Episode 3- After the cancel vows

2911 Words
Umiikot ang paningin ni Grae sa paligid habang may hawak na baso ng whisky, ang daming tao sa tabing dagat. Kung kaninang umaga ay puno ng magagandang puting bulaklak, tela at pangako. Ngayon ay binalot ng dilim, apoy, at musika ang tabing-dagat. Ang reception party na dapat sana’y kasunod ng kasal ni Grae Joseph Falcon ay itinuloy pa rin sa utos din niya mismo sa staff ng resort na parang walang nangyaring eskandalo kaninang umaga. Para sa mga bisita, isa lang itong exclusive beach party. Para kay Grae, isa itong pahayag na hindi siya ang lalaking guguho dahil iniwan siya ng bride. Sa buhangin ay may mga ilaw na parang bituin na bumaba mula sa langit. May DJ booth na napapa wild sa buong crown, ang malakas na bass nag papatibok ng dibdib ng lahat. Sa gitna ng crowd, may mga mananayaw na umiikot, humahawak ng apoy—naglalagablab na hoops at torches na parang ritwal ng isang gabing ayaw magpatalo sa sakit dahil na iwan. Boracay vibes ang datingan, very wild and alive. Nakatayo lang si Grae sa gilid, hawak ang baso ng whiskey habang busy sa pag-iisip kung ano ang susunod niyang hakbang, hindi puwedeng hanggang dito na lang ang lahat. Suot pa rin niya ang tuxedo na bahagya ng gusot at wala na sa ayos naka bukas ang top button dahil kagagaling lang niya sa isang biglaang meeting. Hindi na siya nagpalit. Hindi na rin niya nakita ang dahilan oa para mag bihis pa siya. Ang mga tao ay lumalapit-lumayo, nagbabatian, nagkukunwaring walang alam sa nangyari kanina sa pavillion. Mga plastic sa tunay na buhay. May ilan na nagtatangkang magtanong, pero sapat na ang isang tingin niya para umatras ang mga ito. Sanay si Grae sa ganitong eksena—ang katahimikang mas maingay kaysa tsismis. Ituloy ang gabi, sabi nga niya sa sarili. Mas madali ang plano kapag relaxed ang mundo. Kailangan lang niyang isipin ang susunod na gagawin since na bulilyaso ang unang plano pero natitiyak nya na bukas naman ay magiging magandang balita din. Ngunit wala ng pag sabog na magaganap dahil na agapan ng ama ni Urie ang mga ito. Inaabangan lang niya kung anong gagawin ni Amorsolo after ng gulong ginawa ni Urie. Habang umiikot ang tingin ni Grae sa party, may isang puwesto ang biglang umagaw ng pansin niya. Dahil sa isang babae nakatalikod sa gawi niya naka-wedding gown at mukhang lasing na lasing na dahil panay na ang bagsak ng ulo nito sa mesa at umuuga na din ang katawan nito. Bigla pang napahakbang si Grae ng makitang muntik ng mahulog sa kinauupuan nito ang babae pero napigilan naman nito ang katawan. Napabuga ng hangin si Grae saka tuluyan nalang lumapit dito dahil mukhang wala itong kasama. At ng makalapit na siya rito bigla may na alala siyang eksena kaninang umaga na nangyari. "Tatanga-tanga ka naman e! Sorry." sigaw ng isang babaeng sakay ng isang kalesa na humahagibis kaninang umaga na muntik ng sumagasa sa kanya. Tumayo ang babae na pinilit ituwid ang tayo pero halatang hindi nito kaya, kaya naman muli itong tumumba pero bago pa ito bumagsak nasalo na ni Grae dahilan para matapon ang laman ng baso niyang whiskey sa damit niya. “Sorry—sorry—sorry!” mabilis na sunod-sunod ang salita ng babae habang