya ang nag-iisang lalaking tama para sa kanya.
“O, excited ka ba?” tanong ng Mama niya habang inaayos ang veil niya.
“Of course, Ma.” sagot ni Charmie, may konting tawa.
“Medyo kinakabahan lang po.” Normal lang iyon naman siguro iyon, sabi pa niya sa sarili. Sino bang bride ang hindi kinakabahan? After ng ilang oras pa tuluyan ng lumabas si Charmie ng bridal suite niya para magtungo sa beach at syempre meron naka handang karwahe na may puting kabayo na siyang mag hahatid sa kanya sa tabing dagat. Para siyang isang disney princess ng sumakay na siya kanyang karwahe. Panay ang ngiti at kaway niya sa mga video na naka handa para i-cover ang kasal nila ni Chard.
Huminga ng malalim si Charm saka tumingin sa paligid, tanaw na niya ang dagat at napakalmado niyon. At ang langit ay malinaw asul na asul tulad ng dagat. Napaka perfect ng araw na yun parang may sariling plano para gawing perpekto ang lahat. Kaya hindi mapigilan ni Charm ang mapangiti ng malawak ito na yun ang katuparan ng dream wedding nila ni Chard.
Sa white-sand beach na puno ng puting bulaklak, sheer fabrics, at mga upuang nakaayos nang perpekto, nagtipon ang mga bisita—mga kaibigan ng pamilya, socialites, business partners, at ilang discreet reporters na kunwaring guests lang. Ang tunog ng alon ay nagsisilbing background music, habang ang live string quartet ay marahang tumutugtog.
“Parang eksena sa pelikula,” bulong ng isang bisita.
“Bagay na bagay sa kanya,” sagot ng isa sa mga bisita na hindi maitago ang paghanga sa mga mata.
Sa likod ng floral arch, huminto si Charmie sandali after alalayan na bumaba ng karwahe niya. Suot niya ang wedding gown na parang hiniram mula sa panaginip—flowing, elegant, sakto sa katawan niya. Ang veil niya ay sumasabay sa hangin ng dagat, parang may sariling buhay. Hawak niya ang maganda niyang bouquet, pero mas mahigpit niyang hawak ang braso ng mga magulang. Ang Mama niya sa isang side, ang Papa niya sa kabila.
“Okay ka lang ba?” mahina ngunit may lambing na tanong ng Mama niya. Ngumiti si Charmie. Totoo ang ngiti. Masaya siya.
“Oo, Ma. Ready na ako.”
"Kung hindi naman mag sabi ka lang itatakas na kita." mahinang biro ng ama na tinawanan nilang mag ina na sabay pang pinalo ang papa nilang tumawa lang ng mahina.
At ito na nga, handa na siyang maglakad papunta sa lalaking pinili niya. Handa siyang simulan ang bagong buhay niya. Sa unahan, sa dulo ng aisle na gawa sa puting kahoy at petals, nakatayo si Richard. Naka-beige suit ito, bahagyang ngumiti, halatang kinakabahan pero mukhang masaya din naman.
This is it, wika ni Charmie sa sarili niya. Nag simulang tumunog ang music cue. Tumahimik ang lahat ng mag simulang mag lakad si Charmie parang sabay-sabay huminga ang mga bisita ng tuluyan na siyang mag lakad sa aisle kasama ang parents niya.
“Ang ganda niya…”
“Grabe, parang dyosa.”
“Perfect bride.”
Dahan-dahan siyang naglakad sa aisle, kasama ang mga magulang niya. Kabado at parang gusto pa niyang maiyak habang nakatingin kay Chard na nag iintay sa unahan ng altar. Ramdam niya ang init ng araw, ang lamig ng simoy ng hangin, at ang t***k ng puso niyang puno ng pag-asa. Sa bawat hakbang, mas lumilinaw ang mukha ni Richard sa paningin niya. Ngumiti siya sa lalaking mahal niya at ngumiti rin si Richard sandali pero biglang… nagbago ang expression ni Richard, habang naglalakad si Charmie, hindi niya napansin ang maliit na bagay na magpapabago sa lahat. Sa bulsa ng suit ni Richard, may nag-vibrate na agad nitong dinukot at tiningnan ang cellphone para tingnan ang isang text message pero muling itinago ng hindi binabasa.
Sa una, binalewala niya. Wedding niya ito. Hindi pwedeng masira ng kahit ano pero muling nag-vibrate ang phone niya—mas mahaba, mas sunod-sunod. Napatingin siya pababa, saglit lang... isang segundo lang. At doon, tuluyan na niya tiningnan kung sino ba ang text ng text, nakita niya ang mensahe na nagpagulat sa kanya.
“Richard, buntis ako. Ikaw ang ama.” Nanigas si Richard sa nabasa. Parang biglang nawala ang tunog ng alon. Ang musika. Ang mundo niya at huminto sa pag-ikot. Mabilis siyang huminga. Hindi totoo ito, sabi niya sa sarili niya. Not now. Not today.
Pero may sumunod pang message.
“Kailangan kitang makausap. Please.” Napatingin si Chard kay Charmie—nasa gitna na ng aisle. Papalapit, nakangiti, umaasa.
