Napahinto si Grae sa patayo mula sa upuan ng makita sa mismong pintuan ng opisina niya. Ang babaeng hindi niya inaasahan na makita at wala siyang balak na harapin. Wala pa siya sa mood na i-proceed ang plano niya, wala pa sa tamang program ang utak niya masyado ng nagulo ni Charmie, kailangan muna niyang mag unwind para bumalik sa dati ang systema niya. Dahan-dahan siyang tuloy ng tumayo at humarap rito ng tinatamad. Naka-suot ito ng eleganteng white blazer, ang buhok ay maayos na nakalugay sa balikat, at ang ekspresyon sa mukha ay parang matagal na siyang naghihintay doon kahit kadarating lang naman nito. "What do you want? Urielle,” mahinang tanong niya. Hindi niya inaasahan na makikita ito ngayong gabi. Hindi rin niya inaasahan na pupunta ito sa opisina niya. Mabilis na naglakad pal