pilit na tumatayo nang tuwid, pero halatang hindi na kaya ng katawan niya ang balanse. Nag taas ito ng tingin, nagkatinginan sila at na bigla pa ng bahagya si Grae dahil ang ganda pala nito. Kaninang umaga kasi hindi niya masyadong nakita dahil ang bilis ng pangyayari. “Ah… ikaw, kilala kita.” sabi ng babae na muntik ng matusok sa mata si Grae dahil sa mahaba nitong kuko kung di siya agad naka atras. “Ha?” “Magkakilala ba tayo? Kasi kung oo," wika pa ng babae na inilapit pa ng husto ang mukha sa mukha niya na ewan ba ni Grae pero bigla para siyang kinabahan kaya bahagya niya itong hinawakan sa braso at inilayo ng konti. "Hala! Bakit ang guwapo mo sana ikaw nalang ang groom ko para kung takasan mo man ako, may dahilan akong umiyak." Napangiti si Grae ng bahagya. “Muntik mo akong mabangga kanina.” aniya. “Ah!” Biglang nagliwanag ang mukha ng babae. “Ikaw yung—yung—” tinuro niya si Grae mula ulo hanggang paa. “Tatanga-tanga na naka harang sa daan!” "Hahaha! what?" natatawang tanong ni Grae. "Bakit ganyan ang suot mo? Groom ka ba?" “Was,” pagtatama ni Grae. “Same,” sagot ng babae, sabay taas ng kamay na parang nag-toast. “Was din. By the way Charmie.” wika pa ng babae na pipikit-pikit na ini-umang pa ang kamay na parang gusto nitong makipag shakehands “Charmie,” ulit ni Grae sa pangalan nito parang tinatangtsa kung tama ba ang dinig niya. “Right?” “Uy, bakit mo alam mo pangalan ko?” Natawa si Charmie na hinampas pa si Grae sa dibdib na natawa. “Wait—stalker ka ba? Kasi kung oo, dapat kanina pa.” Hindi napigilan ni Grae ang tawa. Maikli, mababa pero totoo. Dahil ito ang nag sabi ng pangalan nito tapos pag bibintangan pa siyang stalker. Ibang klase din ang kalasingan nito ang bilis makalimot. “Hindi,” sabi niya. “Pero maliit ang resort. And I owned it." Tinignan ni Charmie ang sarili. Ang gown na may buhangin na sa laylayan, ang veil na wala na sa ayos, ang hawak na basong hindi niya maalala kung kailan napuno. “Talaga! Apaka perfect mo naman... sana all.” ani Charmie na bumitaw na sa pagkakahawak ng lalaki saka nag lakad papunta sa mas tahimik na bahagi ng beach, wala naman sa loob na napasunod si Grae. Napalingon naman si Grae sa mga bodyguard niya na susunod din sana pero pinigilan niya ang mga ito kaya umatras ang mga ito. Patuloy ang sayawan at kasiyahan sa tabing dagat. Ang apoy, ang tawanan nanatiling masaya ang mga tao sa paligid nila. "Haizt! Kainis naman." wika ni Charmie na saglit na lumingon kay Grae na kasabay na ni Charmie sa pag lalakad. May mga matang nakasunod sa kanila pero walang paki-alam si Grae. Sa unang tingin iisipin ng lahat lalo na ng mga guest lang ng resort, iisipan mga newlywed sila dahil sa mga suot nila. “Alam mo,” biglang sabi pa ni Charmie, “Akala ko pag iniwan ka sa altar, may dramatic background music. Yung tipong slow motion maiiyak ka sa sakit pero wala. Alon lang." turo pa ni Charmie sa alon na maingay. "Tsaka tsismis.” dugtong pa ni Charmie. “Depende sa anggulo,” sagot ni Grae. “Sa Pavilion, may string quartet.” “Wow,” sabi ni Charmie, impressed. “At tumakbo rin yung bride mo?” na tumango si Grae. “Kasama ng groom mo.” ani Grae na ikinahinto ni Charmie sa paglalakad na napalingon