Bumaba ulit ang tingin niya sa phone. Nag-reply siya sa nag-text.
“Nasaan ka?” Halos mabitawan niya ang phone sa sagot ng babae. Dahil nasa isang beach resort sila at kasal din daw nito ngayon. Kung hindi daw siya darating itutuloy nito ang kasal nito boyfriend nito at ang groom nito ang kikilalanin ama ng anak niya.
Parang may humila sa dibdib ni Richard, parang may humingi ng sagot sa konsensya niya. Nagkagulo ang isip niya, si Urielle ang babaeng nag text sa kanya ang long time girlfriend din niya bukod kay Charm pero syempre hindi iyon alam ni Charmie na girlfriend din niya ang pinsan nito. Ang bagay na hindi kayang ibigay ni Charm sa kanya kusang ibinigay ni Urielle. Kung 8 years na sila ni Charm, sila ni Urielle 7 years na. At masasabi niya mas makulay ang relasyon nila ni Urielle kesa sa relasyon nila ni Charmie. Ngunit si Charmie ang gusto ng magulang niya na pakasalan niya kahit alam ng mga ito ang tungkol kay Urielle ng aminin niya na gusto na niyang iwan si Charm para yayain ng pakasal ni Urielle. Syempre hindi pumayag ang magulang niya at tinakot siya na hindi niya makukuha ang mana niya.
Napatingin siya kay Charmie na napakaganda, napaka perfect nito malayong-malayo kay Urielle pero kay Urielle na buo siya naging masaya siya. Naisip niya ang kasal nila ngayon, napalingon siya sa lahat ng bisita. At pumasok sa isip niya ang isang batang maaaring mawala sa kanya. Isang bata na sila ang gumawa.
Habang papalapit si Charmie, napansin niya ang kakaibang itsura ni Richard. Hindi na ito nakangiti, mukha itong balisa, pinag papawisan at hindi mapakali.
Bakit parang may mali? tanong ni Charm sa sarili, pero pinilit niyang huwag mag-isip ng masama. Nerbyos lang siguro.
Pero biglang... humakbang si Richard. Una, isang hakbang lang nagkatinginan ang mga bisita.
“Anong ginagawa niya?”
“Parte ba ’to ng program?” Isa pang hakbang na parang sasalubungin na si Charmie na nag salubong na ang kilay at mas lalo ng tumindi ang kaba ni Charmie dahil may kakaiba sa facial expression ni Chard. Hanggang sa magulat nalang si Charm ng tumakbo si Richard, hindi papunta sa kanya kundi palayo.
Literal na tumakbo si Richard paalis ng aisle, dumaan sa gilid ng mga bisita, at tuluyang iniwan ang altar, ang kasal nila at ang babaeng ilang segundo na lang ay magiging asawa niya.
Nagulat ang lahat, may napasigaw. May tumayo, may napahawak sa dibdib at ang ina ni Richard muntik ng mag collapse ng makita ang ginawa ng anak.
“Richard?” mahina ngunit nanginginig na tawag ni Charmie na huminto ang mga paa niya sa gitna ng aisle. Na tatakbo sana din siya pasunod sa groom niya pero ang mga magulang niya pinigilan siya. Napatingin siya sa mga ito, halatang galit ang ama pero nag titimpi lang habang ang ina naman niya ay naguguluhan, hindi makapagsalita.
“Anong nangyayari?” bulong ng isang bisita.
“Tumakbo ba talaga yung groom?”
“Hindi ba siya babalik?” Pero hindi na bumalik si Richard.
Kitang-kita ni Charmie ang likod nito habang papalayo—palapit sa dulo ng beach, kung saan naghihintay ang isang katotohanang hindi niya alam. Parang may humampas sa dibdib ni Charm, hindi siya umiyak agad. Nanlalamig siya parang pinanood niya ang sarili niyang mundo na gumuho, frame by frame, sa harap ng napakaraming mata. Huminto ang musika, parang tumigil din ang oras.
At sa gitna ng beach, sa ilalim ng araw, nakatayo si Charmie Ramiro—naka-wedding gown, may hawak na bouquet, at iniwan sa gitna ng aisle. Wala ng groom, literal na nag runaway habang nag lalakad siya sa aisle. Walang paliwanag at daan-daang matang nakatitig sa kanya. Doon niya naramdaman ang bigat ng kahihiyan. Hindi dahil sa kasalanan niya—kundi dahil iniwan siya nang walang kahit isang salita.
Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng mga magulang niya. Huminga siya nang malalim at kahit nanginginig ang loob niya, itinaas niya ang baba niya siya si Charmie Ramiro sikat na super model, pinag-aagawan ng mga international designer. Kung iiwan man siya, hindi siya babagsak. Tumalikod siya at naglakad palabas ng aisle—mag-isa. Tinatawag siya ng parents niya pero hindi siya lumingon. Any moment iiyak na siya kaya habang kaya pa niyang tumalikod na taasa ang noo gagawin na niya. Napahiya na nga siya hindi niya hahayaan na kaawaan pa siya ng lahat.
Siya ang bride na iniwan sa isang araw na dapat sana’y nagsimula sa forever…pero nagtapos sa katahimikan ng dagat at wasak na pangarap.