muli sa lalaki. “Wait—ano?” “Urielle, ang pangalan ng bride ko.” ani Grae habang nakatingin kay Charmie. “Si Richard ba ang groom mo.” Saglit na walang sinabi si Charmie. Tapos bigla siyang natawa. Yung tawang may halong sakit at di makapaniwala. "Uriella Medalla And Richard Ledesma." ani Charmie na parang hindi makapaniwala sabay tawa habang isa-isa niyang naisip ang mga ilang eksena na nakikita niyang magkasama ang dalawang taong mahal niya. "My cousin and also my bestfriend." bulong pa ni Charmie na ikinataas naman ng kilay ni Grae sa narinig. “Of course,” sabi ng dalaga na pagak na tumawa. “Siyempre naman. Kasi bakit hindi? Bakit hindi magsama ang dalawang taong mahusay sa pagtakbo eksena, galing hindi ko napansin yun ahhh! Bravo!” pumalakpak pa Charmie na muntik ng mapasubsob nanaman kung di nahawakan ni Grae. "Stay still." utos ni Grae na agad na lumuhod sa harapan ng babae at bahagyang itinaas ang ilalim ng gown nito. Napahawak naman sa ulo ni Grae si Charmie habang hinuhubad ng lalaki ang stiletto na suot niya. Bago ito muling tumayo naka ngiti na at hawak na ang high heels niya. Kinuha iyon ni Charmie at tinitigan sandali. "Sabi ng Mama ko, kailangan isuot ko daw ang pinaka magandang sapatos ko sa kasal ko kasi malayo na ang tatahakin kong daan kaya kailangan maganda at matibay ang sapatos ko." biglang nalungkot si Charmie sabay buga ng hangin at nagulat pa si Grae ng ibato ni Charmie ang sapatos nito na muntik pang may tamaan na guest buti nalang naka ilag. "Di bale ng masugatan ang paa ko at magkakalyo ako. Maglalakad ako sa daan ipapakita ko sa lahat na ako si Charmie Ramiro the highest paid supermodel in town, hindi kailangan mag suot ng magandang sapatos para lang tahakin ang magandang daan." ani Charmie sabay bagsak ng upo sa buhangin na hindi na napigilan ni Grae na napatawa nalang din na naupo sa tabi ng dalaga. “Charmie,” ulit niya, this time aloud. “Anong plano mo ngayon?” Nagkibit-balikat siya. “Uminom. Mag-drunk-text. Maniwala pa rin sa love kahit tinadyakan na ako ng universe.” “Hopeless romantic,” obserbasyon ni Grae. “Oo,” sagot ni Charmie, walang pag-aalinlangan. “Kasi kung hindi, anong silbi nito." turo ni Charmie sa tapat ng puso niya. Tinitigan ni Grae si Charmie. Sa liwanag ng apoy mula sa mga mananayaw, nakita niya ang kontradiksyon sa babae—basag pero hindi wasak. Maingay pero totoo. May sugat, pero hindi pa sarado sa pag-asa. At doon, unti-unting nabuo ang ideya sa isip ni Grae. Isang evil plan—hindi marahas, hindi madugo—kundi eleganteng masakit. Isang plano na gagamit ng liwanag na dala ng pag-asa mo Charmie para ilantad ang dilim na dala ni Urie na nagkataon na pinsan papala nito ang itinakas ng groom nito. “May tanong ako,” ani ni Grae na puno ng pag-iingat. “Shoot,” sagot ni Charmie, umiinom ulit. “Kung may pagkakataon kang ipakita sa mundo na mali sila—na hindi ka kawawa dahil iniwan ka ng groom mo at pinag palit sa sarili mong kadugo at kaibigan, gagawin mo ba?” Nag-isip si Charmie, saglit lang sabay tango. “Oo,” sagot niya. “Basta totoo.” Ngumiti si Grae. Maliit pero mapanganib. “Good.” Lumapit ang isang waiter, nag-alok ng drinks. Tumango si Grae, saka inabot ang isang baso kay Charmie. “Cheers,” sabi niya. “Sa mga kasal na hindi natuloy,” sagot ni Charmie. Nagtagpo ang baso at nag clink. Habang malakas ang musika at umiikot ang apoy, sinimulan ni Grae ang plano. Hindi niya agad sinabi ang lahat. Hindi iyon ang estilo niya. Ang una, ay pagkakataon. “Alam mo,” sabi niya casually, “Ang daming camera dito. Media loves a good story.” “Yeah,” sagot ni Charmie. “Too bad, mas gusto nila ang tragedy.” “Pwede nating baguhin ang angle,” sabi ni Grae sabay bahagyang binangga ang balikat ni Charmie gamit ang balikat niya. “From tragedy to… surprise.” Napakunot-noo si Charmie. “Anong surprise?” Tumayo si Grae at inabot ang kamay niya. “Dance with me.” “Ha?” “Trust me,” sabi niya. Tumayo si Charmie ng inalalayan ni Grae, medyo nabuway pa ng una, pero hinawakan siya ni Grae sa baywang ng mahigpit at steady, Lumabas sila sa gitna ng party. Ang DJ ay nagpalit ng beat—mas mabagal, mas sensual. Ang mga apoy ay umikot sa paligid nila, parang korona ng gabi. Nagsimulang sumayaw ang mga tao sa paligid, pero ang tingin ng karamihan ay napunta sa kanila. Ang groom at Ang bride ang mga iniwan. Hindi sa isa’t isa ikinasal pero magkasama ngayon. Narinig ni Grae ang mga bulungan ng mga tao sa paligid nila. Nakita niya ang paglabas ng mga cellphone. Nakaramdam siya ng kontrol. ito na ang hinihintay niya na first move at umaayon sa gusto at plano niya. This is how you play the game, sabi ni Grae sa isip niya. “Pogi,” sigaw ni Charmie para marinig sa ingay. “Ano’ng ginagawa natin?” "May name is Grae, marked it here!" turo pa ni Grae sa sintido niya. “Creating a narrative,” sagot ni Grae. “Ay! Evil ka, pero bet ko to.” natawa si Charmie. “Hindi, naman masyado.” sabi ni Grae. “Strategic.” Nang matapos ang kanta, palakpakan ang sumalubong sa kanila. May sumigaw ng “Kiss!” May tumawa. May nagtanong. Umatras si Grae ng kalahating hakbang at tumingin kay Charmie. “Okay ka lang?”Tumango si Charmie. “Mas okay kaysa kanina.” Sa gitna ng apoy at musika, isinagawa na ni Grae ang unang hakbang ng plano—ang ipakitang hindi sila biktima. Ang bigyan ng magandang kulay ang gabi at araw na yun. Magkasama silang naglakad pabalik sa gilid ng beach. Sa likod nila, patuloy ang party. Sa harap nila, ang dagat—saksi sa mga kasinungalingan at sa mga simula. “Charmie,” sabi ni Grae, mababa ang boses. “May iaalok ako sa’yo.” “Depende,” sagot niya. “May alak ba?” “Meron,” ngumiti si Grae. “At may hustisya.” "Hustisya hindi ba malisya ang tamang word?" Napatawa si Charmie at ganun din naman si Grae. "Falcon." sabay silang napatingin sa isang lalaki na papalapit sa kanila, tumarak naman ang mata ni Grae ng makita ang bestman niya na kanina pa siya kinukulit. Ang mayor ng bayan na yun kasama pa ang mga alepores at secretary nito na kabit din nito. "What now?" tanong ni Grae dito habang tinitingnan nito si Charmie. Ngumisi ito na tinapik sa balikat si Grae. "Iba ka talaga! Sabi ko na.., ang bilis mong nakahanap ng bagong bride." "His not my—" "Miss gusto mo bang pakasalan tong kaibigan ko, mayaman ito at masarap mag mahal." "Gago ka ba?" "Puwede naman kung aalukin nya ako ng kasal why not?" sagot naman ni Charmie na ngumiti pa. Natawa naman si Grae na mukhang talang pinag bibigyan talaga siya ng langit. "Gusto mo ba?" balik tanong naman ni Grae. "Sure! guwapo ka naman di na ako lugi... mayaman ako so, di ko kailangan ang yaman mo." sagot naman ni Charmie. "Then let's get married." ani Grae sabay tingin sa kaibigan mayor. "Pakita mo sa akin ang yabang mo at pagiging mayor mong gago ka!" mariin na baling ni Grae sa kaibigan. "Karen, bigyan mo ng form ang gago to." mabilis naman na nag labas ng form ang secretary nito mula sa bag nitong dala na tinawanan ni Grae ng makita ang form ng marriage contract. "girl scout tong bebelove ko," tapik pa nito sa ulo ng secretary nito. "Kaso paano ko naman kayo ikakasal walang wedding ring sayang naman. Mahinang nilalang ka." wika nito. "Sinong may sabi na wala meron." sagot naman ni Grae sabay inilabas ang suot na kuwintas na meron pendant na wedding ring ng mgaulang niya. "Angas mo talaga. hindi na talaga kita matalo-talo sa mga argumento, lagi kang handa." bumuga ito ng hangin at inutusan lang sila na pumirma sa form na dala ng mga ito. “By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife.” wika nalang basta ng kaibigan na natatawa hindi pa man nila na susuot ang sing-sing. "Suot mo na bago ko sabihin you may kiss the bride." "Natatae ka ba?" tanong pa ni Charmie na napapahagikgik na tinawanan naman ng lahat. "I like you, ikaw ang tunay na kailangan ng ugok na ito. Sana tama ang langit na ikaw ang ibinigay n'ya." wika ng mayor habang isinusuot ni Grae ang wedding ring sa daliri ni Charmie habang piping humihingi ng patawad sa magulang niya dahil ginamit niya sa kasamaan niya ang wedding ring ng mga ito na tamang-tama dahil sukat na sukat kay Charmie ang singsing ng mama niya. “I don’t love you. But since you suddenly showed up in my life out of nowhere, and your foolish bride left you… fine. For better or worse, through thick and thin, from heaven to earth, I’ll be your partner for the rest of my life.” wika naman ni Charmie habang isinusuot ang sing-sing sa daliri niya. "Adik ba yan? Ipa background check mo bukas." bulong ng kaibigan na binatukan lang ni Grae. "Sabihin mo na." utos pa ni Charmie na papikit-pikit na ang mata. "Ang alin?" tanong ng Mayor. "Yung kiss the bride, bagal mo kala ko ba taeng-tae ka na." muling nagtawanan ang mga ito. "This is a major catastrophe, Falcon. You may kiss the bride." anito napangiti naman si Grae, buong buhay niya ay puno na ng catastrophe kaya hindi na ito bago. Bumaba ang mukha niya at tuluyan ng hinalikan si Charmie, smack lang yun pero natigilan si Grae na napatingin kay Charnie and then the next thing happened hindi nalang basta simpleng halik ang binigay niya kay Charmie he kissed her torridly and hungrily na ginantihan naman ng dalaga. "Sus! Kala mo maiingit ako sa mga to. Hey! Get a room." wika ng mayor na kaibigan bago tumalikod na at iniwan ang dalawa. Ang gabing iyon—ang apoy, ang sayaw, ang tawa—ang magiging unang hakbang sa isang larong mas malaki kaysa sa inaakala niya. Isang larong nagsimula sa cancel vows pero dahil sa masarap na labi ni Charmie parang ma-eenjoy niya ng husto ang larong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD